Chapter 7

1924 Words
"How's my unica hija?" salubong ni Cita Dela Vega sa kaisa-isang anak na babae habang papasok siya sa sala ng bahay nila. Hindi na siya nagtaka na hindi man lang siya pinagkaabalahang sunduin sa airport ni isa sa miyembro ng pamilya niya. Inaasahan na niya iyon. "Mommy! I miss you terribly!" Ibinaba niya ang dalawang maleta saka maluha-luhang sinalubong ng yakap ang ina. Kahit obvious na hindi ito nasabik sa kaniya ay talaga namang na-miss niya ito ng sobra. Anim na taon siyang nanabik dito kahit pa nga sabihing hindi naman sila ganoon ka-close. "Where's Dad?" "Hija, you look so great! C'mon, kwentuhan mo ako kung ilang boyfriend ang pinaiyak mo nung umuwi ka? Anyway, nasa opisina pa ang daddy mo," anito habang iginigiya siya sa sofa. Pinag-aralan niya ang anyo nito at natuwa siya because her Mom maintained the young and sexy figure. Kung sabagay, hindi ang kagaya ni Cita Dela Vega ang papayag malosyang at magmukhang matanda. Lihim siyang napangiti. "Mom, wala! Almost six years na akong single." "Jesus! Seriously??" mulagat ang mga matang tanong ng ina. "Yes! At masaya ako dahil wala akong sakit ng ulo." Dalawang beses siyang napatango. Bakit ba kasi ang lahat ay hirap maniwala na wala siyang karelasyon? "Anak, sayang ang ganda mo. Listen, I have a lots of amigas na may mga anak na gwapo. One of these days, ipakikilala kita sa kanila," nangingislap ang mga matang patuloy ni Cita na ikinangiwi ng labi niya.  "Thanks but no thanks, Mommy. Anyway, aakyat na po ako sa kwarto. Gusto ko po muna sanang magpahinga." Hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon ay hindi nawawala ang pagka-diktador ng ina.  "Sige, hija. Kakatukin ka na lang ni Mildred mamaya sa kwarto mo kapag nakahanda na ang hapunan.  "Thanks, Mom." Mabilis na inakyat niya ang mataas na hagdanan. Excited siyang makita ulit ang kwarto niya pagkalipas ng anim na taon.  "Mildred! Makisunod mo sa kwarto ng senyorita mo ang mga gamit niya," narinig pa niyang utos ng Mommy niya sa kasambahay.       Gumaan ang pakiramdam niya pagkapasok sa sariling silid. Napangiti siya dahil kahit matagal siyang nawala ay napanatili ito sa dating ayos. Pahinamad na ibinagsak niya ang katawan sa kama at humilata katulad ng madalas niyang gawin noon.  "Ati itu na po ang mga gamit ninyu." Bungad ng kasambahay na si Mildred pagkatapos ng mahinang pagkatok. "Salamat, Mildred." "Ati, ang ganda ganda n'yu pu lalu ngayon," anito na nagpangiti sa kaniya. Hindi kasi maitatanggi ang Visayan accent nito kahit pilit nitong itago iyon.  "Hindi naman, Mildred. Ako pa rin naman ito." Bumangon siya at nagpasalamat sa mabait na kasambahay na halos kasing edad lamang niya. Disisyete pa lamang ito ay nasa kanila na kaya naman nakapalagayan na niya ng loob. "Marami akong uwing damit na hindi na isinusuot, bukas ilalabas ko sa maleta at ibibigay ko na lang sa'yo," nakangiti niyang sabi rito na kapagdaka'y lumuwang ang pagkakangiti.  "Naku, maraming salamat, ati. Siyanga pala po ati, nung umalis kayu, ilang bisis may nagpunta ditu na lalaki. Hindi nga po namin alam kung paanu nakalusut sa guards piro hinahanap pu kayu."  "Lalake? Ano'ng hitsura, Mildred?" kunot noong tanong niya.  "Gwapu, ati. Matangkad tapus kayumanggi. May maliit na balat sa kamay," tuluy-tuloy na sabi nito na nagpasikdo sa dibdib niya dahil iisang tao lang ang naisip niya sa inilarawan nito. Napaisip siya bigla kung ano ang sadya ni Marco sa kanya at pumunta pa ito roon gayung malinaw ang lahat na niloko at pinasakay lamang siya ng binata. "Ahmm...sige na, Mildred. Gisingin mo na lang ako kapag dinner na. Gusto ko munang magpahinga." Tumango ito ng marahan pagkatapos ay lumabas na.  "God! Please, huwag po ninyong payagan na makita ko pa ang lalaking 'yon." Bulong niya sa sarili. Nang sumapit ang oras ng hapunan ay hindi na niya hinintay ang pagkatok ni Mildred bagkus ay bumaba na siya kaagad. Excited siyang makasalo sa hapunan ang pamilya dahil sa loob ng anim na taon niya sa Canada ay mag-isa lamang siya sa lahat ng oras. Hindi na rin naman siya naidlip dahil sa sinabi ni Mildred sa kanya.  "Dad! Kuya!" masayang tawag niya sa ama habang papasok sa komedor.  "Hija!" Tumayo ang Daddy niya buhat sa pagka-ka-upo sa mahabang mesa at inilahad ang dalawang palad sa kanya. Sinugod niya ito ng mahigpit na yakap.  "Daddy! I miss you, Dad," nangilid ang luha niya dahil totoong na-miss niya ang ama. Sa lahat ng panahon kasi ay kakampi niya ito kahit pa laban sa ina niya.  "I miss you too, my princess. How's Canada?" tanong nito na mababanaag ang totoong saya sa mukha pagkakita sa kaniya. "Challenging, Daddy. But I had my diploma now so I can say na worth it ang paglayo ko sa inyo." "And for that, I'm very proud of you, hija."  "Thanks, Dad!" "Well...kami ba ni kuya Samuel e hindi mo na-miss bunso??" untag ng diko niya dahil tila hindi niya napansin ang presensiya ng mga ito. "Hey! Of course na-miss ko kayo guys!" natatawang humiwalay siya sa ama at niyakap ang mga kapatid. "Mamaya na ang mga pasalubong n'yo ha? Kumain muna tayo at sa itaas pa lang ay naaamoy ko na ang menu natin." "Mabuti pa nga at lumalamig ang pagkain," anang Mommy niya. "Hija, now na graduate ka na, what's your plan?" tinig ng daddy niya habang kumakain na sila.  "Actually, dad, hindi ko pa alam. Ang tanging gusto ko lang ngayon ay magpahinga muna, magbakasyon sana." "Okay hija, In fact hindi mo naman kailangang maghanap ng a-applyan kung saan saan. I know na malaki ang maiaambag mo sa kumpanya natin. Sa ngayon ay nangangailangan tayo ng interior designer para sa mga nakalinyang projects. Well, hindi pa nga lang finalized ang details pero---" "Dad, I'm sorry pero wala akong balak na sa company natin pumasok." "Pero hija---" "Dad, gusto kong gumawa ng sarili kong pangalan. I'm sorry pero sana maintindihan n'yo na gusto kong subukan ang talagang kakayahan ko. 'Yung magsisimula ako sa ibaba, gusto kong may mapatunayan at hindi ko magagawa 'yon kung sa kumpanya natin ako pupunta." Paliwanag niya sa ama. Alam na niyang ganito ang sasabihin nito pag-uwi niya pero desidido siya sa desisyon na sa Canada pa lang ay binuo na niya.  "Sigurado ka ba diyan, Vren? Hindi ka sanay sa hirap and I know na hindi ka tatagal," nanghahamon ang tono ng kuya Samuel niya. "Well...watch me, kuya," aniya na nangingiti dahil walang alam ang mga ito sa pinagdaanan niya sa Canada.  "Kung ganyan na mukhang desidido ka, nasa 'yo ang basbas ko hija," pagkuwan ay sabi na ng ama. Ito ang gusto niya sa daddy niya. Kapag nakita na desidido ka sa isang bagay ay hindi na kokontra at ibibigay na lamang ang suporta.  "Thanks, dad!" "GOD! Vrenda??" "Hi, Thea, Dina!" "OMG!!" tili ng dalawa ng makita na siya. Tinawagan niya ang mga ito at sinabihang nasa Pilipinas na siya para magkita-kita sila. Sobrang na-miss niya ang mga kaibigan at ngayong naririto na siya ulit ay mukhang madadalas na naman ang paglabas nila.  "Hey! O.A na! Kumusta?" natatawang sabi niya pagkatapos ay sinalubong ng yakap ang dalawa.  "Muntik ka na naming hindi makilala, Vren! Kung noon ay dyosa ka na, God! Mas lalo kang gumanda, girl!"  "Tama na nga 'yan! Let's get inside, nagpa-reserve ako ng table natin." Nasa Tata Itong's sila, isang kilalang restaurant sa bayan na dinarayo dahil sa masarap na bulalo na si Tata Itong mismo ang nagtitimpla. "So, single?" tanong ni Thea ng nakaupo na sila at hinihintay ang inorder niyang pagkain para sa kanila.  "Yeah," matipid niyang sagot. "Since when? Ah okay, let me guess, since last week?" segunda ni Dina na ikinangiti niya. Hanggang ngayon ay dating Vrenda pa rin ang tingin ng mga ito sa kanya.  "No. Six years." "Oh!" sabay na napatutop sina Thea at Dina sa bibig pagkatapos niyang sabihin iyon. "Hey! 'Wag ngang status ko ang pag-usapan natin! Nakakaloka kayo!" tumatawang turan niya. "Okay! Okay! So ayun na nga, kagaya ng sinabi namin sa'yo ni Dina kapag nag-vi-videocall tayo, si Sheryl ang pinaka-sinuwerte sa amin dahil ayun at kasal na ang lola mo! And take note ha, saksakan ng gwapo at mayaman 'yung guy, Vren." Napangiti siya. Masayang-masaya siya para sa naging kapalaran ni Sheryl dahil deserve nito iyon.  "Talaga?? Well...I'm happy for her. Besides, deserve ni Sheryl 'yon. Witness kayo na napakabuti niyang kaibigan hindi ba?"  "Tama ka diyan." "Alam niyo ba kung saan siya nakatira ngayon girls?" "Yeah. Twice na kaming nag-bakasyon sa kanila." Inilahad ni Dina kung saan matatagpuan ang pinananabikang kaibigan. Hiningi na rin niya ang phone number ni Sheryl para maka-chikahan ito sa ibang araw.  "Vren, may napansin ako, can I spill it out?" nasa mukha ni Thea ang pag-a-alangan sa gustong sabihin. "Go ahead, Thea," nakangiting tugon niya. "I think ang laki ng ipinagbago mo. I mean, 'yung personalidad mo, ibang-iba. Walang naiwang bakas ng dating Vrenda." Muli siyang napangiti pagkatapos ay inilahad sa mga ito ang lahat ng pinagdaanan niya sa ibang bansa.  "Oh my! N-nakaya mo lahat 'yon??" ani Dina. "Why not? Besides, ayoko na ng takbo ng buhay ko. Magulo, feeling ko ang sama-sama ko. Well, totoo naman 'yun nung high school tayo." "Vren, don't say that."      Bago matapos ang gabi ay nakuha nilang tawagan si Sheryl at tuwag-tuwa ito ng makausap siya. Naulinigan pa nga niya na gumaralgal ang boses nito na tila maiiyak. Inanyayahan sila nitong  mag-bakasyon sa lugar ng mga ito na pinaunlakan naman nila, aasikasuhin lang daw nina Thea at Dina ang schedule dahil parehong may trabaho na ang dalawa. "HIJA, be ready tonight. We're having a guest," turan ng Mommy niya ng maraanan niya ito sa garden pag-uwi niya ng bahay. Tanghali na siyang nagising at sa tingin niya ay gano'n din ang ina. Marahil ay inumaga na naman ito kasama ang mga amiga. "Noted!" balewalang sabi niya. Siguradong isa na namang kaibigan ng ina ang inanyayahan nito sa kanilang mansiyon. Gawain na nito iyon kahit noon pa.      Nang sumapit ang gabi ay nakita niyang abala sa pagluluto ang mga kasambahay nila. Hindi niya sigurado kung ilang putahe ang inihahanda ng mga ito na ipinagtaka niya dahil hindi naman nagpapahanda ng ganoon karami ang ina kapag kaibigan lang ang kasalo nila sa hapunan. Napansin din niya na maagang umuwi ang ama at mga kapatid mula sa opisina na lalong nagpasidhi sa pagtataka niya. Alas-siyete ay nakadulog na sila sa hapag at naghihintay na lamang sa mga bisita na kinumpirma ng mommy niya na hindi iisang tao. "Mom, are you sure na darating pa ang mga hinihintay natin?" may pagkayamot na sabi niya dahil nakakaramdam na siya ng gutom. Saka naman papasok ang isang ginang na halatang sopistikada kasunod ang dalawang lalaki na ang isa ay mahihinuhang asawa nito. "Good evening!" maarteng sabi ng ginang na ang mga kamay ay naka-igkas sa hangin na animo pinapakita ang mga kukong bagong manicure. Bahagyang napangiwi si Vrenda sa kaartehan nito. "Amiga!!" sinalubong ito ng mommy niya at nagbeso ang dalawa. Nagkamay naman ang daddy niya at ang matandang lalaking kasama nito. Habang ang mga kuya niya at ang mas batang lalaki ay nagtanguan naman. Maya-maya pa ay magkakasalo na sila sa hapunan. "Tama ka nga, Cita. Ang iyong anak ay bagay na bagay sa unico hijo kong si Darius. Napakaganda niya hindi ba hijo?"  "Tama ho kayo, Mama. Sa pagkakataong ito ay lubos na akong pumapayag sa gusto ninyong mangyari sa aming dalawa," segunda naman ng lalaki na walang kaalis-alis ang tingin sa kaniya.  "Wait, what??" naguguluhang tanong niya. "Mom, can you explain what's happening? What these people talking about??"  "Go ahead, Cita. Ipaliwanag mo dahil maging ako ay hindi nauunawaan ang nagaganap," segunda ng daddy niya na todo kunot ang noo. "Relax, darling. Charity and I already made a matchmaking. Napagkasunduan namin na bakit hindi natin ipakasal si Vrenda natin dito kay Darius."  "What!!! This is ridiculous!! kulang na lang ay lulunin niya ang mga kaharap ng mga oras na iyon. Sa sobrang gulat sa sinabi ng ina ay napatayo siya at naitukod ang dalawang kamay sa mesa.             
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD