Chapter 21

1569 Words
"What can you say?" anito nang marating nila ang bodega na pinaglagyan ng mga materyales. "Well, perfect. Ito'ng lahat ang nasa plan ko." "Sa susunod na linggo ay magiging busy na tayo. You have to come here almost everyday to finalize the interior." "I know and I'm okay with that." "Good." "Are you always like that?" "What do you mean?" kunot noo ito. "You're so cruel." "Wait, Is this about Glenard?" madilim ang mukhang tanong nito. "Ipinahiya mo 'yung tao sa harap ng mga tauhan n'yo." "Why are you so affected, Nathalia?" his jaw clenched. "Because I am involved and you shout him kahit wala kang sapat na dahilan, Marco!" tinitigan siya nito pagkatapos nitong sabihin 'yon. May pakiramdam siyang may gusto itong sabihin pero nag aalangan. "Are you interested with him kaya ganyan kasama ang loob mo sa ginawa ko sa kanya??" binitiwan nito ang folder na hawak at hinarap siya ng tuluyan. "What??" "You like, Glenard, right?" naghahamon ang titig nito. Bigla siyang kinabahan. "I don't know what you're talking about, Marco. And please, don't be so immature!" wala siyang nakikitang pupuntahan ng pag-uusap nila kaya minabuti niyang iwanan ito. "Where are you going??" sigaw nito. Kung iba siguro ang nasa posisyon niya ay nilayasan na ang lalaking 'to. Wala yatang araw na hindi ito galit at masungit. "Mag-iikot lang ako, alisin mo muna ang agiw diyan sa utak mo. Mamaya na ulit tayo mag-usap." She's three steps away from him when she heard him swore. Nilibot niya ang buong building partikukar ang lobby at entrance. Gusto niyang memoryahin ang bawat detalye para madali na rin sa kanya na i-apply ang mga plano niya rito. Nagtagal suya sa dining area na may kaluwangan, mukhang dito siya mahihirapan. Kinuha niya ang phone para kuhanan ng picture ang bahaging iyon. Ayaw niyang dito siya sumablay dahil ito ang magiging main venue ng resto. "You want to please him huh?" "Glenard!" nagulat siya dahil bigla na naman itong sumulpot mula sa likuran. "Hi! Nasaan ang antipatiko kong boss?" nakakaloko ang ngisi nito at halatang hindi nangingimi sa sinabi kahit pa boss nito ang tinutukoy. Napangiti siya dahil doon. Nagkibit balikat siya bago sumagot. "Iniwan ko, masyadong bossy e." "Well, sanay na kaming lahat sa kanya kaya masanay kana rin." "Totoo ba? Palagi ba siyang gano'n?" "Sometimes, lalo na kapag may deadlines or may problema dito. Why? Natatakot ka na ba at gusto mo ng mag-backout?" "What? Me? Ofcourse not! Susuko ang kasungitan niya sa akin," seryosong sabi niya pero ito ay humagalpak ng tawa. "Why? I'm serious." "That's the spirit, Nathalia. I think nakakita ng katapat si Marco sa'yo." Nagkatawanan sila at nakipag high five pa ito na siyang dinatnan na naman ni Marco. "Nathalia, please proceed in the office. May i-di-discuss ako sa'yo." Nagkatinginan sila ni Glenard, sa huli ay sinenyasan siya nitong sundin si Marco. "Susunod ako." "Make it fast, importante 'to," seryosong sabi nito na binirahan agad ng talikod. "Okay! Okay!" Itinaas niya ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko at saka sumunod sa binata. Pagsapit ng alas-singko ay lulan na sila ng kotse nito pauwi. Wala silang imikan dahil tila wala naman itong balak na kausapin siya. "Ibaba mo nalang ako kina Sheryl, I'll take my car." "What for?" alam niyang tinitingnan siya nito pero hindi niya ito nilingon. "Ano'ng what for? I said ihinto mo kina Sheryl." Narinig niyang nag-buntung hininga ito bago sumagot. "Okay." Akma na siyang bababa nang tumapat sila sa gate nina Sheryl pero pinigilan siya nito sa braso. "Are you mad at me?" She saw loneliness in his eyes. Tila nagsusumamo ito na huwag siyang magalit pero tila may nagtulak sa kanya para hindi ito sagutin. "Huwag mo na akong sunduin bukas, dadalhin ko nalang ang kotse ko," sa halip ay sabi niya. "Sige, kung 'yan ang gusto mo," mahinang sabi ng binata. "Thanks for the ride." Bumaba na siya at hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito ng pinto. Obvious na 'yun ang gagawin nito dahil nakita niyang nagtatanggal ito ng seatbelt. Sa sumunod na halos dalawang linggo ay araw araw siyang nasa site. Sinunod niya ang nasa blueprint ng plano at kung hesitant siya ay isinasangguni niya kay Marco. At natutuwa siya dahil ngayon ay malapit na sa katotohanan ang lahat, unti-unti ng nabibihisan ang restaurant. Magmula sa curtains, chandeliers, appliances, furnitures, theme color and accent etc. ay hinayaan siya ni Marco na gawin ang gusto niya. Something old, yet so reminiscing ang naging kayarian ng lugar. Dahil nga lumang bahay kastila ang mga iyon, talagang may kalumaan at pagka-antigo pero napanatili ang dating kaayusan. Animo ka talagang nasa panahon ng mga kastila when you entered the place. Napangiti siya. This! This is her first project and she made it. She's so proud of herself! "Satisfied?" Napalingon siya kay Marco na nakalapit na pala sa akin. Noon ay nasa lobby sila at iniinpeksyon niya ang mga ikinakabit na signage. Nakangiti ito habang nasa bulsa ang dalawang kamay. Oh God! Bakit hindi na lang siya palaging ganito? "Well, I am." nakangiti niyang sagot. "You did a great job Nathalia. I'm impressed. It looks like hindi ito ang first project mo," anito na ikinagulat niya. Ito kasi ang unang beses na pinuri siya nito ng harapan. Oh, this is the second time pala, nung una ay 'yung niluto niya na natikman nito. "Thank you, Marco." "It calls a celebration I think." "Hindi naman na kailangan." "No. I insist, okay? Everyone, listen! Sa bahay tayo mamaya. Sagot ko kayo!" nakangiting anunsiyo nito sa lahat. Naghiyawan naman ang mga tauhan niya na akala mo nakarinig ng magandang balita. Ang iba ay nagpalakpakan pa. Wala na siyang nagawa at batid niyang kailangan niya ring sumama. Baka sabihin pa nitong ang arte niya. "Sobrang saya ng mga tao mo." Napangiti na rin siya "Yeah. Kailangan mo rin sila i-treat paminsan minsan. For their hardworks to get paid." "I agree." "Thank you, Nathalia." "For what?" "For these." Inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng building. "Nasunod kung ano ang gusto ko." "Wala 'yon. Ginawa ko lang ang trabaho ko." "And for that, may bonus ka sakin." "Really? Ano naman? Bonus na sungit, sigaw o galit?" nakangiting tanong niya. Nagulat siya dahil bigla itong sumeryoso. "Am I really that cruel, Nathalia? I remember sinabi mo sa'kin 'yon. And I want you to be honest." I heaved a deep sighed. "Well, yeah. Most of the time." "I'm sorry for that," laglag ang balikat na sabi nito. "Okay na 'yon." "I wonder kung bakit ka nag-stay. I mean, palagi kitang nasisigawan and yet hindi ka pa rin nag back out." "Well, gusto kong patunayan sa sarili ko na sulit ang lahat ng hirap ko abroad. Mahirap naman na hindi ko magamit ang pinag-aralan ko. Besides, sayang ang pagiging waitress ko roon at kung anu-ano pang sideline kung hindi ako makakapag trabaho man lang dito." "You what?? Waitress ka sa ibang bansa?" Natawa siya dahil rinig niya ang sobrang pagkagulat sa boses nito. "Yeah. Nagsimula ako bilang waitress. Naging cashier din ako. What's wrong with that?" "But why?" I mean----" Napatingin siya sa binata. Hindi nito alam na siya si Vrenda pero bakit hindi ito makapaniwala na nag waitress siya abroad? "Wala lang, gusto ko lang. There was a orphanage there for the kids na wala ng mga magulang. I was giving donations most of the time. Doon ko ginagamit ang ipinapadalang pera ng papa ko." Nakita niyang lalo itong nagulat sa sinabi niya. "Y-you do that?" "Oo nga, ang kulet mo!" Natatawa niyang sagot. "Bakit ba gulat na gulat ka? Masyado ba kong maganda at bawal akong mag waitress?" Matagal ito bago sumagot. "You are. I'm sure na laging puno ang dining doon dahil sa'yo." Pinamulahan siya ng mukha dahil sa sinabi nito. At nang lingunin niya ito ay nakayuko ito at nakatitig sa kanya sa malamlam na mga mata. Napaseryoso siya bigla. "A-aahhmmm, b-babalik lang ako sa loob." hindi niya alam pero bigla siyang nahiya at nailang kaya nagpasya siyang humiwalay sa binata. Pagsapit ng alas kwatro ay pinatigil na niya ang mga tao. Nagsipag alisan ang mga ito at nagbalikan sa baraks para paghandaan ang selebrasyon sa bahay ni Marco. "Saan ka pupunta, Nathalia?" tanong nito ng makitang papunta siya sa parking lot. "Sa kotse, kukunin ko lang ang pamalit ko." "Gusto mo bang ako na?" "No thanks." tipid niya itong nginitian. Sa kotse ay kinuha niya ang paper bag na naglalaman ng pants at blouse. Lagi siyang nagbabaon ng extra dahil hindi siya makakatagal na malagkit at pawis kagaya ngayon na sobrang init. Kinuha niya iyon at bumalik sa building. Sa comfort room ng lobby nalang siguro siya magpapalit. Pagdating niya doon ay nakita niyang nakatayo si Marco at tuwid na nakatingin sa kanya. Nangunot ang noo niya. "Why?" "Saan ka magpapalit?" Lalong nangunot ang noo niya sa tanong nito. "Well, malamang ay sa banyo ho Mr. Demicillo. Bakit?" "Wala. Let's go, dito ka sa cr ng lobby. Hihintayin kita sa labas." "S-sasamahan mo pa ko?" gulat na tanong niya. "Why not?" "O-okay." Habang nasa loob ng banyo ay napapailing siya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang bumait si Marco. Hindi na rin ito nagsusungit ngayon. At teka, gusto pa yatang maging gwardiya niya! Baka na-hook na sa ganda ko ang loko. Napangiti siya sa kung anu-anong pumapasok sa isip niya. Paglabas ay nakita niyang may kausap ito sa cellphone. At bago pa niya ibaba iyon ay narinig kong 'moo' na naman ang binanggit nitong tawag sa kausap. "Okay ka na?" tanong nito ng makita siya. Tumango lang siya bilang sagot. "Dadalhin mo ba ang kotse mo o sasabay kana lang sakin?" "No. I follow you nalang." "Sige, let's go? Nasundo na yung mga tao ko ng sasakyan, tayo nalang ang nandito." "Okay."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD