CHAPTER 7

2860 Words
ARRA KASALUKUYAN akong nag-aayos ng mga oras na 'yon. Naimbitahan kasi sa isang charity event si Kuya Migz at inaya niya ako para samahan siya. Nahiya din naman kasi akong tumanggi. Wala din naman kasi siyang girlfriend na puwede niyang ayain. 2 years ago pa kasi 'yong last relationship niya. Mula noon mukhang nawalan na ng time sa mga babae. Nagfocus na lang sa pag-aasikaso sa mga negosyo nila. Actually sa edad na thirty six ni Kuya Migz ay may pamilya na dapat ito. Pero ng tanungin ko siya tungkol doon ay ayaw pa daw niya. Hindi pa daw siya ready sa ganoong bagay. I-enjoy daw muna niya ang pagiging binata niya. Isa pa'y hindi pa din kasi niya nahahanap ang babaeng para sa kanya at gusto niyang pakasalan. Kaya kapag inaasar siyang mag-asawa na siya ay ipinagkikibit-balikat na lang niya ang bagay na 'yon. Magaling na businessman si Kuya. Mula ng ito na ang nagpatakbo ng mga negosyo nila ay lalo lamang lumago mga 'yon. Wala hilig sa negosyo dalawa pang kapatid ko kaya hindi rin sila maasahan ni Kuya Migz. Si Kuya Terry ay nanatili na lang sa Santo Cristo at siyang namamahala ng Hacienda. Si Kuya Lourence naman ay pinili ang propesyon niya. Kasalukuyang nasa ibang bansa siya ngayon at isang surgeon sa isang sikat na ospital doon. Sinipat ko ang hitsura ko sa malaking salamin sa kuwarto ko. Nakasuot ako ng black sphagetti strap dress ng mga oras na 'yon. Backless 'yon kaya kita ang makinis kong likod. Hanggang kalahati lang din ng hita ang haba niyon kaya naka-expose ang bilugan at mapuputi kong hita. Light lang ang makeup ko. Ayaw ko din kasi ng masyadong maraming kolorete sa mukha. Nangangati kasi ako minsan. Kaya kapag need lang mag-makeup ay doon lang talaga ako naglalagay. Ang buhok ko'y pinili kong i-messy bun na lang. Ang ilang hibla ng bangs ko ay hinayaan kong nakabagsak sa mukha ko. Nang makontento sa hitsura ko ay kinuha ko ang isang set ng alahas na nakalapag sa harap ng tokador at isinuot ang mga yon. Mayamaya'y narinig kong may tumatawag sa phone ko. Nang tingnan ko 'yon ay nakita ko ang pangalan ni Kuya Migz sa screen. Agad ko 'yong kinuha at sinagot ang tawag nito. "Are you ready?" tanong nito sa kabilang linya. "Oo, Kuya," sagot ko. Hinihintay ko na lang din naman talaga siya. Tapos na akong mag-ayos. "Okay. I'll be there in 10 minutes," anito bago pinatay ang tawag. Pagkatapos ilagay ang cellphone ko sa cluctch bag ko ay isinuot ko na ang high heeled shoes ko. Kapagkuwan ay bumaba na ako at ipinasyang hintayin na lang sa sala si Kuya Migz. Ilang sandali lang ay nakarinig na ako ng sunod-sunod na busina sa labas. Agad akong tumayo at nagmadali ng lumabas. Pagkatapos maisara ang gate ay binuksan ko ang pinto sa passenger's seat at sumakay na roon. Mayamaya pa'y paalis na kami. Habang nasa biyahe ay pareho lang kaming tahimik ni Kuya. Ako'y nakatingin lang sa labas ng bintana habang siya nama'y nakafocus lang din sa pagdadrive. "Ayaw mo ba talagang i-handle ang ibang negosyo natin?" kapagkuwan ay tanong ni Kuya na pumukaw sa akin. Ilang beses na niyang sinasabi 'yon sa akin pero ayaw ko lang talaga. Alam ko kasing hindi ko kaya. In short hindi ko 'yon linya. Nilingon ko siya saka pilit na ngumiti. "Pasensya na pero talagang ayaw ko, Kuya. Gusto ko din kasi talaga 'yong trabaho ko ngayon." Alam din naman nilang isa akong script writer. Suportado din naman nila ako at ramdam kong proud din naman sila sa akin. Napatango-tango ito. "In case magbago ang desiyon mo sabihin mo lang sa akin," nangiting sabi nito. "Opo. Salamat, Kuya," sabi ko na lang. Ilang sandali pa'y nasa venue na kami. Nag-alangan tuloy akong pumasok dahil sa entrance pa lang kita ko na ang mga bigatin at kilalang tao na papasok sa loob. Sa larangan ng pagnenegosyo ay kilala din ang mga Santibañez. Talagang nagsumikap din ang Papa ko para makagawa ng sariling pangalan. Si Kuya naman ay ilang beses na ding nafeature sa isang sikat na magazine. They're not as powerful as the Cartagenas pero hindi rin naman nagpapahuli ang mga Santibañez. Marahan akong napabuntong-hininga. First time kong dumalo sa ganito kalaking event kaya pakiramdam ko out of place ako. Paano ba naman halos lahat ng mga nandito ay mga kilalang tao at may mga sinasabi sa buhay. Hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng hiya. Pagpasok pa lang namin ni Kuya Migz ay pinagtitinginan na kami ng mga tao sa loob. Kasabay niyon ay sunod-sunod na flash ng camera ang kinunan sa amin ng mga reporters na naroon. Ilang beses din akong napapikit at nag-iwas dahil nagulat ako. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang lalo't hindi naman ako sanay sa ganito. Napahigpit tuloy ang hawak ko sa braso ni Kuya Migz. Hindi alam ng mga naroon na magkapatid kami kaya malamang iniisip nilang gilfriend ako ni Kuya. Alam mo naman ang mga tao ngayon assuming. Nagsimulang magsilapitan ang mga kakilala ni Kuya para bumati at mangumusta ng makita kami. "Girlfriend mo ba?" agad na tanong ng isa na nagpakilala sa pangalang Brixx Montellano. Naririnig ko na dati pa ang pangalang 'yon. Kung hindi ako nagkakamali isa siya sa mga pinakabatang bilyonaryo dito sa bansa. "No! She's my sis-" Hindi naituloy ni Kuya ang sasabihin niya dahil sumingit ako. "We're just friends," maagap kong sagot na ikinagulat ni Kuya Migz. Nagtatakang tiningnan pa niya ako. Kilala ang pamilya ng Papa ko kaya ayaw kong maging dahilan para maeskandalo sila. Sigurado may masasabi ang mga tao lalo na kapag nalaman nilang anak ako sa labas. Para sa akin tama na 'yong tinanggap nila ako bilang parte ng pamilya nila. Hindi na kailangang makilala pa ako ng mga taong nakapaligid sa kanila. Pinisil ko ang braso ni Kuya kaya napilitan itong sumang-ayon sa sinabi ko. "Yeah. We're friends," alanganing sabi nito saka tumawa. "So meaning single pa siya at puwede pang ligawan?" makulit na tanong ni Brixx. Nagsimula akong maasiwa ng mapansin kong hindi nito inaalis ang mga mata sa akin. Sinusuri niya ako mulo hanggang paa. Oo sobrang guwapo niya pero hindi ko siya type. Sa mga galawan pa lang niya ay alam kong babaero ito. Saka pagkakatanda ko parang may asawa na din ito. "No! Hindi na siya available. Leave her alone!" Mabilis na sabi ni Kuya na tila biglang naging over-protective ng mga oras na 'yon. "Sayang naman!" narinig ko pang sabi ni Brixx bago tuluyang tumalikod. Iginaya naman ako ni Kuya sa bakanteng mesang nasa pinakasulok. "Makulit 'yon si Brixx," anito. "Huwag mo na lang pansinin kapag lumapit uli sayo." Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon. Mayamaya'y nagpaalam si Kuya na may kakausaping lang na kakilala. Naiwan akong mag-isa sa mesa. May mga nariririg akong mga hosts na nagsasalita. Pero since dulo itong table na inookupa namin, hindi ko rin masyadong naririnig kung anong sinasabi nila. Nang ilibot ko ang paningin sa paligid ay napansin kong ang ilang mata'y nakatingin sa akin. Tila sinusuri ba sinusuri ako. Nag-iwas na lang ako ng tingin at yumuko na lang. Kung hindi lang talaga ako pinilit ni Kuya ay hindi naman ako dadalo rito. Hindi ako belong dito kaya hindi na nakapagtataka na ganito ako tingnan ng mga taong ito. Nang may dumaan na waiter ay inalok niya ako ng maiinom. Kumuha naman ako pero inilagay ko lang 'yon sa table at hindi ginalaw. Nang muli kong igala ang paningin ko sa paligid ay hindi sinasadyang may nahagip ang mga mata ko na pamilyar na mukha. Tiningnan ko uli 'yon at hindi nga ako nagkakamali. Si Nicho 'yon! Nakatayo ito at may mga kausap pero ang mga mata niya'y nakatingin dito sa direksyon ko. Parang kanina pa niya ako pinagmamasdan pero ngayon ko lang napansin. Kahit malayo ito ay ramdam ko ang matatalim nitong tingin. Tumataas tuloy ang mga maninipis na balahibo ko sa braso. 'Kung minamalas nga naman' sa isip-isip ko. Sabagay expected naman na andito talaga siya dahil malalaking tao ang mga nandito. Napailing na lang ako. Sa loob ng sampung taon hindi nagkrus ang mga landas namin. Pero bakit ngayon parang lagi kaming pinagtatagpo? Ayaw ko pa naman siyang makita. Nag-iwas ako ng tingin at sinikap na huwag na lang itong pansinin. Wala naman akong ginagawang masama kaya hindi ko kailangang magpaapekto. Ayaw kong masira ang gabi ko dahil lang sa kanya. Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa clutch bag ko at doon na lang inabala ang sarili. Nag-open ako ng isang social media account ko at tahimik na nag-scroll na lang doon. Pagbalik ni Kuya Migz ay may dala itong dalawang plate ng pagkain. Inilapag niya 'yong isa sa harap ko habang ang isa naman ay para sa kanya. "Kain na tayo," anito at agad ng sumubo. Hindi ko alam kung anong klaseng pagkain ang mga inilagay ni Kuya sa plato ko. Ngayon lang din kasi ako nakakita ng mga ganoong klase ng pagkain. Hindi naman ako gutom pero sumubo pa din ako. "Okay ka lang ba?" tanong ni Kuya. "Oo," tipid kong sagot sabay tango. "Uuwi na din naman tayo maya-maya. Hindi naman tayo magtatagal," anito habang ipinagpapatuloy ang pagkain. Pagkatapos kumain ay nag-excuse ako saglit sa kanya para pumunta sa CR. Hindi ko alam kung saan banda 'yon kaya kinailangan ko pang magtanong sa babaeng nakasabayan ko sa paglalakad. Buti alam niya kaya itinuro naman niya sa akin kung saan ang pinakamalapit. Agad na din naman akong dumiretso roon at pumasok sa isang cubicle. Pagkatapos maghugas ng kamay ay nagretouch na din ako. I still look fresh naman kahit papaano. Inayos ko lang ang ilang hibla ng buhok ko na nasa mukha ko saka nag-apply lang ako ng lipstick. Kapagkuwan ay lumabas na din ako. Bahagya pa akong nagulat ng makita ko si Nicho sa labas. Nakasandig ito sa wall habang ang mga kamay ay nakapamulsa sa bulsa ng suot nitong itim na slacks. Ewan ko ba pero tila nakaramdam ako ng kaba pagkakita dito. Hindi ko alam kung bakit narito ito at kung sinong hinihintay. Pero nang makita niya ako ay nagtaka ako ng maglakad ito papalapit sa akin. Natigilan ako lalo na ng makita ang madilim nitong mukha. Segundo lang ang lumipas ay nasa harap ko na ito. "What are you doing here?" galit na tanong agad nito habang matalim na nakatitig sa akin. "Ano bang problema mo kung nandito ako?" matapang kong sabi. Taas noong sinalubong ko ang mga titig niya. Wala akong pakialam kung anong magiging reaksiyon niya. "You shouldn't be here!" matigas ang boses na sabi nito. Lihim akong napailing. Alam ko ang ipinupunto niya. Porke ba hindi ko sila kalevel ng estado sa buhay bawal na din ba ang kagaya ko dito? "Bakit naman? Bawal ba akong pumunta dito?" nang-iinis ang tonong tanong ko. Pakialam ba niya kasi kung nandito ako. Hindi na lang niya problemahin ang sarili niyang buhay. Hindi 'yong nakikilalam ng iba na wala namang ginagawa sa kanya. "Oo. Buti alam mo!" angil nito sa akin. Sa klase ng pagkakatitig niya sa akin ay para na niya akong lalamunin ng buhay. Pero hindi ako nagpatinag. "Please lang! Ayaw ko ng gulo," tila napapagod kong sabi. "Puwede bang magpanggap na lang tayong hindi kilala ang isa't-isa kapag nagkita tayo?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Akmang tatalikuran ko na siya ng bigla niyang saklitin ang braso ko. Nang magpumiglas ako'y hinila niya ako at isinandig sa pader. "Ano bang problema mo?" nagtitimpi sa galit na tanong ko. Sinubukan ko uling kumawala pero itinungkod nito ang dalawang kamay sa pader. Tila na ako nakakulong sa kanya ng mga oras na 'yon. Dahil sobrang lapit na namin ay naamoy ko na ang pinaghalong amoy ng sigarilyo at pabango nito. Pakiramdam ko tuloy para akong mahihilo. Hindi naman mainit pero bigla akong pinagpawisan. "Bakit mo kasama si Migz Santibañez?" galit nitong tanong. Lalo nitong inilapit ang mukha sa akin. Nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin bago ito sinagot. "Ano naman kung kasama ko siya?" pabalang kong sagot sa kanya. "Bilib na din talaga ako sayo. Napaka-ambisyosa mo talaga," nakaismid nitong sabi. "Do you really think magugustuhan ka ni Migz?" Gusto kong matawa sa pinagsasabi nito. Nagmumukha tuloy siyang tanga. Gusto ko sanang ipamukha sa kanya at sabihing kapatid ko si Kuya Migz pero nagbago ang isip ko. Bahala siya kung anong gusto niyang isipin. Hindi ako mag-aaksaya ng oras para magpaliwanag sa kanya. Pero since napunta dito ang usapan, sakyan ko na lang. Hinirap ko siya. Muli'y nagsalubong ang mga mata namin. "Bakit naman hindi? Sa tingin ko hindi naman ako ganoon kapangit," kaswal kong sabi na hindi pinansin ang lalong pagdilim ng mukha nito. Totoo naman. May ganda din naman ako kahit konti. May mga nanliligaw nga sa akin. "Slut!" singhal nito na parang diring-diring sa akin. Hinayaan ko lang siya. Alam ko naman sa sarili ko na hindi totoo 'yon kaya hindi ako apektado. Saka kailan ba kasi ako naging mabuting tao sa paningin niya? "Whatever!" nakaismid kong sabi na tila lalong ikinaasar nito. Nagulat ako ng marahas niyang hawakan ang baba ko. Sa sobrang lapit namin tumatama na sa mukha ko ang mainit at mabango nitong hininga. Lalo lamang tuloy akong nailang. Pakiramdam ko tuloy naging abnormal na ang t***k ng puso ko. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero humigpit lang lalo 'yon. Nahiling ko na lang na sana may dumaang tao ng mga oras na 'yon para may dahilan akong makawala sa kanya. Pero kahit isa wala man lang akong makita. Wala sa loob na pinagmasdan ko siya. Sobrang guwapo niya talaga. He's perfect in every way. Kaya hindi na nakapagtatakang kinababaliwan siya. Naalala ko tuloy 'yong batang ako na sobrang inlove na inlove noon sa kanya. Makita ko lang siya dati noon ay sobrang kinikilig na ako. Pero habang pinagmamasdan ko siya ngayon, wala na akong maramdaman sa kanya kahit konting paghanga. Tila bulang naglaho na lang ang damdamin ko rito. "Don't you dare cause trouble habang kasal pa tayo!" Mariin sabi nito. "Hindi ka na ba makapaghintay lumandi hanggang mapawalang-bisa ang kasal natin?" Kapal ng mukha niya! Itutulad pa niya ako sa kanya. Gawain niya tapos ako pa ang pagbibintangan niya ngayon. Kailan ba ako lumandi? Ni wala nga akong boyfriend. "E, bakit ikaw?" balik tanong ko sa kanya. "Isa pa hindi naman nila alam na kasal tayo? Or kahit pa malaman nila ano naman? Hiwalay naman tayo. May sarili na tayong mga buhay at kasal lang naman tayo sa papel." Nakita ko ang unti-unting pagtaas ng isang sulok ng labi nito. Nanunuyang tinitigan niya ako. "I'm warning you. Kapag nakaladkad ang pangalan ko sa eskandalo hindi mo magugustuhan kung anong gagawin ko," pagbabanta nito bago ako marahas na binitawan. Bahagya akong nagulat. Magsasalita pa sana ko pero nakita kong may mga dadaan. Sinamantala ko 'yon. Agad akong tumalikod at mabilis pa sa alas-kuwatrong naglakad palayo rito. 'Bastard!' sa isip-isip ko. Nagsisi tuloy akong nagpunta rito. Kung bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng tao siya pa itong makikita ko. Lalo lang tuloy nadagdagan ang galit ko sa kanya. Nanggigil talaga ako. Parang gusto ko na lang umuwi ng mga oras na 'yon. Habang alam kong nasa paligid lang siya ay hindi talaga ako mapakali. Pagbalik ko sa inookupa naming mesa ay wala si Kuya Migz. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Matiyagang hinintay ko na lang siya hanggang makabalik ito. Nang mag-aya itong umuwi ay nagmadali na akong tumayo at sumunod na sa kanya. Gustong-gustonko na talagang umuwi. Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Nicho. May kasama itong babae na pamilyar sa akin. Isa siyang sikat na artista at female lead sa katatapos lang na teleserye sa telebisyon. Isa ako sa mga script writers doon kaya kilala ko siya. Nang makita ako ni Nicho ay nabaling ang tingin niya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin at hindi ito pinansin na parang hindi kilalala. Kahit hindi ko siya tingnan ay ramdam ko ang mga tingin niyang tumatagos sa akin. Diretso na lang akong lumabas at sumakay sa sasakyan ni Kuya. Doon lang ako parang nakahinga. Ilang sandali pa'y paalis na din kami. Pagkatapos akong ihatid ni Kuya Migz sa bahay ay umalis na din ito kaagad. Pagkasindi ko pa lang ng ilaw sa sala ay agad na akong sinalubong ni Gummy. Pagkatapos hubarin ay high heeled shoes ko ay naupo ako saglit sa sofa at binuhat ito. "Bakit hindi ka pa natutulog? Hinihintay mo ba ako?" tanong ko sa kanya habang nilalaro ang ulo nito. Sunod-sunod na meow lang ang narinig ko sa kanya na parang sumasagot sa tanong ko. Malambing siyang pusa kaya lalo akong natutuwa sa kanya. Bago ako umakyat ng kuwarto ko ay binigyan ko muna siya ng pagkain niya. Pagkapasok ko ng kuwarto ko ay agad akong tinanggal ang mga alahas ko saka naghubad. Dumiretso ako sa bathroom at mabilisang nagshower. Pagkatapos makapagbihis ay nahiga na din ako sa kama ko. Hindi maganda ang gabi ko dahil kay Nicho kaya gusto kong matulog agad ngayon. Ipinakit ko na agad ang mga mata ko at hinayaang unti-unti akong lamunin ng antok...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD