Chapter 20

1723 Words
"P-paano ka nakapasok? I m-mean nilock ko na ang pinto," nauutal niyang sabi. Lihim niyang nahiling na sana'y hindi nito nahahalata na kinakabahan siya. "This is my house, I have my keys so I had my passes to get in," seryosong sabi nito habang ang mata ay umiikot sa kabuuan niya. God! Oo nga naman! Napaka istupida naman niya para itanong pa 'yon.  Napalunok siya nang marealize na nakasuot na nga pala siya ng pantulog at halos isang dangkal lang ang haba ng kanyang shorts. Lalo siyang nailang nang mapansing nakatingin na naman si Marco sa mga legs niya. Hindi niya napigilang kagatin ang ibabang labi dahil mas maikli ang shorts niya ngayon kumpara noong sitahin siya nito sa bahay nina Sheryl. "Ano'ng ginagawa mo?" sa kawalan ng masasabi ay tanong niya rito. Noon naman biglang ibinalik ng binata ang mata sa kanya.  "Well, I'll just checked your windows," kibit-balikat nitiong sagot.  "I mean, dito? I thought---" "Tinawagan ko si Nanay Ditas kanina. Sinabi niya na hindi mo na raw siya pinapunta dito ngayong hapon??" dumilim ang mukhang anito. Tila ba may malaking kasalanan siyang nagawa.  "Oo, sinabi ko sa kanyang kaya ko naman ang sarili ko. Saka kawawa naman yung matanda, napapagod masyado. Isa pa, una palang sinabi ko na sa'yo na kaya kong mag-isa rito, Marco." "Jesus! So ano'ng kinain mo?? Don't tell me na up to now hindi ka pa kumakain??" ngayon ay litaw na ang litid na sigaw nito.  "Teka nga muna! Hindi mo ba ako narinig?? I said kaya ko ang sarili ko! I can cook, I can wash my clothes, I can wash my plates, I can clean the house etc.! Hindi ako katulad ng iniisip mo!" sa inis ay sikmat niya rito. Ano ba'ng tingin nito? Na porke wala siyang kasambahay ay hindi na siya kakain? Napabuntung hininga si Marco pagkatapos ay humakbang palapit sa kanya. "Okay, I'm sorry. I didn't mean to offened you." Bahagyang lumambot ang anyo nito nang sabihin iyon.  Tumalikod siya dahil mas lalo siyang naiilang sa paglapit na iyon ng binata. His natural male scent and perfume starting to permeated into her nose. "And 'yung laman ng ref mo, how much? Sorry pero pinakialaman ko na." "No need. Sa'yo talaga 'yon." Kinuha niya ang cellphone sa harap ng TV at binalingan ito. "Salamat nalang, pero hindi mo naman ako bisita dito. I'm here because of my job."  "Look, I insist, okay? So stop, end of discussions!" Lumakad ito papunta sa kusina at mukhang gusto pang i-check kung talagang kumain siya. Pagtapat nito sa mesa ay iniangat nito ang dish cover at sinipat kung ano ang nasa loob niyon. "Ikaw ang nagluto nito?" tanong nito habang bahagyang inilapit sa ilong ang mangkok na may ulam.  "Y-yeah," alanganin kong sagot. "Mukhang masarap. Pwede bang makikain ng dinner? Medyo gutom na kasi ako." Hinimas-himas pa nito ng bahagya ang tiyan habang hindi pa rin ibinababa ang hawak.  "H-hindi ka pa kumakain?" atubili siya kung hahayaan nga ba niyang matikman nito ang luto niya na batid niyang para sa sarili lang masarap. "Well, chineck muna kita. Akala ko hindi ka pa rin kumakain kaya yayayain sana kita sa labas." Dire-diretso ito sa mesa at humila na ng upuan.  "T-teka---" "What?" "I don't think it suits to your taste. I mean, you know---oh well, marunong akong magluto pero hindi kasing-sarap ng mga luto ni Nanay Ditas, I guess." Nakatayo siya sa dulong bahagi ng mesa at ito ay nakaupo sa kabilang panig sa harap niya. Kitang kita niyang seryoso itong nakatitig sa kanya habang nagsasalita siya.  "I don't care kung ano pa ang lasa niyan, Nathalia. Please, baka pwede namang makikain, kanina pa nag-a-alburoto ang tiyan ko." Napaawang ang labi niya dahil nakangiti ito habang sinasabi iyon.  "S-sandali, iinitin ko. Wait for a minute." Mabilis ang naging kilos niya na tinungo ang kalan. Ang likod niya ay tila nag-i-init dahil batid niyang tagus-tagusan ang titig nito sa kanya mula roon.  "Matutulog ka na ba kung hindi ako dumating, Nathalia?" maya-maya ay narinig niyang tanong nito. "Ha? Ahh...oo sana." "Sorry. Naabala pa pala kita." "Okay lang. Wait, okay na 'to. Plating ko lang." Isinalin niya sa mangkok ang ulam at saka siya nagsandok ng kanin pagkatapos ay inihain sa harap ng binata. "Here." Tumayo ito at kumuha ng kubyertos. "Ikaw, kumain ka kaya ulit." "Hindi na, okay na ako," tanggi niya. "Sure?" "Yeah. Sige na, kumain kana." Gusto na niya sana itong  iwan at pumasok na sa kwarto pero baka naman sabihin nito ay ang bastos niya. "Okay. Kaya ka slim, e. Ang hina mo yatang kumain," anito sa pagitan ng pagsubo.  Hindi niya alam kung compliment ba iyon o ano. Tahimik siyang umupo sa gilid nito at pinagkaabalahan nalang ang phone niya habang hinihintay niya itong matapos kumain. Sa gilid ng mata niya ay kita namang sunud-sunod ang subo nito kaya tiwala siyang nagustuhan naman nito ang niluto niya.  "You're good in cooking, Nathalia. I can say na halos katulad lang 'to ng luto ni Nanay Ditas. Believe me, masarap." Pagkatapos kumain ay litanya nito habang nagpupunas ng panyo sa bibig. "Thank you, Marco." "Anyway, susunduin kita bukas."  "I can bring my car. Idaan mo nalang ako kina Sheryl." "No need." "Pero---" "Susunduin at ihahatid nalang kita dito tutal iisa lang naman ang pupuntahan natin." "O-okay." gusto niyang mag-protesta pero naisip niyang hindi naman siya mananalo sa binata.  Tumayo ito at bago pa niya maisip kung saan ito pupunta ay nakita niyang tinungo nito  ang pinto sa likod at tiningnan kung naka-lock din iyon. She was amazed dahil parang gusto nitong siguraduhin na safe na safe siya rito. "Sige na, aalis na ko. Matulog ka na."  "S-sige." "Pumasok kana sa kwarto, ako na ang maglo-lock ng main door." "Okay, thanks."  "Ahhmmm...Nathalia, wait! " "Yes? " pumihit siya pabalik nang tawagin nito. "Salamat sa food. I mean it when I say it taste good," seryosong sabi nito. He seems so sincere with his words.  "Thanks," tipid niyang sagot bago tumalikod at tuluyang pumasok sa silid. Ewan niya pero kinakabahan siya kapag gano'n na ang tono ng binata.  MARCO    Minabuti niyang 'wag nalang magtagal sa bahay niya kung nasaan si Vrenda dahil hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang magpigil. He was amazed ng malamang marunong magluto si Vrenda. And take note, she's good to it. Whoever is her husband to be is like a lotto winner when he got her. Goddess looks and good in the kitchen. She is probably a good catched.      Nagalit siya nang sabihin ni Nanay Ditas na hindi ito pinapunta ni Vrenda. Dahil ang alam niya ay wala naman itong alam sa gawaing bahay ay napasugod tuloy siya sa dalaga knowing na baka hindi pa ito kumakain nang mga oras na iyon. And to his surprise, oh God! He was stunned when he saw her. Bakit ba lagi nalang siyang na-a-akit ni Vrenda kahit hindi naman nito sinasadya? Her two beautiful legs turned my knees into jelly. All I wanted to do is ignore her but I ended up staring at her. At hindi ko gusto iyon. "NATHALIA, ano matagal ka pa ba? Late na tayo." Nasa tono na nito ang bahagyang pagkainip kaya naman lalo niyang binilisan ang pagkilos. Unang araw ngayon na makatatapak siya sa site ng project nito bilang isang empleyado.  "Sandali nalang, Marco." ito na nga ba ang ayaw niya, e. Feeling niya hindi siya makakagayak ng maayos kapag may naghihintay sa kanya. Kaya nga ba gusto na lang niya na dalhin ang sariling kotse! Kung bakit naman kasi ang aga aga nitong dumating! Binigyan niya ng huling sulyap ang sarili sa salamin bago niya hinagilap ang sling bag at lumabas na ng silid. "I'm sorry." Bungad niya rito nang makalabas.  "It's okay. Let's go." Pinauna siya nitong lumabas at ito ang nag-lock ng pinto.      Sa site ay kapansin-pansing mas dumami ang trabahador. Marahil ay dahil sa inaapura na ito kaya nagdagdag ng tao si Marco. Halos finishing touch na lang at pwede na niya itong i-decorate. "Gusto mo bang tingnan muna ang mga materials na inorder natin para doon sa plan mo?"  "Yeah sure." "Come, I'll show you." Sumunod siya sa binata nang mag-umpisa itong maglakad. Ilang trabahador ang nasalubong namin at buong galang na binati si Marco. Makikita sa kilos ng bawat isa na ginagalang ng mga ito ang binata. Ang lahat naman ng iyon ay magiliw na sinasagot ni Marco ng bati rin o kaya ay ngiti.                      "Hhmmm...bakit parang kapag nandito siya ay ang bait niya? Malayung-malayo ito sa Marco na lagi siyang binubulyawan. Obvious tuloy na may respeto rito ang mga tauhan nito. Nasa malalim siyang pag-iisip kaya hindi niya nakita ang nakausling wire at natalisod siya. "Ahhhh!!!" napatili siya at hinihintay na lamang ang pagbagsak niya nang isang matigas na bisig ang humaklit sa baywang kaya hindi siya tuluyang bumagsak.  "Careful, Nathalia. Nagkalat ang piece of metals and wires. Mabuti nalang at hindi ka bumagsak kung hindi baka bumaon ang mga 'yan sa legs mo."  "G-Glenard?" usal niya nang mapagtantong ito ang sumalo sa kanya. Nagtaka siya kung saan ito galing dahil hindi naman niya ito nakita kanina. Magkadikit ang mga katawan nila dahil nakayapos ito sa baywang niya habang nasa likod niya ang isang kamay nito.  "Thank you," nahihiyang sabi niya. Bakit nga e ang daming workers na nakatingin sa kanila. "You're welcome. Next time mag-ingat ka. Kitang kita pa naman 'pag nagkagalos ka." "Hey! What's happening??" saka lang niya naibaling ang tingin kay Marco na ngayon ay tiim bagang na pinaglilipat lipat ang tingin sa kanila ni Glenard. Madilim ang mukha at salubong ang kilay. Bigla rin siyang binitiwan ni Glenard ng bahagya itong lumapit sa amin.  "I-I was just tripped. Glenard saved me from downfall," nahihiya niyang sabi. Lumapit ito ng tuluyan sa kanya at sinipat ang kanyang katawan. Pagkatapos ay tiningnan nito ng masama si Glenard na ipinagtataka niya.  "Are you hurt? C'mon, tell me." He was so serious habang hawak nito ang dalawang braso niya. "No. I'm okay." "Are you sure??" "She's fine, Marco. Hindi naman siya bumagsak dahil nasalo ko---" "Shut up, Glenard! I'm not talking to you!" nanlaki ang mata niya dahil sa kagaspangan ng ugali nito. Nagpapaliwanag lang 'yung tao pero harap harapan nitong binara. Dagdag pa na ang daming nakaharap sa kanila. "Hey, what's wrong with you?" kunot noong tanong niya sa binata.  "Its okay, Nathalia. Sanay na ako kay Marco. Don't be so obvious man!" nakangising sabi ni Glenard at tinapik pa ito sa balikat bago lumayo sa kanila.  "Let's go." Hinawakan siya nito sa kamay at inakay pero mabilis niyang binawi ang palad. Huminto ito at nilingon siya. "What? Baka mapatid kana naman," kunot noong sabi nito. Inirapan niya lang ito at hindi na siya sumagot. Napabuntung hininga ito at saka naiiling na nagpatuloy sa paglalakad. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD