Chapter 15

1355 Words
    Pinag-isipan niyang mabuti ang sinabi ni Sheryl. Ano nga kaya kung akitin niya si Marco? Pero hindi na siya sigurado ngayon kung kaya pa niyang gawin iyon. Kung noong high school siya ay sisiw lang sa kanyang paibigin at pagkatapos ay iwanan ang mga lalaki, ngayon ay hindi na niya alam kung may lakas pa siya ng loob na gawin ang bagay na iyon. Nag-iwan ng malalim na pilat sa puso niya ang nangyari sa kanila ni Marco at hanggang ngayon ay hindi niya maamin sa kaibigan na inaasam niyang sana ay malaya pa ito at magka-balikan sila. Na tama itong si Marco pa rin ang gusto niya hanggang ngayon. At na-realize lang niya ang lahat ng bumalik siya sa Pilipinas at makitang muli ang binata. Kagaya noon ay biglang nagiging eratiko ang t***k ng puso niya kapag nasa malapit ito. At aminin man niya o hindi, nasasaktan siya sa pagtrato nito sa kanya sa kabila ng kaalamang hindi naman siya nito kilala. "Ate Vrenda, pinatatawag na po kayo ni Ate Sheryl, ready na po ang dinner." Katok ng kasambahay na si Mayeth sa pinto niya. "Salamat, Mayeth, bababa na ako," sagot niya mula sa loob. "Sige po."     Bago tumayo ang dalaga ay bumuntung-hininga muna siya. Pagkatapos ay sinipat ang sarili sa full-length mirror at nag-salitang mag-isa. "Sorry ka na lang, girl, mukhang hindi hook sa ganda mo ang Marco na 'yon ngayon. Hindi kagaya noon," aniya sa sariling repleksyon. Hinagod niya ng tingin ang kabuuan at napangiti siya. Dahil wala naman talaga siyang balak sundin ang sinasabi ni Sheryl, simpleng bestidang pambahay ang isinuot niya. Kulay rosas ito na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba, at may kapirasong manggas. Samantalang ang kanyang mahabang buhok ay hinayaan niyang nakalugay at sa ibabaw nito ay ang isang simpleng headband. Pagkatapos makuntento sa nakita ay lumabas na siya.      Bahagya siyang napatda ng madatnan si Marco na sa halip na sa komedor ay sa sala naghihintay. Prenteng nakaupo ito habang naka-de-kwatro at ngayon ay titig na titig sa kanya.  "What took you so long?" tanong nito. Seryoso lang ito ngunit hindi naman nakakunot ang noo kagaya ng lagi nitong anyo kapag nagkikita sila. Para pa ngang malamyos na musika ang tinig nito sa kanyang pandinig. "M-may tinapos lang ako," aniyang hindi makatingin dito. "You look great."  "T-thanks." "So, halika na? Nagugutom na ko," anitong nakangiti pa. Tila hinaplos ang kanyang puso sa ngiting iyon na ilang taon din naman niyang hindi nasilayan. Lalo tuloy siyang nailang. "S-sige," nauutal na sabi niya kasabay ng isang pitlag na hindi niya malaman kung naramdaman nito. Paano ba naman kasi ay nakaalalay pa ito sa siko niya ngayon.  "Hay! At last! Diyos ko, ang tagal n'yo!" bulalas ni Sheryl pagpasok nila. "I'm sorry, guys. Ang tagal kasing bumaba nitong si Nathalia, kahit ako ay nainip sa kanya." Bahagya pa itong tumingin sa may gawi niya. Hindi naman niya maintindihan ang mararamdaman sa kaalamang hinintay talaga siya nito.  "O siya! Maupo na kayo at kanina pa kami nagugutom nitong honey ko." sabad ni August. Pagkasabi niyon ay naging maagap naman si Marco na ipag-hila siya ng upuan at alalayan hanggang makaupo siya sa upuang katapat ng para rito.  "S-salamat." "Okay," anitong hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi bago lumigid sa kabila.      Maya-maya pa kumakain na sila. Si Vrenda ay hindi alam kung kain ngang matatawag ang ginawa dahil halos patikim-tikim lang naman siya sa mga putaheng nasa hapag. Lalo't katapat niya ng upuan si Marco na manaka-nakang nakatitig sa kanya sa gitna ng mga pagsubo. Ni hindi halos siya nabusog. "Mayeth, nadala mo na sa poolside yung pinadadala ko sa'yo?" tanong ni August sa kasambahay. Noon ay tapos na silang kumain.  "Opo, kuya." "Salamat. O ano pare, tara na?" "Okay. Let's go!" "Nathalia, maki-shot tayo sa kanila? What do you think?" ani Sheryl. "H-ha? I-ikaw na lang, She. May tatapusin pa ko e," tanggi niya. "Nathalia, c'mon, why don't you join us? Sandali lang naman 'to. Para lang tayong nagpapa-antok," hirit pa ni August. "Ayoko talag---" "I think they're right. Join us, Nathalia. Bukas mo na lang ulit ituloy ang trabaho mo kung 'yun ang inaalala mo." Maging si Marco ay kinukumbinse siya.  "P-pero---" "C'mon." wala na siyang nagawa ng alalayan siya ni Marco at landasin na nila ang daan papunta sa poolside.     Gaya ng inaasahan niya, ang sinabi ng mga itong sandaling inuman ay hindi nangyari. Mag-a-alas onse na ngunit buhay na buhay pa rin ang mga ito maliban sa kanila ni Sheryl na parehong hilo na. Kanina pa rin tumutunog ang cellphone niya ngunit hindi naman niya magawang sagutin dahil pakiramdam niya ay umiikot na ang paligid niya.  "Nathalia, are you okay?" "H-hindi ko na k-kaya, n-nahihilo na k-ko."  "Wait, kaya mo bang umakyat sa kwarto mo?" tanong ni Marco na bahagya lang rumehistro sa pandinig niya. Tanging iling ang naisagot niya sa binata. "Pare, I think, let's call it a night? Ang mabuti pa ihatid mo na si Nathalia sa kwarto niya, iaakyat ko na rin si Sheryl, tulog na e," ani August bago buhatin si Sheryl at iwanan sila.  "S-sige," ani Marco.  "H-hindi na, k-kaya ko." Pinipilit niyang tumayo ng diretso. Ngunit dahil talaga namang hilong-hilo na siya, bahagya pa lang siyang umaangat sa kinauupuan ay tila matutumba na ang dalaga.  "Obviously, hindi mo kayang umakyat mag-isa. Come, kumapit ka sa akin, bubuhatin kita," ani Marco na tumayo na.  "No. I c-can manage." Pagpipilit pa rin niya.  "You can't. Come on, 'wag ng matigas ang ulo, Nathalia."     Wala ng nagawa si Vrenda kung hindi sumunod sa gusto nito. Dahan-dahang ikinawit niya ang mga braso sa leeg ni Marco ng simulan nitong iangat siya sa ere. Ang hilong nararamdaman niya ay  napalitan ng ibang sensasyon sa pagkaka-dikit ng kanilang mga katawan kaya minabuti niyang pumikit na lamang. "Where's your room?" anito ng sumapit sila sa hallway sa itaas.  "T-the third one on the r-right." "Okay."      Napadilat siya ng maramdamang sumayad na ang likod niya sa malambot na kama. Ngunit tila nawala ang pagka-lasing niya ng mapagtantong hindi pa rin umaalis sa pagkaka-yukod si Marco ng ibaba siya nito. Titig na titig sa kanya ang binata na isang dangkal lang yata ang pagitan ng mukha sa mukha niya. Sa pagkakataong iyon ay may gustong matiyak ang dalaga. Gusto niyang masiguro kung talagang wala ng epekto rito ang sistema niya. Gusto niyang makatiyak kung tuluyan na nga bang nakalimutan ni Marco si Vrenda. Lumaban siya ng titigan rito sa namumungay na mga mata. Ngunit hindi siya aware na ang tingin niyang iyon ang nagpakawala sa tinitimping damdamin ng binata. Unti-unting inilalapit na nito ngayon ang mukha sa kanya. Tila tinatantiya nito kung iiwas siya. Ngunit wala siyang balak umiwas.      Muli siyang napapikit ng tuluyang lumapat ang mga labi nito sa kanya. The kiss was so slow yet so tender. It was ecstasy. Pakiramdam niya ay lasing siya sa ibang pakiramdam. Pakiramdam niya ay nilalagnat siya lalo na ng maging malalim ang halik nito. Ang mga kamay niya ay tila may isip na kusang yumakap sa batok ni Marco, kasabay ng pagtugon sa halik nito. Tila umiikot ang mundo ni Vrenda sa iba't ibang sensasyong binubuhay nito sa kaibuturan niya.  "Nathalia...." impit na sabi nito ng sandaling iwanan ang labi niya. "Hhmmm?" ngunit walang tugon mula rito. Nagpatuloy lang ito sa paghalik sa kanya. Kay init ng palad nito na ngayon ay dinadama ang isang pisngi niya na kalaunan ay naglakbay pa pababa. Umiilaw ang babala sa utak ni Vrenda na kung hindi ito titigil ay maaring mawalan sila ng kontrol pareho sa sarili. Tila naman sagot sa takot niya ang biglang pagtunog ng cellphone nito. Naupo ito sa gilid ng kama at isinuklay ang mga daliri sa buhok bago bumaling sa kanya. Sandali siyang tinitigan nito bago halikan ang noo niya.  "Goodnight. I think I better go before it's---" "Goodnight," agaw niya sa sasabihin pa nito.  "Are you okay now?" "Yeah. Salamat sa paghatid." "You're welcome."  "Ahmm...wala ka bang balak sagutin 'yan? Kanina pa nag-ri-ring," natatawang sabi niya dahil tumayo nga ito ngunit tila wala namang balak na iwan siya samantalang patuloy sa pagtunog ang cellphone nito. "Oh, oo nga pala. S-sige, have to go," nakangiting sabi nito bago dinukot sa bulsa ang telepono. "Ingat." "Thanks." Tumayo ito at tinungo na ang pinto. Ngunit hindi nakaligtas sa pandinig niya ang bungad nito sa kabilang linya bago tuluyang makalabas ng kwarto niya.  "Hello, Moo?" anito sa kausap na parang punyal na tumarak sa puso niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD