Chapter 4

1888 Words
KINAGABIHAN ay dinamba ng galak ang puso ni Vrenda nang mag-ring ang cellphone niya habang nag-mu-muni muni sa kama. Nagmamadaling bumangon siya at chineck ang cellphone. Kailangang kailangan niya ng kausap nang mga sandaling iyon dahil katulad ng dati, mag-isa na naman siya sa napakalaking mansiyon na iyon. Mabilis na ngiti ang sumilay sa labi niya nang makita kung sino ang caller.  "Hi Marco!" masiglang bungad niya rito sa kabilang linya.  "Hi! Ano'ng ginagawa mo?" tanong nito. Hindi man nakikita, batid niyang nakangiti rin ito.  "Wala, nakatitig sa kisame ng kwarto ko at naghihintay sa wala. E ikaw?" "Nakatingala sa bahay ng babaeng kausap ko ngayon at hindi ko alam kung pwede siyang bumaba rito para masilayan ko ulit ang kagandahan niya." Matagal bago siya nakasagot dahil tila lumundag ang puso niya sa narinig. "W-what??"  "I just want to see you. Nandito ako sa labas ng gate n'yo." "Oh my God! Sandali lang, bababa na ako." Dali-dali niyang pinalitan ng tshirt ang suot niyang manipis na pajama top kanina. Hindi niya alam pero ayaw niyang paghintayin ng matagal si Marco. Kanina ay gusto lamang niya ng kausap pero ngayon ay may bonus pa, si Marco pa ang makakausap niya kaya hindi niya maitago ang saya.  "Hi!" nakangiting bati nito ng pagbuksan niya ng gate.  "God! How come na alam mo kung saan ang bahay namin? Akala ko kanina nagbibiro ka lang."  "Sino ba naman ang hindi nakakaalam ng bahay n'yo? Besides tatlong kanto mula sa labas ng village n'yo lang ang bahay namin," anito sabay kindat sa kanya.  "R-really? Hindi ko alam 'yon ah! Wait, paano ka pinapasok ng guard dito sa village?" nagtatakang tanong niya dahil mahigpit ang mga guards sa exclusive village na iyon at hindi basta-basta nagpapapasok.  "Naisip ko kasi na baka mag-isa ka na naman at malungkot kaya pinuntahan kita. Look, binilhan kita ng balut. At 'yun ang idinahilan ko sa guard. Sabi ko, nagpapadeliver ng balut ang bunsong anak ni Don Edilberto, ayun pinapasok ako agad." Itinaas nito ang kamay na may hawak na paper bag. "Oh my God! Ginawa mo 'yon?" manghang tanong niya. Alanganin kung manlalaki ang mata o matatawa dahil sa pagka-amaze sa ginawa nito. Pero ang totoo, halos maiyak siya. To think na pinaglaanan siya nito ng oras para lamang kumustahin kung malungkot siya ay nagpangilid sa luha niya.  "Yeah." "Thanks, Marco. Actually, I need someone to talk to talaga. Parang libingan sa lungkot dito sa bahay namin e," sinserong sabi niya. Sobrang na-appreciate niya ang ginawa nito. "Mag-isa ka na naman ba?"  "Yeah. As always. Mamaya pa ang uwi nilang lahat. Wait, is that the egg na may sisiw sa loob?" tanong niya sabay turo sa dala nito. "Yeah. It seems hindi ka pa nakakatikim nito?"  "You're right. Never in my eighteen years of existence. Come, maupo tayo dito," aniya at iginiya ito sa sementadong balustre sa gilid ng mataas na bakod ng bahay. "Hindi na ako magugulat. Hindi nga ang tipo mo ang kakain ng balut," anito na bahagyang lumungkot. "Hey! I said hindi pa ako nakakatikim niyan pero hindi ko naman sinabi na hindi ko kakainin itong mga dala mo." Natatawang sabi niya.  "Talaga? Okay, ipagbabalat kita ng isa. Try mo lang, kung hindi mo gusto 'wag mong pilitin," nakangiti na ulit na sabi nito. "Hindi ba nakakatusok ang tuka niyan? What if bumara sa lalamunan ko ang kamay o kaya paa nung sisiw?" Iyon kasi ang na-i-imagine niya kaya never siya kumain ng balut. "That won't happen. Maliit lang ang sisiw nito. Here." Iniabot nito sa kanya ang balut na bandang itaas lang ang nakabalat.  "Okay. Hindi na kita kakausapin kapag hindi 'to masarap ha?" biro niya.  "Deal." aniya na pinagmasdan ang unti-unting pagkagat nito. Titig na titig siya sa reaksyon ni Vrenda. Ayaw naman niya na tuluyan na siyang hindi kausapin ng dalaga. "Well?" "Hmmm...it taste good naman pala. No, actually, it's great. Now I know na masarap naman pala 'to." nakangiting tugon niya habang ngumunguya pa rin at tinatakpan ng kamay ang harap ng bibig. "I told you. So, kakausapin mo pa ba ako?" natatawang tanong nito. Natutuwa naman si Marco at nagustuhan niya. Ang hindi kausapin ni Vrenda ang pinakahuling bagay na gugustuhin nito. "Thanks, Marco." aniya na ikinagulat nito dahil humilig siya sa balikat nito pagkatapos. Napalunok naman si Marco sa ginawa niya. "S-saan?" "Sabi mo hindi mo type ang mga kagaya ko pero heto ka at pinuntahan mo pa ako dito na wala pang nakakagawa kahit sino. C'mon, Marco, bakit hindi mo na lang sabihin na gusto mo ko? Kasi if that's the case, wala kang magiging problema dahil gusto rin kita."  "Vrenda..." kulang ang salitang gulat para sa reaksyon ni Marco ng mga oras na 'yon. Lumundag ang puso niya sa tuwa sa kaalamang gusto rin siya ng kauna-unahang babaeng nakakuha ng kanyang atensiyon. "Why? Mali ba ako?" aniya na nanatiling nakahilig sa balikat nito. "Vrenda..." tanging pangalan lamang niya ang muling nausal nito. "What?" natatawang ani Vrenda. "I really like you. I know from the start na gusto kita pero pinilit kong itago dahil alam ko namang sa dami ng may gusto sa'yo ay malabong mapansin mo ko. Pero hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko, Vrenda," mahabang litanya nito na nagpa-angat sa mukha niya.  "Then starting tonight, I am your girlfriend, Marco," seryosong sabi niya na ikinagulat nito.  "W-what? S-seriously? Hindi ba dapat mas kilalanin muna natin mabuti ang isa't-isa, Vrenda?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Well, pwede naman nating gawin 'yon kahit mag-on na tayo. Ayaw mo ba, Marco?" "No. Of course gusto ko. It's just that...baka..." "What?" "Nevermind." gusto niyang sabihin dito na baka pagsawaan lang din siya agad ni Vrenda kagaya ng mga nagdaang karelasyon nito pero hindi niya magawa. Saka na lang niya iisipin ang bagay na 'yon. Ang mahalaga ngayon ay sila na ni Vrenda at gagawin niya ang lahat para magtagal sila ng dalaga.  "What's on your mind?" tanong nito na marahil ay napuna ang pananahimik niya.  "Nothing. I'm so happy, Vrenda. You have no idea how happy I am tonight." nakangiting sabi niya bago inangat ang mukha nito at titigan ito sa mga mata.  "Well...I think I deserve a kiss from you for making you a happy guy tonight," anito na muling ikinagulat niya. Ang pagka-prangka nito ay hindi nakabawas sa paghanga niya para rito.  Dahan-dahang inilapit ni Marco ang mukha sa dalaga habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata nito. His left hand on her chin. Masuyo niyang hinalikan ang dalaga. Ito ang first kiss niya at alam niyang si Vrenda ay hindi pero hindi na mahalaga iyon sa kaniya. Kapwa sila napapikit ng dumampi ang labi niya rito. Tama ang iniisip niya noon na mala-talulot ng rosas sa lambot ang mga labi ng dalaga. Kapagdaka ay tinugon nito ang halik niya. Kung anu-ano ang bumabagabag sa isip niya ng mga sandaling iyon. Sadyang napakabilis ng mga pangyayari. Hindi niya akalaing sa unang pagkakataon niya itong dalawin ay uuwi siya na nobya na niya ang dalaga. Bagaman maraming naglalarong negatibong ekspekulasyon sa isip niya ay isinantabi niya iyon. Saka na niya iisipin ang katanungang paulit-ulit na umuukilkil sa isip niya. Na paano kaya kung idespatsa rin agad siya ni Vrenda. "I know na wala akong maipagmamalaki, Vrenda. Pero---"  "Sshhh...don't say that. Hindi importante sa akin 'yon."  Nang mga sumunod pang araw ay tila nakalutang sa ulap si Marco. Mabilis kumalat sa campus na mag-on na sila ni Vrenda. Hindi miminsang kinursunada siya ng mga may gusto at naging ex nito pero wala na siyang pakialam pa lalo't magkasundo sila ng dalaga. Madaling pasayahin si Vrenda kahit pa sabihing laki ito sa karangyaan. Simpleng bagay na kaya niyang ibigay ay nakikita niya ang tunay na kasiyahan sa mga mata nito.  "Thank you sa paghatid. Ingat ka pauwi," ani Vrenda habang papasok sa gate ng bahay nila. Hinatid siya ni Marco galing sa eskwela. "Vrenda, wait!"  "Why?" maang na tanong nito.  "I love you."  "Marco..." "It's okay. You don't have to say you love me too. I know na masyado pang maaga para marinig ko 'yun sa'yo. Gusto ko lang sabihin kung ano ang nararamdaman ko. Sige na, pasok ka na."    "T-take care!" tila kinikiliti ang puso ni Vrenda sa narinig. Pero paano ba niya aaminin dito na hindi siya sigurado sa nararamdaman. Oo nga't masaya siya kapag kasama si Marco pero hindi naman niya alam kung pagmamahal na bang matatawag iyon.  "GUYS, be sure na makaka-attend kayo sa party ko ha?" ani Thea habang ina-announce sa buong klase ang birthday party nito sa darating na Sabado.  "Wow, Thea, invited talaga kaming lahat?" tanong ng isang kaklase nila. "Oo naman. Sabi ng Daddy ko invite ko raw kahit buong klase, walang problema." anito na lalong ikinaingay ng mga kaklase nila. "Vren, pupunta ka?" tanong ni Sheryl. "Oo, sasama ko si Marco. Punta ka rin, She ha? Ihahatid ka namin sa inyo dahil magpapahintay na ko kay Mang Kanor no'n." Si Mang Kanor ang nakatokang maghatid-sundo sa kaniya kahit saan siya magpunta, pwera na lang kung pinapauna na niya ito kung may pagkakataong may pupuntahan siya na ayaw niyang i-report nito sa mga magulang niya.  "S-sige." Sinabi niya kay Marco ang tungkol sa birthday party ni Thea at balak niyang isama ito. Ayaw sana nitong sumama dahil hindi naman daw ito mahilig sa mga parties na gaya no'n, isa pa'y hindi naman daw nito kilala ang mga kasama nila pero pinilit niya ang binata.  "Moo, hindi naman ako mahilig sa mga parties, pwede bang 'wag na lang akong sumama?" "Boo, sumama ka na, please? Lately madalang tayong magkasama dahil busy ka sa practice for SEMIS. Kahit sandali lang tayo," aniya. Nahimigan nito ang lungkot sa tono niya.  "Sige na nga. I'm sorry kung madalas ang practice namin ngayon. I hope you understand, Moo,"ani Marco na ginagap ang dalawang palad niya. "Of course I do. I'll promise na hindi na kita kukulitin, ngayon lang." Pansin ni Marco ang pagliwanag ng mukha niya. "Thanks!" Dahil ihahatid siya ni Mang Kanor sa bahay nina Thea, sinabihan niya si Marco na hindi sila pwedeng magsabay. Naunawaan naman nito ang sitwasyon nila na hindi pa maaaring malaman ng mga magulang niya ang tungkol sa kanila.  "Akala ko kasama mo si Marco?" tanong ni Sheryl matapos niya itong daanan sa bahay para isabay sa pagpunta kina Thea. "Para namang pwede kaming magsabay, She." "So nauna na siya?" "I don't know. Basta sabi ko doon na lang kami magkita, binigyan ko naman siya ng instructions kung paano pumunta do'n." Nasa isang kilalang village rin sa San Juan ang bahay nina Thea kung kaya't ang lahat ng dadalo sa party nito ay hindi basta-basta makakapasok. Sa pagkaka-alam niya ay may ibinigay na listahan sa guard house ang kaibigan niya ng mga pangalan nila at kailangan lang nilang mag-present ng I.D para makapasok ng walang problema.  "What about, Marco? Alam ba niya?" "Oo, sinabihan ko siya to bring his I.d." Hindi pa sila ganap na nakakalapit sa bahay ng mga ito ay natanaw na niya ang nobyo. Inaasahan na niya na hihintayin siya nitong dumating bago pumasok sa loob. Kahit medyo malayo ay napaka-gwapo nitong tingnan. Nakasuot ito ng maong pants at aqua shirt na pinaibabawan ng black suit.  "Hi, Boo! Kanina ka pa?" tanong niya agad rito pagkababa ng sasakyan. Umabrisyete agad siya sa braso nito. Nakalimutan niyang nasa malapit pa nga pala si Mang Kanor. Si Sheryl naman ay nauna ng pumasok sa loob. "Hindi naman, kararating ko lang din, Moo," nakangiti ito pero halatang nahihiya.  "You know what? Ang gwapo mo lalo ngayon. Naiwan yata yung skirt ko sa kotse nung nakita kita," pagbibiro niya na ikinatawa nito. "And you are more beautiful everyday, sweetheart," ganti nito na pinisil pa ang tungki ng ilong niya. "Hmmm...let's go?" "Okay," anito na inalalayan siya habang papasok sila sa mataas na gate.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD