Chapter 14

1316 Words
      Alas-nuwebe kinabukasan ay lulan na ng kotse niya si Vrenda patungo sa Villa Amelia kung saan ipapasa niya kay Marco ang trabaho niya. Dumiretso siya sa opisina nito na pinag-dalhan din noon ng binata sa kanya. Ngunit sa halip na ito ay isang lalaking sa tingin niya ay hindi nalalayo ng edad kay Marco ang nadatnan niyang nakaupo sa swivel chair paharap sa kanya. "Good morning! I'm Nathalia Francisco. Mr. Demicillo is expecting me, is he already here?" nakangiting bati niya sa lalaki. "Good morning, Miss Francisco! Yeah, may kinuha lang sa likod si Marco pero pabalik na 'yon. Maupo ka muna," nakangiti ring sabi nito saka isinenyas ang monoblock chair na inupuan niya rin noon.  "Salamat." "Anyway, I'm Glenard Montes. Junior Engineer ni Marco. Nice meeting you, Nathalia." Sagad pa rin ang ngiti nito habang inilalahad ang palad sa kanya. "Same here, Glenard." Tinanggap niya ang pakikipag-kamay nito na siya namang dinatnan ni Marco. "So, nagkakilala na pala ang Junior Engineer at Interior Designer ko?" hindi alam ni Vrenda pero may nahimigan siyang sarkasmo sa boses nito. As usual, salubong na naman ang makakapal na kilay nito.  "Good morning!" bati niya sa binata ngunit sa malas ay nakatitig lamang ito sa kanya sa blankong ekspresyon.  "Excuse me, guys. Nathalia, I hope we can talk more often some other time? What do you think?" pahabol pa ni Glenard. Noon ay nakatayo na ito at paalis na sana.  "No problem. Thanks," nakangiting sabi niya bago ito tuluyang tumalikod at lumayo sa kanila ni Marco. "Sit down again, Nathalia." Seryoso ito nang mapag-isa sila. Mabilis naman siyang tumalima dahil nagsisimula ng maging abnormal ang t***k ng puso niya. "So, may I see your work?" iniabot niya rito ang portfolio na pinaglagyan niya ng mga drawings. Ilang sandali pa ay pinapasadahan na nito ng tingin ang mga iyon. "Kanina ka pa ba?" tanong nitong hindi nag-a-angat ng tingin. "No. Kadarating ko lang." Pinilit niyang maging kaswal ang tinig. "Kumain ka na ba?" patuloy ito sa pagtatanong habang ang mga mata'y nanatili sa mga drawings niya.  "H-ha? Y-yeah. I had my breakfast." Nabaghan siya sa tanong na iyon. Ano ang nakain ng lalaking ito at bigla yatang naging maalalahanin?  "Good." "W-why?" hindi nakatiis na tanong niya. "Dahil palagay ko'y hindi mo na magagawang kumain mamaya pagkatapos ng gagawin nating pag-u-usap ngayon," patuloy nitong ilang sandali pang pinasadahan ang gawa niya saka seryoso ang mukha nang mag-angat ng tingin.  "W-what do you mean?" nalilitong tanong niya kasabay ng kaba na unti-unting bumalot sa kanyang dibdib. "Let's start here, Miss Francisco---with house number one." Mula sa lamesa ay dinampot ang isang drawing. Iyon ang dinesenyo niya sa dapat sana'y magiging entrance at information area ng restaurant. Kagyat na nakagat niya ang pang-ibabang labi. Kinakabahan sa susunod na sasabihin ng binata. "Yes it's beautifully drawn, beautifully colored. I doubt kung Interior Designer ka nga ba or Graphic Artist?" ang panunuya ay lutang na lutang sa tono nito. Nagmukhang tanga siya. Awang ang mga labing napatitig siya sa mukha nito. Na-offend siya sa sinabi ng binata at wala siyang nasabi hanggang sa magpatuloy muli ito.     "Pero pinag-isipan mo ba, Miss Francisco, kung ano ang magiging function ng parteng ito ng resto? We're building a resto not a sugary nurseries and sentimental love chambers for the very rich!"     Hiyang-hiya si Vrenda maging sa sarili. Sa pagsisikap niyang pamukhaan ito at masabi nitong may ibubuga siya, ay lalo palang napalpak ang kanyang trabaho. Batid niyang tama ito at mali siya. Ang tanging inisip lang niya ay ang magiging dating nito sa paningin.      Isa-isa nitong dinampot ang mga drawings niya. Isa-isang idinetalye kung saan magiging madalas ang mga guests after kumain. It may be sa spa, sa salon, sa gym or sa billiard area. Napansin niyang kalaunan ay nawawala na ang galit sa boses nito.  "At tatandaan mo rin, Nathalia, we're working on a budget. Okay, maganda ang idea mo na ma-impress ang mga customer natin, pero saan natin kukunin ang ibang antique furnitures na naka-detalye sa mga drawings mo?" "I-I'm sorry. I think masyado akong na-excite. I thought enough na yung mga ideas ko. I didn't noticed that---" "Take these drawings with you. I'll give you four more days to finalize that," anitong iniabot sa kaniya ang sarado ng portfolio. "A-are you sure you still want me to work with, Mr. Demicillo?" "You may go now, Miss Francisco," pabalewalang patuloy nito na hindi pinansin ang tanong niya. "And one more thing, umiwas ka kay Glenard dahil lima na ang nabuntis no'n. Now, kung gusto mong maging pang-anim, go, entertain him." Tumikwas ang kabilang sulok ng labi niya sa narinig. As if may balak siyang makipag-landian sa Glenard na 'yon.  "Thank you sa paalala, Mr. Demicillo. I'll go ahead."     Napahugot ng malalim na hininga ang binata pag-alis ni Vrenda. Ineexpect na niya na may mga pagkakamali sa trabaho ng dalaga ngunit hindi iyon ang ikinaiinis niya. Nang makita niyang kausap nito si Glenard ay uminit kaagad ang ulo niya. Ewan niya pero kilala kasing babaero ito, hindi man totoo ang sinabi niya kay Vrenda na marami na itong nabuntis ay ayaw pa rin niyang mapalapit dito ang dalaga. Sabihin pang kilala niya ang dalaga na madali ring mahulog kung kani-kanino. Mataman siyang nag-iisip ng hindi niya namalayang lumapit si Glenard.  "Pare, saan ba nakatira si Nathalia? Gusto ko sana siyang bisita---" "Too late, Glen. She's getting married," pagsisinungaling niya. "So? Still, she's not. Sige na bro, tinamaan ako sa kanya, e." Hindi pa ito nakuntento at umupo pa sa harapang bahagi niya kaya lalo siyang nairita. "Glen, kilala kita. At hindi katulad ng babaeng iniisip mo si Nathalia. I'm sorry pero I have my eyes on you pagdating sa kanya." "Okay! Okay!" anitong nakataas pa ang dalawang kamay. Alam nito kung kailan siya titigil sa pakikipag-diskusyon kay Marco. Malaki ang utang na loob niya rito at ayaw naman niyang magka-sira sila dahil lang sa isang babae. Ilang minuto ng nakaalis si Glenard pero hindi pa rin siya kumikilos at umaalis sa harapan ng kanyang mesa. Mula noon hanggang ngayon, napakalakas makahatak ni Vrenda ng atraksiyon mula sa opposite s*x. At hindi na siya magtataka roon dahil bulag lang siguro ang hindi mahuhumaling sa ganda ng dalaga. Nasa ganoon siyang pag-i-isip nang bahagyang mapapitlag dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone sa bulsa.  "Bro? Napatawag ka?" aniya kay August sa kabilang linya. "Hey! Something wrong? Mainit yata ulo mo?" "Sorry, pare, some business thing," tipid niyang sagot.  "Why? Hindi ba okay ang presentation ni Vrenda?" "No. I mean, may small issues lang but I know na kayang-kaya niyang ma-perfect 'yon." "Yun naman pala e. Wait, free ka tonight?" "Yeah, why?" "Sa bahay ulit tayo? What do you think?" "Okay lang sa akin, bro. Pero hindi ba naiinis sa akin si Sheryl at halos ginabi-gabi---" "No! Of course not, bro, ikaw talaga! See you tonight. Sa bahay ka na rin mag-dinner." "Hindi ko tatanggihan 'yan, pare." "PUMALPAK ako, She. God! Hiyang-hiya ako kay Marco! Parang gusto kong maglaho bigla kanina nung sinesermunan niya ako."  "Vren, it's okay. At least alam mo na ang gagawin mo ngayon. Sinungitan ka na naman ba??" "Well, wala namang bago do'n. Daig pa ang babaeng nasa menopausal stage ng isang 'yon." "E kung akitin mo kaya, Vren?" ani Sheryl na may pilyang ngiti sa labi. "Ano?? Hindi pa ko desperada para gawin iyon 'no!!" bulalas niya. "Look, I'm not saying na akitin mo para bumalik ang nakaraan sa inyong dalawa. Gagawin mo lang 'yon to get even with him. God! Nasaan na ba ang Vrenda na palaging naghahanap ng thrill noon?" patuloy nito na ngayon ay naka-halukipkip na.  "Sa tingin mo naman ba ay uubra kay Marco 'yang gusto mong mangyari?" "Bakit hindi?? Kung siya ay dinadaan ka sa sungit-sungitan portion niya, supladita mode on naman ang gawin mo sa kaniya." "Pag-iisipan ko 'yan. Infairness, Sheryl ha? Marunong ka na ng mga ganyan ngayon," natatawang sabi niya na ikinangiti nito sabay kibit ng mga balikat. "Huwag mong pag-isipan! Gawin mo at simulan mo na tonight dahil dito siya mag-di-dinner." "H-ha??" "Yeah. Sige na, pag-isipan mo ang sinasabi ko."  "HELLO, honey? Nasabi mo ba kay Vrenda ang naisip natin?"  "Yes, hon. Ikaw, sure ka bang tutuloy si Marco dito mamaya?" "Oo. Sinigurado niya sakin kanina." "Good."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD