Chapter two

1060 Words
"Class, aalis na tayo five minutes from now. May kulang pa ba?" "Wala na po, ma'am!" sagot ng halos lahat kaya wala siyang nagawa kung hindi ang tunguhin ang pwesto sa tabi ni Marco. Tumayo agad ito pagkakita sa kaniya at hinayaan siyang sa tabi ng bintana umupo. "A-are you sure it's okay with you?" tanong niya na inaarok ang reaksiyon nito. "Oo naman." seryosong sagot nito. "Thanks!" aniya bago tunguhin ang upuan sa tabi ng bintana. Lihim na napangiti si Marco. Hindi niya akalaing ang isang Vrenda Dela Vega ay marunong mag-pasalamat. "Uhhmmm...." narinig niyang tumikhim ito nang pareho na silang nakaupo pero hindi niya nilingon. "Bakit ka na-late? I mean..." maya-maya ay tanong nito pero nanatili siyang walang kibo. Narinig niyang humugot ito ng malalim na hininga bago muling nagsalita."Okay,  I think it's about what happened sa canteen? Na-realize kong mali ang ginawa ko. I'm really sorry!" "Don't you know na ikaw ang unang beses na gumawa sa akin no'n?" she made sure na mahuhuli niya ang mata nito ng sabihin niya iyon. Desidido siyang kunsensyahin ito. "I'm really sorry!" he said in a low tone voice and she heard sincerity in him. Lihim siyang nangiti. "About your question, My hypocrite maid. Nakalimutan niya kong gisingin ng maaga." inaasahan niyang hindi na ito kikibo dahil nasagot na niya pero mali siya dahil sinermunan pa siya nito.  "Not because she's your maid doesn't mean you have the authority to call her a hypocrite. You should be thankful with her kasi siya ang nag-aasikaso ng lahat ng kailangan mo." anito na ikinatahimik niya. Although mahinahon naman ang pagkakasabi nito, hindi nakaligtas sa pandinig niya ang damdaming nakapaloob roon. Iritasyon. "But all I want her to do is gisingin ako ng maaga. Pero alam mo ba kung ano ang ginawa niya? Nagbabad sa telepono kausap ang boyfriend niya kaya nakalimutan ang dapat gawin! Tingnan mo tuloy ang nangyari, na-late ako." pangangatwiran niya ng mahagilap ang sariling tinig.  "Actually, hindi siya obligadong gawin 'yon dahil malaki ka na, Vrenda. Hindi ka na pre-school student para gisingin pa. Nag-alarm ka sana, 'di ba? Well...just saying. 'Wag ka sanang magalit." nakangiting sabi nito na tiningnan ang reaksyon niya. "Whatever!" "Sorry talaga sa nangyari sa canteen ha? Hindi ko dapat ginawa 'yon." "Mabuti naman at alam mo! That was so embarassing. Sobrang napahiya ako." "I know. Sobrang pressure kasi kami ngayon sa team dahil malapit na ang Intrams. And that day, nasabon ako ng todo ni coach kaya wala rin ako sa mood 'nung lumapit ka. Again, I'm sorry!" I didn't mean to do that." "Kalimutan mo na 'yon, quits na tayo dahil pinaupo mo ko rito ngayon." isang totoong ngiti ang ibinigay niya sa binata. Masaya siya dahil hindi naman pala nito intensyong dedmahin siya talaga. Sa isip ay crush na ulit niya ang gwapong volleyball captain.  "Salamat." tila nahihiyang sabi nito na napahimas pa sa batok.    "So, single ka?" diretsahan tanong niya. Afterall gusto niyang malaman kung totoong wala itong nobya. "Well...yeah." nakangiting sagot nito. "Why? I mean gwapo ka naman. Wait, alam ko na! Katulad ka rin 'nung ibang boring boys na gusto muna daw magtapos ng pag-aaral kuno?" "As simple as that." tipid na sagot nito. "Poor boy, sinasayang ang kagwapuhan." mahinang usal niya. "Alam kong gwapo ako, Miss Vrenda Dela Vega. Gusto ko lang na sa tamang babae ko maparamdam ang pagmamahal ko." "Eewww! Ang corny mo! Sa edad mong 'yan alam mo bang nagbibilang ka na dapat ng girlfriends?" "Kagaya ng pagpapalit mo ng boyfriends monthly? No. Gusto ko, isa lang ang mamahalin ko, at 'yun na ang babaeng ihaharap ko sa altar." seryosong sabi nito na sa pagkamangha niya ay tumitig sa mga mata niya. "Wooaahh! Alam mo, napaka-seryoso mong kausap. Feeling ko tuloy thirty years old ang kausap ko e.  Anyway, hindi naman ako magpapalit ng magpapalit ng boyfriend kung nakita ko na sa kanila ang talagang gusto ko, pare-pareho silang lahat." napatingin siya sa labas ng bintana ng sabihin iyon. "Pare-parehong ano?" he seems so curious. Ramdam niya ang pagtagilid nito at pagharap sa kanya.  "Well...nevermind!" binuksan niya ang bag at kinuha ang wallet pagkatapos ay may inilabas doon.  "Here's my number." abot niya dito. "Hindi ko hinihingi ang number mo." anito na hindi na nakatingin sa kaniya. "Come on. Stop pretending na wala kang interes sakin, Marco. Basang-basa ko na kayong mga lalaki." siguradong-siguradong aniya na isinuksok sa gilid ng bag nito ang calling card na hindi nito tinanggap. "Inaantok ako, Miss Dela Vega. Kaya baka okay lang na mamaya mo na ulit ako kausapin, pwede?" "Fine! Antipatiko!"     Hindi na sila muling nagkausap hanggang sa humimpil ang bus sa unang destinasyon nila na Ocean Park. Tatayo na sana siya kaagad ng huminto sila pero maagap siyang hinawakan sa braso ni Marco. Hindi niya alam kung nakita nito ang bahagya niyang pagpitlag. Nagtatanong ang mga matang napalingon siya rito. "Don't. Hayaan mo muna silang makababa." seryosong sabi nito na parang kung hindi mo susundin ay masasaktan ka.  "H-ha? Why?" aniya na hindi agad nakuha ang ibig nitong sabihin. "Siksikan, mamaya ka na bumaba kapag maluwag na. Baka matyansingan ka pa." tiim-bagang na anito. "Oh! Okay. Thanks!" muling umupo na sabi niya. Napatingin siya sa mga mata nito na titig na titig sa kanya. Bakit pakiramdam niya ay mayroon itong gustong sabihin. "Matuto kang tumingin sa paligid mo kapag ganyan." "Oo na!" "Let's go!" anito na hinawakan ang kamay niya para alalayan siyang bumaba ng sila na lamang halos ang nasa bus. Wala sa loob na napatingin siya sa kamay niya habang hila-hila siya nito. Natutuwa siya na gentleman naman pala ito sa kabila ng pinakita nitong kagaspangan sa kanya sa canteen. "Thank you, Marco." aniya ng makababa sila. "For?" "Sa pagpayag mo na tumabi ako sa'yo. And sa concern." "Sa susunod kasi 'wag ka ng magpapa-late. And maging aware ka sa paligid mo always." "Thanks again. It's nice talking to you, Marco." aniya matapos marinig na tinatawag na siya ng mga kaibigan. "Same here." isang alanganing ngiti ang remehistro sa labi nito. Marahil ay nahihiya dahil nasa harap na nila ang barkada nito. "Bye!" "Girl! Oh my God! Kinikilig ako!! Ang guwapo ni Marco!" tili ni Thea ng tuluyang salubungin niya ang mga ito. "I know right." "Wait, mabango?" si Sheryl. "Super." "Owemgee! Teka, kayo na?" "Sad to say, no." "What?? Ngayon lang nangyari 'to ah." gulat na gulat ang tatlo. "I know. Kaya nga mas nagugustuhan ko si Marco habang tumatagal. Ibang-iba siya sa lahat, girls. God, hindi ako titigil hanggang hindi siya nagiging akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD