Chapter 3

1167 Words
MARCO        Pasimple niyang kinuha ang maliit na papel na inipit ni Vrenda sa bulsa ng kanyang bag. Vrenda had no idea kung anong pagpipigil ang ginawa niya para hindi umamin dito kanina. Oo nga at matino siyang lalaki pero hindi siya Santo. Tulad ng iba ay isa rin siya sa humaling na humaling sa ganda ng dalaga. Nangangarap rin siya na balang araw ay mahawakan ito. Hindi. Hindi lang mahawakan ito ang gusto niya. Nangangarap siyang balang araw ay mahalikan ang mga labi nitong kulay makopa. Na lagi na ay nakatikwas na animo laging naghahanap ng halik.       Sa pagkakalapit nila kanina, langhap niya ang mabangong amoy ng dalaga. Matamis ang amoy ng pabango nito na tila nang-aakit sa sino mang makakatabi nito. Hindi rin maitatanggi na kung makinis ito sa malayo ay lalo sa malapitan. Palibhasa'y naka-pedal, hindi iilang beses siyang napasulyap sa legs nito na tinalo pa yata ang kay Gladys Reyes sa kaputian at sa hubog niyon. Kay naman pinili na lamang niyang pumikit at magtulug-tulugan para hindi na maagaw noon ang atensiyon niya. "Bro, kanina ka pa tulala diyan? Nangangarap ka ba? Teka, alam ko 'yan e. Si Vrenda ang iniisip mo tama?" "Hindi, pare." "C'mon, Marco. Kilala kita. Matagal ka ng may gusto kay Vrenda. Sa tingin ko naman ay type ka rin niya." "Hindi isang ordinaryong babae si Vrenda , pare. Hindi rin lingid sa ating dalawa na parang nagpapalit lang siya ng i.d lace kung magpalit ng boyfriend." "Ah. Now I know. Ayaw mong matulad sa mga dinispatsa niyang lalaki  gano'n ba?" "Exactly. Seryosohan ang gusto ko, Nath." "Well...medyo mahirap nga 'yan pare, knowing Vrenda."     Kung noon ay sumasagi lang sa isip niya si Vrenda paminsan-minsan. Mula ng field trip ay hindi na ito naalis sa isip niya. Bagaman hindi pa niya ito agad tinawagan o tinext dahil ayaw niyang magmukhang atat dito, hindi naman niya kayang pigilin ang nararamdaman. KASALUKUYANG nagpapahid ng night cream si Vrenda sa mukha habang nakaharap sa salaming kasinglaki ng kama niya, ng tumunog ang kaniyang cellphone at rumehistro mula roon ang unknown number ng caller niya.  "Hello?" sagot niya. "Vrenda..." "Marco??" "Hi! Yeah, it's me." "Oh hi! Napatawag ka?" bigla ang pagsikdo ng excitement sa dibdib niya. "Ahmmm...busy ka ba? Hindi ba ako nakakaistorbo?" "Nope. Now, why Mr. Marco Demicillo? Miss me?" "Well...hindi kita nakikita sa school kasi. Hindi ka ba pumapasok?" "Ahh...oo, nilagnat kasi ko after nung field trip natin." "What?? Teka, okay ka na ngayon? May lagnat ka pa rin ba?" "Wooaahhh! Easy, wala na magaling na ko. Bukas papasok na ko." "Thank God." anito na nahimigan niya ng sinseridad. Parang alalang-alala talaga ito sa kaniya. "Thanks! Goodnight, Marco! See you tomorrow." "Goodnight, Vrenda. Sleeptight."     Kinabukasan pagpasok niya ay ang tatlong kaibigan naman niya ang wala. Si Sheryl ay may sakit daw ang ina at walang mag-aalaga kaya hindi nakapasok. Ang dalawa naman ay may family gathering daw kaya wala. Mag-isa niyang tinungo ang canteen para mag-lunch. Nakaupo na siya ng may makitang tatlong babaeng fourth year din base sa I.D ng mga ito, lahat ay nakatingin sa kanya ng masama habang nagbubulungan. Nairita siya lalo't kakain pa naman  tapos ay may mga kontrabida sa paligid kaya ipinasya niyang tumayo at hinarap ang tatlo.  "What??? Inggit na naman kayo sa ganda ko?? Tsura nitong mga 'to! 'Dun nga kayo sa malayo-layo at naaalibadbaran ako sa inyo!" singhal niya sa mga ito. Maya-maya pa ay bubulong-bulong na nagtayuan ang mga babae at lumipat kung saan malayo sa kaniya. Kung nakamamatay lang din ang irap ay kanina pa siguro siya natumba dahil sa klase ng tingin ng mga ito sa kanya. Muli siyang naupo at hinarap ang kanyang tray. Nag-uumpisa na siyang sumubo ng biglang sumulpot si Marco. "Hey! Sino'ng kaaway mo?" nakangiting tanong nito na ikinagulat niya. Isang mesa lang ang pagitan nila at hindi siya sigurado kung narinig nito ang mga sinabi niya pero lihim niyang nahiling na sana ay hindi. May dala rin itong tray ng pagkain at mag-isa rin kagaya niya. "M-Marco! Kanina ka pa diyan??" "Hindi naman, naghahanap lang ako ng table sakto nakita kita. Mag-isa ka lang?" "Yeah. Hindi pumasok sila Sheryl e." "I see. Pa-share ng table, okay lang ba?" "Sure." "Thanks." ibinaba nito ang tray sa tapat niya at saka umupo. "Okay ka na ba?" "Oo, magaling na ko. Wait, wala kang practice?" "Meron pero mamaya pang alas dos." "Ahh...kumusta naman? Pressured pa rin ba?" tanong niya sa pagitan ng pagsubo. "Kasama na siguro sa pagiging team captain talaga 'yon." anito habang humihigop ng sabaw. "Well, bawi naman kasi ang galing mo." "Hindi naman,  nadadaan lang sa practice. Hindi mo na nga ako pinanonood e." may himig tampong sabi nito saka siya matiim na tinitigan. "Paano ka naman nagka-idea na pinanonood kita before?" bahagya siyang kinilig. Ibig kayang sabihin ay nakikita rin siya nito buhat sa malayo kapag nanonood siya ng practice? "Oh! Hindi ba? I'm sorry. Kain na tayo?" bigla ay nagbaba ito ng tingin at muling pinagtuunan ng pansin ang pagkain.  "Sige."     Pagkatapos kumain ay may isang oras pa sila halos bago ang susunod na subject kaya nilisan nila ang canteen at tinungo ang ilalim ng malaking puno ng mangga sa harap ng gym ng paaralan. Doon ay may mga upuang yari sa semento na hindi nasisikatan ng araw. Dagling kinuha ni Marco ang basahang nakita di kalayuan, marahil ay ginamit ng ibang estudyanteng naupo roon. Pinunasan niya ang uupuan nila ni Vrenda para siguraduhing hindi mamumuti ang kanilang pang-upo dahil sa alikabok. Doon ay pinalipas nila ang oras at nagkwentuhan ng kung anu-ano. "So tell me more about you, Marco." umpisa niya. "Well...there's nothing more interesting about me naman." "C'mon. Kahit ano lang. Ilan kayong magkakapatid?" pamimilit niya. "Three. I'm the eldest. I have two sisters." "Baligtad pala tayo. Bunso and unica hija ako." "Kumusta naman sa bahay n'yo? I mean being a daughter of Don Edilberto Dela Vega?" tanong nito na ikinatawa lang niya. "Why? Nakakatawa ba ang tanong ko?" "My parents...busy sila lagi. My mom on her botiques, si papa naman sa dalawang company namin katulong ang dalawang kuya ko." aniya na kahit pinilit pasiglahin ang tinig ay lumabas pa rin ang lungkot doon. "Bakit parang hindi ka masaya? Nasa 'yo lahat ng bagay na hinahangad ng lahat." nakatingin sa malayong tanong nito. "Hindi naman palaging masaya ang maging katulad ko, Marco. Hindi naman yaman at katanyagan lang ang makapagpapasaya sa tao. Ako, naiiwan palaging mag-isa sa bahay kasama ang anim na maids namin, sa tingin mo masarap ang feeling no'n? Ang mama ko na mas may panahon pa sa mga amigas niya kaysa sakin." "I'm sorry to hear that." sinserong sabi nito na tumagilid para humarap sa kanya. "Cheer up." pinisil nito ang pisngi niya na nagpabalik sa saya niya kanina. "Ano ka ba! Okay lang. Sanay na ko." NAPATITIG si Marco sa mga mata nito na kahit nakangiti ay may bahid ng lungkot. Hindi niya akalain na makakausap niya ng ganito ang isang Vrenda Dela Vega. Hindi lingid sa kaniya ang usap-usapan sa campus na maldita ito, spoiled brat, bully, at mahilig sa lalaki. Pero malayung-malayo ang mga katangiang iyon sa babaeng kaharap niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD