CHAPTER 5

1821 Words
ARRA "HELLO, Kuya?" agad kong sagot sa tawag ni Kuya Migz. Bihira lang din itong tumawag sa akin. "Kumusta?" narinig kong sabi nito sa kabilang linya. "Okay lang po." Hindi ko maiwasang hindi mangiti ng marinig ang boses niya. Kahit half brother ko lang siya, ramdam ko 'yong pagmamalasakit at pagmamahal niya sa akin. Actually kahit 'yong dalawang kuya ko ay ganun din. Pareho-pareho silang mababait sa akin bagay na ipinagpapasalamat ko ng husto sa Diyos. "Nasa store ka ba?" mayamaya'y tanong nito. "Wala, Kuya. Hindi ako nag-open ng store ngayon," sagot ko. "May pinuntahan kasi ako." "Ah okay. Balak ko sanang dumaan sana doon." Kumunot ang noo ko. "Bakit?" "Nandito kasi sa bahay sina Mama at Papa. Gusto ka kasing makita," sabi nito. Minsan lang lumuwas sina Papa at Tita dito sa siyudad. Si Kuya Migz ang kadalasang naglalagi rito dahil siya ang nag-aasikaso ng mga negosyo nila dito. "Daan na lang ako bukas diyan, Kuya." "Okay. Sabihan ko na lang sila," anito. "Or gusto mo sunduin na lang kita bukas?" "Hindi na, Kuya. Ako nang bahala." Kakahiya naman kung susunduin pa niya ako. Saka maabala pa siya. May sasakyan din naman ako kaya hindi naman ako mahihirapan. "Okay. Ikaw ang bahala. Ingat sa pag-uwi mamaya,ha?" "Oo, Kuya. Salamat," nakangiting sabi ko bago pinatay ang tawag. Akmang babalik na ako sa loob ng mapansin ko si Nicho na nakasandig sa pader at naninigarilyo. Mataman itong nakatingin sa akin ng mga oras na 'yon. 'Yong klase ng titig niya'y parang tumatagos sa kaluluwa ko. Pakiramdam ko'y para tuloy akong matutunaw dito sa kinatatayuan ko. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. Kinalma ko ang sarili ko at sinikap na huwag na lang itong pansinin. Ayaw ko ng gulo kaya mabuting umiwas na lang. Nag-iwas ako ng tingin at yumuko na lang para hindi na ito makita pa. Pero bago pa man ako makalampas sa kinaroroonan niya ay humarang ito sa daraanan ko. Muntikan pa akong mapasigaw sa sobrang gulat sa biglaan niyang pagsulpot. Nang mag-angat ako ng mukha ay ang madilim at guwapo niyang mukha ang sumalubong sa akin. "So, it's you?" nakataas ang isang sulok ng labing sabi nito. "Akala ko namamalikmata lang ako pero ikaw pala talaga." Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa na parang sinusuri saka umismid. Napalunok ako ng sunod-sunod. Matangkad ito kaya nakatingala lang ako sa kanya ng mga oras na 'yon. Wala sa loob na napaatras ako at dumistansya sa kanya. "Oo ako nga. Bakit may problema ba?" kaswal kong sagot. Hindi ko naman siguro kasalanan na biglaan kaming nagkita. Ni wala nga akong ideya na andito pala siya. Kung alam ko lang siyempre hindi ako pupunta dito. Kung ayaw niya akong makita, mas lalo naman ako sa kanya. "What are you doing here?" mariin nitong tanong. "l'm just here for my friend," walang emosyon kong sagot. Totoo naman. Si Ellie lang naman ang ipinunta ko dito. Tinapunan niya ako ng nakakainsultong tingin. "Really? O dahil alam mong makikita mo ako dito kaya nandito ka rin," may sarkasmong sabi nito. Marahan akong natawa sa sinabi nito. Kahit kailan ang taas pa rin talaga ng tingin niya sa sarili niya. Akala ba niya ipagsisiksikan ko ang sarili ko sa kanya? No way! Kapal ng mukha niya para isiping nandito ako para sa kanya. Hindi na nahiyang mag-assume. Kaasar! "Look! I don't even know you're here. Ni hindi ko nga alam na kasal pala ang pupuntahan ko." Hindi ko na maiwasang hindi mairita. "Don't worry paaliw naman na ako." Sinubukan kong dumaan pero hinarangan niya ulit ako. Gusto ko ng magmura ng mga sandaling 'yon pero nagpipigil lang ako. "Huwag ka ng magkunwari. Sinong niloloko mo? Sarili mo?" magaspang nitong sabi. Bakit ba kasi nagpapaliwanag pa ako sa lalaking ito? Hindi rin naman niya ako papaniwalaan. Mapapagod lang ang bunganga ko sa kanya. "Isipin mo kung anong gusto mong isipin," iritable kong sabi. Akmang lalagpasan ko na siya ng muli itong humarang sa daraanan ko. "Stay where you are!" maawtoridad nitong sabi. Nagulat pa ako sa biglaang pagtaas ng boses niya. "Ano bang problema mo?" Hindi ko na napigilan ang inis ko. "Hindi pa tayo tapos mag-usap. Marami pa akong sasabihin kaya huwag kang bastos!" nagpipigil sa galit na sabi nito habang ang mga mata'y matalim na nakatingin sa akin. Kung nakamamatay lang siguro ang tingin kanina pa siguro ako hindi humihinga. Kung tutuusin wala siyang karapatang tratuhin ako ng ganito. Sino ba siya sa tingin niya? Pero kung inaakala niyang masisindak niya ako nagkakamali siya. Noon kaya pa niyang gawin 'yon. Pero hindi na ngayon. Hindi na ako ang dating Arra na marinig ko lang ang boses niya'y nanginginig na ako sa takot. Ngayon niya ako subukan dahil hindi ko talaga siya uurungan. "Wala akong oras makinig sa mga walang kuwenta mong sasabihin!" Hindi ko na rin kayang pigilan ang emosyon ko. Naningkit ang mga mata nito sa galit. Nagulat na lang ako ng bigla niyang saklitin ang braso ko at hilain ako sa pinakalikod kung saan walang makakakita sa amin. Nagpumiglas ako pero tila bakal ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Bitiwan mo ako!" angil ko sa kanya. Agad niya din akong binitawan kaya mutikan pa akong mawalan ng balanse. Nang tingnan ko ang braso ko'y pulang-pula 'yon at medyo mahapdi. Wala sa loob na hinawakan ko 'yon saka hinaplos. Nang tingnan ko siya'y nagsalubong ang mga mata namin. He looked at me with disgust. Mula noon hanggang ngayon ganoon na ganoon niya pa rin niya ako titigan. Pero wala akong pakialam. "Let's end our marriage," kapagkuwan ay sabi nito. Gusto kong magsaya ng mga oras na 'yon. 'Yon na yata ang pinakamagandang narinig ko. Finally makakalaya na ako sa kanya... "Sure! Gusto ko na ring namang makipaghiwalay sayo!" kibit-balikat kong sabi. Nagsalubong ang mga kilay nito sa sinabi ko. Kapagkuwan ay tumawa ito ng nakakainsulto. "Good! Akala ko magmamatigas ka pa!" nakataas ang isang sulok ng labing sabi nito. Ang mata niya'y nanatiling nakatingin sa akin. Akala ba niya gusto ko ring patuloy na maging kasal sa kanya? Kung alam niya lang na noon ko pa gustong kumawala sa walang kuwentang kasal namin. Sinalubong ko ang mga mata niya at nakipagtitigan sa kanya. Hindi ako nagpatinag kahit para na na niya akong lalamunin ng buo ng mga oras na 'yon. Oo takot ako sa kanya pero ayaw ko din namang habang buhay niya akong maliitin. I've had enough of him. "Matagal ko na din namang gustong mangyari 'yon. Ayaw kong patuloy na matali sa walang kuwentang kasal," mapait kong sabi. Nakita ko ang unti-unting pagdilim ng mukha nito. "Yes of course! Walang kuwenta talaga! Alam mo bang isinusuka ko na ikinasal ako sa kagaya mo!" puno ng sarkasmong sabi nito saka pailalim akong tiningnan. "I hate everthing about you!" Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan sa mga sinabi niya. Parang tumagos 'yon hanggang sa kaibuturan ng puso ko. Bigla tuloy nanliit ang tingin ko sa sarili ko. Mabigat bang kasalanan na ikinasal ako sa kanya para kamuhian niya ng sobra? Gusto ko ng maiyak pero pinipigilan ko lang. Magmumukhang kawawa na naman ako sa harap niya kapag ginawa ko 'yon. Kung namumuhi siya sa akin ganoon din ako sa kanya! "It's okay. Hate me all you want. I don't care anyway." Kasabay niyon ay plastik na ngiti ang kumawala sa labi ko. Nagulat na lang ako ng marahas niyang hawakan ang isang braso ko at hinila ako palapit sa kanya. "I don't like your arrogance!" mariing bulong nito sa tenga ko. "If I want to, kaya ko lang sirain ang buhay mo! Kaya kung ako sayo umayos ka!" Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Alam kong kayang-kaya niyang gawin ang banta niya sa akin pero wala akong pakialam. Gawin niya kung anong gusto niya. Doon siya masaya kaya go! Nang bitawan niya ako'y nawalan akong balanse at napaupo sa lupa. "Ipapadala ko na lang ang annulment papers sayo. You just need to sign it. The rest ako ng bahala," narinig kong sabi nito. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatalikod na ito at naglalakad na palayo sa akin. Marahan kong pinahid ang luhang namuo sa gilid ng mga mata ko habang pinagmamasdan siyang unti-unting naglalaho sa paningin ko. Bahagyang nahawakan ko ang dibdib ko na naninikip dahil sa galit. Kapgkuwan ay dahan-dahan akong tumayo. Nasaktan ako sa pagbagsak ko pero wala 'yon kompara sa sakit nararamdaman ko ngayon. My biggest mistake was falling in love with him. Kung maibabalik lang ang panahon, hindi ko hahayaan ang sarili kong ma-inlove pa ulit sa kanya. Sayang ang mga taong nagpakatanga ako sa kagaya niya. Napakawalang-kuwenta niya at sana dumating ang araw na makarma din siya sa sama ng ugali niya. Kinalma ko muna ang aking sarili bago ko ipinasyang bumalik sa loob. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Ellie pagkaupo ko. Siya na lang ang naabutan ko sa mesa. Hindi ko alam kung saan nagpunta ang kapatid nitong si Nathan. "Y-yeah," alanganin kung sabi. "Are you sure? Namumutla ka kasi," muli nitong sabi. "Mainit kasi sa labas," kaila ko. Pero tila hindi ito kumbinsido. Nakatingin pa rin ito sa akin ng mga sandaling 'yon. Nag-iwas na lang ako ng tingin saka pilit na inilihis ang usapan. "Puwede na ba akong mauna?" kapagkuwan ay sabi ko. Ayaw ko ng magtagal pa dito. Ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha ni Nicho. Lalo lang sumisikip ang dibdib ko sa galit pag nakikita ko siya. Pakiramdam ko tuloy ang hirap huminga. "Sabay ka na. Andiyan na din naman si Mang Benny," anito. "Daan ka na din muna sa bahay." "Hindi ka uuwi sa bahay ng asawa mo?" nakataas ang kilay na tanong ko. "Mag-aayos pa akong gamit. Mamayang hapon siguro," sagot nito na agad nag-iwas ng tingin. "Ewan ko ba kung anong nakain mo at pumayag kang magpakasal kay Senyorito Hugo," inis kung sabi. "Nakalimutan mo na ba ang ginawa ng pamilyang yan sa inyo?" Hininaan ko lang ang boses ko at baka marinig nila ako. "Sabi ko naman sayo wala akong choice di ba?" nakanguso nitong sabi. "Don't worry ipapaliwanag ko lahat sayo mamaya." Tiningnan ko siya bago muling nagsalita. "Okay. Siguraduhin mong ipapaliwanag mo ng maayos," inis na sabi ko na lang. Ngayon pa lang ay talagang curious na ako. Hindi na ako makapaghintay na marinig ang mga paliwanag niya. Ilang sandali pa'y nasa labas na din si Mang Benny. Umalis din kasi ito agad kanina pagkahatid sa akin. Ewan kung saan nagpunta. Pagkatapos magpaalam ni Ellie kina Senyorito Hugo ay nag-aya na din itong umalis. Hindi na din ako nag-aksaya pa ng oras. Agad ko ng kinuha ang bag ko at tumayo na. Nang tumingin ako sa mesa nina Nicho ay nakita kong nakatingin ito sa akin ng mga oras na 'yon. Pakiramdam ko'y kanina pa niya ako pinagmamasdan. 'Go to hell!' sa isip-isip ko saka inirapan ito. Kapagkuwan ay dumiretso na ako sa labas at sumakay na sa sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD