Chapter 5

1522 Words
Simpleng birthday celebration lang ang nangyari ng araw na iyon. Sa katunayan ay walang bisitang matatanda kung hindi halos mga ka-edad nila. Maliban sa mga bisitang kaibigan ng mga nakatatandang kapatid ni Thea. Kainan, videoke, inuman. At ang iba ay nagbaon ng damit pang-ligo dahil sinabi ni Thea sa klase na pwedeng mag-swimming sa pool kung sino ang may gusto.  "Moo, ikaw may baon kang swimsuit?" Tapos na silang kumain at nasa gilid na sila ng pool at pinanonood ang mga kaklase niyang nag-su-swimming.  "Wala. Ayokong mag-swimming," tipid niyang tugon. Bahagya siyang nangiti dahil hindi maipinta ang mukha nito. "Good, dahil hindi naman ako papayag na pag-piyestahan ng mga mata nila ang katawan mo," anitong tila nakahinga ng maluwag na ang tinutukoy ay ang mga bisitang lalaki.   "Sus! Jealous?" hinarap niya ito at pinisil sa tungki ng ilong. Ang cute kasi nitong magselos.  "You can't blame me." Niyakap siya nito kasabay ng isang halik sa ibabaw ng kanyang buhok.  "Guys!! Inuman na!!" maya-maya ay sigaw ni Thea habang hawak sa kamay ang dalawang bote ng alak na kinuha nito sa chiller sa bandang gilid ng bahay. Kanya-kanyang ahon ang mga naliligo, ang iba ay pumwesto na sa mga lamesang nakakalat sa gilid ng pool. "Let's go, Boo!" hila niya kay Marco. "Wait!" pigil nito sa braso niya.  "What?"  "Are you sure iinom ka?" "What's wrong with that? Isa pa kasama naman kita. C'mon, hindi naman ito ang first time na iinom ako. Let's go!"  Tuluyan ng walang nagawa si Marco. Minsan pa'y nagpatangay siya sa kagustuhan ng dalaga. Mas mabuti ng samahan niya ito kaysa naman hayaan niyang makipag-inuman mag-isa. Habang lumalalim ang gabi'y napaparami ang naiinom nito. Samantalang siya'y agapay lang dahil ayaw niyang pareho silang malasing. Kailangang nasa tabi siya ni Vrenda at dapat ay nasa wisyo siya hanggang sa umuwi sila.  "So Marco, how much do you love Vrenda so far?" tanong ni Thea na kasalo nila sa mesa. Lahat ay may tama na ng alak. "Mahal ko kahit ang kaliit-liitang bagay tungkol sa kaniya. I love her very much." walang gatol na sabi nito habang titig na titig sa kaniya. "How about you, Vrenda? Do you love, Marco?" pagkatapos sumagot ni Marco ay tanong naman ni Thea sa kanya.  Hindi niya alam kung gaano siya katagal natahimik. Lahat ng mata ay nakatuon sa kaniya at nag-a-abang kung ano ang isasagot niya. Bandang huli ay nahuli ng mata niya ang mga mata ni Marco na titig na titig sa kaniya. Ngunit hindi niya mabasa kung anong ekspresyon ang nakapaloob sa tinging iyon.  "Hey, Vrenda! What's wrong?" tanong ni Thea ng manatili siyang tahimik.  "N-nothing. Excuse me," aniya bago tuluyang tumayo at lumayo sa mga kasama. Natagpuan niya ang sarili sa guest room ng bahay nina Thea na nasa ibaba at pinaka-dulong bahagi ng bahay. Ilang beses na siyang nag-sleep over sa bahay ng mga ito at alam na niya ang pasikut-sikot doon. Ang nasabing guest room ay ilang beses na rin niyang natulugan. Ewan niya pero hindi niya alam ang isasagot kanina. At dahil doon ay batid niya ang ginawa niyang pagpapahiya kay Marco sa harap ng lahat ng kaklase niya.  "Vrenda, I'm sorry kung tinanong kita ng gano'n. Akala ko kasi sure ka na sa feelings mo. Hindi ko naman alam na----" ani Thea na hindi niya namalayang sumunod pala sa kaniya.  "I'm sure na galit sakin si Marco, Thea. Ano'ng gagawin ko? God!" nasapo niya ng dalawang palad ang mukha habang binabalikan sa isip ang ginawang pamamahiya kay Marco kanina.  "Bakit kasi hindi mo na lang sinabi kanina na mahal mo siya? For God's sake Vrenda! Ano pa ba naman kasing proof ang gusto mo? Sa kaniya ka lang tumagal ng ganito, besides masaya kayo sa isa't isa. Isn't not enough?" "Ayoko naman na mag-conclude agad na mahal ko siya dahil lang sa gano'n, Thea." Tumayo siya at nagpalakad-lakad sa silid. "Hay! So ano'ng gagawin mo? For sure naghihintay ng sagot yung tao," ani Thea. Kasunod niyon ang mahihinang katok sa pinto. Si Marco ang napagbuksan nito. "Thea, can I talk to your friend for a while?" anito nang ganap na makapasok. Inaasahan niyang galit ang makikita niya sa mukha nito pero pagmamahal pa rin sa kaniya ang nakikita niya roon. "Of course. You two need to talk. Excuse me." anito bago sila iwan. Nakita pa niyang ini-lock ni Marco ang pinto bago tumabi sa kaniya sa pagkaka-upo sa gilid ng kama. "So what's on your mind earlier at basta mo na lang ako iniwan do'n?" baling nito sa kaniya na sa pagtataka niya ay may maluwang na ngiti sa mga labi. "M-Marco...I thought..." "What? Akala mo galit ako sa'yo? No. That would be the last thing na mararamdaman ko para sa'yo, moo." Kinabig siya nito at isang mahigpit na yakap ang ibinigay sa kanya.  "Pero..." "In fact mas lalo kitang minahal dahil sa ginawa mo alam mo ba 'yon?" "What?? Pinahiya kita and...." "You're not. Nagpakatotoo ka lang sa sarili mo at sa kanilang lahat. I know na ayaw mong sabihin sa kanila ang isang bagay na hindi ka sigurado that's why humahanga ako sa'yo. I love you more than enough, moo. Handa akong maghintay hanggang sa kaya mo ng sabihin at aminin sa sarili mo na mahal mo ako." Masuyo nitong hinahaplos ang likod niya habang sinasabi ang mga iyon. Ramdam na ramdam niya na mahal na mahal siya ni Marco na lalo lamang niyang ikina-guilty.  Sukat sa sinabi nito ay isang mas mahigpit na yakap ang iginanti niya sa binata. Yakap na nasundan ng masuyong halik na kalaunan ay naging mapusok at mapaghanap. Kapwa pa sila nabigla ng mapagtantong napahiga na pala sila sa kama, patuloy sa paghalik sa isa't isa. Alam ni Vrenda na kapag hindi pa sila tumigil ay kapwa sila makakalimot at hahantong sila sa hindi dapat mangyari ngunit bakit hindi siya gumagawa ng aksiyon para itigil ni Marco ang ginagawa. May panghihinayang pa nga siyang naramdaman ng dahan-dahan itong lumayo sa kaniya. "I think we better leave this room now, moo. Before it's too late." bulong nito sa tainga niya sa namumungay na mga mata.  "No. Just go on, Marco. Do what you wanna do." hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon. Sa mga nakaraang relasyon niya ay ito ang madalas na dahilan kung bakit sila nauuwi sa hiwalayan. Kapag nag-initiate na ang lalaki na gustong may mangyari sa kanila ay bigla na niya itong hihiwalayan. Ngunit bakit ngayon kay Marco ay tila siya pa ang humihiling na may mangyari sa kanila. Isa pa'y hindi nga niya alam kung mahal niya ito o sadyang masaya lang siya sa pagpapahalaga nito sa kaniya na hindi niya maramdaman sa sariling pamilya.  "Vrenda...hindi mo alam ang sinasabi mo. Lasing ka at ayaw kong kamuhian mo ako bukas at sabihing----" "Ssshhh..." pinigil niya ng hintuturo ang labi nitong patuloy na nagsasalita. At doon sa kwartong iyon ng bahay nina Thea ay naganap ang pagpapaubaya niya sa sarili kay Marco. Pagkatapos ng nangyaring iyon sa kanila ni Marco sa bahay nina Thea ay kataka-takang naging malamig na ito sa kaniya. Kapag kausap niya ito ay parang laging wala ito sa sarili. Kung dati ay pinupuntahan pa siya nito ng palihim sa kanila ay hindi na nito muling ginawa iyon. Madalas na rin silang mag-away dahil sa mga naririnig nito tungkol sa kaniya sa school. Idagdag pa na lagi siyang nahuhuli nito sa pang-a-agrabyado niya sa ibang estudyante. Nagtataka man sa ginagawi ng nobyo ay hindi niya mababago ang katotohanang sumigid sa kaniyang pagkatao simula ng may mangyari sa kanila. Kung noon ay hindi siya sigurado kung mahal niya ito, ngayon ay napagtanto niya sa sariling mahal nga niya si Marco. At sa ginagawa nitong pag-iwas sa kaniya ay nakakaramdam siya ng takot.  "VREN, mag-usap na kayo ni Marco. Liwanagin mo sa kaniya lahat ng tanong diyan sa utak mo. Hindi naman pwedeng manghula ka na lang kung bakit bigla siyang nagbago sa'yo." "Nag-usap kami kanina pero inaway lang niya ako dahil nalaman niya yung away namin ni Amy." Kaklase niya si Amy. Nag-away sila dahil ipinagkakalat nito na pinagpustahan lamang daw siya nila Marco at ng mga barkada nito. "Bakit hindi mo siya komprontahin tungkol doon sa sinasabi ni Amy?"  "What for, She? Obvious naman na totoo 'yon. Can't you see? Hindi na siya katulad ng dati simula nung may nangyari na samin," puno ng hinanakit ang tinig na sabi niya. Hindi tuloy maiwasang magtinginan ang tatlong kaibigan niya.  "At hahayaan mo na lang na gano'n? Kailangan nyo'ng magkalinawan, Vren."     Magulong-magulo ang isip ni Vrenda. Oo nga't sinabi niya sa mga kaibigan na kung magpapatuloy itong ganoon ay hihiwalayan na lang niya. Pero alam niya sa sariling 'yon ang kahuli-hulihang bagay na gagawin niya. Mahal niya si Marco at hindi siya papayag na sa ganito lang sila matapos. Kailangang magkalinawan sila.  "Marco, ano ba! We need to talk!" hinihingal na siya sa kahahabol dito dahil balak na naman nito na lampasan siya.  "Saka na tayo mag-usap, Vrenda." "Ano'ng saka na!! Bakit ha? Dahil nakuha mo na ang gusto mo sakin??" paasik na tanong niya rito. Natahimik ito. "Ba't di ka makasagot?? D*mn you!! So totoo na pinagpustahan ny'o lang ako??" litaw ang litid sa leeg na bulyaw niya rito. "What?? Who told you that d*mn---"  "Bullshit! You'll pay for this, bastard, I promise!!" tungayaw niya rito bago nagmamadaling tumalikod para hindi nito makita ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD