“Sinabi kong pasakayin n'yo ako!” sigaw ng isang lalakeng nakasalamin. “May kagat ka ba mula sa infected?” tanong ni Muyou habang dahan-dahan siyang lumalapit sa lalakeng nakasalamin. “Wala! Bilisan n'yo na! Pasakayin n'yo ako!” sigaw ng lalakeng nakasalamin na para bang nagmamakaawa. Napansin naman ni Muyou ang mga anino sa gilid ng isang gusali. Tinapik niya si Fuyumi at naramdaman naman ni Greg na kailangan na rin niyang pumasok sa loob ng sasakyan. “Pasok na!” sigaw ni Muyou at lahat sila ay pumasok sa loob. Pinigilan naman ni Greg ang pagpasok ng lalakeng nakasalamin. “Mukhang ikaw ang hinahabol nila. Hindi ka maaaring sumama sa amin.” sabi ni Greg habang pinipigilan niyang pumasok sa loob ng sasakyan ang lalakeng nakasalamin. “Wala nang oras.” sabi ni Fuyumi at hinawi niya ang

