ARRA
PAGDATING ko sa store ay agad na din akong nagbukas.
Anim na buwan na din akong nagre-rent lang din ako dito. Pati 'yong mga katabi kong store ay mga kapareho ko ding nangungupahan. At sa pagkakaalam ko, iisa lang din ang may-ari ng mga commercial space na inuupahan namin.
Habang naghihintay ng bibili, kinuha ko muna ang cellphone ko at nag-scroll sa isang social media account ko.
Agad akong natigilan ng bumungad sa akin ang picture ng pamilyar na lalaki na may kasamang babae.
Mapait akong ngumiti. Wala sa loob na tinitigan ko ang larawan ng lalaki saka napaisip. Sinong mag-aakalang asawa ko siya?
When was the Iast time I saw him? Parang hindi ko na maalala.
Bigla akong napaisip.
9 years ago? No? 10 years ago. Ah, sobrang tagal na pala.
Mula noong araw na iniwan niya ako sa gitna ng daan ay hindi ko na nakita kahit anino niya. Isang linggo pagkatapos niyon ay nabalitaan ko na lang na nagsasama na sila ng long time girlfriend niya. Noon alam ko pa ang pangalan ng babae. Pero ngayon hindi ko na matandaan. Basta ang alam ako lang, mahal na mahal siya ni Nicho.
Wala na akong magagawa sa bagay na 'yon. Kaya imbes na magmukmok ako sa isang tabi at mag-iiyak, tinanggap ko na lang ng bukal sa loob ko na kahit kailan hindi magiging kami at hinding-hindi niya ako magustuhan. Na siya at ako ay mananating pangarap na lang. Sinikap ko na lang magmove on at piniling ayusin ang buhay ko.
Ang totoo, ako din lang ang nagpaaral sa sarili ko. Oo binayaran na lahat ni Senyor Arthuro ang lahat ng bayarin ko sa loob ng apat na taon sa isang private school na pag-aaralan ko sana. Pero hindi ako tumuloy mag-aral doon. Nag-enroll ako sa isang public school at naging working student. Sa umaga ako nag-aaral at sa gabi naman ako nagtatrabaho.
Grabeng hirap, puyat at pagod ang pinagdaanan ko ng mga panahong 'yon. Pero sa kabila niyon, hindi ko naisip gamitin ang cheque na ibinigay sa akin ni Nicho. Nagtiis ako at awa ng Diyos kinaya ko naman. Napagtapos ko ang sarili ko at proud kong masasabi na wala akong utang na loob sa mga Cartagena.
Suwerte ding pagkagraduate ko ay nakahanap din agad ako ng trabaho ko. Naging empleyado ako sa isang kompanya. Maayos ang trabaho ko doon at maganda din ang suweldo kaya nakapagtabi ako pakonti-konti. Two years na ako doon ng magsimula akong maging part time script writer. Gusto ko kasi ng extra work. Para makabili agad ng bahay at makuha na si Mama dito sa siyudad na nung mga panahong 'yon ay nasa Hacienda Cartagena pa rin at ayaw pa ding tumigil sa pagtatrabaho kahit anong pilit ko.
Noong makabili na ako ng bahay ay kinuha ko na agad siya sa Santo Paulo at dinala dito. Hindi ko na siya pinagtrabaho pa.
Pero wala akong kamalay-malay na noon pa pala ay may sakit na ito. Hindi lang masabi-sabi sa akin. Huli na ng malaman kong mayroon pala siyang gastric cancer at nasa late stage na. Ayon sa doktor na sumuri sa kanya, masuwerte na kung aabutin pa si Mama ng apat na buwan. Malala na daw kasi ang sakit niya.
Halos hindi ko matanggap ang nalaman kong 'yon. Sobrang sakit. Dahil gusto ko siyang bigyan ng maayos na buhay, nagtrabaho ako ng nagtrabaho. Napabayaan ko siya at nawalan ng oras sa kanya. She's silently suffering pero wala man lang akong ka-ide-ideya. Doon ko narealize na walang silbi ang lahat ng pagsisikap ko kung kukunin naman pala siya agad sa akin.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit inilihim ni Mama ang sakit niya sa akin. Kung nagsabi lang sana siya, sana naagapan pa. Kasama ko pa sana siya hanggang ngayon. Hindi sana ako mag-iisang namumuhay.
Pagkatapos mamatay ni Mama, nagresign na din ako sa trabaho ko. Nahirapan kasi akong makalimot sa nangyari to the point na hindi na rin ako makapagconcentrate sa trabaho. Pinili kong magpahinga muna at bigyan ng time ang sarili ko. Pero nagsusulat at nag-e-edit pa din ako ng mga script. Doon ko nililibang ang sarili ko kapag nakakaramdam ako ng lungkot.
Pinahid ko ang luhang sumungaw sa gilid ng mga mata ko. Tuwing naaalala ko ang parteng 'yon ng buhay ko ay nagiging emosyonal ako. Minsan ang bigat pa rin talaga sa dibdib.
Marahan akong napabuntong-hininga.
Sa loob nng mahabang panahon ang dami ng nangyari. Hindi lang sa buhay ko kundi pati na rin sa buhay ni Nicho.
Kilala ang pamilya Cartagena sa mundo ng business. Kaya hindi nakapagtatakang halos araw-araw silang laman ng balita. Pero ang mas suki ay si Nicho. Lagi itong nakukuhan ng picture na may mga kasamang iba't-ibang babae.
Siguro wala na sila ng long time girlfriend niya. Kasi sa mga nakalipas na taon kung sino-sinong babae naman ang nali-link at napapabalitang gilfriend niya.
Muli kong tinitigan ang picture ni Nicho. Nakangiti ito roon habang nakayapos ang isang braso nito sa babaeng kasama nito.
'Asshole!' sa isip-isip ko.
Nagmature ang hitsura niya at mas lalong gumanda ang built ng katawan. Aminin ko man o hindi mas lalo pa itong gumuwapo ngayon na ipinagkibit-balikat ko lang.
Funny, isn't it? Noon inlove na inlove ako sa kanya. Pero ngayon kahit ni katiting na pagmamahal ay wala na akong maramdaman pa. Kaya kahit anong mangyari sa buhay niya ngayon ay wala na akong pakialam pa.
Ang problema ko na lang ngayon ay kasal pa ako sa kanya. Dala-dala ko pa rin ang apelyido niya. Kapag nga nakikita nila ang apelyido ko agad tinatanong sa akin kung kaano-ano ko ang mga Cartagena. Sagot ko naman hindi ko sila kilala.
Tama mag-asawa nga kami ni Nicho. We might be bound by law, but we were practically strangers.
Natigil ako sa pagmumuni-muni ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko 'yon ay nakita ko ang pangalan ni Ellie sa screen. Agad ko namang sinagot 'yonz
"Bakit?" tanong ko.
Narinig ko ang pagtikhim nito sa kabilang linya.
"Available ka ba tomorrow?" kapagkuwan ay tanong nito.
"Oo. Wala naman akong lakad. Bahay saka store lang naman ako," sagot ko.
"Okay. Pasundo kita bukas kay Mang Benny, ha?" anito.
"Bakit? Anong meron?" curious kong tanong.
"Basta. Hintayin mo na lang siya bukas."
Lalo tuloy akong napapaisip.
"May pupuntahan ka ba tapos isasama mo ako?"
"Parang ganun na nga. Kailangang andun ka talaga," sagot nito.
"Okay," sabi ko na lang. Siguro nga may lakad talaga siya. Minsan lang din naman siyang magpasama sa akin kaya pagbibigyan ko na nga lang. Isa pa bihira na lang din kaming lumabas. Sa isang araw na lang siguro ako mag-open ng store.
"Kamusta ka na pala?" mayamaya'y tanong ko.
Something bad happened to her more two than weeks ago. May lalaking pumasok sa kanilang bahay at ginahasa siya. Bilang babae at kaibigan niya, nakakalungkot at nakakagalit ang nangyaring 'yon. Awang-awa ako sa kanya lalo na ng makita ko kung gaano siya natrauma sa nangyari.
Kahit gusto niyang magreport sa pulis ay hindi naman puwede. Bilang sikat na supermodel, ayaw niyang masira ang pangalan at career niya na na ilang taon din niyang binuo. Alam mo naman sa panahon ngayon, kahit ikaw na 'yong biktima minsan ikaw pa ang nagiging masama. Kasikatan pa naman niya ngayon. Kaya 'yong mga taong inggit sa kanya nag-aabang na agad na pabagsakin siya. At 'yon ang iniingatan niyang huwag mangyari.
Saglit itong natahimik bago sumagot.
"Y-yeah. Don't worry."
Alam ko namang hindi pa siya okay. Halatang ayaw niya lang pag-usapan ang bagay na 'yon. Kaya ayaw ko na lang ding mangulit.
"Andito lang ako palagi para sayo. Kami ng kapatid mo," wala sa loob ng sabi ko. "You're not alone. Hindi ka namin pababayaan."
"T-thanks, Arra..."
Ngumiti ako pero hindi ako nagsalita.
"See you tomorrow," mayamaya'y sabi nito.
"Okay," sabi ko bago tuluyang pinatay ang tawag.
Pagkatapos kong magsara kinahapunan ay dumiretso ako sa supermarket. Nang makapag-grocery ay pumara ako ng taxi at nagpahatid na pauwi ng bahay.