Chapter 22

1047 Words
 Kaparis ng bahay nina August, ang bahay ni Marco ay tatlong palapag na hindi maikakailang isang magaling na arkitekto ang may-ari. Maganda rin ang disenyo ng bahay nila pero ang sa binata ay iyong tipong kakaiba at hindi nawawala sa uso. It's painted with all white and has a pure glass verandas in the whole second and third floor. Ang garden ay halatang alagang-alaga dahil maayos ang landscaping nito. Idagdag pa ang iba't ibang uri ng bulaklak at halaman na naroon. Sa kabilang gilid ay ang 8ft oval shaped swimming pool na napalilibutan ng bermuda grass. Bahagya siyang nagulat pagsapit doon dahil hindi niya inaasahan na ganoon ang dadatnan. Na ang Marco noon ay ganito na ang estado ng buhay ngayon. Kung sabagay, noon pa man ay alam naman niya talaga na malayo ang mararating nito dahil sa prinsipyo at talino. "Hey! What's wrong?" untag nito sa pananahimik niya. "Ha? Ahh...wala." Nahiya siya bigla dahil nakita siya nitong nakatulala. "Let's go inside. Kanina pa sila kumakain. Hindi ka pa ba gutom?" "S-sige." Napapitlag siya dahil hinawakan pa siya nito sa siko para igiya papasok sa loob ng bahay. Lihim niyang nahiling na sana ay hindi nito naramdaman iyon. Sari-saring pagkain ang nakahain sa mahabang dining table nang makapasok sila. Sa harap ng mesa ay nakaupo ang dalawang foreman nito at si Glenard kasalo ang ilang tauhan. Ang iba naman ay nakaupo sa monoblock chairs at hawak ang mga plato habang kumakain. "Architect, Miss Nathalia, kain na po." Narinig niyang sabi ng halos lahat pagpasok nila na ginantihan namna niya ng isang ngiti. "Dito ka na, Nathalia," ani Glenard na bakante pala ang katabing upuan. Tumayo ito at hinila iyon kaya tumalima na siya paupo roon. "Dito na kayo, architect," sabi naman ng isa sa harap niya. Tumango ito at maya maya ay umupo na rin doon. "Ahhhmmm, ano'ng gusto mo, Nathalia? Here's your plate, ako ng kukuha," anito na tumayo na at maging ang plato niya ay ito ang kumuha. "Thanks, Glenard pero ako nalang. Baka madami ang makuha mo ay hindi ako makatayo dito." Nagkatawanan ang lahat dahil sa sinabi niya. "Okay, sige," anitong tila nahiya at napahimas sa batok. Kinuha niya ang plato sa binata at umabot ng kaunting kanin na nasa harap ni Marco. Aksidente naman siyang napatingin dito dahil hindi pa rin ito kumikilos para kumuha ng pagkain. Napahinto siya dahil nakatiim bagang ito at madilim ang mukha. Was he staring Glenard? "Kumain lang ho kayo ng kumain marami ho ang ipinahandang iyan ni senyorito," anang boses ng isang matanda. "Nanay Ditas?" gulat na sabi niya ng makitang ito ang may ari ng tinig. "Abay andine pala si senyorita Nathalia. Kamusta hija?" napangiti siya dahil narinig na naman niya ang masayahin nitong boses. Kaagad itong lumapit sa likuran niya. "Kumain ka ng kumain ha? Ako'ng lahat ang nagluto niyan," bulong nito sa akin. "Salamat po, Nay." Nang matapos kumain ang lahat ay nag-umpisa na ang inuman sa likod ng bahay. Tinulungan niya si Nanay Ditas sa paghahanda ng mga pulutan kahit hindi naman kailangan dahil dalawa ang maids dito sa bahay. "Nay Ditas, nasaan po ang pamilya ni Marco?" tanong niya habang nagsasalin muli sa bowl ng mga pulutan ng nag-i-inuman. "Nasa America na silang lahat, hija. Ang dalawa niyang kapatid kasi ay doon na nakapagtrabaho hanggang sa magkapamilya. Ang magulang naman nila ay kinuha nung bunsong anak. Si senyorito rin ay doon na nakabase. Ang alam ko pagkatapos ng project niya rito ay babalik din siya roon." "Ahh...so mag-isa lang pala siya dito?" "Oo kaya nga doon naglalagi 'yun sa bahay sa farm niya. Nalulungkot dito dahil masyadong malaki para sa isa," dagdag pa ng matanda. Napaisip siya sa sinabi ni Nanay Ditas. Doon ito madalas sa bahay na tinutuluyan niya pero ngayong nandoon siya ay nalulungkot naman itong mag-isa rito sa mansiyon. Bahagya siyang nakaramdam ng guilt dahil doon. "Hindi ka ba sasama sa kanila roon, hija? Aba'y parte ka ng celebration nila." Inilalagay na nito ngayon sa tray ang mga inihanda nila. "Maya-maya ho." "O sige, tulungan mo nalang akong ilabas ang mga ito. Baka wala na silang pulutan doon e mapagalitan tayo," tatawa tawang sabi nito. "Sige ho." Inilabas nila ang tatlong tray na naglalaman ng iba't ibang pulutan at ibinaba sa mahabang mesang kinalalagyan ng mga inumin. Noon ay kasalukuyan ng tumutugtog ang malakas na videoke. Marami na ring maingay dala ng bahagyang kalasingan. Sa bawat mesa ay iba-iba rin ang paksang pinag-u-usapan. "Nathalia, come on. Hindi ka ba umiinom?" baling ni Glenard sa kanya nang mapatapat siya malapit dito. "A little," tipid niyang sagot. "Come here, kahit ilang shots lang. Sagot ko na yung ibang para sa'yo," anito sabay kindat. Ewan niya pero hindi niya maramdaman na binabastos siya ng binata. From the start ay palagay ang loob niya rito. "Sige pero kaunti lang ako, ha?" "Oo naman. Sagot kita. Dahil talaga namang sanay rin siyang uminom ay nagpaunlak siya. Saka hindi naman siya iinom ng marami dahil mag-da-drive pa siya pauwi. Maya-maya ay napansin niyang wala sa hanay nila si Marco. Luminga siya at hinanap ito pero hindi niya nakita. "Hinahanap mo si Marco?" tanong ni Glenard na nahalata pala siya. "Ha?" "Ayun siya o, kausap si kumander." Inginuso nito si Marco na nakatayo sa di kalayuan at may kausap sa cellphone habang nakatalikod sa kanila. "Kanina pa nga 'yan, e. Hindi na nakainom ang loko." Nakaramdam siya ng inis dahil sa sinabi nito. Alam niyang hindi dapat pero naiinis talaga siya. Knowing na isinama siya nito rito pero busy siya sa kausap niya? "Oh God! I hate him! What happened to you, Vrenda? Are you jealous? No! Of course not! I'm not and It will never happen." Kung anu anong pumapasok sa utak niya na hindi niya alam kung dahil lang sa impluwensiya ng alak. Dahil sa inis ay hindi niya napapansing napaparami na siya ng inom at nag-u-umpisa na siyang maging magaslaw. Napapalakas na rin ang hagikgik niya sa lahat ng mga jokes ni Glenard, not knowing na napapahilig na pala siya sa balikat nito. She was a little bit stunned ng maramdamang parang may nagtatalo na sa harap niya at biglang may humawak sa kanyang braso. Naramdaman niya rin ang pag-angat niya sa lupa at tila paglutang sa ere. Nahihilo siya but she clearly noticed Marco carrying her in his arms while walking. She was shocked.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD