Chapter 13

1888 Words
"Aahhhh! Araayyy!!" tili ni Vrenda dahil tumama ng husto ang pang-upo niya. Saka naman biglang bumaha ng liwanag sa paligid at nahayon ng tingin niya si Marco na prenteng nakaupo sa sofa paharap sa kaniya.  "Ooppsss! Sorry, nagulat yata kitang masyado," sagad ang ngiting sabi nito na nakatitig pa rin sa kaniya at mukhang walang balak na tulungan man lang siyang tumayo. "Sh*t! A-ano ba kasing ginagawa mo diyan? You brute! Muntik mo na kong patayin sa gulat!" gigil na sigaw niya rito habang dahan-dahang tumatayo at sapo pa rin ang nasaktang bahagi ng katawan.  "Why? 'Wag mong sabihing nagagalit ka sa pag-sita ko sa'yo sa ganyang ayos?" "Whatever!" inis na sabi na lang niya pagkuwa'y tinalikuran na ito at dumiretso na sa kusina para uminom na. Wala siyang balak na kausapin pa ito ng matagal dahil pakiramdam niya ay gustong-gusto nito na inisin siya. Ngunit sa malas ay sumunod pala ito sa kanya roon. Bahagya siyang nailang dahil ngayon ay mas malapit na ito, mas aninag na nito ang kaniyang katawan kung gugustuhin nitong titigan iyon.  "So, nagawa mo na ba ang hinihingi kong resume, Miss Francisco?" anitong seryosong nakatayo sa harapan niya at pinanonood ang bawat galaw niya. "Nasabi ko na sa'yo na hindi na ako interesadong maka-trabaho ka, Mr. Demicillo. I'm sorry pero hindi ko type ang project na ini-o-offer mo." Isang mapait na ngiti ang ipininta niya sa labi habang nagsasalin ng tubig sa baso. Naisip niyang inisin at insultuhin din ito.  "Really now? But why? Sa pagkakaalam ko ay wala ka pang nagiging trabaho simula nung nakatapos ka?" ang sarkasmo ay nasa tinig nito. "Well, last month lang naman ako umakyat sa entablado at nagtapos, so hindi naman siguro masama kung hanggang ngayon ay unemployed pa rin ako, Mr. Demicillo." Sinalubong niya ang titig nito sa pagkakataong iyon. Ang mata nito ay umiikot sa kaniyang buong mukha na tila kinakabisado ang bawat panig niyon. Maya-maya ay pinamulahan siya ng mukha ng bumaba ang mga mata nito sa ibabaw ng dibdib niya na bahagyang litaw sa pantulog na suot niya. Dagli siyang tumalikod dito.  "Bastos!" aniya sa sarili. "Well, 'yun ba talaga ang dahilan mo? Na hindi mo type ang project ko? O baka naman naisip mo lang kasi na, ayaw mo dahil magpapakapagod ka nga lang naman! Na kahit hindi ka naman magtrabaho e mabubuhay ka! Kung sabagay, nasa itsura mo naman na mas nanaisin pang nasa spa o salon araw-araw kaysa mag-trabaho. So ano, nag-aksaya ka lang ng pera ng mga magulang mo pero ayaw mong suk---" hindi naituloy ni Marco ang sasabihin dahil nabiling ang mukha nito sa lakas ng pagkaka-sampal niya.  "Da*n you!! You have no right talk to me that way! Wala kang alam! Wala kang karapatang husgahan ako dahil hindi mo ako kilala!" galit na sikmat niya sa binata. Ngunit mas galit ang mga mata nito ng makabawi at balingan siya. May ilang sandaling tinitigan siya nito sa tila nagbabagang mga mata, bago siya napangiwi ng hilahin nito ang mahabang buhok niya para mapatingala siya rito at walang sabi-sabing sinibasib ng halik ang mga labi niya. May ilang sandaling napatigagal siya dahil sa ginawa ni Marco. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa kawalan. Ngunit ng makabawi mula sa pagkabigla ay pinagbabayo niya ang dibdib nito dahil sa kapangahasan nitong halikan siya. Sabihin pang ang ibinibigay nitong halik sa kanya ngayon ay tila halik ng nagpaparusa. Nangangatal ang mga labi niya ng bitiwan siya nito, at bahagya pa siyang may nalasahang dugo roon. Sasampalin sana niya ulit ang binata ngunit mabilis na napigil nito ang braso niya.  "So gusto mo pang mahalikan huh?" anito na may nakakalokong ngiti sa mga labi. "Alam mo bang wala ni isang babae ang  nakasampal sa akin kagaya ng ginawa mo, Ms. Francisco? Pero sa tingin ko, patas na tayo. In that case, hindi na kita hihingan ng kung anu-ano. Here! Gusto kong pag-aralan mo!" inilapag nito sa dining table ang folder na noon lamang niya napansing hawak nito.  "Mahina ba ang pandinig mo, Mr. Demicillo? Sinabi ko ng a---" "I give you three days to  submit your work. And I expect you to do it with flying colors, titingnan ko ngayon kung sulit ang pag-a-aral mo sa ibang bansa." "I said I don't wa---" "Good night, Nathalia!" balewalang sabi nito bago tuluyang tumalikod. Maya-maya pa ay narinig niyang paalis na ang kotse nito. Naiwan siyang nagngingitngit.     Hindi halos nakatulog si Vrenda ng gabing iyon. Napapaisip siya kung bakit nagka-ganoon si Marco. Dati naman ay gentleman ito sa kahit sinong babae kaya nga madalas siyang mapaaway noon, na kahit tinutulungan lamang nito o di kaya ay sinasagot sa simpleng katanungan ay pinagseselosan na niya. Ano't ngayon ay tila napaka-brusko nito gayung hindi naman nito alam na siya si Vrenda na may malaking kasalanan dito? Wala sa loob na nahawakan niya ang labing kanina lang ay inangkin ng mga labi ng binata.  "Hindi na ko nagtataka ngayon kung bakit walang magkamaling babae na pumatol sa kaniya! Bastos at walang modo! Hindi pa maginoo!" ani Vrenda na animo may kausap sa sariling silid. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang lahat ng masasakit na salitang binitiwan nito kanina.  "Ang lakas ng loob mong husgahan ako! Puwes ipapakita ko sa'yo na nagkakamali ka! Na kahit ganito ako, kaya kong patunayan ang sarili ko! Humanda ka sakin, Marco!" nagpupuyos sa galit na bulong na naman niya.     Wala pang alas-sais kinabukasan ay gising na siya. Binuklat niya ang folder na ibinigay ni Marco at sinipat ang laman niyon. Inilatag niya sa kama ang mga black and white pictures ng ilang lumang bahay-Kastila. Kasama niyon ang reduced photo copy ng blueprint ng plano----plano kung ano ang magiging kaayusan noon kapag naisagawa na ang renovation.  "Good morning, Vren! Ano 'yan?" ani Sheryl matapos nitong kumatok at pagbuksan niya. "Good morning, She. Ipinilit nung hambog! Pag-aralan ko raw." "W-what?? Si Marco??" "Yeah." "T-teka, p-pumayag ka na? Pero kailan niya ibinigay 'yan sa'yo?" gulat na gulat na tanong nito. "Kagabi." "What?? P-paano??" "Bumaba ako kagabi, hindi ko alam na nandito pa pala ang hudyo. Nadulas ako sa sobrang gulat sa kaniya, at sa akala mo ba ay tinulungan man lang ako? Tinitigan lang ako ng impakto!" hindi na niya sinabi dito na hinalikan din siya ng binata. "What?? So ibig sabihin hindi pala siya umuwi agad? Teka, gano'n pala, e bakit pumayag ka pa rin na---" "Ininsulto niya ko, She. Ang katulad ko raw ay mas nanaisin pang mag-spa at mag-salon araw-araw kaysa mag-trabaho. Pwes, ipapakita ko sa kaniya na nagkakamali siya! Kakainin niya lahat ng sinabi niya tungkol sakin! Ang kapal ng mukha!" mahabang litanya niya na ikinatawa ng malakas ni Sheryl. "Teka, ano'ng nakakatawa ha?" iritadong tanong niya. "H-ha? Wala! Para kasi kayong aso't pusa. Pero tama 'yan, pamukhaan mo ang lalaking 'yon," patuloy nito. Hindi na niya nakita ang makahulugang ngiti na biglang naglaro sa mga labi ng kaibigan.      Dahil gusto niya talagang pamukhaan si Marco, isinubsob niya ang lahat ng oras sa pag-scetch ng mga i-su-submit niya sa binata. Nag-research siya para masabi nitong talagang may ibubuga siya, na hindi totoo ang sinasabi nitong nag-aksaya lamang siya ng pera sa ibang bansa para sa pag-a-aral niya. Dalawang araw na siyang nakakulong lang sa bahay at walang panahong lumabas. Ilang beses siyang niyayaya ni Sheryl na mamasyal pero hindi niya ito napauunlakan dahil nalalapit na rin ang araw na usapan nila ng binata. Sa bahay ay dalawang beses na itong tumatawag para alamin kung ginagawa niya ang trabaho niya. Kampante naman siya sa mga drawings niya kaya sigurado siyang wala itong masasabi.  "Vrenda?" katok ni Sheryl kinagabihan sa kwarto niya. Tapos na silang mag-hapunan at subsob muli siya sa ginagawa.  "Pasok ka, Sheryl," aniya ngunit sumungaw lamang ito sa may pinto. "Nasa ibaba si Marco, gusto ka raw makausap." "Sabihin mong busy ako. Isa pa, bukas pa ang taning niya sa akin." Sa pagkakataong iyon ay pumasok na ito sa loob at hinila siya patayo sa kama. "Halika na! Hindi ka ba interesado kung ano ang sasabihin niya? Lika na, saka mukhang maganda ang mood ng loko," pamimilit nito. "Sheryl, ayoko nga! Mag-ta-talo lang kami no'n." "Pero---" "Bumaba ka na, bukas na kamo kami mag-usap." "Hay! Bahala ka na nga!" anito bago lumabas at muling isara ang pinto. Sampung minuto na itong nakakaalis ng biglang tumunog ang cellphone niya at mula sa caller I.D ay rumehistro ang hindi niya kilalang numero. "Hello?" bahagyang may angil sa boses niya. "Bababa ka ba rito o aakyat ako riyan sa kwarto mo?" "M-Marco??" "Get yourself downstairs now." Mahina ngunit may pag-u-utos sa tinig ng binata. Sasagot sana siya pero bigla na nitong pinatay ang linya.  "Ang kapal ng mukha ng lalaking 'yon para utusan ako! Akala mo naman na-swelduhan na niya ko!" himutok niya. Ngunit sa tingin niya ay wala naman siyang pagpipilian. Ayaw naman niyang gawin pa nito ang sinabing aakyat ito doon kapag hindi siya bumaba na alam niyang tototohanin nito. Inis na tumayo siya sa kama at sinipat ang hitsura niya sa salamin. Hindi pa siya naka-pantulog kaya hindi na niya inabala ang sariling palitan ang suot na walking shorts at v-neck tshirt. Inabutan niyang nasa sala ito kausap sina Sheryl at August.  "Mukhang maganda nga ang mood ng loko! Kung makatawa wagas!" bulong niya ng marinig ang malakas na tawa nito.  "Oh, hi, Nathalia! Mabuti naman at bumaba ka na," nakangiting bati nito na ginantihan lang niya ng irap. Lalo siyang nainis ng makitang mas nasiyahan pa ito sa ginawi niya.  "Ahhmmm, halika na, honey. Inaantok na ako, iwanan na natin sila diyan," ani Sheryl kay August na batid niyang umiiwas lang na sitahin niya dahil sa pagbibigay nito ng phone number niya sa binata. "Maiwan na namin kayo, guys. Bahala na kayo diyan," segunda ni August na tumayo na at inakbayan ang asawa.  "Good night!" ani Marco sa dalawa. "So, bakit ba namimilit ka na bumaba ako ha?" mataray na sikmat niya rito nang mapag-isa sila. Ni hindi siya nag-abalang umupo. "Ahmmm, wala naman. Gusto ko lang itanong kung naka-kalahati ka man lang ba do'n sa ipinagagawa ko sa'yo?" "Alam mo, Mr. Demicillo, kahit one fourth pa lang ang nagagawa ko ngayon, wala kang dahilan para sitahin ako, right? I still have the whole night bago ang taning mo, so ano'ng pinoproblema mo??" "Well...I jus---" "Now, can you just leave so I can proceed to my unfinished work??" nakataas ang isang kilay na sabi niya. Mataman namang nakatitig sa kaniya ang binata. Maya-maya ay bumuntung-hininga ito.  "Okay, I just want to make sure na hindi ka nag-a-aksaya ng oras. Alam mo namang in three months time ay dapat tapos na ang renova---" "I know! I know! You may leave now." Kumukumpas ang mga kamay na patuloy niya. Sa inis ay hindi talaga niya pinatatapos na mag-salita ito. "Good. See you tomorrow then," anito bago tumayo habang titig n titig pa rin sa kany.  "Paki-lock na ang main door pag-labas mo," aniya bago binirahan ng talikod. Naiwan si Marco na iiling-iling habang nakasunod ng tingin sa dalagang pumapanhik na ng hagdan. Nagtatagis ang mga bagang niya dahil sa ipinakitang kagaspangan sa kanya ni Vrenda. "Vrenda Dela Vega, until now, simple lang sa'yo ang pumukaw ng atensyon ng mga lalaki, but sad to say, I already learned my lesson from you." Bulong ni Marco sa sarili. Aminado siyang hanggang ngayon ay pinipilit ignorahin ang malakas na atraksyon niya sa dalaga. Kanina ay hindi niya napigilang ilang ulit pagmasdan ang mga legs nito. Nang mag-sabog yata ang Diyos ng hubog, kinis at puti sa bagay na iyon ay sinalo yatang lahat ni Vrenda. Ipinilig niya ang ulo sa mga isiping naglalaro sa utak niya. Maya-maya ay in-start na niya ang sasakyan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD