CHAPTER 10

1117 Words
ARRA KATATAPOS ko lang mag-edit at magsulat ng scripts ng mga oras na 'yon. Naisend ko na din 'yon sa email. Minamadali ako ng Director dahil next week ay isho-shoot ang mga 'yon. Kaya pinilit ko din talagang tapusin. Ayaw kong ma-pressure. Bahagyang sinulyapan ko ang oras wall clock. Mag-aalaw dose na pala ng gabi. Hindi ko na namalayan ang oras. Ang tagal din kasi ng tinapos kong trabaho. Talagang inayos ko din kasi ng mabuti para hindi doble ang trabaho. Ayaw kong ipaulit pa ang mga 'yon sa akin. Sayang ang oras kapag ganun. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi pa naman ako inaantok. Pero nagugutom ako. Gusto ko sanang mag-order ng pagkain sa online pero nagbago ang isip ko. Gabing-gabi na din kasi. Kawawa din 'yong magde-deliver. Naisip ko tuloy na magluto na lang. Pero ano namang lulutuin ko? Wala naman akong alam sa pagluluto. Actually gusto ko rin namang matuto pero busy kasi akong tao. Wala din akong oras. Kaya maganda 'yong mabilisan na lang. Tumayo ako at bumaba. Nagtungo ako sa kusina para magtimpla na lang ng kape at tumingin na din kung anong puwedeng kainin doon. Maaga kasi akong kumain kanina kaya hindi na nakapagtataka kung makaramdam ako ng gutom ngayon. Buti na lang talaga kahit malakas akong lumamon hindi ako tumataba. Sakto lang ang katawan ko at okay na ako dito. Saglit kong sinilip si Gummy sa higaan niya pero wala ito doon. Marahil ay nasa labas at naggagala. Babalik din lang naman 'yon kapag nagsawa na sa labas. Nanguha ako ng tasa at tahimik na nagtimpla ng kape. Kapagkuwan ay kumuha ako ng slice bread at naglagay ng palaman roon. Muli akong umakyat ng kuwarto ko dala ang kape at tinapay. Saglit kong ibinaba sa mesa ang mga 'yon at binuksan ang sliding door na siyang nagdudugtong sa terrace at sa kuwarto ko. Agad akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin pagkabukas ko niyon. Para 'yong nanunuot sa balat ko. Maulan nitong mga nakaraang araw kaya medyo malamig ang panahon ngayon. Kaninang umaga nga hindi man lang umaraw. Ibinaba ko ang tasa sa mesang naroon. Ang tinapay naman ay sinimulan ko ng kainin habang nakatayo at pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Kinuha ko ang tasa humigop sa kape. Ramdam ko ang pinaghalong pait at init niyon sa lalamunan ko. Para tuloy nagising ang diwa ko. Kung papipiliin ako mas okay naman sa akin ang kape kaysa alak. Halos hindi rin kasi ako umiinom. Mahina kasi ako sa alak. Madali lang akong malasing. Kaya nag-iiwas ako. Ayaw ko din kasing mapahamak. Bahagya pa akong nagulat ng tumunog ang cellphone ko. Sino naman kaya ang tatawag pa ng ganitong oras? Aba gabing-gabi na, ah. Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong shorts tiningnan kung sino 'yon. Kumunot ang noo ko ng makita ang unknown number na nasa screen. 'Who could it be?' sa isip-isip ko. Kahit nag-alangan ay sinagot ko pa rin 'yon. Baka kasi mamaya kakakilala ko lang din na nagpalit lang pala ng number or gumamit lang ng iba. "Hello?" Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ko sa kabilang linya. Parang lalaki. "Sino ito?" kunot-noong tanong ko ng hindi ito sumagot. "It's Nicho," anang baritong boses sa kabilang linya. "I'm just calling to remind you about the car. Nagtetext ako sayo pero hindi ka naman nagrereply." Hindi maitago ang inis sa tono ng boses nito. Parang nai-imagine ko na naman ang mukha nito ng mga oras na 'yon. Oh s**t! Oo nga pala. Nawala na sa isip ko. Nabasa ko 'yong mga texts niya pero nakalimutan kong magreply. May ginagawa kasi ako ng mga oras na 'yon kaya hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin. Isanpa makakalimutin din kasi akong tao. Kung hindi pa ipaalala sa akin ay hindi ko na maaalala. "Sorry. Nakalimutan ko," diretsang pag-amin ko. I'm sure iniisip niya na baka tinatakbuhan ko ang atraso ko sa kanya. Pero hindi naman ako ganoong tao. Hindi ko kayang manloko mg kapwa ko. "Nakalimutan? Or wala kang balak bayaran? Alin sa dalawa?" tila nang-aasar na sabi nito. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainis. Ang sarap batukan. "Nakalimutan ko nga," giit ko. Nakakabuwiset talaga siya. Kapag siya ang kausap mo talagang kailangan mo ng mahaba-habang pasensiya. Mahirap makipagtalo sa kanya. Hindi ka mananalo. "Talagang magpapalusot pa." Mahina lang ang pagkakasabi niya roon pero dinig ko pa rin. Para tuloy nagpanting ang tenga ko. "Akin na ang bank account mo para mai-send ko na," nagpipigil sa inis na sabi ko na lang. Pagkatapos nitong ibigay ang hinihingi ko ay ipinadala ko na din agad ang pera sa kanya. Six digits 'yon. Naisip ko tuloy kung ganoon nga ba talaga kalaki ang nagastos niya sa pagpapagawa o inuutukan lang niya ako? Pero konsensiya na niya 'yon. Kung nagsisingungaling siya bahala siya. Makakarma din siya. "Nasend ko na. Check mo na lang," walang emosyon kung sabi. Malaking halaga din 'yon kaya hindi ko maiwasang hindi sumakit ang loob. Idagdag pa 'yong gastos ko sa sasakyan ko din. Jusko! Parang sasakit ang ulo ko. "Okay," anito. "Siguro naman wala ka ng masasabi." Pero hindi na ito sumagot. Yon pala'y pinatay na niya ang tawag. Lalo tuloy akong nainis. Ni hindi man pang magpasalamat. Sabagay magtataka pa ba ako? Mapait na lang akong ngumiti. Kailan nga kaya niya ipapawalang-bisa ang kasal namin? Sabi niya kasi ipapadala na lang niya ang pipirmahan kong mga papel pero hanggang ngayon wala pa din. Aba! Magdadalawang-buwan na. Inaasikaso ba niya? Baka mamaya kasi nawala na sa isip niya. Pero hindi naman siguro. Baka busy lang. Knowing him, hindi 'yon papayag na hindi mapawalang-bisa ang kasal namin. Kaya wala akong magagawa kundi maghintay na lang din. Pero ang totoo niyan talagang hindi na din ako makapaghintay. I've waited long enough. Hangga't dala-dala ko ang apelyido niya hindi ako matatahimik. Patuloy lang kasing ipinapaalala niyon sa akin ang mapait na nakaraan na pilit ko ng ibinabon sa limot. Marahas akong napabuntong-hininga. I just wish matapos na ang problema ko kay Nicho. Gusto ko na din talagang magsimula ng panibagong buhay. In short gusto ko ng matahimik. Hinawi ko ang buhok kong inilipad ng hangin. Wala sa loob na nayakap ko ang sarili ko. Pakiramdam ko tuloy lalong lumamig. Baka mamaya uulan na naman siguro. Madilim din kasi ang kalangitan. Ni walang makita ni isang bituin. Pagkatapos ubusin ang natitirang kape sa tasa ay ipinasya kong pumasok na din sa loob. Gabi na din kasi. Tahimik na nga ang mga kapitbahay ko, e Nagpalit lang ako ng pantulog saka nahiga na din sa kama ko. Kailangan ko na din talagang magpahinga dahil maaga pa akong magigising bukas. I'm not sure kung makakatulog ako agad. Pero bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD