Chapter 11

1845 Words
"Vren, good luck!" "Thanks, Sheryl." "Yung tinuro ko sa'yo, ha? Daanin mo sa charm mo," pabirong paalala pa nito habang hatid sila sa gate para puntahan ang kaibigan ni August na arkitekto. Natawa naman si August sa sinabi ng asawa. "Hon, ikaw ha? 'Yang advice mo, naughty." "Honey, tinuturuan ko lang si Vrenda. Diyos ko, sinasayang ang ganda e. Six years ng single." "Well, bagay pala sila ni Marco." nakangiting sabi ni August na nagpakabog ng matindi sa dibdib ni Vrenda pagkarinig sa pangalan na iyon.  "W-what?? M-Marco?" She stuttered.  "Yeah. It's my friend's name. Why? Napalingon ito sa kanya na bakas ang pagtataka sa mukha. "Vren, alam ko ang iniisip mo. Baka nagkakamali lang tayo," ani Sheryl. Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya. Marahil ay napansin nitong bigla siyang kinabahan.  "Hon, why? Is there anything wrong?" untag ni August sa kanilang dalawa. "Nothing. Sige na, lumakad na kayo at tanghali na. Vren, relax okay?" "O-okay, let's go, August." Kinalma niya ang sarili. Tama si Sheryl, hindi lang naman nag-i-isa ang Marco sa mundo at sigurado siyang iba ang Marco na ito.      Habang daan ay hindi naman mapakali si Vrenda. Paano kung si Marco nga ang kaibigang ito ni August na nakatakda niyang makaharap ngayon? Pero imposible, paano magiging si Marco ito gayung sa tingin niya ay napaka-yaman ding tulad ni August.  Iwinaglit niya ang isiping umuukilkil sa kaniyang utak. "Kumalma ka nga, Vrenda! Hindi siya si Marco kaya tumigil ka!" sermon ng isang bahagi ng utak niya.  "Hey! Are you, okay? You look so tense," natatawang tanong ni August nang nasa kotse na sila. Nabasa yata nito na malalim ang iniisip niya.  "Yeah. I'm sorry, k-kinakabahan lang ako." Pinilit niyang ngumiti. "Relax, okay? Hindi naman nangangain ng babae 'yung kaibigan ko."  "I know. Ewan ko ba, siguro normal lang na maramdaman ko 'to. Ngayon ang first interview ko kumbaga." "Okay lang 'yan. Anyway, malapit na nga pala tayo. Just calm yourself." "Noted."     Humantong sila sa isang napakalaking solar na kinatitirikan ng apat na malalaking bahay kastila. Lahat ay luma at sa tingin niya ay wala ng mga nakatira. "Nandito na tayo," anunsiyo nito habang inililiko ang sasakyan.  "Ito ang Villa Amelia, August?" "Yeah. Nasabi ko na sa'yo na ire-renovate ito at gagawing isang malaking resto 'di ba?" "Yeah." "Let's go, baka nasa likod sila." "O-okay." parang may tambol pa rin sa loob ng dibdib niya habang sumusunod kay August.     Pagdating nila sa likod na bahagi ay hindi pa rin nila nakita ang hinahanap. Maya-maya pa ay nagpasya si August na tawagan na ang kaibigan nito. "Hello, Marco, we're here. Where are you, bro? Oh, okay, okay. Hihintayin ka namin dito. Yeah, kasama ko na siya." Iyon lang at ini-off na nito ang cellphone.  "Is he already here?" tanong niya pagkuwan. "Yeah, kausap lang daw niya yung mga Engineers sa loob, pero papunta na 'yun. Dito na lang natin siya hintayin," nakangiting sabi nito. Noon ay nasa maluwang silang garden na halos wala na ring laman bagkus ay mga materyales sa construction ang naroon. "Still nervous?" "Medyo na lang." "Good. Alam kong ikaw ang hinahanap ng kaibigan ko, Vren. Mostly kasi, matatanda ang mga nakakatrabaho niya before kaya medyo, alam mo na, old ideas." "Well, sana nga. I really need a job, you know." She shrugged her shoulders and heaved a deep sigh.  "You know what? Bilib nga ako sa'yo, e. May prinsipyo ka sa kabila ng yaman ng pamilya n'yo." "Ayoko lang kasing ha---" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil biglang inanunsiyo ni August na naroon na ang kanilang hinihintay. "He's here, Vrenda," anito habang diretso ang tingin sa paparating na lalaki. Hinayon niya ang tinitingnan nito. Bigla ang ragasa ng kaba sa kaniyang sistema ng tuluyang mapagmasdan ang mukha ng arkitekto. Kahit malayo pa ito sa kanila ay hindi siya maaaring magkamali. Sa tindig at porma ay sigurado siya na ang Marco na kaibigan nito at ang taong ayaw na sana niyang makita pa ay iisa. Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Vrenda ng mga sandaling iyon. Kung gwapo si Marco noong high school sila, lalong malakas ang dating nito ngayon. Tall, dark and handsome. Iyon ang tamang deskripsyon sa binata, o baka nga mas higit pa. Sa Canada ay napakarami rin namang gwapo siyang nakikita halos araw-araw ngunit walang sinabi ang mga iyon kay Marco. At habang palapit ito ng palapit sa kanila, lalong bumibilis ang t***k ng kaniyang puso. "Ahhmmm, August, can you do me a favor?" aniya na halatang balisa na. Hindi niya alam kung saan susuling. Parang gusto niyang tumakbo at magtago sa kung saan. "H-ha?" ani August na tila hindi naman nakakahalata. "Please, huwag Vrenda ang ipakilala mo sa kaniyang pangalan ko. Can you do that?"  "B-but why??" litong tanong nito. "Baka kasi hindi niya ko tanggapin. Alam mo na, baka kapag nalaman niyang isa akong---" "Okay, okay. I get it! Baka kapag nalaman niyang isa kang Della Vega ay mawalan siya ng tiwala sa'yo dahil baka isipin niyang wala kang alam at hindi ka seryoso sa trabaho because you can survive even if not working, right?" Nagpasalamat siya dahil nakuha agad nito ang gusto niyang sabihin.  "Exactly." "Okay, so what's your name then?" nakangiting tanong nito. "Ahhmmm...ano nga ba? Teka...Nathalia Francisco? What do you think?" pinagpapawisan niyang sabi.  "Well, nice name huh! Okay." nakangiting sabi ni August sabay kibit ng mga balikat. "Salamat."     Bago ganap na makalapit si Marco sa kanila ay tapos na ang pag-u-usap nila ni August. Bahagya na rin niyang nahamig ang sarili at nag-umpisang umasta ng normal.  "Bro! I'm sorry, nainip yata kayo," ani Marco kay August ngunit sa kanya partikular nakatingin. At kagaya noon, she has that urge na humugot ng malalim na hininga kapag natititigan siya nito. Ang mga mata nitong tila tumatagos kung tumitig, ang makakapal na kilay sa ibabaw ng mga iyon. Ang matangos nitong ilong gayundin ang maninipis at mapupulang labi nito ay muli niyang nasilayan ng mga sandaling iyon. "God! Huwag n'yo pong ipahintulot na makilala niya ako." usal ni Vrenda sa isip. Hindi niya matagalang tingnan ito ngunit batid niyang matiim itong nakatitig sa kaniya. Palibhasa'y bahagyang nakayuko, hindi nakaligtas sa mata niya ang maliit na balat nito sa kamay kaya mas nakasigurado siyang si Marco nga ang kaharap. "Hindi naman, bro. It's okay. By the way, meet N-Nathalia Francisco, fresh graduate from Canada at alam kong matutulungan ka niya. Nathalia, he is my friend, architect Marco Demicillo." Natural na natural ang ginawang pagpapakilala ni August sa kanila. Parang wala silang naging pag-u-usap bago ito dumating. "Oh! Hi, Miss Francisco! Nice meeting you," anito bago ilahad ang palad sa kaniya. Nakahinga siya ng maluwag nang walang makitang indikasyon na nakikilala siya ng binata. "S-same here, Mr. Demicillo." Sa wakas ay nagawa niyang sabihin. Kung sabagay ay hindi nito dapat mahalata na naiilang siya. Naramdaman niyang bahagyang pumisil ang palad nito sa kamay niya ng tanggapin niya iyon. "So, pa'no bro. Iwan ko na si Nathalia sa'yo ha? Kailangan ko ng pumasok sa opisina, e," maya-maya ay ani August. Bigla na naman siyang kinabahan.  "August, iiwan mo---"  "Relax, si Marco ang bahala sa'yo, Nathalia." Bakas sa mukha nito ang kapilyuhan.  "Pero paano ako uuwi?" "Ako na'ng maghahatid sa'yo pauwi, Nathalia. In fact alam ko naman na kina August ka tumutuloy," seryosong sabi nito pagkuwan. "H-ha?" "Nathalia, 'wag kang mag-alala, okay? Safe ka kay Marco. Besides, hindi naman kita iiwan sa kaniya kung alam kong pababayaan ka niya. Trust him, okay? Bakit may pakiramdam ako na natatakot ka sa kaniya?" bulong ni August sa kaniya ng tumanggi pa rin siyang iwanan nito. "O-of course not!" "Yun naman pala, e. Mabait 'yan. I'm sorry but I have to go. Nakalimutan kong may meeting nga pala ako ngayong umaga at baka sa mga oras na ito ay naghihintay na silang lahat sa akin." "O-okay. Go ahead."  "Good. Marco, bahala ka na rito kay Nathalia. Natakot yatang masyado sa appeal mo, pare," biro pa nito. "Don't worry, bro. Sige iwan mo na siya." Napatingin siya sa binata na matiim na namang nakatitig sa kanya. Kaagad siyang nagbawi ng tingin.  "Salamat, bro! I'll go ahead, Nathalia." Isang tango ang ibinigay niya rito bago tuluyang magpaalam..  "Sumunod ka sa akin, doon tayo sa baraks at mainit dito," maya-maya ay sabi ni Marco habang nauna ng maglakad. "S-sige."      Dinala siya nito sa isang silungan na tanging bubong ang meron at walang mga dingding. May isang malaking lamesang narra ito roon na sa ibabaw ay halu-halong mga papeles ang mayroon. Sa tingin niya ay ito ang ginagawang opisina ng binata kapag kailangan din lang na magbabad ito rito. "Maupo ka, Miss Francisco." Itinuro nito ang monoblock chair sa harap nito para upuan niya.  "Salamat." Nahugot niya ang hininga nang sa wakas ay makaupo na. Pakiramdam kasi niya ay unti-unti ng nanghihina ang kaniyang mga tuhod at ayaw niyang mahalata nito iyon. Nagpasalamat na rin siya at mukhang walang ideya si Marco kung sino talaga siya.  "So, before we start. May I have your resume, Miss Francisco?" "H-ha? W-wala akong da---" "What?? Your applying for this job and yet kahit bio-data ay wala ka??" salubong ang kilay na banat nito sa kanya. Bakit nga ba hindi niya naisip na kailangan pa rin niyang mag-submit dito ng resume niya? "I'm sorry, a-akala ko k-kasi---" "Akala mo ay ano?? Na porke kaibigan ko ang nag-rekomenda sa'yo ay sigurado ka na tatanggapin na kita??" "Pero hindi---" "Paano kung masama ka palang tao? Paano kung sa likod ng mukha mong 'yan ay may nakatagong masamang ugali?? What if may record ka pala sa iba't ibang criminal cases at iba pa?" diretsahang sabi nito na ikina-panting ng tainga niya. Bakit sa klase ng pananalita nito ay animo napaka-daling manghusga? Pinakapigil niya ang sarili ngunit hindi niya kayang palampasin ang mga sinabi nito. "What?? Excuse me, Mr. Demicillo! Wala lang akong dalang resume ay kung anu-ano ng pangit ang sinabi mo tungkol sa pagkatao ko! Hindi mo ko kilala kaya wala kang karapatan na husgahan ako! Now, if you don't have any intention na bigyan ako ng trabaho, then fine! Hindi lang ikaw ang makapagbibigay sa akin no'n! Good day, Mr. Demicillo. Thank you for making my day so embarassing!" humihingal siya ng makatapos magsalita. Pinigil niya ang sariling umiyak kahit gustung-gusto na niyang gawin. Hinding-hindi siya iiyak sa harapan ng lalaking mula noon ay nananakit na sa damdamin niya. Mabilis ang ginawa niyang pagtayo. Malalaki ang hakbang na nilisan niya ang lugar na iyon. Ngunit sa malas ay napaiyak na siya kaagad kahit hindi pa nakakalabas ng compound ng Villa Amelia. Gigil na gigil siya sa lahat ng sinabi nito. Buong-buhay niya ay ngayon lang siya napagsalitaan ng gano'n kaya naman kandaiyak siya sa inis.  "Ang hambog at hindi talaga ako sinundan! Walang modo! God! Pa'no ako uuwi?" bubulung-bulong na sabi niya sa sarili habang patuloy sa paglalakad. Nagsisi tuloy siya na hindi niya dinala ang sariling kotse kanina. Maya-maya ay may natanaw siyang tricycle na parating, malayo pa lang ay pinara na niya iyon na agad naman siyang hinintuan.  "Ate, 'di ba po kayo 'yung pumunta noon kila sir August?" tanong ng binatilyong driver ng tricycle. Napangiti siya ng makilala ito. Ito yung napagtanungan niya noon kung saan ang bahay nina Sheryl.  "Oo, totoy. E, pwede ba akong makisabay hanggang doon ulit kila sir August mo? Wala kasi akong masakyan, e." "Aba opo naman po! Tara na po!" "Salamat."     Nang makababa ay inabutan niya ng isandaang piso ang binatilyo. Ayaw sana nitong kuhanin iyon ngunit ipinilit niya, sa huli ay tuwang-tuwa ito at nangakong kapag nakita siya ulit na naglalakad ay muli siyang isasabay. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD