Chapter 24

2304 Words
    Nagising si Vrenda na tila may nakadagan sa kanya ngunit nanatili siyang nakapikit. Nakiramdam siya habang napahawak sa kanyang ulo dahil tila namimigat iyon. Maya-maya ay iminulat niya ang mata at tinangkang bumangon ngunit hindi niya magawa. There's something in her waist and she can't even move. Inilinga niya ang paningin at ganoon nalang ang gulat niya nang mapansing nasa ibang silid. Pumikit siyang muli at pilit na inalala ang lahat. Saka naman nag-flashback ang lahat ng nangyari kagabi. Kasabay niyon ay mabilis siyang napadilat at agad na ibinaling ang tingin sa kanyang gilid. Marco was there...lying beside her, arms with her waist and lips on her shoulder. "Oh God!" Nanigas siya sa kinahihigaan at kung pwede lang na lamunin siya ng ilalim ng kama ay mas gusto na niya kaysa katabi ang lalaking ito. Nang makabawi ay dahan-dahan siyang tumagilid at lumayo rito ng bahagya. Ngunit sa malas ay umisod itong muli at dumikit sa kanya. Isinubsob pa nito ang mukha sa gilid ng tainga niya kaya mas lalo siyang nailang. Paano ay nakikiliti siya sa hininga nito na tumatama ngayon sa kanyang isang tainga.  "Good morning, sweetheart." Narinig niyang bulong nito. "Oh God! Teka, pa'no ba? Magagalit ba ko? Ano ba sasabihin ko?" nagtatalo ang isip niya pero hindi siya kumilos. "I know na gising kana. Hindi mo ba ko gustong makita kaya mo ko tinalikuran?" napalunok siya nang magpatuloy ito. Nanatili siyang tahimik dahil hindi naman niya alam ang isasagot sa binata. Maya-maya ay ipinihit siya nito at marahang itinihaya. She's still pretending na tulog pa rin. "Okay, kung ayaw mo pang bumangon, okay lang sa akin kung ganito tayo hanggang mamaya," anito. Kahit hindi niya ito nakikita ay batid niyang nakangiti si Marco. Sa tingin niya ay wala na siyang choice kung hindi magmulat.  "Don't you dare sweetheart me, Mr. Demicillo. A-at pwede ba, l-lumayu-layo ka nga sa akin!" isang matalim na irap ang ibinigay niya rito kasabay ng muling paglayo. "s**t! I don't know how to handle this situation," bulong na naman ng utak niya.  "Because you are, sweetheart. And pa'no kung sabihin kong ayoko??" Lalong lumuwang ang pagkakangisi nito at hinigpitan pang lalo ang pagkakayapos sa kanyang baywang. "Hhmmm...you're so sweet, ang sarap mong amuyin, baby," he murmured.   "Can you please let me go, Marco? Uuwi na ako." Muli ay tinangka niyang bumangon ngunit balewala dahil hindi nito inalis ang kamay sa kanya. Bagkus ay dinaganan pa nito ng isang hita ang kanyang katawan. "No. Stay here for a while," anito na hindi kumikilos. "Ano ba, Marco! Stop it!" muli niyang saway. "Bakit ba, sweetheart?" malambing na tanong nito na nagtaas na ng ulo at tumingin sa kanya. "Anong bakit ba? Gusto ko ng umuwi, can't you hear me?" nag-u-umpisa na siyang mapikon.   "Okay, okay. Ihahatid kita. Pero kumain muna tayo ha?" malambing pa ring sabi nito na pinakawalan na siya at pagkatapos ay bumangon na.  "No need. Dala ko ang kotse ko, remember?" walang anumang sabi niya habang ibinabalot ang kumot sa kanyang katawan. Pagkatapos ay pinagpupulot niya ang mga damit niya na kung saan saan nito inihagis kagabi.  "Kahit pa." Napakunot noo siya. She don't understand him. Bakit may pakiramdam siya na gusto siya nitong guwardiyahan dahil lang sa nangyari? "Stop it, okay? Hindi porke may nangyari sa atin e bubuntot buntot kana sa akin." Hindi nakatiis na sabi niya. At ano ba kasi ang tingin nito? Na MU na sila pagkatapos ng nangyari? She saw him clenched his jaw and his eyes become dark when she said that. "Nathalia, come on, alam kong gusto natin pareho ang nangyari kagabi. So you don't have to be so---" "I was drunk last night. Wala ako sa sarili ko," matapang na sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ng binata. "You are, but I know na malinaw ang isip mo, Nathalia. Hindi kita pakikialaman kung alam kong sasamantalahin kita," dipensa nito na alam niyang totoo dahil malinaw pa sa sikat ng araw na alam niya ang buong detalye nang nagdaang gabi.  "So what are you trying to imply, Mr. Demicillo?" nanghahamon ang titig niya habang hawak ng mahigpit sa isang kamay ang buhol ng kumot na itinakip sa katawan at sa kabilang bahagi ay ang kanyang mga damit. "Well...I asked you. I told you that if you stopped me, I will. But you won't, Nathalia. Please tell me that what happen last night is your choice. Please tell me that you liked it too and not only because I want you." Nagsusumamo ang mata nito. She suddenly felt pity for him. Pero hindi dapat. Alam niyang may mahal itong iba at marahil ay nadala lang ang binata kaya nangyari ang bagay na iyon. Sa halip na sumagot ay tinitigan lamang niya ito. Pagkatapos ay malalaki ang hakbang na tinungo niya ang banyo para mag-shower. Gusto na niyang umalis sa lugar na iyon at magtago sa mata ni Marco.       Paglabas niya ng banyo ay wala na ito sa kwarto. Mabilis siyang nagbihis at nag-ayos ng sarili. Noon niya ganap na nabigyang pansin ang silid na kinaroroonan. Fully male decorated room. Nahagip ng mata niya ang malaking kamang pinanggalingan kanina. Gusot ang kulay gray na bedsheet niyon at bakas pa ang katawan nilang dalawa. Kulay gray at black lang din ang makikitang pintura sa mga dingding. Ang malalaking glass window ay nasasabitan ng maninipis at mahahabang puting kurtina. Sa isang gilid ay walk in closet habang sa kabila ay five seater leatherette sofa. "Sa kanya kaya ang kwartong ito?" Bahagya siyang napangiti dahil well organized ang silid at malinis tingnan.  "Why are you smiling, baby?" halos mapapitlag siya nang biglang pumasok si Marco. Bagong ligo na rin ito pero towel lang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan. May hawak pa itong isang tuwalya na ipinangtutuyo nito sa buhok.  "H-ha?" she stuttered. "God! Sa'n ba siya galing? And Jesus! Ang abs niya ay naghuhumiyaw at hindi mapipigilang hindi tingnan ninuman. Nakakahiya! Baka isipin niyang in-imagine ko 'yung kagabi kaya ako nangingiti," bulong ng isang bahagi ng utak niya.  "Magbibihis lang ako then kumain na tayo bago ka umuwi," sa halip ay sabi nito.  "S-sige, lalabas na ko." "Okay. Wait for me downstairs, baby." Hindi na niya ito pinansin dahil hindi naman nito pinapakinggan ang sinabi niyang huwag siyang tawagin gamit ang kung anu-anong endearment.        Paglabas ng kwarto ay noon niya lang nakitang nasa ikalawang palapag pala siya ng bahay. Pagbaba ay nakita niyang nasa sala si Nanay Ditas na agad rin naman siyang napansin. Matamis itong ngumiti aa kanya.  "Gising kana pala, hija. Tena't mag-almusal na kayo ni senyorito. Sa dining mo na siya hintayin." "Salamat po, Nay Ditas. Dito ho ba kayo natulog?" "Naku hindi, hija. Bumalik lang ako kaninang maagang maaga. Inihatid ako ng asawa ko dahil papunta rin siya rito para kolektahin 'yung mga basyo ng alak kagabi."  "Gano'n ho ba? Pasensiya na ho pala kayo kagabi. Naiwan ko po kayo rito," nahihiyang aniya sa matanda habang humihila ng upuan upang dumulog na sa mesa. "Ay, Diyos kong bata 'to, aba'y wala 'yon, hija. Bumaba si senyorito kagabi at sinabing nagpapahinga kana kaya 'wag na kitang hanapin," sabi nito na ikina-kunot ng noo niya. "Bumaba pa si Marco kagabi? Pero bakit hindi ko naramdaman? Gano'n ba ko kapagod kaya hindi ko namalayang iniwanan niya ko pagkatapos namin?" Nag-init ang mukha ko sa naisip.  "Goodmorning, Nay Ditas!" siya namang pagpasok ni Marco sa kusina. Nakabihis na ito ng pang opisina ngunit maluwag pa ang necktie sa leeg nito at ang pang itaas na butones ay hindi pa nakasarado.  "Hijo, halina't kumain na kayo ni senyorita." "Salamat ho, sabayan n'yo na ho kami," ani Marco na humuhila na rin ng upuan sa tapat niya. "Oo nga po, Nay Ditas. Kumain na rin ho kayo," segunda niya. "Tapos na ako mga anak. Sige, kumain na kayo. Titingnan ko lang yung niluluto ko."      Pagkatapos nilang kumain ay iniabot sa kanyani Nanay Ditas ang bag njyang naiwan sa kitchen kagabi.  Kinuha niya iyon at pagkatapos makapagpaalam sa matanda ay tinungo na niya ang main door. Sa parking ay nakita niyang naroon si Marco at nakatayo sa gilid ng kotse nito. "Bye, sweetheart. Ingat ka sa pag-drive. Kung ako ang masusunod,  ihahatid nalang kita. Pwede naman nating ipahatid nalang ang kotse mo," anito sa malamlam na mga mata.  "No need. Salamat." "I visit you tonight ha?" "Ha?" "Anong ha? I said pupuntahan kita mamaya." Natawa ito sa reaksiyon niya.  "B-bakit?" naguguluhang tanong niya.  "Wala. I'm sure kasi na mamimiss kita maghapon." He smiled. Wala siyang maisip na isasagot kaya nanahimik nalang siya at nagkibit balikat. Isa pa, bahay nito ang tinutuluyan niya kaya hindi pwedeng pigilan niya ito na pumunta roon.  "P-papasok ka na hindi ayos ang tie mo?" sa kawalan ng masasabi ay tugon niya. "Oh! Can you fix it for me, baby?" She don't say any words and started to fix it.  Nakangiti ito habang ginagawa niya iyon kaya naisip niyang naisahan siya nito. Mabilis niya iyong binitiwan.  "Do it for yourself! Niloloko mo lang ako!" isang irap ang ibinigay niya rito bago tumalikod pero mabilis rin siya nitong nahila pabalik.  "Hey! I'm sorry. Gusto lang naman kitang titigan bago ka umalis. 'Wag ka ng magalit."  "Sige na, aalis na ko. Ang dami mo pang sinasabi."      Mabilis na siyang lumayo dahil baka ano na naman ang gawin ng binata. Ilang beses niyang narinig ang pagtawag nito pero hindi na siya lumingon pa. Pagdating sa farm ay napaisip siya bigla. Kung tutuusin nga pala ay wala na siyang dahilan para manatili rito. Tapos na ang project nila ni Marco at sina Sheryl naman ay dalawang linggo pa bago bumalik. Pwedeng pwede na pala siyang umuwi sa bahay nila. Pero paano naman kung uuwi siya at ipilit ng Mama niya ang pagpapakasal niya sa lalaking iyon? Sa huli ay naisipan niyang tawagan si Sheryl. "Hello, Vrenda? Napatawag ka?" bungad nito sa kabilang linya.  "She..." hindi niya alam kung paano sisimulan magsabi kay Sheryl.  "Hey! What happened?" bakas ang pag-aalala sa tono nito. "Marco and I....Oh God! Pa'no ko ba sasabihin..." "Ano nga? Wait, I'll make a wild guess. Nag-ano kayo??" "Shery!"  "What?? Mali ba ako??" "No. I m-mean, you're right." "Oh my God!! How??" kahit hindi niya nakikita si Sheryl ay alam niyang nanlalaki ang mata nito at kita ang gilagid dahil sa pagtawa. Sinabi niya rito ang lahat at wala siyang iniwang detalye. Sa huli ay tinatalakan at tinutukso na siya ng kaibigan. "So tell me, yummy pa rin?" humahalakhak na tanong nito.  "Lasing lang ako kagabi, Sherly," sabi niya pagkuwa'y napaisip. Totoong nakainom siya pero malinaw sa kanya ang lahat. Tama na ginusto niya ang nangyari pero pinaniniwala niya ang sariling lasing siya kaya nangyari 'yon.  "Pero ang sabi mo'y hindi lasing si Marco and yet ginawa pa rin niya? Hindi kaya may feelings pa rin siya sa'yo friend?" "It's impossible, She. Sinabi ko na sa'yo na may girlfriend siya hindi ba? Kausap nga niya 'yon sa phone nung gabing nandoon ako sa kanila." "And batay sa kwento mo, I think nagselos ka kaya ka napainom, right?" "I don't know." "Oh c'mon, Vrenda. Maloloko mo ang lahat pero hindi ako," seryoso ng sabi nito. Higit kaninuman ay si Sheryl talaga ang hindi niya mapaglilihiman.  "H-hindi naman ako sigurado, Sheryl. Naiinis lang ako kasi yung endearment niya sakin dati ang ginagamit niya ngayon sa present girlfriend niya." "Gano'n na rin 'yun, Vrenda. Nagseselos ka nga. And I'm pretty sure na mahal mo pa si Marco, ipupusta ko ang buong closet ko sa'yo." "Hay! Oo na nga! Sige na, nagseselos na ko." "Ano'ng plano mo? Kung ako sa'yo babawiin ko si Marco, girl." "H-hindi naman na ako kagaya ng dati Sheryl. Kung high school siguro tayo kahit hindi mo sabihin e gagawin ko talaga 'yan. Pero iba na ngayon." "Ano bang iba na? Ikaw at siya pa rin naman ang involve. Feelings n'yo pa rin ang sangkot. Papayag kana lang na mawala na naman siya ulit? God Vrenda! Ilang taon na ang nasayang sa inyong dalawa." "I don't know, Sheryl. Bahala na."     MARCO      Pagkaalis ni Vrenda sa bahay niya ay dumiretso na rin siya sa opisina. At heto siya, hindi alam kung gaano na katagal nakatayo ang sekretarya sa harap ng kanyang mesa nang mapansin niya ito. Bahagya pa itong natawa ng sa wakas ay tapunan niya ng tingin. Iprinisinta nito sa kanya ang mga papeles na kailangang pirmahan. Mabilis niyang kinuha ang ballpen at nag-tipa ng pirma sa mga dala nito. Ang isip niya'y lumilipad at walang ibang laman kung hindi si Vrenda. Kagabi'y hindi niya alam ang mararamdaman ng makita itong halos mapahiga na kay Glenard. He decided to dragged her out of him or he rather break his neck in front of his people. Wala itong karapatan kay Vrenda o kahit sino pa. At nakatitiyak siyang walang ibang lalaking dumaan sa buhay ng dalaga pagkatapos nila. Kagabi habang inaangkin niya ito, it feels like he was having a virgin. He know and he can feel na siya ang una at huli nito bago ang kagabi. Her moans, her touch, the way her body responding to him, he know that he still have space in her heart. Sigurado siya roon. Hindi rin siya naniniwalang lasing ito at hindi alam ang nangyayari. Sa tingin niya pa nga ay nawala ang alak sa sistema nito nang umpisahan niya itong halikan. Ibang-iba ito sa dating Vrenda na palaban sa lahat ng bagay.     Nang sabihin nito noon sa kanya na nagworking student ito abroad, hindi siya agad naniwala. Inisip niyang paraan nito iyon para ma-impress siya. Pero 'di ba't napatunayan rin nitong marunong ito ng household activities? Paano kung talagang hindi na ito ang Vrenda na saksakan ng arte noon?      Samantala si Vrenda ay nakabuo na ng pasya. Uuwi na siya sa kanila at hindi na niya hahayaang lumalim pa ang nararamdaman. Pagkatapos ng malalim na pag-iisip ay natiyak niya sa sariling mahal pa rin niya si Marco at hindi niya gusto ang ideyang iyon. May mahal itong iba at alam niyang siya na naman ang talo sa huli. Alas sais ng gabi ay nakagayak na ang mga gamit niya. Tutal ay pupunta si Marco dito ngayong gabi, sasabihin niyang bukas ng umaga ay aalis na siya. Saka na lang siya magpapaliwanag kay Sheryl at August.           
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD