
Ingenium Academy walang sino man ang nakakaalam kung anong espesyal sa eskwelahan na ito. Hindi ito sikat o kung ano maliban sa kapit ito sa gobyerno, kada taon ay pumipili ang eskwelahan na ito ng isang studyante sa bawat private school para bigyan ng inbitasyon na makapag aral sa misteryosong eskwelahan na ito. Ang mga studyante na mapipili ay sinasabing espesyal, matalino, marunong makipaglaban. Ngunit ito nga ba talaga ang dahilan?. Maraming nag aasam na makapasok rito kahit di alam ang kakaharapin sa eskwelahang ito kabilang ang isang studyanteng hinahangad lamang na maging normal makasama ang taong gusto nya. Ito nga ay natupad ngunit may kapalit na kabayaran at ang kabayaran na yon ang dahilan kung bakit sya nakapasok sa eskwelahan na hinahangad nya.
