CHAPTER 4

2162 Words
NICHOLO NABABAGOT na sinipat ko ang oras sa mamahalin kong relo. Mag-iisang oras na kaming naghihintay. Pero hanggang ngayon hindi pa rin nagsisimula ang kasal ng panganay naming si Hugo. Sabi maaga kaya napaaga ako ng gising tapos ganito lang pala. Pinakaayaw ko pa naman ang ganitong naghihintay. Importante kasi sa akin ang bawat oras. Sabi ko nga kung maagang matatapos ay didiretso agad ako sa kompanya at may mga trabaho pa akong naghihintay roon. Tambak pa ang mga papeles na pipirmahan ko doon at ire-review. Kung hindi nga lang ako pinilit ni Drake, hindi naman ako pupunta. Sa aming magkakapatid ako talaga ang pinakatutol sa kasal na ito. Ewan ko ba kung anong nakain ni Hugo at ang anak pa ng pumatay sa mga magulang namin ang inaya niya ng kasal. Oo alam ko na kailangan niyang magpakasal bago siya tumuntong sa edad na 36 para makuha niya ang mana niya. Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit sa babaeng ito pa siya magpapakasal? Ang dami naman diyan. Puwede nga lang siyang magbayad, e. Actually hindi ko rin inaasahan na siya pala ang supermodel na si El Morales. Madalas kong marinig ang pangalan niya pero never ko pa siyang nameet. Ngayon pa lang at talagang nagulat ako. Pero kahit anong mangyari hinding-hindi ko siya matatanggap na maging miyembro ng pamilya. "Bakit ang tagal?" inis kung sabi. Hindi pa kasi simulan. Nandiyan naman na 'yong pastor na naimbitahang magkakasal sa kanila. Civil wedding lang ang gaganaping kasal at hindi na nag-imbita pa ng ibang bisita. Sikreto lang din kasi ito dahil ay usapan nila Kuya Hugo ay ipapawalang-bisa din lang pagkatapos niyang makuha ang mana niya. Si Noah at ang dalawang kambal ang tanging wala ngayon. Nagkataong nasa ibang bansa ang mga ito at may mga inaasikasong importanteng bagay. Kasama din namin ngayon sina Kevin at Diego na parang miyembro na din ng pamilya dahil matagal na kaming magkakasama. "May hinihintay pa daw kasi," sagot ni Drake. Pati ito'y halatang naiinis na din. Si Alejandro naman ay tahimik lang pero sa aming tatlo alam kong ito ang mas lalong naiinis sa amin ng mga oras na 'yon. "Sino? Importanteng bisita ba kaya tayo pinaghihintay ng ganito katagal." Nauubos na ang pasensiyang sabi ko. Kung hindi pa magsisimula after 20 minutes ay talagang aalis na ako. Bahala na kung magalit sa akin si Kuya. Wala akong pakialam. "Kaibigan yata nung babae," muling sagot ni Drake. Napabuga ako ng hangin. Lalo akong nainis sa narinig. Hindi man lang ba nila naalalang sabihan na agahan nitong pumunta. Aba! Naubos na ang oras kakahintay sa kanya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. Nagkataong tumunog 'yon kaya tiningnan ko na din kung sino ang nagchat. Napaismid ako. Ang babaeng kasama ko 'yon kagabi. Nag-aayang magkita uli kami. Sineen ko lang 'yon. Wala akong balak na replayan siya. Sino ba siya sa tingin niya? Tama na 'yong isang gabing napagbigyan ko siya. Hindi na 'yon mauulit pa. Ang daming babaeng nakapaligid sa akin kaya bakit ako magtitiyaga sa kanya. Ni hindi nga siya kagandahan. Mayamaya'yy naramdaman kong siniko ako ni Drake. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko sa ginawa niya. Nang tumingin ako sa kanya para sitahin ito ay may bigla siyang itinuro sa akin. Tiningnan ko ang direksyong inginunguso nito sa akin. Doon malapit sa pinto ay nakatayo ang isang babae. Nakayuko ang ulo nito kaya hindi ko makita ang mukha. Lalong umasim ang mukha ko. So ang babaeng ito ba ang hinihintay namin? Nang mag-angat ito ng tingin ay saka ko lang nakita ang mukha niya. Para akong natulala. She's the most beautiful girl I have ever seen... She has this perfect round face, full red lips, pointy nose and a pair beautiful eyes with long dark eyelashes. Ang mahabang at itim na itim nitong buhok ay malayang nakalugay na lalong nakadagdag pa sa ganda niya. Bagay na bagay rito ang suot niyang floral dress. Above the knee ang haba niyon kaya litaw ang mapuputi at makikinis nitong mga hita. Ni wala itong ibang kolorete sa mukha bukod sa mapulang lipstick sa labi niya. Pero nakapagtatakang kahit simple lang ang ayos nito ay sobrang ganda nito. Is she even real? Nang magtama ang mga mata namin ay natigilan ako. Parang mawawala ako sa katinuan habang nakatitig sa maiitim at magagandang mga mata na 'yon. Pero bakit ganun? Para siyang nagulat ng makita ako. Ewan ko din ba pero pamilyar ang mukha niya. Have we met before? Pero saan naman? Kasi parang wala naman akong matandaan sa kanya. Nag-iwas ito ng tingin at iginala ang mata sa paligid. Mayamaya'y narinig kong tinatawag siya ng kapatid ni Ellie. "Ate Arra, halika na," anito. Arra? Tama ba 'yong narinig ko. Parang may kung anong bumikig sa lalamunan ko ng marinig ang pangalan niya. Whenever I heard that name, isang taong lang ang pumapasok sa isip ko. 