Chapter 19

1678 Words
    Alas siyete ng umaga kinabukasan nang dumating si Marco. Sinabi nitong maagang kailangan sa site kaya inagahan ang pagsundo sa kanya. Maya-maya rin naman ay luluwas na sina Sheryl para mag-stay nalang sa hotel sa Manila habang hinihintay ang flight nila mamayang gabi. "Ito na ba lahat ang gamit mo?" seryosong sabi ni Marco habang isinasakay sa compartment ng kotse ang isang maleta niya. "Oo, hindi naman ako nagdala ng marami nung nagpunta ako dito," nakasimangot niyang sagot. Paano ba naman kasi, kinakausap siya nito pero hindi man lang siya tinitingnan. "Bukas nalang kita isasama sa site. Mas okay na din 'yun para ma-familiarize ka muna sa bahay ko," anito habang pinagbubuksan na siya ng passenger's seat. "Okay lang naman kung isama mo ko ngayon, wala naman akong gagawin sa bahay mo." Dahil alam kong maiinip lang ako sa bahay niya ay sagot ko. Ayoko namang maburo lang ako doon maghapon. Isa pa, para saan pa't kinuha niya kong Interior Designer ng project niya kung wala naman akong gagawin.  "Tomorrow nalang," pagpoprotesta nito habang nagmamaniobra ng sasakyan. "Bakit ba? Wala naman akong gagawin sa bahay mo, besides---" "Nathalia, I said tomorrow! Sinabi ko na sa'yo na ayoko ng paulit ulit, right?" ang aga aga pero nagagalit na naman ito. Naiinis siya kaya hindi siya tumigil. She took a deep breath and then she continue.  "Pero bakit nga? Hindi ba't part ng trabaho ko ang pumunta rin doon? Na dapat doon ako ma-familiarize kaysa sa bahay mo, and now ayaw mo kong isama?" God! nawawalan siya ng poise dahil sa gigil sa binata. Narinig niya humugot ito ng malalim na hininga.  "I'll just check the delivered materials and aalis din ako doon. Kaya bukas kana lang sumama," sabi nito maya-maya. "So what kung aalis ka rin agad? E di doon muna ako. Maybe I was able to get more ideas if nandoon ako. Learn about my work and familiarize with it, also knowing the people behind it. Kaysa naman nandoon lang ako sa bahay mo." Patuloy siya sa pangungumbinsi rito. Napahawak siya sa gilid ng kotse nang bigla itong magpreno at huminto sila sa gilid ng daan.  "What did you say?" his lips went one line when he asked me that. His face become black with angry eyes. Pero ano ang ikinagagalit niya? Mali ba ang pumunta siya sa lugar kung saan siya magtatrabaho? "You heard me. Ayoko rin ng paulit ulit." I crossed my arms in my chest, eyes straight ahead. Pinatapang ko ang anyo para naman masindak siya sa akin kahit ngayon lang.  "Hindi kasali sa trabaho mo ang makipagkilanlan lalong makipaglapit sa mga tao ko, Nathalia! Put that in mind." Litaw ang litid sa leeg na bulyaw nito sa kanya. Hindi siya kumilos. Nanatili siya sa ayos at nakatitig lang sa binata.  "At bakit hindi? So ano'ng plano mo sa akin doon? Panisin ang laway ko ha?" Hindi ito sumagot at pinaandar na ulit ang sasakyan. Hindi na muli sila nag-usap pa.  Maya maya ay tanaw na nila ang bahay nito. Paghinto ay nagpatiuna na siyang bumaba at ibinalibag ang pinto ng kotse. Paglingon niya sa likod ay nakita niyang kunot na naman ang noo nito. "Next time, let me show my manners, lady." Hindi siya sumagot at inirapan lang ito. Hinintay niya itong ibaba ang maleta niya pagkatapos ay nagpatiuna na itong pumasok sa bahay. "This will be your room. Sa kabila naman ang sa akin." "Ano'ng sa'yo? Akala ko ba hindi ka magsstay dito?"  "I know, I just want you to know para alam mo kung ano ang gagamitin mo, not unless gusto mong dito sa kwarto ko." Nanghahamon ang tingin na ibinato niya sa akin. Ano ko, atat sa kanya at gagamitin ang kwarto niya? She cleared her throat before she answer his damn daydreaming, baka isipin nitong gusto niya ang sinabi nito kaya siya tumahimik. "In your dreams Mr. Demecillo!" mariin niyang sabi bago siya tumalikod at sinuri ang kwarto. Narinig pa niyang bahagya itong ngumisi. "Maya-maya darating na si Nanay Ditas para ipaghanda ka ng tanghalian. Pero kung nagugutom kana, pwede ka namang magluto ng gusto mo, may laman naman ang ref."  Hindi niya ito tiningnan kahit alam niyang prente lamang itong nakasandal sa hamba ng pintuan. "I can cook, hindi mo na dapat inabala pa pati ang katiwala mo. Ayos lang ako dito."  "I doubt it," sarkastikong sabi nito.  "Ha?" "Ikaw marunong magluto? Oh c'mon, Nathalia!" ngingisi-ngising sabi nito na ikinainit ng ulo niya. How dare him para ipamukha sa kanya na talagang wala itong bilib sa kakayahan niya! "Mr. Demicillo, you don't know me. You'll be surprised kapag nalaman mo kung ano ang mga kaya kong gawin." Pinag-ekis niya ang mga braso sa dibdib at isang mapaklang ngiti ang ibinigay sa binata. Obvious na hanggang ngayon ay 'pretty face but nothing' siya para rito.  Ngunit sa pagkadismaya niya ay sagad hanggang tainga ang ngiti ng loko. "Really now? Well...okay, if you say so. I've to go. Safe ka rito huwag kang mag-alala," anito bago tumalikod.  "Ahhhmmm….Marco…" "Yes?" pumihit ito ulit paharap. "Salamat." Hindi ito sumagot bagkus ay isang tango lamang ang ibinigay sa kanya. Ilang sandali pa siya nitong tinitigan. Pakiramdam niya'y may gusto pa itong sabihin pero nanatili itong tahimik bago tuluyang lumakad palayo.     Alas diyes ng makarinig siya ng mararahang katok sa pintuan. Isang babaeng may edad na singkwenta na medyo may katabaan ang nabungaran niya, na marahil ay si Aling Ditas na tinutukoy ni Marco. "Goodmorning po, senyorita. Ako po si Ditas ang katiwala ni senyorito Marco. Pinapunta niya ako rito para may makatulong daw po kayo," nakangiting bungad ng matanda. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito dahil sinabi niya kay Marco na kaya naman niya ang sarili. Pero nahihiya naman siyang paalisin ang matanda at baka magdamdam ito.  "Ahh...tuloy po kayo, Nanay Ditas," sabi ko na ginantihan ang ngiti niya. Hindi niya alam pero parang ang gaan ng loob niya sa matanda.  "Salamat po," magalang pa ring sabi nito na ikinailang niya. Akala mo kasi prinsesa siya kung magbigay galang ito sa kanya. "Ahhmmm, ayos lang naman po ako dito, Nanay Ditas. Sinabi ko po kay Marco na huwag na kayong abalahin, kaya ko naman po ang sarili ko," nakangiti niyang sabi para hindi nito isiping ayaw niya ito dito. "Naku! Ano ba 'yang sinasabi mo, senyorita, walang kaso po iyon. Si Senyorito Marco ay parang anak na naming mag-asawa dahil hindi kami biniyayaan ng anak. Natutuwa kami at may iniuwi na siyang babae rito ngayon," magiliw na sabi nito. "Ahh...e, hindi po gaya ng inaakala n'yo ang sa amin ni Marco, nandi---" "Abay ano ba ang gusto mong ulam hija? Magsabi ka dahil puno naman ang ref. Kahapon ay sinabihan ako ni senyorito na mamalengke at may dadating nga raw siyang bisita," anito na ikinagulat niya. Pinamalengke siya nito kahapon pa? Parang siguradong sigurado naman ang hudyong 'yon na papayag siyang mag-stay dito! "Ahmm, kahit ano na lang po. Pero tutulungan ko na po kayo. Wala naman po akong gagawin." "O sige, ikaw ang bahala." Tiningnan niya kung ano ang pwedeng lutuin sa ref. Tulad ng sabi ni Marco ay may laman nga iyon. Halos puno pa nga. Nakakita siya ng malalaking hipon kaya naisipan niyang iyon ang kuhanin, parang gusto niyang isigang iyon. "Saka, 'wag n'yo na po akong tawaging senyorita, Nanay Ditas. Kahit po sa bahay namin hindi naman ako tinatawag na ganoon," sabi niya pagkatapos niyang ilapag sa mesa ang hipon. "Naku hija, ikaw ang bahala. Teka, hipon ang gusto mo?" "Opo, parang gusto ko po ng sinigang." "Hala, sige kung 'yan ang gusto mo," anito. Napangiti siya dahil parang sabik na sabik sa anak si Nanay Ditas.      Maya-maya pa ay nakasalang na ang niluluto nila. Si Nanay Ditas naman ay umuwi sandali at titingnan lang daw ang ibinibilad nitong palay. She decided to take a shower. Hihintayin niya muna si Nanay Ditas bago siya kakain. Sakto namang nakabihis na siya nang dumating siya.  "Nay Ditas, kain na po tayo. Sabayan n'yo na po ako." "Ay naku hija, ipaghahain nalang kita. Kami ng asawa ko e palaging sabay kumain, alam mo kasi hindi 'yun pwedeng hindi ako kasabay," sabi nito habang dumiretso na sa kusina para maghain.  "Gano'n po ba? Sige po." Nalungkot ako bigla dahil gaano man kasarap ang pagkain pero mag-isa ka naman ay nakakawalang gana. "Ipagdala n'yo na rin po ang asawa n'yo nitong niluto natin." "Sige hija, salamat. Sige na kumain ka na. Babalik ako mamayang hapon para ipagluto ka ng hapunan."  "Naku hindi na ho. Kaya ko na ho. Mapapagod lang ho kayong masyado," tanggi niya dahil totoo namang kaya na niyang mag-isa. "Abay sigurado ka ba, hija? Bilin ni senyorito na pupunta puntahan kita dito." "Dahil ang alam niya ay mamamatay akong walang kasamang kasambahay sa bahay. Akala niya hindi ko kayang kumilos mag-isa," bulong ng isip niya. "Sigurado po ako, Nay." Nginitian niya ito habang nilalagyan niya ng ulam ang plastic ware na nakita niya sa estante ni Marco para maiuwi ni Nanay Ditas sa asawa niya. "Basta, hija kung may kailangan ka, ayun lamang ang bahay namin. Huwag kang mahihiya dahil malalagot kami kay senyorito kapag nalaman niyang pinabayaan ka namin." Tiningnan niya ang sinasabing bahay ni Nanay Ditas at sa tantiya niya ay mga sampung metro lamang ang layo noon mula sa bahay ni Marco.  "Sige po."     Nang sumapit ang hapon ay hindi na siya nag-abala pang magluto ng hapunan. Marami naman ang nailuto nila kanina kaya balak niyang initin na lang. Nang makakain ng hapunan ay ipinasya niyang maghilamos at magbihis na ng pantulog. Ipinagpasalamat niya na lang na kahit simple ang bahay ni Marco ay kumpleto naman sa gamit. She turned on the tv to vanish her boredom. Pinaglipat lipat niya ng network pero wala naman siyang mapiling magandang palabas. Sa huli ay pinili rin niyang ring i-off at magpaantok nalang sa pagscroll sa social media. Nang makaramdam ng antok ay tumayo na siya para isara ang mga bintana. Pagkatapos ay tiningnan niya ulit 'yung pinto sa kusina kung nai-lock na nga ba niya. Pabalik na siya sa sala ng muntik na siyang mapalundag sa gulat nang makitang nasa loob si Marco at tila iniinspeksyon ang mga bintana. Napahawak siya sa dibdib dahil kulang na lang ay lumabas ang puso niya sa lakas ng t***k niyon. She calmed herself before sge cleared her throat. Bigla itong pumihit paharap sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD