Chapter 18

1711 Words
Pagpasok sa bahay ay nadatnan niya si Sheryl at August na nasa sala. Bahagya siyang nagtaka dahil halatang problemado ang dalawa.  "Hi, guys!" masiglang bati niya ngunit nag-alala bigla nang walang pagtugon galing sa mag-asawa, bagkus ay nagkatinginan lamang ang mga ito. "Hey, may problema ba?" kunot noong tanong na niya. "Honey, I think ikaw na ang magpaliwanag kay Vrenda," walang reaksyong sabi ni August sa asawa.  "She? What's wrong?" nag aalala na talaga siya dahil wala pa ring sagot mula sa kaibigan. Umupo siya sa tabi nito. She pressed her hand para maramdaman nito na narito lang siya at handang makinig. Saka naman nag-angat ng tingin si Sheryl.  "Vrenda,I know this is crazy but---Oh God! Hindi ko alam kung paano sasabihin!" Napahilamos sa mukha na sabi ni Shery. Ramdam niya nag-aatubili ito. "C'mon, She? Spill it out. Kinakabahan ako sa'yo, e." "Okay! Okay! Vren, ganito kasi, hindi sa pinapaalis ka namin dito sa bahay, that would be the last thing I do. You know how happy I am simula nung dumating ka dito 'di ba? Pero kasi, kailangan naming umalis ni August for business trip to Singapore. Ayaw ko naman na iwan kitang mag-isa dito, dahil isang buwan kaming mawawala. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa'yo kasi---"  "Pwede naman akong mag-isa lang dito Sheryl kung 'yun ang inaalala n'yo." Nakahinga siya ng maluwag dahil iyon lang pala ang sasabihin nito. Akala niya ay kung ano na.  "Marco talked to me, Vrenda. Is it true na in-offer niya ang bahay niya sa'yo?" nagulat siya dahil sa sinabi ni August. Sinabi niya kay Marco na siya ang magsasabi sa mag-asawa tungkol sa iniaalok nito pero tinawagan pa rin pala nito ang dalawa.  "Totoo??" nanlalaki ang matang sabi ni Sheryl. Bahagya siyang napangiti dahil sa reaksyon nito.  "Oo. Hindi ko nga alam kung ano pumasok sa utak niya para gawin 'yon, e."  "Iba rin style nung kaibigan mo, honey ah!" tatawa-tawang sabi ni Sheryl sa asawa.  "Well, I must say na kinukuha ng lokong 'yon ang mga the moves ko noon, honey." Parehas ni Sheryl ay sagad din ang ngiting ani August.  "Hay nako! Tumigil na kayong dalawa. Nabubwisit ako sa Marco na 'yan. Akala mo kakainin ako kanina nung ando'n ako sa bahay niya. Inilahad niya sa kanila kung ano ang naging pag-uusap nila ni Marco at kung paano ito nanggalaiti ng malamang plano na niyang muwi.  "Listen, Vrenda. I think wala naman masama sa offer ng kaibigan ko. Besides, paranoid itong honey ko kaya nagkakaganyan, e. Iniisip kasi niya na paano ka kung mag-isa ka dito. Isa pa, wala tayong kapitbahay. Delikado nga naman kung mag-isa ka dito. 'Yung mga helper kasi natin e nagpaalam na na magsisiuwi muna sa province nila para samantalahin na rin daw at makapag bakasyon. Pero do'n sa bahay ni Marco, safe ka doon dahil malapit lang doon ang bahay nung mag-asawang caretaker niya sa farm. May titingin tingin sa'yo kahit paano." Napaisip siya sa sinabi ni August. May point nga naman. Pero parang mas gusto pa niyang mag-isa dito kaysa makasama si Marco ng madalas. But then again, wala naman siyang choice. Ngumiti siya pagkatapos ay binalingan ang dalawa.  "Okay, I'll go to Marco's house kung 'yun ang inaalala mo, Sheryl." Pinisil niya ulit ang palad ng kaibigan para bigyan ito ng assurance na okay lang siya. Maya-maya ay nakita niyang nagliwanag na ang mukha nito at nawala ang bakas ng pag-a-alala.  "Sigurado ka na?" paniniyak nito. "Honey, pumayag na nga si Vrenda, e. Baka magbago pa ang isip niya," natatawang sabi ni August. "Well...madali lang naman ang layasan siya kapag nagkataon." She playfully smiled with them and give a winked with Sheryl. Nagkatawanan sila pagkatapos. "So kailan ang alis n'yo?" "Tomorrow night, Vren. Teka, ano 'yang hawak mo?" ani Sheryl na napansin pala ang card sa kamay niya na hindi pa niya naitatago.  "Ahh...calling card ni Marco, tawagan ko daw siya kapag nakapagdesisyon na ko." "Aba't binigyan ka pa talaga ng calling card? He asked me your mobile number already and---"  "Honey, knowing Marco, iilan lang ang nakakausap niya gamit ang cellphone. Lahat ng transactions niya pinadadaan niya sa opisina. And that number na ibinigay niya kay Vrenda ay sa opisina niya sa bayan," paliwanag pa ni August.  "So may sarili siyang opisina bukod sa Villa Amelia?" ani pa ni Sheryl.  "Yes, honey. Matagal na rin actually. May mga tauhan din siya roon dahil ngayon lang naman namirmi dito ang lokong 'yon." Nakikinig lang siya sa usapan ng dalawa. Hindi maintindihan kung bakit kailangan pang sa opisina nito siya tumawag kung lilipat man siya sa bahay nito.  "So Vrenda, gusto mo bang samahan kita kay Marco para sabihing payag kana?" sabi ni August na sa pagtataka ko ay tila may pinipigil na ngiti sa labi. "Huwag na, August. Tatawag nalang ako sa opisina niya." "Oo nga naman, honey. Baka kapag pumunta kayo do'n hindi n'yo naman datnan si Marco." panghihikayat naman ni Sheryl.  "Kung sabagay. Kumusta pala yung nirevise mong plan? Anon'ng sabi?" "Well...I think hindi pa niya masyadong nakita." Hindi na niya sinabing hindi nakuhang tingnan iyon ni Marco dahil mas inuna pa nito ang galit sa kanya. Hapon na nang magpasya siyang tumawag sa opisina ni Marco. Kinakabahan siya pero ayaw naman niyang sabihin nito na hindi siya marunong sumunod sa instractions kaya heto siya't dinadial na ang number sa opisina ng binata.  "Hello, good afternoon?" bungad niya nang sagutin ng nasa kabilang linya.  "Demicillo Structures, how may I help you, Ma'am?" magalang na sagot ng babae sa kabilang linya na sa tingin niya ay secretary ni Marco. "Ahhmmm…" Nagtanggal muna siya ng bara sa lalamunan bago sumagot. "N-nariyan ba si Marco? Pakisabi si Nathalia." "I'm sorry, Ma'am, kakaalis lang po ni Sir. Sinundo siya ni Ma'am Gwyneth. Do you want to leave a message for him, Ma'am?" "Oh! Ahhmm--it's okay, Miss, nevermind. Thank you!"  "Sasabihin ko po ba na mag return call sa inyo?" tanong pa rin ng sekretarya. "No. It's okay, 'wag mo na lang banggitin sa kanya. Thanks!"  "Okay, Ma'am. Your welcome!"  Nag-ngi-ngitngit siya nang ibaba ang telepono. "How dare him para patawagin ako sa opisina niya tapos wala naman pala siya roon! At ano nga ang sabi ng sekretarya niya? Sinundo siya ng babae! Sabi niya kanina may aasikasuhin siya sa opisina? So 'yung babae na 'yon ang aasikasuhin niya? Damn you Marco!" naghihimagsik ang kalooban na aniya sa sarili.  Pagkatapos ng hapunan ay lumipat siya sa kwarto nina Sheryl para tulungan itong mag-empake. Si August naman ay nagpaiwan sa sala at nakatutok sa laptop nito dahil mayroon pa raw kailangang tapusin na trabaho.  "Ano't sambakol 'yang mukha mo ha, Vrenda?" ani Sheryl na hindi niya napansing titig na titig pala sa kanya habang isinisilid niya sa maleta ang mga natiklop na nitong damit.  "Ha? Pinagsasasabi mo?"  "Kanina ko pa napapansin 'yan sa dining. May period ka?" "Wala. May iniisip lang ako."  "Sus. Ano naman?"  "Wala 'to." Heto na naman si Sheryl, mula noon hanggang ngayon ay hindi titigil hanggang hindi ako napapaamin.  "Ano nga? Ayaw mong lumipat kay Marco, 'no?" "Well, kasali na rin 'yun." "What? So anong main reason? Konti nalang mas mahaba na yang nguso mo sa ilong mo e." Iiling iling na sabi nito.  "Stop it! Wala sabi, Sheryl." "Excuse me, ladies. Vrenda, nasa baba si Marco. Gusto ka daw makausap," nakangiting sabi ni August na nakapasok na pala sa kwarto ng hindi nila namalayan ni Sheryl.  "Bakit daw?" hindi ako aware pero lumabas ang angil sa boses ko. "I don't know, seryoso ang loko, e, kaya hindi ko nabiro. Babain mo nalang." Kibit balikat nitong sagot. Tiningnan niya muna si Sheryl, sinenyasan siya nito na bumaba na kaya wala na siyang nagawa. Si August naman ay nagpaiwan na sa kwarto. Habang bumababa ay pasimple niyang sinipat ang sarili. She was wearing a white shirt and pink shorts.      Dahan dahan ang ginawa niyang pagbaba sa hagdan nang makita niyang nakatayo ito at nakatalikod sa kanya. He's busy on his phone. May katext ang bwisit! That's why nasa likod na siya nito at lampas isang dipa na lang ang layo sa kaniya ay hindi pa nito alam. She saw him surprised when he turn around. Nagkatitigan sila. Ewan niya pero parang ang tapang niya ngayon na makipaglaban ng titigan sa binata. Maya-maya ay napansin niyang pinag-a-aralan nito ang ayos niya. Inilagay nito ang cellphone sa bulsa at saka nagsalita.  "Tumawag ka sa office kanina?" There was no reactions on his face while delivering those words to me.  "Ano naman kung tumawag ako o hindi? Hindi naman 'yun big deal 'di ba?" naiinis pa rin siya kaya umupo siya sa single sofa at hinayaan itong nakatayo. Maya-maya pa ay sumunod ito at umupo sa tapat niya. He heaved a deep sighed before he continue.  "I'm sorry, I was too busy kaninang hapon. Nawala sa isip ko na---" "It's okay. Bakit pala nandito ka?" sa inis ay hindi niya ito pinatapos magsalita.  "August and I already talked, sinabi niya na one month silang mawawala and ako na raw ang bahala sa'yo," anito na dahilan ng paghugot niya ng malalim na hininga. Mukhang wala na kasi talaga siyang choice kung hindi tumira sa bahay nito.  "So kaya ka nandito e para tanungin na naman ako sa desisyon ko?" mataray na tanong niya.  "Susunduin kita bukas ng umaga dito bago ako pumunta sa site," sa halip ay sabi nito. Nakapatong ang dalawang siko sa tuhod at magkasalikop ang palad na nakatitig sa akin. Alam niyang wala na siyang choice kung hindi ang pumayag.  "Okay," tipid niyang sabi pagkatapos ay tumayo na siya at humalukipkip sa harap nito. "May sasabihin ka pa ba? Inaantok na ko." "And nakita ko na yung revise plan na ginawa mo, I'm impressed. You need to come with me sa site kahit sa makalawa. Is it okay with you?" "Thank you. Yeah, of course trabaho ko 'yon."  I heard him sighed again. "Okay. Sige na, umakyat ka na."  "Goodnight! Paki lock nalang ang main door paglabas mo," sabi niya rito dahil madalas naman nitong gawin iyon kapag galing dito. "Ahhmm, Nathalia?" pahabol pa nito nang nakadalawang hakbang na siya palayo. "Yes?" sagot niya pero hindi na siya nag-abala pang lumingon.  "Do you really need to wear that super short shorts?" he say those words with wrinkled forehead. Bahagya pang hinilot ang batok niyang tila nahihiya. Natutop niya ang bibig dahil sa pigil na pagtawa sa sinabi nito. "What's your problem with my shorts, Marco? I'm always wearing this when I'm about to sleep. Why?" "Well...oh, forget it! Goodnight Nathalia!" 'yun lang at nagmamadali na itong tumalikod. "Kung di ko pa alam, naglalaway ka sa legs ko noon Demicillo." nangingiting bulong ko habang umaakyat sa hagdan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD