Chapter 10

1000 Words
"Oh my God! Nag-working student ka sa Canada??" hindi makapaniwalang tanong ni Sheryl kay Vrenda nang umagang iyon habang nasa niyugan sila. Katatapos lang nilang pakainin ang mga trabahador. Kahit pa kasi trabaho ng mga kasambahay ni Sheryl iyon ay nakasanayan na raw nitong sumama at makipag-bonding sa mga trabahante nila.  "Yeah. Why?? Ang sarap kaya ng feeling." Lihim siyang nangingiti habang tumutulong siya sa pagliligpit ng mga pinaggamitang plato. Sabi na nga ba niya at talagang magugulat ito. "Oo nga pero bakit mo ginawa 'yon?? I mean, wala kayong paglagyan ng pera n'yo, tapos nagpakahirap ka pang---" Inilahad niya kay Sheryl lahat ng nangyari sa kanya sa Canada. Lahat ng pinasukan niyang trabaho, ang paglalaba niya ng sariling mga damit, pamumuhay ng walang kasambahay at pananatiling single sa loob ng anim na taon. Sa huli ay manghang mangha ang kaibigan. Nahuli pa nga niya na nanlalaki ang mata nito nang matapos siya.  "God! I'm so proud of you, Vrenda! Ang galing-galing mo nakaya mong lahat 'yon? Prinsesa ka sa inyo pero nakaya mo talaga na walang helper?"  "Di ba?? And now, I'm a certified Interior designer, She. And I'm proud of myself too." Inilagay pa niya ang dalawang kamay sa beywang at umastang proud na proud sa sarili. Tawa naman ng tawa si Sheryl dahil sa ginawi niya.  "Really?? Interior designer ka, Vrenda??" bulalas ni August ng hindi sinasadyang marinig ang usapan nila ni Sheryl. Nagulat sila pareho ng hindi nila namalayang naroon na rin pala ito sa kinaroroonan nila. Nakabihis na ito at mukhang paalis na papunta sa opisina.  "Honey, ba't parang gulat na gulat ka naman?" natatawang tanong ni Sheryl sa asawa. "Hon, dahil si Vrenda ang sagot sa problema ni Marc. Naghahanap siya ng Interior designer para sa bago niyang project, I'm sure na si Vrenda ang hinahanap niya, fresh grad," sagad ang ngiting sabi nito bago akbayan ang asawa.  "Really, August?? Oh God! Excited na ko! This will be my first job if ever, guys!"  "Honey, kaya nandito si Vrenda ay para magbakasyon hindi para---" singit ni Sheryl. "She, it's okay. Actually pagdating ko pa lang from Canada ay pinag-iisipan ko na kung saan ako mag-a-apply, kaya natutuwa ako na may posibility na magka-trabaho ako dito." Hinawakan niya ang mga kamay nito para iparating na okay lang siya at wala itong dapat alalahanin.  "Hon, relax, hindi naman mapuputol ang bakasyon ni Vrenda kahit matanggap siya. I'm sure na kahit dito sa bahay ay pwede siyang magtrabaho. Paminsan-minsan lang niya kailangang umalis at pumunta sa site." Pumihit ito paharap sa kanya para matanong siya ng maayos. So, okay ba sa'yo, Vrenda?" "Yes! Of course!" sagot niya agad dahil gusto naman talaga niyang magtrabaho na. Iyon sana ang aasikasuhin niya kung hindi siya umalis sa kanila dahil sa plano ng mama niya.  "Good. Sasabihin ko kay Marc na may kakilala ako. I'll let you know kung okay sa kaniya."  "Salamat, August." "Okay. I have to go. Bye, honey!" paalam nito bago halikan ang asawa. "Bye, ingat!" "Vren, okay lang ba talaga sa'yo?" tanong ni Sheryl ng makalayo na ang asawa.    "Oo naman. Alam mo, ayokong nakakapit ako sa magagawa ng pamilya ko habang-buhay, Sheryl. Gusto kong umangat sa sarili kong paraan. Nakakasawa ng tingnan ka ng tao bilang anak ni ganito ni gano'n." "Sige na nga, bahala ka na." "Na-meet mo na 'yung friend ni August na 'yon?" "Not yet. Ang rinig ko, galing din sa ibang bansa 'yon at doon ipinagpatuloy ang pagiging arkitekto, and take note ha, magaling daw 'yon. Hindi siya nakauwi nung kasal namin kaya hindi ko pa rin siya nakikilala." "Baka mataas ang standards no'n, She. Baka mapahiya si August dahil sa akin." "Ano ka ba! Kayang-kaya mo 'yun no! Halika na, mamasyal na lang tayo. Baka matanggap ka nga ro'n, e, hindi ka na makalibot." "Sige nga."     Nalaman niyang sa dulong bahagi ng niyugan ng mga ito ay may sampung ektaryang bukirin na pag-a-ari rin ni August. Narito rin ang alaga nitong mga baka at kabayo at iba't ibang uri ng pananim. Ayon kay Sheryl ay may kanya kanyang nangangalaga rin sa mga iyon na halata naman dahil malinis ang kapaligiran sa farm maging ang mga hayop.  "Marunong kang mangabayo, Vrenda, 'di ba?" "Oo. God! Na-miss kong gawin 'to!" excited na sabi niya.  "Ano pang hinihintay natin, tara na. Ikot tayo!" "Let's go!" parang batang tuwang-tuwang sumakay siya sa kabayong itinuro ni Sheryl na gamitin niya.      Walang pagsidlan ng kaligayahan si Vrenda nang mga sandaling iyon. Ibang-iba ang buhay dito kumpara sa lungsod. Tunay ngang napakapalad ni Sherly, at kahit ayaw niya ay hindi maiwasang mainggit siya sa kaibigan.  "Bakit ang tahimik mo?" untag nito sa kaniya ng huminto na sila sa hangganan ng lupain ng mga ito. "Naiinggit ako sa'yo, Sheryl. Ang saya-saya ng buhay mo. Samantalang ako---" "Sshhh! Tumigil ka nga! Ano bang ikinaiinggit mo sakin?" humahalakhak na tanong nito sa kaniya. "Kasi perfectly made ang love life mo, tapos nakatira ka sa mala-paraisong lugar. Walang gulo, walang pressure," malungkot na sabi niya. Lihim niyang nahiling na sana'y ganito rin ang maging buhay niya.  "Vren, hindi pa lang nasusulat ang love story mo. Pero I'm sure, naghihintayan lang kayo ng prince charming mo." "Thanks, Sheryl." nginitian niya ang kaibigan. "Anyway, nasa'n na ba tayo?" "Nandito na tayo sa dulong bahagi ng farm. Nakikita mo 'yung kabila na yan? According to August, kay Marc 'yan. Nung binenta nung may-ari inabisuhan niya si Marc na baka interesado ito, ayun binili naman nga nito. It's too obvious na ayaw talaga nilang maghiwalay." tatawa-tawang litanya ni Sheryl. "Talaga? Pero bakit walang laman? I mean, walang kahit ano." "Kasi nga 'di ba, wala naman siya dito sa Pilipinas. Wala ring mag-a-asikaso." "Kung sabagay! Baka diyan din siya magtatayo ng bahay someday." "Well, maybe. Kapag siguro nag-asawa na rin." "You mean single pa ang Marc na 'yon?" "Yeah. And take note, mailap raw sa mga babae. Pero I'm sure na kapag nakita ka niya, tanggal ang pagiging pakipot nun," biro nito kaya nagka-tawanan sila pagkatapos.  "Ayan ka na naman, e, halika na nga bumalik na tayo." "TALAGA, pare??" "Yes, bro. So kailan ko siya pwedeng dalhin sa'yo?" tanong ni August kay Marco sa kabilang linya. "Well, as soon as possible sana, August." "Okay, I'll bring her to you tomorrow morning." "Thanks, bro. Your the man!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD