Chapter 25

1457 Words
"You're not leaving, Nathalia!" litaw ang litid sa leeg na sigaw ni Marco nang sabihin niya ang balak na umalis na kinabukasan. Dumating ito na maganda ang mood pero ngayon ay animo na naman galit na tigre. "And why not? Wala na akong dahilan para mamalagi rito. Tapos na ang project. Besides, kaya lang naman ako narito ay dahil kay Sheryl, and now na wala naman siya, uuwi na lang ako sa amin."  "Hindi mo ba ako narinig?? Hindi ka aalis!!" "What?? And who are you to stopped me, ha? You must be crazy! Gusto ko ng umuwi sa amin pero ayaw mo?? Let me tell you this, Mr. Demicillo, wala kang karapatang pigilan ako dahil hindi mo ako preso dito! I maybe thanked you for giving me my first job, pero labas dito 'yon!" nanggagalaiti rin siya sa galit. Hindi niya alam kung ano na naman ang tumatakbo sa utak ng binata. "At para ano?? Para pumayag ka sa suhestiyon ng mommy mo na magpakasal sa isang lalaking hindi mo mahal?" nag-umpisa itong maglakad palapit habang hindi inaalis ang mata sa kanya. Totoong nakakagulat na pati ang bagay na iyon ay alam nito.  "Well, it's none of your business anyway." Kibit balikat niyang sagot dahil plano niyang mas inisin pa ito. Pakiramdam niya kasi'y sumosobra na ito para ang bagay na iyon ay pakialaman pa. "Sa tingin mo ba papayag akong umalis ka dito pagkatapos ng nangyari sa atin, Nathalia? No! At hindi kita inilalayo kay Glenard para umuwi sa inyo at magpakasal sa lalaking 'yon!" he begun to move more closer to her. God! Langhap na naman niya ang pamatay nitong amoy.  "It seems that what happened is so big deal to you, Mr. Demicillo. Let me clarilfy, okay? First of all lasing ako noon at ikaw ay hindi. At ano ba ang big thing doon? 'Di ba't 'yun na ang uso ngayon? Premarital s*x? What so new? Nakiuso lang tayo," she said sarcastically. She saw him clenched his jaw and looked at her with blood shot eyes.  "Go to your room and unpacked that baggage of yours, Nathalia!!" tila wala itong narinig at itinuro pa ang pinto ng silid niya. Hindi niya ito pinansin at hindi siya kumilos. "Huwag mo akong subukan, sweetheart. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin." Maya-maya ay nagbaba na ito ng boses at bahagyang lumambot ang anyo. Isang matalim na irap ang ibinigay niya rito bago niya kinuha ang maleta at hinila sa kwarto. Pabalibag niyang isinara ang pinto. Mabingi sana ang hambog!! "God! Please help me what to do," bulong niya habang pahinamad na humiga sa kama. Alam niyang narito pa ang hudyo dahil hindi pa naman niya naririnig na umalis ang kotse nito. "Baliw yata ang lalaking 'yon!" bulong niya.     Kinabukasan ay maaga siyang nagising. Hindi na niya namalayang nakatulog na siya kagabi dahil sa inis kay Marco. Ni hindi na niya nagawang maghapunan. Nang maalala ito ay kaagad niyang binuksan ang bintana at sinilip kung wala na ang kotse nito. Ngunit sa malas ay naroon pa rin ito sa pwesto niyon kagabi. Dito kaya ito natulog?? Well, wala naman siyang pakialam.      Kung noong mga nakaraang araw ay nagluluto na siya ng almusal kapag ganitong oras, ngayon ay wala siyang balak na lumabas. Lalo't alam niyang nasa paligid lang si Marco at may posibilidad na minu-minuto niyang makikita. Inabala na lang niya ang sarili sa paglilinis ng kwarto at pagdungaw sa bintana pagkatapos. Bahagya pa siyang nagulat ng maya-maya ay makarinig ng mahihinang katok.  "Nathalia, c'mon, breakfast is ready."  "Bahala ka sa buhay mo! Manigas ka diyan!" bulong ng isip niya at nanatiling tahimik. Wala siyang balak na sagutin ito.  "Nathalia!" muling tawag nito ng hindi siya sumagot. "Tulog ka pa ba?" anim na beses pa itong kumatok at mukhang walang balak umalis hanggang hindi siya lumalabas.  "Ayokong kumain! Ikaw na lang!" paangil na sagot niya.  "Lumabas ka rito kung ayaw mong pasukin kita diyan!" "Leave me alone!" "Huwag mo akong subukan, isa!" "Kahit ugatin ka diyan kabibilang I don't care!" nilakasan niya pa ang boses para marinig nito ng malinaw. Maya-maya ay tumahimik sa labas kaya muli siyang nahiga. Nagsawa siguro ang loko!  Pero ganoon na lang ang gulat niya nang marinig ang click ng pinto. Nakapasok ito habang hawak ang susi sa isang kamay. He eyed her with two hands in his waist now. Napalunok siya. He's wearing a gray pajama and white sando that gives him a masculine look, nasanay kasi siya na makita itong longsleeves at poloshirts ang suot palagi. "God!  Bakit ba ang lakas ng appeal niya for me? And his messy hair! Bakit bagay pa rin sa kaniya?" singit na naman ng utak niya.  "C'mon, sweetheart. Let's eat," mahinahong sabi nito at iniunat pa ang kamay sa direksyon niya.  "I'm not hungry. Iwan mo na ko," sabi ko at nag-iwas ng tingin. Tumatagos kasi ang titig nito, hindi niya kayang tagalan.  "I cooked breakfast for us. Please tikman mo naman." Biglang lumungkot ang anyo nito at ewan pero bigla siyang naawa sa binata. Ngunit kaagad ring naglaho ng maalala na naman niya ang pagtatalo nila kagabi. "Kahit ba pagkain ko e pakikialaman mo rin, ha?? I said I don't want to eat!" Bumangon siya ngunit hindi tuluyang umalis ng kama. Napasuklay ito sa buhok at pagkatapos ay napahilamos sa mukha ang palad. It's look like nagpipigil lang ito na tuluyan siyang bulyawan.  "Skip lunch and dinner but never the breakfast, sweetheart. I warned you since I knocked your door and it seems you have no plan to listen to me kaya mapipilitan na akong gawin 'to." Att bago pa siya makapag-isip kung ano ang ibig sabihin ni Marco ay mabilis na itong nakalapit at iniangat siya sa kama. Parang walang anumang binuhat siya nito at planong ilabas ng kwartong iyon. Nanlaki ang mata niya dahil sa ginawa ng binata.  "Hey! Put me down! Ano ba'ng ginagawa mo??" pinagtatampal niya ang dibdib nito dahil sa inis pero tila balewala lang rito iyon. Idiniretso siya nito sa dining at iniupo sa isang silya roon pagkatapos ay ito naman ang umupo sa tapat niya.  "Eat now, baby," utos nito pero muli ay hindi siya kumilos. She heard him heaved a deep sigh bago nito sinandukan ng pagkain ang plato niya. "Kumain ka na, unless gusto mo pang subuan kita. Try me, Nathalia, gagawin ko talaga 'yon."      Isang irap muli ang ibinigay niya sa binata  bago sulyapan ang pagkain na nasa hapag. Fried rice, sunny side up egg, hotdogs and bread ang nakahain. She started to eat, hindi niya ito tinitingnan pero batid niya ang palagian nitong sulyap. Baka totohanin nga nito ang banta na subuan pa siya kaya minabuti niyang kumain na lang. "Since tapos na ang Villa Amelia, I decided to take a break. Dito muna ako maglalagi sa farm." he said seriously. Awtomatikong napaangat ang tingin niya rito habang nakakunot ang noo. Napansin siguro nito ang pagtataka niya kaya muling nagpatuloy. "I have plans here before, ngayon na may pagkakataon ako, sisimulan ko na siguro," anito. She shrugged her shoulders for him to know that she's not interested sa kahit ano'ng plano nito. "I'm done. Iwan mo na lang sa lababo ang mga 'yan pagkatapos mo, huhugasan ko." Tumayo siya bitbit ang plato at basong ginamit at inilagay sa lababo habang ito ay hindi pa tapos kumain.  Lumabas siya ng bahay para magdilig ng mga halaman dahil mukhang wala naman itong balak na umalis at ayaw nama niyang halos magka-bungguan sila sa loob. Iniisa-isa niyang tanggalan ng mga tuyong dahon ang mga paso nang marinig niya ang papalapit nitong yabag. "Mainit na, Nathalia, pumasok ka na." Narinig niyang sabi nito but she never intend to make a glance with him. "Aalis lang ako sandali. Do you want me to call nanay Ditas to help you here?" patuloy nito.  "No. I can manage." "Are you sure?" "Oo nga!" She almost shouted at him that's why she heard him heaved a deep sigh before he walked away. Hindi siya pumasok ng bahay hanggang hindi ito nakakaalis. Nakita niyang hindi ito naka-business attire kaya natitiyak niyang hindi sa opisina ang punta ng binata. She stopped planting when he's out of her sight. Naisip niyang ito na ang pagkakataon niyang makatakas at makalayo na kay Marco. Dali-dali siyang pumunta sa kwarto para kunin ang maleta niya. Hindi niya alam kung ano'ng plano nito at ayaw siyang paalisin dito pero hindi siya papayag sa gusto nitong mangyari.  She already ransacked every corner of her room but her luggage was missing. Sigurado siyang iniwan niya ito sa gilid ng kama katabi ng drawer pero wala ito roon. Sinubukan niya ring lumabas ng sala at baka nakalimutan niyang inilagay niya roon pero wala talaga. May naglalarong kung ano sa isip niya pero kaagad niya ring iwinaglit. Bumalik siya sa kwarto para i-check ang susi ng kotse niya na huli niyang inilagay sa ibabaw ng side table pero maging iyon ay wala rin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD