Chapter 12

1668 Words
Sa bahay ay bahagya namang nagulat si Sheryl ng mabungaran siya sa sala nang ganoon kaaga.  "Hey! Ang aga mo namang nakabalik? Sino'ng naghatid sa'yo??" anito nang makalapit at tumabi ng upo sa kaniya.  "Wala. Sumakay ako sa tricycle," tipid niyang sagot. Hindi makatingin kay Sheryl dahil hanggang ngayon ay nagpupuyos ang kanyang kalooban.  "Ano?? Bakit?? Teka nga't tawagan ko si August!" Napatayo ito at akmang hahakbang na nang mahawakan niya sa isang braso.  "No! Walang kasalanan si August, She." "Kung gano'n ay bakit hinayaan ka niyang mag-tricycle?? Nangako siya na siyang bahala sa'yo," kunot ang noong tanong nito. "Dahil hindi niya alam ang nangyari." "Teka nga, ano bang nangyari talaga?? Come straight to the point, Vrenda!" muli itong umupo sa tabi niya.      Detalyadong ikinuwento niya kay Sheryl ang lahat ng nangyari at maging ito ay gulat na gulat. Kagaya niya ay hindi rin ito makapaniwala na si Marco pala ang kaibigan ng kanyang asawa.  "Oh my God!! So pa'no na 'yan? Teka, hindi ka kamo niya nakilala?" kagat ang kuko sa hinlalaking daliri na tanong nito.  "I think so. Walang indikasyon na kilala niya ko." "God! How come na si Marco ang---" "She, noon pa man alam natin na masipag mag-aral si Marco bukod sa matalino siyang talaga. Kaya siguro siya umasenso." "I know. I know. Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. What I mean is, sa tagal nilang mag-kaibigan ng asawa ko, ni hindi ko man lang naisip na siya nga 'yon." "That brute! Akala mo naman ay magkakandarapa ako na mag-apply sa kaniya! Neknek niya!" "Pero tell me, ano'ng hitsura niya ngayon? Yummy ba?" ani Sheryl sabay kindat at siko sa kaniya. "I don't care! The mere fact na pinagsalitaan niya ko ng gano'n, lalo akong nawalan ng interes sa kaniya 'no! Napakayabang!"  "Naku tigilan mo ko! Narinig ko na 'yan nung high school pa lang tayo." "Bahala ka! Basta hindi na ako babalik do'n!" "I'll talk to August about that don't worry." "Antipatikong masyado ang lalaking 'yon! Yumaman lang ay akala mo kung sino ng magsalita! Sobrang bilib sa sarili!" nag-ngingitngit pa ring patuloy niya habang naka-halukipkip. "Tama na 'yan. Sige ka, baka hanggang sa pagtulog mo mamaya ay mapanaginipan mo pa ang lalaking 'yon." Sinundot siya nito sa tagiliran dahilan para mangiti na rin siya. "Hindi mangyayari 'yon!" aniya sabay tayo at humakbang patungo sa main door.  "O 'san ka pupunta?" "Sa bayan, maglilibang lang. Sama ka?" "Sige pero anong oras tayo uuwi?" "O kaya 'wag na, ako na lang. Baka mapagalitan ka pa ni August." "Sus, hindi no! Tatawagan ko lang siya and magbibilin ako sa maid na baka gabihin tayo kaya mag-prepare na ng dinner." "Sigurado ka?" "Oo! Alam naman ni August na kailangan ko rin maglibang minsan. Wait lang," sabi pa nito bago bahagyang lumayo sa kanya para tawagan ang asawa.           SAMANTALA si Marco ay hindi mapigilang mangiti mag-isa habang inaalala kung gaano ang naging galit ni Vrenda dahil sa mga sinabi niya. Ang totoo ay talagang nagulat siya ng makitang ito ang kasama ni August. Ngunit ang hindi makilala ito sa kabila ng mga taong lumipas ang kahuli-hulihan sigurong bagay na mangyayari sa kanya. At sigurado siyang ito ay gano'n din. Kitang-kita niya sa mga mata nito kanina ang labis na pagkabigla at pagka-ilang nang magkaharap sila.  "Kung ano'ng laro na naman ang balak mo ngayon, I'm sorry pero nakahanda ako, Vrenda. Kung gusto mong pangatawanan na ibang tao ka, go ahead. Ang mga kagaya mo ay hindi dapat pinagkakatiwalaan."  "GOD! Ginabi na tayo, Sheryl. Baka nagagalit na si August. Baka sabihin niya masyado ki---" "Tumigil ka nga! Kanina ka pa isip ng isip sa sasabihin ni August e sinabi ko na ngang ayos lang sa kanya. Heto nga't kaka-text lang, mag-enjoy daw tayo at nagluluto na siya ng food." Kalalabas lang nila ng sinehan at papunta na sa package counter upang kuhanin ang mga pinamili nila. "Swerte ka talaga kay August 'no? Nasa kaniya na lahat, Sheryl." "I know, Vren. Pero hindi rin naman lahat, nag-a-away rin naman kami kung minsan. Pero inaayos nga lang namin agad." "Hay! Anyway, nag-enjoy ka ba sa mga na-shopping mo?" tanong niya rito. Marami-rami rin kasi ang mga napamili nila. "Oo naman. Sinamahan lang kita pero mas marami akong nabili. Ikaw kasi, lahat ng makita mong in ngayon pinabili mo sa akin!" kunwa'y naninising sabi nito kahit pa bakas sa mukha ang labis na kasiyahan.  "She, ano ka ba! Mayaman ang asawa mo and wala pa naman kayong anak! Isa pa, tayong mga babae dapat lang na palagi tayong maganda lalo ka na, sa paningin ng asawa mo." Nakapila sila sa package counter kaya bahagyang hininaan niya ang boses. "Pero nasa bahay lang naman ako." "Kahit pa! Saka hindi mo naman madalas gawin ang ganito." "Hay! Oo na! Wala na akong sinabi! Pero thank you, Vren. Wala talagang tatalo sa'yo pagdating sa fashion kaya ang gaganda ng mga napamili natin."  "No worries, girl."     Sa bahay ay kaagad silang sinalubong ni Mang Rogelio para tulungan silang bitbitin ang marami-rami rin na paper bags. Nagtatawanan pa sila habang papasok ng kabahayan ng biglang mawala ang ngiti sa mga labi ni Vrenda.  "O, they're here na pala, bro." "Hi, hon! I'm sorry ginabi kami," ani Sheryl na kaagad nilapitan ang asawa at humalik sa pisngi nito. "It's okay, honey. So, enjoy?" Inakbayan naman ito ni August at hinuli ang labi ng asawa at walang pangingiming hinalikan sa harap nilang dalawa. Hindi sinasadyang napatingin siya kay Marco ngunit sa malas ay nakatitig pala ito sa kanya kaya't dali-dali niyang binawi ang tingin.  "Yeah. Kapag shopping talaga ang usapan, walang tatalo dito sa bestfriend ko e, hindi ba---" hindi naituloy ni Sheryl ang sasabihin dahil noon lang nito napansin na may bisita pala ang asawa.  "M-Marco??" "Hi, Sheryl! So ikaw pala ang misis nitong kaibigan ko? Small world huh!" nakangiti si Marco habang sinasabi iyon.  "Hey! Magkakilala kayo??" nakangiting tanong ni August bagama't halatang nagulat. "Yeah. School mate kami noong high school, honey. Sikat si Marco sa school kaya kakilala ko siya." "She's right, pare. Pero tungkol doon sa sikat ako. hindi totoo iyon," segunda nito na nasa himig ang pagbibiro.  "Wow! Akalain mo nga naman! Pero kaya narito si Marco ngayon ay para kausapin sana si Nathalia, honey, nagkaroon yata sila ng misunderstanding kanina," ani August na binalingan siya. "Ahhmm...I'm sorry ulit kung ginabi kami ng uwi August. Pero pasensiya ka na rin at wala na akong balak makipag-deal pa diyan sa kaibigan mo. Hindi mo naman kasi nasabi sa akin na saksakan pala ng yabang at bastos ng taong 'yan. Excuse me." Iyon lamang at tumalikod na siya. Sa tatlo ay si August ang labis na nagulat sa mga sinabi niya. Napanganga ito dahil sa deretsahang pagbibitiw niya ng mga salita. "Woooaaahhh! 'San galing 'yun? Parang ang laki ng galit sa'yo, bro!" pabulong na ani August habang nakasunod ang mata sa papalayong si Vrenda.  "I think, matutulungan ako ni Sheryl na magpaliwanag sa'yo, pare. Hindi ba, Sheryl?" "H-ha? Pero magagalit sa akin si Vrenda, baka---" "Wait a minute, you mean kilala mo talaga si Vrenda, bro?" "Yeah. And hindi lang basta kilala, pare." "C'mon, sound's interesting huh? Hon, come, ano 'yung sinasabi nitong lalaking 'to?"      At sa kapipilit nga ng asawa, nasabi ni Sheryl ang lahat ng tungkol kina Marco at Vrenda noong nag-a-aral pa lamang sila. Sa huli ay manghang-mangha ito at hindi nawawala ang nakakalokong ngiti sa mga labi. "Kaya pala gano'n na lang ang takot sa'yo, pare! Biruin mo, nagpalit pa ng pangalan?" tatawa-tawang sabi ni August. "Hon! 'Wag ka ngang maingay at baka marinig ka! Kaya ayokong sabihin, e! Diyan na nga kayo!" himutok ni Sheryl na akmang tatayo na ngunit napigilan ng asawa.  "I'm sorry, honey. Natutuwa lang ako at hindi ko akalaing kaya pala mailap sa babae 'tong kaibigan ko e may mapait na karanasan!" "Stop it, bro! Nakalimutan ko na 'yon." "Pero hindi mo pa rin siya dapat ininsulto, Marco. Sa tingin ko ay sumobra ka pagdating sa bagay na 'yon." Pagtatanggol ni Sheryl sa kaibigan. "I know. I'm sorry about that. Alam kong mali ako do'n. Kaya nga ako narito ngayon para talaga humingi ng sorry sa kaniya." "Talaga? Pagkatapos mo siyang paglakarin mula Villa Amelia hanggang dito sa amin sa tingin mo makukuha ng sorry mo ang kapatawaran niya??" ani Sheryl na nakaisip ng pangungunsensiyang gagawin sa binata. "What?? Naglakad si---" gulat na gulat naman si Marco na lihim niyang ikinangiti. "Oo! At paano kung may nangyaring masama sa kaibigan ko?? Parang hindi mo naman alam na napaka-pansinin niya sa daan! Mabuti at walang mga gago nung mga oras na 'yon!" patuloy sa pangungunsensiya si Sheryl na lihim na nangingiti sa sarili dahil sa nakikitang guilt sa mukha ni Marco. "Teka, pare, is that true? Ibinilin ko siya sa'yo, sabi mo ihahatid mo siya? Maling-mali ka do'n, bro. Sagutin ko si Vrenda ngayon dahil nasa poder ko siya, mabuti na lang at safe siyang nakauwi," ani August na biglang sumeryoso habang iiling-iling. "I'm sorry, August, pare. Nawala sa isip ko na wala nga pala siyang dalang sasakyan, huli na ng maalala ko." "Hay! Boys are boys talaga! Wait, kumain na ba kayo? Sumunod na kayo sa kitchen at maghahain na ako." Tumayo na si Sheryl para tapusin na ang usapan nilang iyon dahil baka marinig pa sila ni Vrenda ng hindi sinasadya.  "No need, honey. Kumain na kami kanina ni Marco." "Are you sure?"  "Yeah." "Kung gano'n ay magpapahinga na ako sa kwarto. Kumain na rin kami ni Vrenda bago kami umuwi." "Go ahead, hon." "Ahmm...Sheryl, is it okay with you kung uminom kami ni August dito tonight?" hinging paalam ni Marco bago siya tuluyang tumalikod.  "Okay lang, no problem." "Salamat."     Tahimik na ang buong kabahayan ng bumaba si Vrenda mula sa kwarto niya para sana uminom ng malamig na tubig sa kusina. Pagdating nila ni Sheryl kanina ay nagbihis lamang siya pagkatapos ay nahiga na kaya naman nakatulog siya kaagad. Uhaw na uhaw ang pakiramdam niya kaya siguro siya nagising. Dahan-dahang bumangon ang dalaga at ni hindi na nag-abalang patungan ng roba ang manipis na pantulog na suot dahil noon ay halos ala-una na ng madaling araw. Madilim na sala ang tumambad sa kaniya pagkababa.  "I think you need to remind yourself always na hindi mo bahay 'to kaya hindi ka dapat pakalat-kalat ng ganyan ang suot," anang tinig na hindi niya makita kung saan nagmula dahil sa madilim na paligid. At dahil sa labis na pagka-gulat, nawalan ng balanse ang dalaga at walang sabi-sabing bumagsak sa sahig.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD