10 years later...
ARRA
NAALIMPUNGATN ako sa sunod-sunod na pagtunog ng alarm clock na nasa bedside table ko. Nakapikit na inabot ko 'yon saka inis na pinatay.
Parang gusto ko pang matulog. Napuyat kasi ako kagabi dahil may mga script akong in-edit para sa kasalukuyang shino-shoot na pelikula. Alas kuwatro na ng matapos ko ang mga 'yon. At doon pa lang din ako natulog.
Part time script-writer ako. I've been in the industry for 5 years. At sa loob ng limang taon na 'yon naging parte ako ng mga successfull movies and teleseryes dito sa Pilipinas.
In demand ang pangalan ko sa linya ng trabaho ko. Actually, marami na ring mga tv networks at production companies ang nag-offer sa akin para magtrabaho sa kanila. Pero mas pinili ko pa ring magwork bilang part timer. Yong tatanggap lang ng trabaho kapag gusto ko at magwo-work lang kapag gusto ko. Pero minsan ang hirap ding humindi lalo na kung malaki ang offer. Kaya minsan sabay-sabay ang trabahong ginagawa ko. Nagsusulat ng script at paulit-ulit na nag-e-edit.
Malaki ang naitulong ng trabaho ko sa akin. Nakaipon ako at nakapagpundar ako. At bago mamatay si Mama, kahit papaano naiparanas ko ang magandang buhay sa kanya. Nakakalungkot nga lang dahil maaga siyang kinuha sa akin.
Mayamaya'y unti-unti akong nagmulat ng mata. Kahit gustuhin ko pang matulog ay hindi na puwede. Magbubukas pa kasi ako ng store ko ngayon. Nagbebenta ako doon ng pinaghalong ukay na damit at brand new. Hindi naman sa kailangan ko ng pera kundi parang libangan ko na rin 'yon. Ayaw ko din kasing mag-stay lang sa bahay at magkulong maghapon.
Kapag Monday to Friday, open ang store ko. Sa weekends naman ay sarado 'yon. Nagpapahinga kasi ako niyon at time ko din 'yon para makapag-ayos at makapaglinis dito sa bahay ko. Wala kasi akong katulong. Lahat ng gawaing bahay ay ako ang gumagawa.
Kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko. Tiningnan kung may importanteng messages ba ako or email. Pero may isang miss call na galing sa half brother kong si Kuya Migz.
'Ano naman kayang kailangan niya?' sa isip-isip ko.
Ilang sandali pa'y ipinasya ko na ding bumangon. Agad akong dumiretso sa banyo para makapaghilamos at makapagsepilyo.
Pagkalabas ay pinalitan ko lang ang suot kong pantulog ng pambahay na bestida bago bumaba. Agad akong sinalubong ng pusa kong si Gummy pagkababa sa hagdan.
Kinarga ko siya saka hinalik-halikan ang ulo. Nag-meow lang din naman ito ng paulit-ulit. Natatawang nilalaro-laro ko siya.
Isang pusang kalye si Gummy at lalaki ito. Napulot ko lang siya sa daan noong time na pauwi ako. Naawa ako kaya kinuha ko na at inampon. Maliit pa siya noon pero ngayon sobrang laki na niya. Siya na ang naging kasa-kasama ko dito sa buhay.
Mula nang mamatay ang Mama ko ay mag-isa na lang din akong nabubuhay. Pero bago pa man siya mamatay ay nasabi na niya ang totoo sa tunay kong ama. Kesyo buhay pa daw ito at galing sa may kayang pamilya. Pero may sarili na daw itong pamilya ng mabuntis niya si Mama. 'Yon pala dati nilang katulong ang Mama ko at nagkagusto ang ama ko sa kanya. At 'yon nga nabuntis niya ito. Pero sa takot na baka malaman ng pamilya niya ang panlokoko niya, pinalayas niya agad si Mama. Mula noon mag-isa lang si Mama na nagtaguyod at nagpalaki sa akin. Kahit sustento ay walang binigay ang ama ko sa kanya.
Actually eight months ago, nameet ko na din ang Papa ko at pamilya niya. Hindi ko sila hinanap, sila ang naghanap sa akin. Gusto daw nilang makabawi sa akin lalo na ang Papa ko bagay na ipinagkibit-balikat ko lang noong una.
Taga Santo Cristo sila at kilala sa lugar na 'yon. Ang Papa kong si Manuel Santibañez ay isang mayamang negosyante at Haciendero. Tatlong lalaki ang anak niya sa legal wife niya. Si Kuya Migz ang panganay na sinundan naman ni Kuya Terry. Si Kuya Lourence naman ang bunso. At kahit half sister lang nila ako, mababait naman sila sa akin. Hindi nila ako itinuring na iba. Kahit si Tita Amanda na ina nila ay maayos din ang pakikitungo sa akin. Kaya kahit papaano nakapalagayan ko din sila ng loob at nakasundo ko din kinalaunanan.
Gusto nga nilang doon na rin ako tumira sa bahay nila. Para makasama daw nila ako pero hindi ako pumayag. I prefer living alone. Nasanay na kasi ako. Kaya ang ginagawa ko na lang, paminsan-minsan ay dumadalaw ako ng Santo Cristo. May bahay din naman sila dito sa siyudad pero madalas sa probinsya sila naglalagi.
Mayamaya'y ibinaba ko si Gummy. Kumuha ako ng pagkain niya at inilagay 'yon sa kainan niya. Agad naman siyang kumain.
Iniwan siya at dumiretso ako sa kusina para magtimpla ng kape. Magto-toast sana ako ng bread pero ubos na pala. Kaya 'yong biscuit na lang ang kinuha ko. Kung sipagin ako mamaya, baka maggrocery ako.
Kinuha ko ang tasa ng kape at dinala 'yon sa labas. Ipinatong ko 'yon sa mesang naroon kasama ang biscuit na dala ko. Saka ako humila ng isang upuan para maupo roon.
Agad akong humigop sa kape bago binuksan ang biscuit. Kapag ganitong umaga, tinapay at kape lang ako. Sa tanghali at gabi ako kumakain. Pero mga take out food or nag-o-order lang ako online. Hindi kasi marunong magluto.
Kung bubuksan mo ang ref ko, wala kang ibang makikita doon kundi mga noodles, cereals, instant coffee, tinapay at mga canned goods. Hindi ako nag-i-stock ng mga karne at gulay dahil hindi ko din lang mailuluto ang mga 'yon. Masasayang lang kapag nagkataon.
Muli akong humigop sa kape ko.
Magdadalawang taon na din akong nakatira dito. Nung nabubuhay pa si Mama ay may nauna kaming bahay na tinirhan. Pero noong mamatay siya, ibenenta ko 'yon. Ayaw ko na din kasing mag-stay doon. Bukod sa ramdam ko 'yong lungkot, lagi ko pa siyang naalala.
Kaya para makamove on ako at muling makapagsimula, lumipat ako at muling bumili ng bahay dito sa subdivision na ito.
Yong unang owner nitong bahay ko ay nagmigrate sa Canada at piniling ibenta na lang ito. Nagustuhan ko naman kaya kinuha ko na agad. Pinarenovate ko na lang.
Actually masyadong malaki ang bahay na ito para sa akin nag-iisa lang naman. Two-storey ito at may apat na kuwarto. Tatlo sa taas at isa sa baba. Kaya kapag maglilinis ka, mapapagod ka talaga.
Pero so far okay naman dito. Mababait din ang mga kapitbahay ko.
Pagkatapos kong magkape ay nagdilig ako ng mga halaman ko. Sobrang init ngayon kaya madaling malanta ang mga halaman. Kaya hindi puwedeng hindi magdilig. Pati 'yong mga nasa labas ng gate ay diniligan ko na din.
Papasok na uli sana ako sa loob ng mapansing palabas din ng bahay niya si Clint. Binuksan nito ang gate niya. Akmang babalik sana ito sa loob pero nang makita niya ako'y agad itong lumapit sa akin.
"Good morning," nakangiting bati nito. Nakaligo na ito at nakabihis na din. Siguro ay papasok na ito. Isa itong Architect Engineer at nagwowork sa isang malaki at sikat ng kompanya dito sa Pilipinas.
"Good morning din," ganting bati ko. "Papasok ka na?"
Tumango ito. "Oo."
"Ang aga mo naman." Alanganing akong ngumiti.
Nanliligaw ito sa akin kaya medyo naiilang akong makipag-usap minsan sa kanya. Guwapo ito kung hitsura lang ang pag-uusapan. May maganda ring trabaho. Ang kaso hindi ko talaga siya type. Pero mabait ito at madali lang pakisamahan. Tinapat ko na din naman siya na wala akong nararamdaman sa kanya. Pero ayaw pa din niyang sumuko. Kaya hinayaan ko na lang. Basta ang lagi kong ipinapaalala sa kanya, huwag siyang mag-expect sa akin.
Ewan ko din ba? Parang nawalan na kasi ako ng interes sa mga lalaki kahit marami ang nagpapakita ng motibo sa akin. Medyo natrauma kasi ako sa nangyari sa akin sa nakaraan. Kaya pinili ko na lang magfocus sa sarili ko kaysa pumasok sa isang relasyon.
"Oo. May early meeeting kasi kami," sagot nitong hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.
Napatango-tango ako.
Ilang sandali pa'y nagpaalam na din ito at baka maabutan pa daw ng traffic.
"Ingat ka," sabi ko na lang.
"Thank you," anito bago pumasok sa loob at inilabas ang sasakyan. Nang akmang bababa ito para isara ang gate ay sinenyasan ko siyang huwag na.
"I'll do it," prisinta ko saka lumapit sa gate niya at isinara 'yon.
"Salamat," nakangiting sabi nito.
Tumango lang ako saka ngumiti. Bumusina pa ito bago tuluyang pinasibad ang sasakyan.
Pumasok na din ako sa loob ng bahay. Umakyat ako sa kuwarto saka naglabas ng damit na maisusuot. Kapagkuwan ay dumiretso ako sa banyo para maligo. Need ko na ding umalis para mag-open ng store ko.
Pagkalabas ko ng banyo ay agad na din akong nagbihis at nag-ayos. Hindi nagtagal ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na.
Bago ako umalis ay binigyan ko muna ng pagkain niya at inumin si Gummy. Hapon pa kasi ako makakauwi kaya hindi ko siya mapapakain ng tanghali.
Pagkasara ko ng bahay at ng gate ay naglakad na ako palabas ng subdivision para mag-abang ng jeep sa may harapan. May sasakyan naman ako pero minsan ko lang din gamitin. Mas gusto ko pang magcommute.
Ilang sandali pa'y may dumaan na ring jeep. Pinara ko na din agad 'yon at sumakay na.