Chapter 9

1749 Words
"Good morning po, Ma'am!" magalang na bati ng guard habang pinagbubuksan siya ng pinto ng kotse. "Good morning din po," nakangiting tugon niya. "Kanina pa ho kayo hinihintay ni Ma'am Sheryl. Matutuwa ho 'yon at nandito na kayo." "Salamat po, Manong." "Vrenda!!" Bahagya pa siyang nagulat sa pagtili na iyon ni Sheryl na hindi niya namalayang nakatayo pala sa isang bench malapit sa parking. "Oh my God, Sheryl!!" dali-daling tinakbo niya ang kaibigan at yumakap dito. "I miss you so much!" "Sira! Ako rin kaya! Miss na miss kita! Halika sa loob." Kumapit ito sa braso niya at iginiya siya papasok ng bahay. "Kuya Rogelio, makipasok na lang ho yung mga bagahe ni Vrenda sa loob." "Sige po, Ma'am." "Salamat po, Kuya," ani Vrenda. "Vren, you know what?" si Sheryl habang nasa garden sila at nagmimiryenda. Niyayaya siya nitong kumain ng tanghalian  pero tinanggihan niya dahil kumain naman siya kanina sa isang fast food na nadaanan papunta roon. "What?" "I think iiwanan ako ng asawa ko kapag nakita ka niya. God! Ang ganda-ganda mo! What's your secret ba?" biro nito. "Gaga! Look at you nga! Ang laki ng ipinagbago mo, Sheryl. Hindi nga halos kita nakilala kanina, e. I'm sure na baliw na baliw ang asawa mo sa'yo," tudyo niya. "Well, binabaliw ko siyang talaga Vren. Lalo na sa gabi, alam mo na," pilyang sabi nito sabay kindat sa kaniya. Napahalakhak siya sa kapilyahan ng kaibigan. "Wow ha! Pilya ka na rin ngayon!" "Birong totoo 'yon, Vren. Alam mo na, ayoko namang ipagpalit ako ng asawa ko kaya pinaliligaya ko siya talaga." Bahagyang inihina nito ang boses nang mamataan nito sa di kalayuan si Mang Rogelio.  "Huwag mo nga akong kwentuhan ng mga ganyan babae ka. Anyway, where's your husband?" "Why? Don't tell me na wala kang s*x life sa loob ng mga taong lumipas? Nasa office pa si August sa bayan. Kaya mamayang gabi mo na siya makikita." "Wala nga." "What?? Seriously??" "Yeah. Wala rin akong boyfriend." "Jesus! Pero bakit?? I mean, pila-pila sigurado ang mga manliligaw mo sa Canada!" "Wala. Hindi ko alam. Parang ayoko lang," tipid niyang sagot. "Ayaw mo lang o isang tao pa rin ang gusto mo hanggang ngayon?" nakataas ang isang kilay na tanong nito.  "Sheryl!!"  "What?? Umamin ka, si Marco pa rin ang gusto mo 'no??" "N-no!" hindi makatingin rito ng diretso na tanggi niya. Kilala niya si Sheryl at alam niyang once na matitigan siya nito ay malalaman nitong nagsisinungaling siya.  "Talaga lang ha? Well, hindi ako naniniwala," pamimilit pa rin ng kaibigan.  "She, 'wag na nating pag-usapan ang taong 'yon. Ni hindi nga natin alam kung nasaang lupalop na siya ng mundo." Ibinaling niya ang pansin sa nagyeyelong buko juice sa baso niya at nagyuko ng ulo. "Kung sabagay. Pero paano kung magkita kayo ulit, Vren? God! Ano kayang unang gagawin n'yo pareho?" namimilyang tanong nito.  "Malabo 'yang iniisip mo, siguradong hindi na namin makikilala ang isa't isa kahit siguro magkasalubong kami." "Naku, bahala ka na nga. Teka, kwentuhan mo na lang ako about Canada. Saka yung mga pasalubong ko sabi mo dala mo?" nagingislap ang mga mata nitong sabi. "Oo naman, pero mamaya na. Kwentuhan mo muna ko, She. So, masarap ba ang may asawa?" nakangiting tanong niya. Base kasi sa nakikitang aura ng kaibigan ay masasabi niyang masaya ito sa buhay may asawa.  "Super, Vren. Lalo na kung katulad ng asawa ko, God! Pakiramdam ko prinsesa ako araw-araw. Napaka-sweet at caring niya. Alam mo 'yon, 'yung tipong nakaalalay sa'yo palagi. Tapos kaaalis pa lang ng bahay maya-maya nakatawag na para kumustahin ako. Wala lang, ang sarap lang sa feeling," ani Sheryl na nakatingala pa sa langit at tila nangangarap.  "Now I can say na inlove na inlove kayo sa isa't-isa." Nakapangalumbaba siya habang nakatitig sa kaibigan.  "Sinabi mo pa!" "Pero bakit wala pa kayong baby?" "Wala pa talaga kaming balak, Vren. Maybe next year. Sabi niya, gusto muna raw niya kong solohin pa. Kapag daw kasi may anak na kami, mahahati na ang atensiyon ko sa kanilang dalawa." "Oh! I see. May point naman ang asawa mo doon."     Kinagabihan ay nakilala nga niya si August. Tama ang mga kaibigan niya, bukod sa gwapo ay mabait din ito. Ito ang klase ng taong hindi mo pangingilagan kahit unang beses n'yo palang magkita dahil palagi itong nakangiti. Napag-alaman niya na pag-aari nito ang malawak na niyugang nakapaikot sa malaking bahay. May-ari rin ito ng isang malaking advertising company na matatagpuan sa kabayanan. Bukod doon ay may iba't ibang negosyo pa ito na ito rin mismo ang namamahala. Humanga siya sa asawa ng kaibigan. Pero hindi niya maramdaman dito ang atraksiyong siguradong maraming babae ang nakakaramdam. No doubt na gwapo si August, but he is not her type of men. "Finally ay na-meet ko na rin ang bestfriend ng aking asawa. Please to meet you, Vrenda," anito habang inilalahad ang palad sa kaniya. "Nice meeting you, August. No wonder na baliw na baliw sa'yo ang kaibigan ko," nakangiting turan niya habang tinatanggap ang palad nito. "Well, gano'n din naman ako sa kaniya, Vrenda," ganti nito. Nagkatawanan sila.  "Nakakainggit naman kayo. Parang mali yata ang napuntahan ko," kunwa'y napasimangot siya sa sweetness ng mga ito.  "Tama lang na dito ka pumunta, Vrenda. Alam mo kasi, kahit hindi sabihin nitong honey ko, alam ko naman na naiinip siya madalas lalo na kapag mag-isa na lang siya dito sa bahay at nasa opisina ako. 'Wag kang maiilang dito, madalas kang ikwento ni Sheryl sakin kaya alam ko na parang magkapatid na kayo." "Salamat, August. Nahihiya nga ako at maaabala ko pa kayo." "Vren, magtatampo naman ako kung sa iba ka pa hihingi ng tulong at hindi sa akin. Sobrang natutuwa ako na nandito ka ngayon," sinserong turan ni Sheryl na hinawakan ang dalawang kamay niya saka bahagyang pumisil doon.  "Thanks talaga sa inyo."     Nang mga sumunod na araw ay naging abala sila ni Sheryl sa paglilibot. Narating na rin niya ang resort ng mga ito na talaga namang napakaganda. Tunay na nakalilibang sa probinsiya. Buhat sa kwarto na inookupa niya ay tanaw ang mga taong umaakyat sa puno ng niyog para kuhanin ang mga bunga. Namangha siya sa manu-manong pag-akyat na ginagawa ng mga ito sa napaka-tayog na puno. Napaka-simple ng buhay dito. Malayung-malayo sa lungsod na nakabalot sa makamundong gawain na sagana na nga ngunit hindi pa rin kuntento ang mga tao. Kung siya ang tatanungin  ay gusto rin niyang sa ganito tumira.  "It's okay, hon. I understand. Nandito naman si Vrenda kaya may kasama naman ako," narinig niyang sabi ni Sheryl sa kausap sa cellphone na batid niyang si August. Noon ay nasa kwarto sila at nanunuod ng mga nag-ha-harvest ng niyog. "Ingat ka, okay? I love you too. Bye!" "May problema ba, She?" "Wala naman. Gagabihin lang daw siya ng uwi dahil dumating 'yung friend niya from Las Vegas. Alam mo na, mag-ce-celebrate siguro." "Ahh...mabuti okay lang sa'yo kapag gano'n?" "Vren, kapag may asawa ka na, dapat marunong kang unawain siya. Nakakasira ng relasyon kapag sobra natin silang sinasakal. Bigyan natin sila dapat ng kalayaan na gawin ang mga gusto nila paminsan-minsan. Para na rin hindi sila naglilihim sa atin. In that way lahat ng gagawin nila sasabihin nila sa'tin kasi naiintindihan natin sila." "God, She! Ikaw na talaga. Ako hindi ko alam kung kaya kong maging kasing-bait mo kapag nagkataon." "Kapag nasa sitwasyon na kita, malalaman mo ang ibig kong sabihin." "SO HOW's Nevada, Marco, pare?"  "Maraming sexy as always, bro." sinalinan niyang muli ng brandy ang tig-isang baso nila ni August.  "Really? Pero bakit hindi ka pa nag-bitbit ng isa pauwi para naman matalian ka na rin?" namimilyong sabi nito. "C'mon, August. Wala pa sa plano ko 'yan ngayon." Kagaya ng dati kapag nagkakausap sila sa telepono, aasarin na naman siya nito at iinggitin sa masayang buhay may asawa nito.  "Pihikan ka kasing masyado, bro. Ikaw na ang nilalapitan ng babae ayaw mo pa." "Hindi naman sa gano'n. Marami lang akong dapat asikasuhin pa kaya hindi ko pinagtutuunan ng pansin 'yan ngayon. Kahit nga sa kasal mo hindi ako nakauwi dahil sa hectic ng schedule ko, pare." "Mabuti naman at naisipan mong umuwi ngayon?" "Naaalala mo 'yung Villa Amelia sa bayan?" "Yeah. I already know na nabili ng papa mo 'yun, right?" "Right. At gusto niya na ako ang humawak ng project na 'yon." "No worries, kayang-kaya mo naman 'yon, pare. Magaling kang arkitekto, kaya ka nga napadala sa Vegas 'di ba?" Ano'ng pinoproblema mo?" "Actually wala naman, bro. Ang kailangan ko lang ngayon ay Interior designer. And what I need now is 'yung fresh grad sana. Para bago rin ang mga ideas." "Pare, maraming paraan. If you want we can make a TV advertisement under my advertising company, in that way---" "Oo nga pala! Ba't hindi ko agad naisip 'yon? Sige nga pare, sabihin mo kung ano ang gusto mong kapalit," tila bigla siyang nabuhayan nang maalala ang kompanya ng kaibigan. Sana lang ay makakita sila ng qualified.  "Siraulo! 'Wag mong isipin 'yon! Ang mahalaga ma-solve ang problema mo para naman mag-focus ka na sa babae," tatawa-tawang sabi ni August. Napangiti siya dahil mas atat pa ang kaibigan na magka-nobya na siya.  "Atat ka pa sakin pare e no?"  "Hindi sa gano'n. Gusto ko lang makita mo na rin ang para sa'yo. Maniwala ka sakin pare, masarap ang feeling ng may asawa. 'Yung tipong may nag-a-asikaso sa'yo, may sasalubong sa'yo pag-uwi mo galing sa nakakapagod na trabaho maghapon." Kumukumpas pa sa hangin ang mga kamay ni August habang sinasabi ang mga iyon.  "Kitang-kita ko naman sa'yo ang ebidensiya, pare. So kailan ko makikilala ang swerteng misis mo?" "One of these days, pare, dadalhin kita sa bahay. Tamang-tama, may bisita kami ngayon na siguradong kapag nakita mo, babalik at babalik ka sa amin," pilyong sabi nito. "Tado! Sige na, umuwi ka na at hinihintay ka na ng asawa mo!"     Masaya si Marco at kahit matagal na silang hindi nagkita ni August ay wala pa ring ipinagbago ito. College pa lang ay magkaibigan na sila. Mag-kumpare ang papa nito at ang ama niya kaya sila naipakilala sa isa't isa. Palibhasa'y wala siyang kapatid na lalaki at ito naman ay solong anak, talagang naging malapit sila sa isa't isa. Nang maka-graduate sila pareho, naging busy si August sa pagtulong sa ama sa pagpapatakbo ng mga negosyo ng mga ito. Samantalang siya ay napasok sa isang kilalang kompanyang San Sebastian & Associates, isang architectural firm na may opisina sa Makati. Naging junior partner siya ni Mr. San Sebastian at talaga namang lahat ng proyektong dumadaan sa kaniya ay sinigurado niyang pulido at napag-aralang mabuti. And barely four months pa lang sa kompanya'y isa na siya sa may pinakamalaking  naipasok na kontrata----ang magdesign ng 65 storey building na ngayon ay isa na sa pinakasikat na hotel sa bansa. Ngunit ng mabigyan ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa ay hindi na siya nag-aksaya ng pagkakataon. Ngayon ay kilalang-kilala ang pangalan niya maging sa loob o sa labas ng Pilipinas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD