Chapter 28 Arianna's POV Pagkarating namin sa basement ay binitiwan niya na ako at nagtuloy kung saan. Pinatunog niya ang kaniyang sasakyan para hanapin iyon sa gitna ng maraming sasakyan na nakaparada sa basement, nang makita niya iyon ay tumuloy na siya sa paglalakad, habang ako ay walang nagagawang napasunod sa kaniya. Bumuntong-hininga ako. He's not saying anything, and I hate it. Binuksan niya ang pinto sa passengers seat, binalingan niya ako pero hindi niya ako tiningnan ng diretso. "Get in," aniya pagkalagay niya ng gamit ko sa loob. Hindi ko pinansin ang utos niya, nakatingin lang ako sa kaniya saka mariing umiling. "Let me explain." He tighten his jaw and ignore what I said. Iniwan niyang bukas ang pinto at naglakad paikot para sana pumasok sa driver's seat, pero hinarang k