'Yon ay si Arra Ylarde-the girl I married 10 years ago. Sa sobrang tagal na, ni hindi ko na nga maalala ang mukha niya. Nawala na nga din sa isip ko na hanggang ngayon ay kasal pa rin pala ako sa babaeng 'yon. Pagkatapos ko siyang iwan noon sa gitna ng daan ay hindi ko na siya nakita pa kahit kailan. Mukhang naging masunurin dahil pagkatapos niyang makuha ang cheque na ibinigay ko ay naglaho na rin siyang parang bula. Nakakatawa lang dahil pinatunayan lang niyang mukha talaga siyang pera. Muli kong tiningnan ang babae. Could it be her? Hindi ko alam. Pero may posibilidad kasi na siya rin ito dahil sa pagkakatanda ko parang magkaibigan sila ni Ellie. Bigla tuloy akong naguluhan. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Kung siya nga talaga ito, siya ang pinakahuling taong ayaw kong makita. I hate everything about her. Unti-unti parang nabuhay na naman ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Mayamaya'y nakita kong naglakad siya papalapit sa akin. Nabigyan tuloy ako ng pagkakataon para makita ng maayos ang mukha niya. It's really her! Tumaas ang isang sulok ng labi ko. Kaya pala pamilyar ang mukha niya. Napamura na lang ako sa inis. Kaya ba siya nandito ngayon dahil alam niyang nandito din ako? This b***h! Walang kasingkapal talaga ang mukha niya! Sa isang iglap nawala ang paghangang naramdaman ko sa kanya. Napalitan 'yon agad ng galit. Gustong-gusto ko na siyang komprontahin ng mga oras na 'yon pero nagpipigil lang ako. Walang imik na naupo ito sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. Ni hindi ito nag-abalang tapunan ako ng tingin. Medyo nagtaka tuloy ako. I was expecting na babatiin niya ako or ngingitian man lang. Pero hindi niya ginawa. Parang hindi niya ako nakita. Ewan ko ba pero parang nainis ako sa ginawa niya. Palihim ko siyang pinagmasdan. I admit sobrang laki ng ipinagbago niya. Halos hindi ko na siya nakilala. Paanong ang probinsiyana at katulong lang dati sa Hacienda ay gumanda ng ganito? Nagpasurgery ba siya? "Ang ganda niya, no?" narinig kong bulong ni Drake. Binalingan ko siya at tinapunan ng masamang tingin. Nagbago lang ang hitsura niya. Pero para sa akin siya pa rin ang babaeng mukhang pera at ambisyosa. Galit ako sa kanya noon pero mas ramdam kong lalo akong galit sa kanya ngayon. Mula ng maupo ito sa tabi ko ay hindi ko siya nakitang lumingon sa akin. I don't know what trick she's trying to pull. Pretending not to know me? Para ano? Magpapansin lalo sa akin? Tingin ba niya mas makukuha niya ang atensyon ko sa ginagawa niya? Hell no! Nakakakulo lang ng dugo! Ewan ko sa sarili ko. Hindi maalis-alis ang tingin sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Hindi siya katangkaran. Nasa 5'6 or 5'5 lang ang height nito. She's slim yet curvy. Maputi ito at parang kaylambot ng balat nito. Parang siya 'yong tipo ng babaeng masarap ikama. I wonder what it feels like inside her. Napamura ako sa sarili ko sa mga iniisip ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil halatang pinagnanasahan ko na siya. Agad kong inalis ang tingin ko sa kanya at sinikap kalmahin ang sarili. There's no way na hahangaan ko ang babaeng kagaya niya. Sagad sa buto ang galit ko sa kanya kaya hindi 'yon mangyayari kahit kailan. Napapikit ako saka napasandal sa upuan ko. Memories from 10 years ago came flooding in. Yong panahong ikinakasal din kami ni Arra. 'What the f**k!' mura ko sa isip ko saka biglang nagmulat. Para sa akin isang bangungot ang pangyayaring 'yon sa buhay ko. Kaya hangga't maaari ayaw ko ng maalala pa 'yon. Pagkatapos ng kasal ay agad na din akong lumabas. Nakita ko ring lumabas na din si Arra at tumayo di kalayuan dito sa kinatatayuan namin nila Drake. Nakatalikod ito kaya malaya ko siyang napagmamasdan. Nang mga oras na 'yon ay lalo akong nainis. Sige pa rin ito sa pagkukunwaring hindi ako nakikita. "Baka matunaw na siya niyan," pang-aasar ni Drake. "Mukhang type mo. Hindi na maalis-alis ang tingin mo sa kanya, e." "No! She's not my type!" angil ko sa kanya na totoo naman. Mas prefer ko ang babaeng magaling mag-ayos at magdala sa sarili. Kaya karamihan ng mga idini-date ko ay mga celebrity at model. Ayaw ko ng boring na babae. "Sinungaling!" naiiling nitong sabi. Pinandilatan ko lang siya. "Mauna na kami sa restaurant, Sir Nicho," mayamaya'y paalam ni Diego. "Iche-check namin if okay na doon." May salo-salo din kasi na ihanda si Hugo. Nirentahan nito ang isang mamahaling restaurant para doon magdaos ng konting selebrasyon. Actually, gusto ko na nga din sanang umalis at dumiretso na lang din sa kompanya. Hindi kasi mawala-wala sa isip ko ang mga tambak kong trabaho doon. Pero baka magalit si Kuya kapag umalis ako ng walang paalam. "Sige lang," sabi ko. "Sasama na na din ako sa inyo," ani Alejandro. "May bibilhin kasi ako saglit." "Ako din," sabi ni Drake. Dalawang sasakyan lang ang dala namin ngayon. Ang sasakyan ko saka kay Kuya. Tinapunan ko sila ng masamang tingin. Kung aalis sila ay mapipilitan akong magpaiwan para hintayin sina Kuya. Ewan ko ba kung nanadya rin ang mga ito. "Hindi ka naman na maghihintay. Tapos naman na. Palabas na din naman sila," paliwanag ni Drake. Nang tumalikod ang mga ito ay wala na akong nagawa pa kundi magpaiwan. Dumiretso na lang din ako sa sasakyan ko at ipinasyang doon na lang maghintay sa loob. Mula sa kinaroroonan ko ay natatanaw ko si Arra. Hawak nito ang cellphone nito at abala sa pagpipindot roon. Marahan akong natawa. Hindi ko akalaing makikita ko pa pala ang pagmumukha niya. Pero maganda na din siguro na nagkita uli kami. Iniisip ko kasi na panahon na din para ipawalang-bisa ko ang walang kuwenta naming kasal. Gusto kong matapos na ang kung ano mang nag-uugnay sa amin. In short, gusto kong tuluyan na siyang maglaho sa buhay ko. Kaya pipilitin kong makahanap ng tiyempo para makausap ito. Sa ayaw at sa gusto niya, ipapawalang-bisa ko ang kasal namin. Mayamaya'y nakita ko silang papunta dito sa kinapaparadahan ng sasakyan ko. Kasama nito si Ellie at ang kapatid nito. Pakiramdam ko'y lalong bumigat ang dibdib ko habang tinitingnan sila. 'I hate these people!' sa isip-isip ko. Binuksan nila ang pinto ng sasakyan at nakita kong pumasok si Arra. Naupo ito sa gilid. Pasimpleng inoobserbahan ko ang bawat kilos niya sa side mirror ng sasakyan. Nang mag-angat ito ng tingin ay aksidenteng nagtama ang mga mata namin. Tiningnan lang niya ako saglit saka nag-iwas din ng tingin. Napaismid na lang ako. Ilang sandali pa'y nakita kong papunta na din dito si Kuya Hugo. Nang makapasok ito ay agad ko na ring pinaandar ang sasakyan. Habang nasa daan ay panaka-nakang sinusulyapan ko sa salamin si Arra. Parang batang nakasiksik ito sa gilid habang busy sa cellphone niya. Ang ilang hibla ng buhok nito ay nakatabing sa mukha nito. Napalunok ako. She's really pretty. Malayong-malayo na talaga ang hitsura nito kompara noon. Mas maganda pa nga ito sa mga sikat na artista ngayon. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Bakit ganito ang nararamdaman at iniiisip ko sa babaeng ito? 'Hindi ito tama!' Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at nagfocus na lang sa pagda-drive. Ilang sandali pa'y nakarating na din kami. Humiwalay ng table sina Arra sa amin. Tatlo silang magkakasama. Hindi na lang din naman namin pinansin dahil akward nga din naman kung magkakaharap kami. Kami nama'y sa isang table na lang din kami nagsama-sama. Kuwentuhan lang din kami habang kumakain. Pagkatapos kumain ay agad akong tumayo. "Tatawagan ko lang saglit si Aidan," paalam ko sa kanila. Assistant ko 'yon at may importante akong ipinagawa sa kanya. Tinanguan lang nila ako. Kinapa ko sa bulsa ko ang kaha ng sigarilyo ko. May laman pang isang stick 'yon kaya maninigarilyo din muna ako habang nasa labas. Wala akong lighter kaya nanghiram muna ako kay Diego. Kapagkuwan ay iniwan ko na sila at dumiretso na din sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD