Chapter 6

1521 Words
  Gabi-gabing iniyakan ni Vrenda ang paghihiwalay nila ni Marco. Isang linggo rin siyang hindi pumasok sa klase dahil pakiramdam niya ay hindi niya kayang makita ito na hindi siya iiyak. Tama nga yata ang sinabi sa kaniya nina Sheryl na nakita na niya ang katapat niya. Nag-deactivate din siya ng lahat ng social media accounts niya, nagpalit ng phone number na kahit mga kaibigan niya ay hindi alam. Sobrang sakit na kung kailan natuto na siyang magmahal ay hindi naman pala totoo ang pag-ibig nito sa kaniya. Maliwanag na pinagpustahan lamang siya ng mga ito at pagkatapos makuha ang gusto sa kaniya ay idinidispatya na siya.  "Vren! I'm glad na pumasok ka na! What happened? Pati phone mo cannot be reached," salubong ni Thea sa kaniya habang papasok siya sa classroom ng umagang iyon. Kasunod nito sina Sheryl at Dina na nagtayuan kaagad pagkakita sa kanya.  "Well...sinama ako ni Mommy sa Vigan, one week kami roon kaya ngayon lang ako nakapasok," pagsisinungaling niya na sinadyang lakasan ang tinig para marinig ng mga kaklase niyang tsismosa. Hindi na rin maga ang kaniyang mga mata kaya nakumbinse ang mga itong totoo ang sinasabi niya.  "What about the deactivated accounts?" bulong ni Dina.  "Wala lang. Gusto ko lang ng tahimik na mundo muna for a while." "Teka, si Marco nga pala, Vren, sabi---" "Don't ever say that name in front of me again, Sheryl. At kayong dalawa rin. Kung ayaw n'yong hindi ko na kayo kausapin ever!" paasik niyang turan sa mga kaibigan. Palihim namang nagkatinginan ang tatlo at walang nagawa kung hindi magkibit balikat na lamang. Knowing Vrenda, tototohanin nito ang sinabi kapag hindi sila tumigil.  "OH MY GOD! Look at her guys! She look like a miserable rat. Kung sabagay, sa kauna-unahang pagkakataon ay siya ang idinispatya ng lalaki. Mukha siyang tanga na habol ng habol kay Marco pero ayaw naman na siyang pansinin dahil nanalo na sa pustahan." Malinaw na nakarating sa pandinig ni Vrenda ang lahat ng sinabi ng may-ari ng tinig na iyon habang nag-la-lunch silang magkakaibigan. Kanina pagdating nila ay nakarinig na agad siya ng mga bulungan, na hindi nakaligtas sa pandinig niya dahil hindi naman kalakihan ang canteen na kinaroroonan. Tumayo siya at hindi napigil ang sarili. Pakiramdam niya ay mapulang-mapula ang mukha niya sa galit. "Vren, relax. Hayaan mo na lang." Pigil ni Sheryl sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin.  "Excuse me? May I beg your pardon, Miss? Ako ba ang tinutukoy mo na idinispatya ng isang hamak na Marco Demicillo lang? Nahihilo ka yatang babae ka. Alam mo kung ano'ng totoo?" aniya at saka nilisan ang mesang inookupa at pumunta sa mesa ng babaeng bruha. "May nanliligaw kasi sa akin ngayon na anak ng isang Congressman from the north. May sarili ng resort sa edad na beinte-uno at saksakan ng gwapo. Kaya ayun, gets mo?? Besides, that Marco? God! Super boring niya sa kama! Well...I still remember his manhood. God! Ayaw magalit! Now tell me, ikaw, kaya mo bang tumagal sa kaniya?" mahabang litanya niya habang ang nakakalokong ngiti ay hindi nawawala sa mga labi. "Let's go girls, nawalan na ko ng gana!" Kinuha na ang bag at akmang aalis na. Dinig niya ang tawanan ng mga babae at lalaking naroon dahil sa mga sinabi niya. Obvious na naniwala ang mga ito na siya at hindi si Marco ang tumapos sa relasyon nila.  "And one more thing, Miss. Don't you dare to call me a miserable rat. Wala ka sa kalingkingan ko para sabihin 'yon. Inggit na inggit ka siguro sakin 'no? Magugulat ako ng bongga kung sasabihin mong nagka-boyfriend ka na. Alam mo kung bakit? Mukha ka kasing lalaki! Well...try mo maligo ng gatas kagaya ko. Bye!" humahalakhak na nilisan niya ang lugar na iyon kasunod ang mga kaibigan.      Ang lahat ng sinabi ni Vrenda ay rinig na rinig ni Marco. Ngayon ay mas malinaw na sa kaniya ang lahat. Pagkatapos may mangyari sa kanila ay napagtanto niyang ito na ang gusto niyang makasama habangbuhay. Sobra siyang natuwa nang malamang siya ang nakauna sa dalaga. Sa kabila ng katotohanang papalit-palit ito ng boyfriend ay nagawa nitong pangalagaan ang sarili. Ang totoo ay umasa siyang mahal na rin siya nito dahil walang pag-a-alinlangang ibinigay nito ang sarili sa kaniya. Ngunit ang lahat ng narinig niya ngayon ay isang patunay na nag-i-ilusyon lamang siya. Nagtampo at iniwasan niya ito dahil kumalat sa school na pinasakay lamang siya ni Vrenda. May ilang nagsabi sa kaniya na pagkatapos ng nangyari sa kanila ay magagalit daw ito sa kaniya at aawayin ng walang dahilan, paraan para maghiwalay sila at maiwang luhaan sa huli kagaya ng mga naunang karelasyon nito. Ito ang dahilan kung bakit iniwasan muna niya ang dalaga. Ayaw muna niyang magkausap sila dahil baka ganoon nga ang mangyari. Nang isang linggo itong hindi pumasok at magpalit ng number ay unti-unting nalinawan ang mga hinala niya. Sinubukan niya itong puntahan sa bahay ng mga ito sa pamamagitan ng pagkukunwaring nagpapadeliver muli ito ng balut, ngunit ibinilin nito sa gwardiya na hindi na ito kumakain noon dahil nagka-allergy ito. Na huwag ng papapasukin sino man ang may dala. Ngayon ay narinig na niya mismo sa bibig nito na may bagong nanliligaw dito na mas lamang kaysa sa kaniya kaya malinaw na isinasantabi na siya. Ngayon ay napatunayan na niyang nakahanda itong gumawa ng kwento para lang makawala sa relasyong ayaw na nito. Kuyom ang kamao na lumisan siya sa lugar na iyon dahil ang lahat ay pinagtatawanan siya. Sa klase ng tingin ng mga ito ay alam niyang naniwala ang mga ito kay Vrenda. Ang ilan pa nga ay nahuli niyang sa zipper ng pants niya nakatingin.  "DAD, I told you, gusto kong lumipat ng school," aniya sa ama isang gabing naghahapunan sila.  "Hija, malapit ng matapos ang school year. Graduating ka na. Baka mahirapan tayo---" "Dad, kung hindi n'yo ko ililipat. Hindi na ko papasok. And gano'n din. Hindi rin ako makaka-graduate." "Bert, pagbigyan mo na ang anak mo. Minsan lang naman humiling 'yan. But wait, hija, what's your reason? I mean, maganda ang school mo. And naroon ang friends mo," anang Mommy niya. Gaya ng ama ay nasa mukha rin nito ang pagtataka.  "I have my personal reason, Mommy. I hope you understand kung hindi ko sasabihin." Hindi niya maaaring sabihin sa mga ito na lalaki ang dahilan ng paglipat niya ng school. Unang-una'y ni hindi alam ng mga ito na nagkakaroon siya nobyo.  "Okay, okay! Kailan mo gustong lumipat?" tanong ng ama. Lumiwanag ang mukha niya dahil alam niyang payag na ang mga ito. "As soon as possible, Dad."     Kinabukasan ay nagpunta ang mga magulang sa school niya. Hindi na siya pumasok at hindi na rin siya sumama. Sa yaman ng pamilya nila at sa mga koneksyon ng mga magulang ay malabong tanggihan ito ng principal nila. Kahit sa lilipatan niyang eskwelahan ay alam niyang buong lugod siyang tatanggapin. "Vren, we'll gonna miss you," anang tatlo niyang kaibigan habang nagpapaalam siya sa mga ito sa labas ng school nila isang hapon. "Ako rin naman. Pero nasa kabilang bayan lang naman ang school ko. We can hang out pa rin naman kapag weekends." Pinilit niyang pasayahin ang mukha. Ayaw niyang maramdaman ng mga ito na hindi naman siya desidido sa naging desisyon.  "Vren, I hope na mag-behave ka na do'n. Mami-miss talaga kita, pati pagbitbit ng mga gamit mo," madamdaming turan ni Sheryl na sa tingin niya ay naluluha pa. Niyakap niya ito. Sa tatlo niyang kaibigan ay si Sheryl ang talagang close niya. "Thank you sa lahat, Sheryl. Mami-miss din kita. I'm sorry sa mga times na nasisigawan kita. Kung madalas din kitang utusan." "Sus! Nag-drama pa 'tong dalawa na 'to. Tama na nga 'yan." anas ni Thea na ikinatawa nilang apat.       Sa bagong school ay iniba ni Vrenda ang personalidad. Ewan niya pero parang pagod na siyang maging 'apple of the 'eye ng karamihan. Kung dati ay sinasadya niyang makakuha ng atensyon ng iba, ngayon ay mas gusto niya ng tahimik na buhay. 'Yung tipong walang galit sa kaniya, wala siyang na-a-agrabyado at walang pinapaiyak. Hindi na siya bully. Lahat ay natuto niyang pakibagayan. At napagtanto niya, mas masarap mabuhay ng maraming natutuwa sayo, kaysa kinaiinisan ka ng lahat ng nasasalubong mo. Bagaman hindi pa rin niya mapigil ang mga kalalakihan na magkagusto sa kaniya, ni isa sa mga iyon ay hindi niya binigyan ng pagkakataong ligawan siya. Wala siyang inatupag kung hindi pag-a-aral. Malayong-malayo na siya sa Vrenda noon na cutting dito at cutting doon.       At makalipas nga ang anim na taon ay heto na siya. Beinte-dos anyos at armado ng diploma sa kursong Fine Arts sa isang prestihiyosong University sa Canda. Tandang-tanda pa niya kung gaano karaming luha ang lumabas sa kaniya ng sa wakas ay makapagtapos ng pag-a-aral sa sariling sikap niya. Pumasok siyang waitress sa isang cafe doon at kalaunan ay na-promote bilang cashier na kung malalaman ng Mommy niya ay tiyak na aatakihin ito sa puso. Hindi sa naghihirap na sila, katunayan ay hindi pumapalya ang mga magulang sa pagpapadala ng sobra-sobrang allowance niya. Nagkataon lang na mas gusto niyang i-share sa mga batang nasa orphanage ang kung anong meron siya. Ewan niya pero may kurot sa puso niya sa kaalamang wala na nga itong mga magulang ay wala ring mga personal na pangangailangan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD