Tahimik na pumasok sina Muyou sa school nila Fuyumi at sa hindi inaasahang pagkakataon, kakaunti na lang ang infected sa paligid kumpara noong una silang naparito. Marahil kinain ng Black Blade ang mga infected para lumakas siya pero agad nilang natalo ang Black Blade at ngayon ay makakakuha sila ng resources ng walang kahirap-hirap. Walang nagsasalita sa kanila habang naglilipat sila ng mga supply mula sa stockroom ng canteen. “H'wag n'yo akong alalahanin masyado. Hindi ko kailangan ng mga taong makakadagdag sa kalungkutan ko.” sabi ni Greg habang patuloy siyang naglalagay ng mga supply na galing sa canteen. Tahimik pa rin naman sila Muyou dahil hindi niya inaasahan na hahantong sa kamatayan ang buhay ni Cent. “Tama ka. Mawawalan ng saysay ang pagkamatay ni Cent kung hindi tayo magtata

