Chapter 17

1714 Words
  Parang dinadaga ang dibdib niya habang sumusunod kay Marco papasok sa loob ng bahay ngunit sinikap niyang kumilos ng normal. Ayaw naman niyang isipin nito na tense siya kapag magkaharap sila, hindi nga sila magkakilala 'di ba?"     "Please sit down," sabi nito nang marating namin ang kapirasong sala na maging ang mga furniture ay gawa sa kawayan. Napahanga siya dahil kahit lalaki ang nakatira ay maayos at maaliwalas ang kapaligiran.  "Salamat." "Ano pala ang sadya mo?" maya-maya ay tanong nito nang pareho na silang nakaupo sa magkatapat na upuan. Suplado talaga, parang hindi naman niya naaalala na hinalikan niya ko kagabi. Hmmmppp! "I just want to submit these. Sa Villa Amelia ko sana dadalhin pero wala ka raw doon dahil may sakit ka, kaya dito ko na dinala." Bahagya siyang dumukwang para i-abot dito ang dalawang portfolio niyang dala.  "What? Who told you that?" salubong ang kilay na tanong nito na para bang takang-taka sa sinabi niya.  "H-ha? Ang alin?" naguguluhang aniya. Matagal itong hindi nagsalita pagkatapos ay ibinaling ang paningin sa ibinigay niya. He heaved a deep sigh. "Bakit parang nagmadali ka naman yata masyadong tapusin 'to? May natitira ka pang dalawang araw na ibinigay ko sa'yo ah." Sa halip na sagutin ang tanong niya ay balik tanong nito. Hawak sa isang kamay ang portfolio at bahagyang ikinumpas sa hangin.  "Well, I decided to go home. Ayoko namang sabihin mo na unprofessional ako kung maiwan ko 'yan na hindi ko tinapos." Isang kibit-balikat ang ibinigay niya sa binata para balewalain ang kabang nararamdaman sa susunod na sasabihin nito. Sigurado kasi siyang manggagalaiti na naman ito sa pag-back out niya.  "W-what?? You serious??" He stuttered but accentuate with his words. "T-that's m-my plan. Why?" mas tumindi ang kaba niya lalo't mas naging madilim ang mukha ng binata.  "This is crazy, Nathalia!! You're applying for a job and now you're quitting?? Seriously??" His jaw clenched while delivering those words in front of her. Natakot siya bigla. Sa tingin niya ay napagalit niya ito ng sobra kaya lalong kumalabog ang dibdib niya.  "Naisip ko lang kasi na hindi ko naman pwedeng balewalain na lang yung problema ko. Kailangan kong umuwi at harapin iyon. And nahihiya na rin kasi ako kay August. Masyado ko na silang naabala." Napanguso siya nang maisip ang huli niyang sinabi. As if maniniwala 'tong kumag na 'to na nahihiya siya kina August. Napalunok siya nang makitang lalong naningkit ang mata nito sa narinig.  "Is that your real reason?" kunot noong tanong nito. Ayan na nga, hindi nga siya naniniwala! Kumalabog ang dibdib niya nang tumayo ito at mag-umpisang lumakad palapit sa kanya.  "Well... " Kibit balikat lang ang naisagot niya kay Marco dala ng nerbiyos lalo't huminto ito mismo may isang dipa lang ang layo sa kanya. He tilted his head while two hands on his pocket. Bigla na naman siyang napalunok. Bakit nga e ang guwapo nito lalo sa ayos na iyon. Matagal ito sa ganoong ayos na seryoso lamang habang nakatitig sa kanya. Hindi rin niya mabasa kung ano ang nasa isip ng binata.  "You can stay here if you want." Walang gatol na sabi nito na ikinalaki ng mata niya. Awang ang bibig na napatitig sa binata.  "H-ha???" "Can you please put in mind na ayoko ng paulit ulit, Nathalia? Look, I gave you a job kahit walang formality man lang na nag-aapply ka tapos mag ba-back out ka ngayon?? How unprofessional! Andito na e, kahit paano may nasimulan ka na and yet gusto mong mang iwan sa ere??" madilim ang mukhang sabi nito. Jesus! Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya ang totong dahilan ko e nanggagalaiti na siya sa galit. s**t! "Hindi naman sa gusto kong mag-back out, Marco, kaya lang kasi---" "Then what??" nanghahamon ang tono nito. Nagkatitigan sila pero hindi na niya alam kung ano ang susunod na sasabihin.  "M-Marco..." "If this is about last night, I'm sorry, okay? Hindi ko dapat ginawa 'yon. Maybe nag-ba-back out ka dahil doon, right?" sa pagkakataong iyon ay nagyuko ito ng ulo sa harapan niya at bahagya na ring bumaba ang boses ng binata. "I think I gotta go, Marco. Hindi yata tamang nagpunta pa ako dito." Tumayo na siya at nalampasan na ito pero naging maagap ang binata sa pagpigil sa isang braso niya.  "May I know your decision?" seryoso pa rin ang mukhang tanong nito habang hindi binibitiwan ang braso niya. And in a split second, she saw in Marco's eye na gusto nitong mag-stay siya sa bahay nito.  "I-I still don't know, honestly." Halos ay bulong niya sa takot na magalit na naman ito. God! I've never been this damn nervous before! "I know what's on your mind, Nathalia. Look, I'm not staying here as long as nandito ka, okay? You can move in here kung talagang nahihiya ka kina August, tutal lagi namang bakante itong bahay ko. In that case makakakilos ka ng sarili mo." Sa wakas ay binitiwan na nito ang braso niya at bahagyang tumalikod sa gawi niya. "B-but w-why?" gusto niyang itanong na bakit kailangan pa nitong i-offer ang bahay pero nagdalawang isip siya. "Well, let's just say that, I still need your cooperation as my Interior Designer, gahol na ko sa oras para humanap pa ng iba. That's all," anitong nag-kibit balikat pagkatapos.  "So ayun, lumabas din ang totoong pakay niya. Trabaho lang Vrenda!" sigaw ng utak niya. Asa pa siya na may iba pa itong dahilan 'di ba? "Ayaw mo ba?" muli ay tinitigan siya nito na tila binabasa ang isip niya pero hanggang sa mga sandaling iyon ay naguguluhan pa rin ang dalaga.   "Ano kasi Marco--- hindi m-mo---" "Nathalia, why? Look, wala akong ibang intensiyon sa in-o-offer ko sa'yo. What I wanted to do here is to make you comfortable para makapagtrabaho ka ng maayos at mas maging madali sa atin ang lahat. I hope nakukuha mo ang pinupunto ko." Patuloy nito habang ang kanang kamay ay pakumpas kumpas pa sa hangin at ang isa'y nanatili sa bulsa.  "Ano na ngayon Vrenda? Magdesisyon ka." bulong ng isang bahagi ng utak niya. Tutol siya sa sinabi nito pero ano ang gagawin niya? Alangan namang bawiin niya 'yung sinabi niyang dahilan kung bakit uuwi na siya. Gusto niyang magsisi nang mga sandaling iyon kung bakit nakapunta punta pa siya rito.  "Hey! What now?" untag nito nang manatili siyang tahimik.  "I-I'll talk to August and Sheryl, first. Baka kasi magtampo sila kapag nalaman na umalis ako do'n para lumipat lang dito." Nagtitigan silang dalawa habang nagsasalita siya. Gusto niyang bawiin ang tingin pero kagaya noon, heto't animo na naman siya na-hi-hipnotismo kapag natitigan ng binata.  "God! Just like the old times, parang hinihigop ako ng mga mata niya." "Okay. I get it." Nakahinga siya ng maluwag nang sa wakas ay sabi nito.  "I've to go. Excuse me." Mabilis ang naging kilos niya patalikod dahil gusto na niyang makalayo rito. Hangga't maaari ay ayaw na niyang magtagal doon kasama si Marco dahil pakiramdam niya'y malalaman nito ang totoong dahilan niya kung bakit gusto na niyang umuwi kapag nagtagal pa siya roon.  "Ihahatid na kita."  "No. I'll just call Sheryl to fetch me," tutol niya habang inilalabas ang cellphone sa bag.  "I insist, wait for me here, kukunin ko lang ang susi." Wala na siyang nagawa nang mabilis itong tumalikod at hindi nagtagal ay nakabalik din agad. Maya maya pa ay tahimik na silang lulan ng kotse ng binata. Hindi niya maintindihan pero sa bahagyang pagsulyap-sulyap niya kay Marco, kitang kita niya ang paggalaw ng panga nito habang salubong ang makakapal na kilay sa pagmamaneho.  "Nakakatakot naman 'tong isang 'to. Tapos gusto niyang lumipat ako sa bahay niya! Baka kapag nandoon na ako sungitan lang ako ng sungitan nito!" bulong ng utak niya "Are you done examining me?" nagulat siya nang itanong nito samantalang hindi naman siya tinitingnan. Nananatili sa daan ang mata nito pero kung makapagsalita ay akala mo may mata sa gilid para akusahan siya.  "Wait, what?" totoong nagulat siya. Akalain ba niya na ramdam pala nito ang panakaw na sulyap niya. "Okay, bakit ba kasi ang sungit mo ha? Kulang nalang ay lamukusin mo 'yang manibela!" Dahil sa pagkapahiya ay naisipan niyang isagot. This man is getting into my nerves, I swear! "You didn't need to shout at me! Kanina ka pa!" sa inis ay nasabi rin niya ang gusto niyang sabihin. "Aba! Hindi niya ko pwedeng sigaw sigawan lang no! Si Vrenda Dela Vega yata ako." Napangiti siya sa naisip. She heard him sighed. "I'm sorry. Nabigla at nagulat lang ako sa sinabi mo. Maybe, I'm too pressure with this project. Tapos magba backout ka pa," anitong bahagyang lumambot ang mukha. She heaved a deep sigh. Marahil ay gahol lang talaga ito sa oras kaya handang gawin ang lahat kahit pa ang pagpapatira nito sa kanya sa sariling bahay. At batid niyang hindi niya dapat bigyan ng ibang kahulugan iyon. Hanggang sa humimpil ang sasakyan nito sa tapat ng gate nina Sheryl ay hindi na sila nag-usap.  "Thanks." mabilis siyang tumalima para buksan ang pinto ng kotse pero mas naging mabilis ang pagbaba nito para umikot sa tapat niya at pagbuksan siya. "Here. Call me when your decided," anito nang makababa na siya. Tangan nito sa isang kamay ang isang maliit na papel.  Kinuha niya ang maliit na card na hawak nito at tinitigan iyon. Calling card. Napaisip siya dahil tinawagan naman na siya nito dati gamit ang cellphone pero ngayon ay binibigyan siya nito ng ibang numero. "Okay." Kahit nagtataka ay tinanggap niya. Nag-umpisa siyang mailang dahil makalipas ang ilang sandali ay hindi pa rin ito umaalis.  "Sige na, pumasok ka na." He's looking at her seriously. Nakapamulsa ang dalawang kamay at nakasandal sa hood ng kotse nito. Nag-iwas siya ng tingin dahil ayaw niyang makita nito ang paglunok niya. "Damn! Bakit ba kasi ang gwapo niya kapag ganito ang ayos niya?" "G-gusto mo bang pumasok muna?" She stuttered once again. Naiinis na siya sa sarili niya dahil hindi siya ganito noon. "Hindi na. May kailangan pa akong asikasuhin sa opisina, salamat," anito na may bahagya ng bahid ngiti sa labi. Damn him for sudden changes of reactions!  "Ahh...okay, sige pasok na ko, salamat ulit sa paghatid."  "Walang anuman. Get inside, aalis ako kapag nakapasok ka na." Hindi pa rin ito natitinag sa pagkakasandal sa kotse. "Okay." Binuksan niya ang gate dahil nang mga oras na iyon ay wala ang guard na si Mang Rogelio na marahil ay nasa likod ng bahay. Gusto niyang kiligin sa gestures ni Marco pero pinigil niya ang sarili. Umalis lang siya sa likod ng gate ng marinig na paalis na ang sasakyan nito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD