Chapter 26

1625 Words
Sa inis ay naisipan niyang pumunta sa bahay nina nanay Ditas. Wala siyang pakialam kung umuwi si Marco at abutan siyang wala roon. Bahala siya sa buhay niya! Sa bakod palang ng bakuran ay nakita na siya ng matanda at tuwang-tuwa na sinalubong siya. Iginiya siya nito kaagad sa loob at tinawag ang asawa na ngayon niya pa lamang makikilala. Kagaya ni nanay Ditas ay mabait din ang asawa nitong si tatay Igme, na kahit may edad na ay napaka-kwela pa rin.  "Aba'y mabuti naman at naisipan mong pumasyal dito sa amin, hija? Alam mo'y pupunta talaga ako doon ngayon para dalhan kita nitong niluto kong pininyahang tagalog na manok," nakangiting sabi ni nanay Ditas habang namamahinga na sila sa ilalim ng puno ng mangga. "Oo nga, ineng. Papasyal ka rine madalas at ng may kahuntahan ka naman," segunda ni tatay Igme. "Teka, alam ba ng senyorito na narito ka, hija?" patuloy ni nay Ditas. "Hindi ho." Napasimangot siya nang maalala ang binata. "Nag-away ba kayo?" maya-maya ay tanong nito na tila nahalata ang mukha niya. Iniisip niya kung sasabihin ba dito ang tungkol sa mga nangyayari sa kanila ni Marco. "Naiinis lang ho ako sa kaniya," aniya na lamang. "Kaya ka umalis at pumunta rito ganoon ba?" nakahalata yata si nanay Ditas dahil isang pilyang ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Ganoon na nga ho," tipid niyang sagot.  "Hay! Kayo talagang mga kabataan, oo! Kung sabagay, mainam naman 'yung nagkakatampuhan paminsa-minsan. Alam mo 'yang si senyorito e gano'n lang 'yon pero malambot ang puso niya, mabait at mapagmahal pa. Sa ganda mong iyan hija e malabong hindi makipagkasundo sa'yo ang batang iyon," nanunuksong sabi ni tatay Igme. Gusto niya sanang sabihing siya at hindi si Marco ang nagalit pero nanatili na lamang siyang tahimik.     Masarap kausap ang dalawang matanda. Ni Hindi niya namalayan na magtatanghalian na pala at narito pa rin siya sa bahay ng mga ito. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay naramdaman niya kung paano asikasuhin ng maituturing na niyang lolo't lola. Sayang nga lang at hindi biniyayaan ang mga ito ng anak. Siguradong bubusugin ng mga ito iyon ng pagmamahal kung nagkataon.       "Dito ka na mananghalian, hija, ha?" "Sige ho. Excited na ho ako sa pininyahang manok n'yo, Nay." Nagpaunlak siya dahil totoo namang gusto niyang tikman ang niluto ni nanay Ditas, knowing her, siguradong masarap iyon. Isa pa, wala naman siyang kakainin sa bahay dahil hindi naman siya nakapagluto. Natuwa naman ang mga ito, anila'y mas masarap kumain kung may ibang kasalo lalo raw at kasingganda niya. Hindi niya maipaliwanag pero ang sarap lang sa pakiramdam na gusto ng mga ito na kasama siya.      Pagsapit ng hapon ay pumondo ang ulan, siguradong malakas iyon dahil itim na itim ang mga ulap. Mabilis na isinilong ni Tatay Igme ang nakabilad nilang palay. Si Nay Ditas ang nagbubukas ng mga sako habang si Tay Igme ay mabilis ang kilos sa pagsalok. Bigla siyang nakaramdam ng awa sa mag-asawa. Dapat sa edad ng mga ito  ay nag-re-relax at nag-e-enjoy na lang sa buhay pero hanggang ngayon ay kailangan pa rin nilang magbanat ng buto. Kung sana'y may anak silang katuwang pero wala. Saktong patapos na sila sa pagsisilong ng mag-umpisang pumatak ang malalaking butil ng ulan. Nakita niyang maraming sinampay si Nanay Ditas sa sampayan kaya nagkusa na siyang kunin ang mga iyon. Tinakbo niya ang bakod na pinagsasabitan ng mga damit.  "Naku, hija! Kami na diyan, mababasa ka!" hiyaw ni Tatay Igme.  "Okay lang ho, Tay. Ang mahalaga ho maisilong n'yo ang palay!" marahil dahil papalakas na ang ulan ay nakinig ang dalawang matanda sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa.  "Naku! Basang basa ka! Baka magkasakit ka niyan ay malagot kami kay senyorito," nag-aalalang sabi ni Nanay Ditas habang tinutulungan siyang tuyuin ang kanyang katawan gamit ang malinis na tuwalya. Noon ay nasa loob na sila ng bahay habang sa labas ay napakalakas na ng ulan na may kasama pang kulog at kidlat.  "Ayos lang ho ako, Nay. Sayang naman ho kung mababasa na naman ang mga damit, doble trabaho ho para sa inyo." "Salamat, hija. Teka, ikukuha kita ng pamalit kahit duster ko lang," anito na akmang hahakbang na patalikod.  "Naku hindi na ho, Nay. Hindi naman ho ako gaanong basa," protesta niya. "Sigurado ka ba?" nasa tinig pa rin nito ang pag-a-alala.  "Oho, salamat na lang ho." "O anak, inumin mo muna itong mainit na salabat ng mawala ang ginaw mo." Buhat sa kusina ay lumabas si Tatay Igme dala ang isang kopita. Napangiti siya. Napakaswerte niya at nakilala niya ang mag-asawang ito na sobra kung mag-alaga.  "Salamat po, Tatay Igme," aniya habang inaabot ang ibinibigay ng matanda.  "Naku, e paano kaya 'yan, hija? Mukhang dito ka magpapalipas ng gabi sa amin, ah. Napakalakas pa rin ng ulan sa labas," sabi ni Nanay Ditas habang humihigop din ng salabat.  "Ayos lang naman ho sa akin, Nay." "Kasi'y wala kaming malambot na higaan, hija. Baka hindi ka sanay sa---" "Nay, wala hong kaso, nakahiga na ho ako sa higaan na walang kutson kung 'yon ho ang inaalala n'yo," nakangiti niyang sabi. "Sigurado ka ba, hija?" "Oho, wala hong problema."     May dalawang oras na ring umuulan pero tila wala itong balak na tumigil. Sa loob ng bahay ay tahimik lang na nanonood ng TV ang mag-asawa. Siya naman ay walang ibang mapaglibangan dahil lowbat pala ang cellphone niya na hindi niya kaagad napansin nang dalhin kanina. Maya-maya ay malalakas na katok sa pinto ang narinig nila. Nagkatinginan ang dalawang matanda bago tumayo si Tatay Igme para silipin kung sino ang nasa labas. Mabilis ang naging pagbukas nito ng pinto nang masino ang panauhin.  "Senyorito! Naku, basang basa ho kayo!" Napatingin siya sa gawi ni Tatay Igme pagkarinig niya sa sinabi nito.  "Tay, andiyan ho ba si Nathalia?" narinig niya pang tanong nito bago ito papasukin ni Tatay Igme. "Narito siya, hijo, hala pumasok ka na sa loob at basang basa kang bata ka!" Niluwangan ni Tatay Igme ang pinto at noon pumasok si Marco. Kaagad naghanap ang mata nito pagkapasok palang sa bahay hanggang sa mahayon siya nito ng tingin at magkatitigan sila. Nakita niyang para itong nakahinga ng maluwag ng makita siya. She rolled her eyes to him. Basang basa ito ng ulan kaya ang fitted shirt nito ay lalong naging hapit sa katawan. His broad shoulders, firm chest and 6 packs abs are now too visible with his wet top.  "God! Mabuti na lang at narito ka lang, sweetheart. Nag-alala ko ng hindi kita datnan sa bahay," anito habang papalapit sa kanya. Lumuhod ito ng makalapit at hinawakan siya sa dalawang braso na animo sinusuri kung may nagkulang sa katawan niya. Naiinis pa rin siya sa binata kaya sa halip sa magsalita ay isang irap lang ang ibinigay niya rito.  "Kanina pang umaga si senyorita dito, hijo. Hindi na nga siya nakauwi dahil ang lakas ng ulan," sabad ni nay Ditas. "Nag-alala lang ho ako, Nay. Akala ko'y may nangyari ng masama kay Nathalia. Pero mauuna na po kami para makapagpahinga na rin po kayo," magalang na sabi ni Marco habang titig na titig sa kanya.  "O siya sige, mag-ingat kayo. Para makapagpahinga na rin si senyorita. Teka may payong ba kayo, hijo?" "Meron ho, Nay. Salamat ho ulit. Mauuna na ho kami," anito habang inaalalayan na siyang tumayo.  "Salamat po sa masarap na maghapon, Nay Ditas, Tay Igme. Nag-enjoy po ako dito sa inyo. Babalik po ako sa ibang araw," nakangiting sabi niya habang nagpapaalam sa mag-asawa. "Matutuwa kami kapag ginawa mo 'yon, hija. Sige na lakad na kayo hangga't medyo humina ang ulan," ani Tay Igme.     Halos nakayakap na ito sa kanya nang tunguhin nila ang kotse gamit ang malaking payong na dala nito. Hawak ito ng binata at magkasalo sila pero parang siya lamang ang pinapayungan nito. Sa huli ay tuluyan na itong nabasa at wala ng parte ng damit nito ang tuyo. Pagdating sa loob ng kotse ay kinuha nito ang towel sa backseat at pinunasan ang ulo at braso niya na bahagyang nabasa rin. Pagkatapos ay binalingan ang sarili at tinuyo rin.  "Pagdating sa bahay maligo ka kaagad ng maligamgam ha?" anito habang in-istart ang kotse.  "Bakit mo pa kasi ako sinundo? Sana hinayaan mo na lang ako doon!" hindi tumitingin sa rito na sabi niya. "Baby, alam kong hindi ka pababayaan do'n ni Nay Ditas at Tay Igme pero hindi ka magiging komportable sa pagtulog doon. At ayokong mangyari 'yon," anitong hindi lumilingon sa kanya at tutok ang mata sa daan.  "Can you please stop acting na akala mo kilalang kilala mo ako?? Mas gusto ko do'n kaysa sa bahay mo alam mo ba 'yon??" sa inis ay sabi niya na bigla naman nitong ikinatahimik. Hanggang makarating sila sa bahay nito ay hindi na ito nagsalita. Dumiretso ito sa kusina at siya naman ay nagtuloy sa kwarto para i-charge ang cellphone niya. Lumabas siya para sana tumuloy na sa banyo pero nakita niyang galing doon si Marco habang bitbit sa kamay ang isang maliit na timba.  "Maligo ka na, nasa banyo na ang pampaligo mo, nilagyan ko na rin ng hot water para hindi ka lagnatin," walang reaksiyong sabi nito bago siya lampasan.  "Paano naman akong maliligo kung itinago mo ang maleta ko?? Saan ako kukuha ng pamalit? Pati susi ng kotse ko hindi ko alam kung saan mo inilagay!" "I'm sorry, baby. I know na aalis ka kapag hindi ko ginawa 'yon, e. You can borrow my clothes if you want and---" "This is ridiculous, Marco! Bakit mo ginagawa ito?? Ikinikulong mo na ako dito kahit labag sa gusto ko!" nanggagalaiting sabi niya.  Humarap ito sa kanya at humugot ng isang malalim na hininga bago sumagot. "Simply because I don't want you to leave me, Nathalia," walang gatol na sabi nito habang tumatagos na naman ang mga titig nitong nagpapalakas sa kabog ng puso niya.  "And why not??" "Because I think I love you. And you know what's the funny side? Na ramdam ko rin na mahal mo ako pero pinipigilan mo lang ang sarili mo," diretsahang pag-amin nito na nagpanganga sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD