CHAPTER 11

1438 Words
NICHOLO ABALA ako sa pagpipirma ng mga nakatambak na papeles sa mesa ko ng mga oras na 'yon. Noong isang araw pa ang mga 'yon sa mesa ko pero hindi ko naasikaso dahil sa katatapos lang na board meeting at sa mga peojects na ako mismo ang nagmomonitor. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras kaya pinipilit ko na ding tapusin ang mga papeles na ito. Para wala na din akong iniisip pa. Isa pa ayaw ko din talaga kasing may naiiwang trabaho. Mahalaga kasi sa akin ang bawat oras. Kaya hangga't maari kung may trabaho gusto kong matapos agad. Nitong mga nakaraang linggo ay hindi masyadong pumapasok ng kompanya si Kuya Hugo. Madalas ay nasa Isla Martina ito. May mga trabaho doon na nangangailangan ng kanyang atenaton at superbisyon. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil importante din ang organisasyong pinamununuan niya. Minana niya ang pa ang posisyong 'yon sa namayapa naming ama na siyang nagtatag ng Cartagena Organization. Bilyon ang kinikita doon kaya hindi siya puwedeng magpabaya. 'Yon ang isang nagpayaman sa amin bukod sa mga negosyo namin. Alam ko ang kalakaran sa ganung uri ng Oo aminado ako may mga illegal na gawain doon. Pero alam ko hindi lang naman kami ang mga mayayaman na gumagawa ng ganun. Batid kong maraming buhay na din ang kinitil ng kapatid ko para lang maprotektahan niya at maipagpatuloy ang organisasyon. Alam ko mahirap 'yon sa kanya pero wala din naman siyang pagpipilian. Saglit kong isinandal ang likod ko sa swilvel chair ng maramdamang tila sumasakit 'yon. Ilang oras na din kasi akong nakaupo. Bahagya akong nag-angat ng ulo ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto. "Come in!" iritable kong sabi. Kung kailan ang dami kong trabaho saka naman ako iistorbohin. Medyo nagulat pa ako ng makitang si Aidan 'yon. "Ano 'yon?" kunot-noong tanong ko. May hawak itong folder ng mga oras na 'yon. "Ito po ang listahan ng mga tenants sa commercial buildings na ipinatayo niyo noong nakaraang taon. " Inilipag nito sa mesa ang folder na hawak nito. Lalong kumunot ang noo ko. Anong gagawin ko sa mga 'yon? Sa pagkakaalam ko maayos naman 'yon at wala namang problema doon. "Anong meron dito? May problema bang hindi ko nalalaman?" kaswal kong tanong. Kinuha ko ang folder at inilabas ang laman niyong papeles. Saglit ko lang pinasadahan 'yon pero hindi ko pinagtuunan ng pansin. Inilapag ko lang din yon sa mesa. Kapagkuwan ay tumingin ako sa kanya habang naghihintay ng paliwanag niya. "Wala naman, Sir. Pero isa po si Miss Arra sa mga tenants," pag-iimporma nito. Bahagya akong nagulat sa sinabi nito? Totoo ba ang narinig ko? Muli kong kinuha ang papel saka mabilis na hinanap ang pangalan ni Arra doon. Agad ko namang nakita 'yon. Tumingin ako sa kanya. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" "Ngayon ko lang din nalaman, Sir. Pasensiya na po," anitong yuko ang ulo. Marahas akong napabuntong-hininga. Inutusan ko kasi siyang imbestigahan si Arra. Anything na malaman niya about sa kanya ay gusto kong i-report niya agad sa akin. Para lang din may ideya naman ako kung anong pinaggagawa niya sa buhay. "Did you confirm?" Tumango ito. "Oo, Sir. Andoon siya. I saw her with my own eyes." Muli ko siyang tiningnan. "Gaano na siya katagal nagre-rent doon?" "More than six months po." Ang tagal na pala. Kung nalaman ko lang agad pinalayas ko na siya. I don't want her near me or sa mga properties na pag-aari ako. "Bakit siya nagre-rent doon?" curious kong tanong. Kinuha ko ang nakalapag na ballpen sa mesa at pinaikot-ikot 'yon sa aking mga daliri. "Nagbebenta po siya ng mga damit, Sir," sagot nito. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko sa sinabi nito. Kung doon lang siya kumukuha ng ikabubuhay niya talagang magkukulang. Kaya hindi na ako magtataka na naghanap siya ng mayaman tulad ni Migz para masustentuhan ang mga luho niya. May sasakyan nga siya, e. At ayon din kay Aidan malaki din ang bahay nito. For sure bigay lahat ni Migz 'yon sa kanya. Lalo lang tuloy akong nainis. Walang kasing kapal talaga ang mukha niya. Nakakakulo ng dugo. Napahawak ako sa sentido ko at saglit na nag-isip. "I want her out of my building," kapagkuwan ay sabi ko. "Paalisin siya bukas na bukas din." Wala akong pakialam sa kanya kahit naghahanap buhay pa siya. Gusto ko 'yong malayo siya sa akin at hindi nakikita. "Okay, Sir." "Kung may malaman ka pa sa kanya sabihin mo agad sa akin," bilin ko rito. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon. Mayamaya'y biglang bumukas ang pinto at pumasok doon si Noah. Bahagyang napakunot ang noo ko. Kqpag ganitong ito mismo ang nagpupunta dito sa office ko ay may kailangan ito sa akin. Sinenyasan ko si Aidan na okay na at puwede na siyang lumabas. Si Noah naman ay prenteng naupo sa harap ko. "Natanong mo na ba sa asawa mo?" agad nitong tanong sa akin. Asawa? Napailing ako bigla. "I don't consider her as my wife," pagtatama ko. Nagkibit-balikat lang ito. "Hindi ko pa natatanong," prenteng sabi ko. Ipinapatanong kasi niya sa akin kung may balita daw ba si Arra sa kaibigan niyang si Lira. Like wtf! Paano ko gagawin 'yon? Hindi nga kami magkasundo ni Arra. Makita ko nga lang ang pagmumukha niya naalibadbaran na ako. Hindi ko siya matagalan dahil sobrang nabubuwiset ako sa kanya. Ewan ko din ba kay Noah? Ang tagal ng panahon pero hindi pa rin ito tumitigil sa paghahanap sa asawa niya. Hindi ba siya napapagod? Parang ako ang nababahala sa mga pinaggagawa niya. Ano bang meron sa babaeng 'yon at nagkakaganito sa kanya ang kapatid ko? Napapaisip tuloy ako na baka nga minahal niya talaga si Lira kaya ganito na lang ito kapursigidong hanapin ito. Ang tanong buhay pa kaya siya? Kasi walang-walang makuhang lead tungkol sa kanya. Parang naglaho na lang itong parang bula. Hindi na mabilang na private investigators ang inupahan ng kapatid ko para hanapin siya pero wala pa din. Lahat sila bigo. Ang iba sa kanila naghihinalang baka may masamang nangyari dito. Or mas tamang sabihing patay na siya kaya hindi na siya mahanapan pa. Hindi ko alam kung anong totoong nangyari. Pero ang kuwento ni Noah lumayas daw ito sa poder niya. At mula nga noon hindi na niya ito nakita pa. Ang laki din ng ipinagbago ng kapatid ko mula ng mawala ang asawa niya. Naging tahimik ito at naging seryoso sa buhay. Madalas din ay mainitin ang ulo nito. Hindi ito dating ganun. Masayahin ang personalidad nito kaya minsan hindi rin namin maiwasang hindi mag-alala sa kanya. Hindi kami sanay sa mga ikinikilos niya. "Subukan mo lang itanong sa kanya. Malay mo alam niya or may ideya siya kung nasaan si Lira," pangungulit nito sa akin. "I'll try pero huwag kang umasa, okay? Alam mo namang mainit ang dugo ko sa babaeng 'yon," naiiling kong sabi. Nagsisisi tuloy akong nabanggit-banggit ko pa sa kanya si Arra. "Okay," tipid nitong sagot. Marahan akong napabuntong-hininga. "Bakit hindi mo na lang kasi siya kalimutan? Ang daming babae diyan?" "Hindi 'yon ganun kadaling gawin," sagot nito. "Mahal ko siya." Hindi nakaligtas sa akin ang unti-unting paglamlam ng mga mata nito. Naawa tuloy ako sa kanya. "It's been 10 years. Baka naman naghihintay ka lang sa wala," sabi ko. "She's not dead kung 'yon ang iniisip mo. Alam kong buhay siya," giit nito. "Okay sabihin na nating buhay siya. Pero sigurado ka bang kapag nahanapan mo siya babalik pa siya sayo?" alanganing tanong ko. Mqpait itong ngumiti. "I don't know. Saka ko na iisipin ang bagay na 'yan kapag nahanapan ko na siya," anito. Haays! Kahit anong paliwanag talaga ang gawin sa kanya hindi ito basta-basta makukumbinsi. Pero ano pa nga bang magagawa kundi hayaan na lang siya. Mahirap naman siyang pangunahan dahil may sariling isip naman na siya. Alam na niya kung anong ginagawa niya. Kaya bahala siya. Sana lang may mapuntahan ang ginagawa niya para hindi masayang ang oras at panahong ginugol niya. "Okay. Ikaw ang bahala," kibit-balikat na sabi ko na lang. Saglit itong natahimik. Kapagkuwan ay pilit na ngiti ang sumilay sa labi nito. "Just in case maitanong mo. I-update mo na lang ako." "Sige. Basta 'yong sabi ko sayo. Huwag kang umasa." "Oo na," anito saka tumayo na rin at dumiretso ng lumabas. Napabuntong-hininga na lang ako. Bahala na diyan. Kung hindi ko magawa ang pabor na hinihingi niya, at least nasabihan ko na siya. Pero ngayon pa lang alam ko namang hindi ko magagawa 'yon. Napakalabo. Muli kong kinuha ang ballpen at ipinagpatuloy ang trabahong naipagpaliban ko. Kailangan ko na 'yong matapos dahil malapit ng mag-uwian. Sana lang talaga wala ng mang-istorbo pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD