Chapter 16

1695 Words
    Pakiramdam ni Vrenda ay para siyang nakadarang sa baga na biglang binuhusan ng malamig na tubig. Bahagya pa siyang nahihilo pero malinaw ang pandinig niya. 'Moo' ang itinawag ni Marco sa kausap nito sa kabilang linya kaya nakasisiguro siyang babae iyon. Unti-unting namuo ang luha sa mga mata niya. Umasa siyang naantig na ulit niya ang damdamin nito ng halikan siya kanina ngunit malinaw ngayon na nag-i-ilusyon lamang siya. May girlfriend si Marco at marahil ay hindi lamang nito napigil ang sarili dala ng impluwensiya ng alak kaya siya hinalikan. "Damn you, Vrenda! Bakit ba ang tanga tanga mo!! Hindi ka na natuto! Umasa ka na naman!" umiiyak na kausap niya sa sarili. "And that, Marco! How dare him para gamitin sa iba ang tawag niya sa akin noon?? Damn him!"  Nakatulugan niya ang pag-iyak.  "MUNTIK ko ng hindi mapigil ang sarili ko, pare," ani Marco kay August na pagbaba niya ng sala ay naroon pala't hinihintay siya.  "Ano'ng ibig mong sabihin, bro?" kunot noo ito habang seryosong nakatingin sa kanya.  "I kissed her," pag-amin niya.  "And?" "Muntik na akong makalimot." Naihilamos niya sa mukha ang dalawang palad habang nakatayo sa harapan ni August.  "Pare, pinahihirapan n'yo lang ang mga sarili n'yo, e. Si Vrenda obvious na mahal ka pa, and I can assure you na gano'n ka din. Bakit hindi na lang kayo mag-usap? Matatanda na kayo, hindi na kayo mga teenagers na kapag nagalit sa isa't isa, e, wala ng pansinan habang buhay." "Ewan ko, pare. Hindi ko alam kung pwede 'yang sinasabi mo." Makapaglilihim siya sa iba pero hindi kay August. Madalang man silang magkita dahil nasa ibang bansa siya ay kilalang kilala naman siya nito dahil matagal na silang magkaibigan.      Naghiwalay sila nang gabing iyon na gulung-gulo ang utak ni Marco. Kanina sa kwarto ni Vrenda ay gusto na niyang aminin dito ang totoo. Gusto niyang sabihin dito na hindi totoong hindi niya ito kilala. Na alam niyang kilala rin siya ng dalaga. At kung hindi rin nag-ring ang cellphone niya, sigurado siyang hindi niya kayang pigilin ang sariling angkinin ito. How he missed kissing her like what he did sa kwarto ng dalaga kanina. Tila nag-flashback sa kanya kung paano niya hinahalikan ito noon. At tama si August, ramdam niya sa halik nito na mahal pa rin siya ng dalaga. Pero hindi niya maiwasang maguluhan. Hindi nga ba't kaya sila naghiwalay noon ay dahil sa pag-dispatya nito sa kanya?           MASAKIT na masakit ang ulo ni Vrenda kinabukasan nang magising siya. Mugto rin ang mga mata ng dalaga. Nagpasya siyang sa lalong madaling panahon ay kailangang matapos ang ugnayan nila ni Marco. Tatapusin niya ang trabaho at marahil ay babalik na lamang siya sa kanila para harapin ang ina. Hindi siya lumabas para mag-almusal ng katukin siya ni Mayeth kaya hindi na siya nagtaka ng maya-maya ay si Sheryl naman ang pumanhik sa kwarto niya.  "Bakit ayaw mong mag-breakfast? Don't tell me na busog ka dahil nakita kong hindi ka halos nakakain kagabi," sermon nito. "I need to be done with all of these para makauwi na ako sa amin, She," aniyang ang tinutukoy ay ang mga drawings sa harapan niya. "W-what?? You're going back---" "Yeah," sagot agad niya. Hindi rin niya ini-a-angat ang tingin dahil ayaw niyang makita nito ang mata niya.  "But why?  I mean---wait, bakit ganyan ang mata mo?" "H-ha? Wala, hindi lang ako nakatulog kagabi." Tinangka niyang ikubli rito ang mata pero lumigid pa ito sa harap niya pagkatapos ay iniangat pa nito ang baba niya para umangat ang kanyang mukha. "Weh?? Yung totoo, te? Umiyak ka alam ko. Bakit?" umupo ito sa tabi niya. Tila walang balak umalis hanggang hindi siya nagsasalita.  "A-ano?? Pinagsasasabi mo? Puyat nga ako!"  "Lokohin mo sarili mo! Kilala kita!" "Wait, ano ba kasing gusto mong aminin ko, ha?" sa pagkakataong iyon ay iniangat niya ang tingin at sinalubong ang nanunuring tingin ng kaibigan.  "Kung ano ang totoo. Simple as that." Pinag-ekis pa nito ang mga braso sa dibdib at umaktong handang handa na sa pakikinig.  "Okay, gusto ko ng umuwi sa amin. That's it."  "H-ha?" gulat na tanong nito. "Bigla ko lang naisip na hindi ko naman pwedeng taguan na lang si Mommy, She. Mali ba na gustuhin ko ng umuwi?" lihim niyang nahiling na sana ay maniwala ito sa dahilan niya.  "No. N-nagulat lang ako. Bakit naman naisipan mo biglang umuwi, Vren? Gusto ko tuloy isipin na bored ka dito sa lugar ko," ani Sheryl na nasa tono ang pagtatampo.  "No. Hindi sa gano'n, Sheryl. Ang totoo nga niyan naiinggit ako sa'yo dahil ang sarap mamuhay dito sa lugar n'yo, e." "Are you sure na hindi si Marco ang dahilan?" naninigurong tanong nito. "H-hindi." "Vren, no secrets 'di ba? O nakalimutan mo na 'yon?" "No. Okay, it's all about Marco. Nahihirapan na ako, Sheryl." Batid niyang wala na siyang lusot sa kaibigan dahil hindi naman ito titigil hanggang hindi siya nagtatapat.  "Ano'ng ibig mong sabihin?"  "Kagabi hinalikan niya ko," diretsong sabi niya. "Whaaat??" eksaheradong ani Sheryl habang ang dalawang kamay ay napatakip pa sa bibig. Napatayo rin ito mula sa tabi niya at nang makabawi ay isang maluwang na ngiti ang rumehistro sa mukha.  "Yeah. And I think hindi lang sana 'yon ang nangyari sa amin kung hindi nag-ring ang cellphone niya," patuloy niya na lalong ikinalaki ng mata nito.  "Oh my God! Sinasabi ko na nga ba!" bulalas nito.  "Ano?" siya naman ang kumunot ang noo. "I knew it! Mahal mo pa siya." "Sheryl hindi mo naiintindihan." Iiling-iling siya habang sinasabi iyon.  "Ang alin na naman? Malinaw na mahal mo pa siya kaya ka bumigay!" "Committed si Marco," nakatungong sagot niya. "How sure of you?" muli itong umupo sa tabi niya.  "Narinig ko sa kausap niya kagabi bago siya lumabas ng kwarto ko. Tinawag niyang 'Moo' iyong kausap niya. Now tell me, ano'ng iisipin mo kung ikaw ako?" "Kahit na. Malay mo naman lalaki pala 'yon. O kaya kaibigan niya or pwede rin namang 'Moo' talaga ang pangalan nung tao." "No. Alam kong tama ang hinala ko. Hanggang ngayon pinaglalaruan pa rin niya ako, Sheryl." Nag-umpisa ng mag-ulap ang paningin niya. Ito na nga ba ang ayaw niya kaya hangga't maaari sana ay gusto niyang sarilinin na lang ang nalaman. "Pero hindi ka kilala ni Marco, Vren,"  "Hay! Ewan ko. Basta ang mahalaga ngayon, matapos ko na 'to para makaiwas na ko sa kanya." Humugot siya ng malalim na hininga pagkatapos ay pinunasan ang nagbabadyang luha.  "O, e ano? Uuwi ka sa inyo tapos?" "Hindi ko alam, bahala na." "Vren, sana naman pag-isipan mo muna." "Kagaya ng sabi ko, She. Bahala na." "Okay. So kailan mo balak ipasa kay Marco ang mga 'yan?" "Tomorrow."     Buong araw pinagka-abalahan ni Vrenda ang natitirang bahagi ng trabaho niya na hindi pa natatapos. Gabi na ng sa wakas ay tumayo siya sa kama at iunat ang nangalay na katawan. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag, mas confident na siya ngayon na tama ang kanyang ginawa. Sa wakas ay pwedeng-pwede na siyang bumalik sa kanila. Pero napaisip ng malalim ang dalaga. Iyon nga ba ang gusto niya? Pero paano namang hindi kung sobra ng nasasaktan ang damdamin niya?  "GOOD morning!" nakangiting bungad ni Vrenda kina Sheryl at August sa komedor habang nag-a-almusal ang dalawa kinabukasan. Magaan ang pakiramdam niya dahil kahit paano ay nakatulog naman siya ng maayos nang nagdaang gabi. Marahil ay sa sobrang pagod.  "Good morning, Vren. Join us," ani August na kaagad tumayo pagkakita sa kanya at akmang ipaghihila na siya ng upuan.  "Oo nga, Vren. Halika maupo ka na," segunda ni Sheryl. "Hindi na guys, salamat. Ahmmm, actually pupunta ako sa Villa Amelia, baka hindi ko abutan si Marco, e." Napansin niyang nagkatinginan ang mga ito sa sinabi niya. "Ah---e, hindi mo talaga dadatnan si Marco doon, Vrenda," ani August. "Ha? B-bakit?" Bahagya siyang lumapit sa dining table at nakinig sa iba pang sasabihin ni August. "Ahhmm---kakatawag lang kanina. Hindi raw siya makakapunta sa site, may trangkaso yata ang loko," patuloy nito. Si Sheryl ay nakatitig dito na napansin niyang bahagyang nakakunot ang noo, nagtatanong ang mga mata sa sinabi ng asawa pero nanatiling tahimik. "Gano'n ba? I-su-submit ko na sana ang mga ito. 'Di bale, bukas siguro papasok na siya?" "H-ha? Ah---e, I don't think so. Ang dinig ko kasi may business trip siya sa Cebu. Baka maging busy 'yon sa mga susunod na araw," dagdag pa ni August. "Vren, bakit hindi mo na lang dalin sa bahay niya? Atleast 'di ba? Mapag-a-aralan na niya agad." Maya-maya ay sabi naman ni Sheryl.  "Brilliant idea, honey. Pwede kitang ihatid sa bahay niya kung gusto mo, Vrenda," patuloy ni August na may kakaibang ngiti sa mga labi. Sandaling nag-isip ang dalaga. Kung hindi niya ngayon dadalhin ang mga ito sa binata, may tyansa pa na mas magtagal siya sa lugar na iyon na ayaw na sana niyang mangyari.  "S-sige."     Nagtaka siya nang ang daan papunta sa farm ang binagtas ng sasakyan ni August nang ihahatid na siya nito sa bahay ni Marco.  "Andito siya sa farm?" "Yeah." "I thought wala siyang bahay dito?" "Well, hindi naman talaga siya napipirmi dito. Pero may maliit na bahay bakasyunan dito si Marco. I don't know kung bakit dito niya naisipan magpunta ngayon," ani pa ni August habang ang mga mata ay tutok sa daan.  "Ahh.."     Nang humimpil ang kotse nila sa gilid ng daan, kaagad lumigid si August sa pintuan niya at pinagbuksan siya ng pinto para makababa siya ng maayos. Binuksan nito ang gate ng tarangkahan na yari sa kawayan para sa kanya. Maya-maya pa ay nagpaalam na ito dahil kailangan na rin nitong pumasok sa trabaho.  "Vren, kapag uuwi ka na, tawagan mo nalang si Sheryl para masundo ka niya. Papasok na rin kasi ako sa office." "Salamat, August." "Sige, saka wala palang door bell si Marco riyan, makikatok mo na lang. Una na ko, good luck!" "Sige, ako na ang bahala. Ingat ka, August."          Ang bahay ay yari sa purong tabla na nabububungan ng ordinaryong yero na nangingintab kapag natatamaan ng sikat ng araw. Ang bakuran ay napapalibutan ng bakod na kawayan na hanggang dibdib niya ang taas. Napangiti si Vrenda sa kasimplehan na nasa kanyang harapan. Maya-maya ay humakbang siya sa tarangkahan at bumungad sa bahagyang nakabukas na pinto ng bahay. "Tao po! Tao po!" Tatlong beses ang ginawa niyang pagkatok sa pinto pero nanatiling tahimik ang palihid. Naghintay siya ng ilang sandali bago muling tumawag. "Tao po!" noon bumukas ang pinto at iniluwa si Marco na nakasuot pa ng apron at halatang wala namang sakit. "N-Nathalia? Hey! What are you doing here?" salubong ang kilay na tanong nito. Animo nakakita ng hindi kanais nais na bisita. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD