CHAPTER 3

1958 Words
ARRA HINDI ako nakapag-alarm kagabi kaya medyo tinanghali ako ng gising. Ipinaalala pa naman ni Ellie na maaga akong susunduin ni Mang Benny pero ng dumating ito'y tulog pa ako. Kung hindi lang sa sunod-sunod na pagdoor bell niya ay baka hindi pa ako nagising. Nang mapagbuksan ko siyay doon ko lang naalala na may lakad pala kami ni Ellie ngayon. Dali-dali akong naligo. Mabibilis ang bawat galaw ko. Pants at blouse lang sana ang isusuot ko pero dahil wala na akong oras para magkalkal ng damit ay kinuha ko na lang ang floral dress na naka-hung sa closet at isinuot 'yon. V-neck 'yon pero silip lang din naman kunti ang cleavage ko. Above the knee ang haba niyon kaya kita ang mapuputi at bilugan kong mga hita pero okay na. Maayos namang tingnan nung nagsalamin ako. Wala na din akong time mag-ayos ng mukha kaya nagpolbos na lang ako saka nag-apply na lang ng lipstick. Hinayaan ko na lang ding nakalugay ang buhok ko at hindi ko naman na mabo-blower pa 'yon. Nanguha na lang ako ng pantali para ipusod ko na lang mamaya kapag natuyo. Nang kunin ko ang kuwintas ko sa jewelry box ko ay may sumabit na singsing doon. Hindi ko agad napansin kaya aksidenteng nalaglag 'yon sa sahig. Pinulot ko 'yon saka tiningnan. Ang wedding ring ko 'yon! Ang nagpapaalalang kasal pa rin ako kay Nicho. Mula ng tinanggal ko ito sa daliri ko ay hindi ko na tinangkang isuot pa. Itinago ko na lang ito kasabay ng paglimot ko sa nakaraan. Balak ko 'yong isuli kay Nicho kasama ang cheque na ibinigay niya sa akin kapag dumating ang pagkakataon. Hindi ako marunong kumilatis ng alahas pero unang tingin ko pa lang dito ay alam kong milyones ang halaga nito. Aanhin ko ba ito? Hindi ko naman ito kailangan. Muli ko na lang itong ibinalik sa jewelry box saka agad na isinuot ang kuwintas ko. Mapait akong ngumiti. Naisip ko tuloy kung hanggang kailan ba ako matatali sa walang kuwentang kasal namin ni Nicho. Gustong-gusto ko na talagang makalaya sa anino niya. Yong wala na sanang mag-uugnay pa sa amin. Dahil ayaw ko ng maging parte pa siya ng buhay ko. Pagkatapos isuot ang flat sandals ko ay kinuha ko na din ang bag ko at nagmadali ng bumaba. Ni hindi na ako nakapagkape. Agad na din kaming umalis ni Mang Benny. Nang i-check ko ang phone ko ay nakita ko ang mga missed calls ni Ellie. May mga texts din ito na nagtatanong kung nasaan na ba ako. Nagreply na lang ako na on the way na. Pagkatapos ng halos 20 minutes na biyahe ay ipinarada ni Mang Benny ang sasakyan sa isang building. Hindi ko alam kung kanino 'yon pero mukhang pribado 'yon. Sa labas ay nakita kong nakaabang ang kapatid ni Ellie na si Nathan. Nagtaka pa ako at bakit nandito ito. "Anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong ko ng makalapit sa kanya. Hindi nito ako pinansin. "Tara na sa loob, Ate. Kanina pa sila naghihintay," aya nito sa akin. "Bakit ano bang meron?" muli kong tanong na sumunod na din sa kanya. "Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sayo, Ate," naiiling na sagot nito. "Tingnan mo na lang mamaya." Lalo tuloy akong nagtaka. Iginaya niya ako sa isang kuwarto at binuksan 'yon. Pagpasok ko'y bigla akong natigilan. Lahat ng mata'y natuon sa akin. Maling kuwarto ba ang pinasukan namin? Ewan ko ba pero para akong naestatatwa lalo na ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na mukha na nakatingin din sa akin ng mga oras na 'yon. Those black eyes... 'Nicho!' sigaw ng isip ko. Biglang tumahip ang dibdib ko. Namamalikmata ba ako? Napaaawang ang mga labi ko. No! This is real! Nang magtama ang mga mata namin ay parang tumigil ang mundo ko. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siya pagkalipas ng maraming taon. Parang naramdaman kong biglang nangatog ang mga tuhod ko. Alam kong wala na akong nararamdaman sa kanya dahil wala naman na siyang epekto sa akin. Ni wala na akong makapang kahit damdamin sa kanya. Hindi lang kasi ako handa. Biglaan ba naman kasi. 'What a smal world!' sa isip-isip ko. Sinong mag-aakalang magkikita kaming muli ni Nicho? The same man who hurt me and abandoned me 10 years ago. Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo nito. Pero hindi pa rin nito inaalis ang tingin sa akin. "Halika na, Ate Arra," untag sa akin ni Nathan ng hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Doon lang ako parang bumalik sa katinuan. Kinalma ko ang sarili ko at agad akong nag-iwas ng tingin. Nang igala ko ang mga mata ko sa paligida ay nakita ko si Ellie na nakaupo sa harap at katabi si Senyorito Hugo. Nang mapansin niya ako ay senenyasan niya akong maupo ako. Litong-lito ako ng mga oras na 'yon. Wala akong ideya kung anong nangyayari at kung bakit nandito rin ang ilan sa magkakapatid na Cartagena. Nainis tuloy ako kay Ellie. Ni hindi man lang niya ako inabisuhan. Kahit naguguluhan ay naghanap na lang ako ng bakanteng upuan para makaupo. Pero ang nakita kong bakante na lang ay sa tabi ni Nicho. Sunod-sunod akong napalunok. 'Bwiset!' sa isip-isip ko. Dahan-dahan akong naglakad. Kaysa naman tumayo ako mas lalong akward naman 'yon. Saka makikiupo lang naman ako. Wala naman sigurong masama doon. Patay-malisyang naupo ako sa tabi niya at hindi man lang nag-abalang tapunan ito ng tingin. Nagkunwari akong hindi ito nakita. Mayamaya'y pumasok ang isang matandang lalaki at nagpakilalang isang pastor sa isang kilalang relihiyon. Habang nakikinig sa iba pang mga sinasabi nito narealize ko na magkakasal pala ito. At ng tawagin niya ang pangalan ni Ellie at Senyorito Hugo doon ko lang napagtagpi-tagpi kung anong nangyayari. Marahas akong napabuntong-hininga. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Parang ayaw mag-sink in sa utak ko ang mga nangyayari sa paligid ko. Una ang biglaang pagkikita namin ni Nicho. Pangalawa ay ang kasal ni Ellie. Napahawak ako bigla sa sentido ko. Parang sumakit ang ulo ko. Paanong bigla na lang ikakasal si Ellie at sa lalaking kinamunuhian pa niya? Parang may mali? Ang nakakainis lang wala man lang siyang nababanggit sa akin. Bigla ko tuloy nakuwestiyon kung magkaibigan ba talaga kami? Kasi bakit siya maglilihim sa akin lalo na sa ganito kaimportanteng bagay. Napansin ko sa gilid ng mga mata ko na panaka-nakang sumusulyap sa akin si Nicho. Pero sinikap kong huwag na lang itong pansinin. Seeing him again didn't bother me at all. Hindi ko alam kung natatandaan pa ba niya ako. Or kung aware pa ba siya na kasal kami? Pero sino nga ba naman kasi ako para maalala niya? Hindi naman ako importanteng tao di ba? Anyway wala naman na akong pakialam pa sa kanya. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa harap at nakinig na lang sa seremonyas ng pastor kahit ang totoo lumilipad ang isip ko ng mga sandaling 'yon. Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na din ang kasal ni Ellie. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero alam kong hindi ko 'yon magagawa ngayon. Kaya naisipan kong umuwi na muna at magpahinga sa bahay. Saka ko na lang kokomprontahin si Ellie. Sasabonin ko talaga siya. Nang maglabasan na ay tumayo na din ako at dumiretso sa labas. Nahuli pa sina Ellie kaya hinintay ko muna siya para makapagpaalam. Lalapitan ko sana si Nathan para magtanong uli pero nakita kong nagpunta ito sa gilid at tila may kausap sa phone niya. Kaya minabuti kong huwag na lang istorbohin. Hindi kalayuan sa kinaroroonan ko ay nakatayo sina Nicho. Kasama niya ang dalawang mga kapatid niya na sina Drake at Alejandro. May dalawa pa silang kasamang lalaki pero hindi pamilyar sa akin. Marahil ay kakilala nila. Saglit ko lang silang sinulyapan saka ako tumalikod at ibinaling ang paningin ko sa ibang direksyon. Kahit nakatalikod na ako sa kanila ng mga oras na 'yon ay ramdam kong may mga matang nakatingin sa akin. Tila pinagmamasdan ako niyon mula ulo hanggang paa. Tumataas tuloy ang maninipis kong balahibo sa braso. Gusto ko sanang lingunin kong sino 'yon pero pinigil ko ang sarili ko. Ipinagkibit- balikat ko na lang 'yon at hindi na lang pinansin. Agad kong sinalubong si Ellie ng makita kong palabas na siya. Lumapit naman ito sa akin at niyakap ako. "What the f**k just happened?" mahinang bulong ko sa kanya. "I'll explain later." Narinig kong sagot niya bago kumawala sa pagkakayakap sa akin. "I'm glad you came." "Wala ka man lang pasabi," medyo nagtatampong sabi ko. "I'm sorry," hinging paumanhin nito. "You know me hindi ako basta papayag sa ganitong bagay. Pero sa pagkakataong ito wala akong pagpipilian." Napakunot ang noo ko. Sabi na, e, may mali. Magtatanong pa sana ako pero pinigil ko ang bunganga ko at baka may makarinig. "Ipaliwanag mo 'yan ng maayos sa akin kapag tayo-tayo na lang," mahinang sabi ko. "Oo," sagot naman nito. "So puwede na siguro akong maunang umuwi," kapagkuwan ay sabi ko. "Mamaya na. Kain muna tayo," nakikiusap nitong sabi. "Kayo na lang. May pupuntahan pa kasi ako," kaila ko. Pero alam ko namang alam niya ang dahilan kaya ayaw kong sumama. Ang gusto ko lang ngayon ay tahimik na buhay kaya hangga't maaari magandang umiwas na lang kay Nicho. "Sige na, please. Sama ka na. Saglit lang naman tayo," muli nitong pakiusap. Tinitigan ko lang siya. "Please?" muli nitong sabi ng hindi ako sumagot. "Okay," sabi ko na lang na wala ng nagawa pa. Nang igala ko ang mga mata ko sa paligid ay hindi ko na nakita pa sila Nicho. Marahil ay nauna ng umalis. Mayamaya pa'y tinawag niya na din si Nathan at iginaya kami sa sasakyang nakaparada sa gilid. Nang tingnan ko 'yon ay alam kong milyones ang halaga niyon. Hindi ito sasakyan ni Ellie kaya siguradong sa mga Cartagena ito. Binuksan ni Ellie ang pinto ng sasakyan saka pinauna ako. Sumunod din naman ito agad at tumabi sa akin. Si Nathan ay piniling maupo mag-isa sa pinakalikod. Nang tumingin ako sa driver's seat ay doon ko pa lang napansin ang lalaking nakaupo roon. Ang isang kamay nito'y mahinang humahampas sa manibela na animo'y nababagot sa paghihintay. Bahagya pa akong natigilan ng pagtingin ko sa side mirror ay nakita kong nakatingin sa akin si Nicho. Saglit na nagtama ang mga mata namin pero agad din akong nag-iwas. Nainis tuloy ako at iginawi na lang ang tingin ko sa labas. Ano kayang problema niya at kanina pa siya tingin ng tingin? Nang sumakay si Senyorito Hugo ay agad na ding pinaandar ni Nicho ang sasakyan. Ilang ulit ko pa siyang nahuhuling nakatingin sa akin pero hindi ko na lang pinansin. Habang nasa daan ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagpipindot ng cellphone ko. Tinitingnan ko at binabasa ang mga emails ko. Mayamaya pa'y pumarada ang sasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Nang bumaba sina Ellie ay sumunod na din ako agad. Ayaw kong mapag-iwanan lalo't nasa paligid lang si Nicho. Kami lang ang tao sa restaurant na 'yon. Halatang nirentahan para doon magcelebrate. Magkakasama kaming tatlo nina Ellie sa isang mesa habang ang mga magkakapatid na Cartagena at iba pang mga kasama nila ay inokupa din ang isang mesa. Habang kumakain ay nagkukuwentuhan kami nina Ellie. Kung ano-ano lang ang topic namin. Iniwasan naming pag-usapan ang katatapos lang na kasal. Saka ka na kami mag-uusap ng masinsinan kapag kami na lang dalawa. Mayamaya'y natigilan ako ng magring ang phone ko. Kinuha ko 'yon at agad na tiningnan kung sino ang tumatawag. Ang Kuya Migz ko ang nakita ko sa screen. Tumayo ako at nag-excuse muna kina Ellie para sagutin ang tawag. Dumiretso ako sa labas at nagpunta sa gilid. Hindi ko na napansin ang lalaking naroon din at naninigarilyo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD