bc

Killing Me Slowly (SPG-R-18)

book_age18+
11.6K
FOLLOW
60.8K
READ
possessive
contract marriage
friends to lovers
playboy
arrogant
badboy
kickass heroine
bxg
betrayal
cheating
like
intro-logo
Blurb

It was painful for Arianna when her boyfriend, Lucifer, broke up with her just because of a fix marriage. But that didn't change her feelings for him.

Wanting to be less miserable, she accepted a man who offered her a real relationship that she deserved, Jackson.

Pero napag-aaralan nga ba ang pagmamahal? Natuturuan nga ba ang puso kung sino ang dapat mahalin o kung sino ang hindi?

Paano kung ang akala niyang paraan para maisalba ang sarili sa sakit ay ang siya ring papatay sa kaniya unti-unti?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Chapter 1 Arianna's POV Nakakuyom ang kamao ko habang nakatanaw sa maliit na bintana kung saan tanaw ko ang mga customer na masayang nagkakainan sa kaniya-kaniyang mesa. Dapat nito ay masaya akong pinapanood at nakikita ang mga customers ko na nasisiyahan sa mga hinahanda kong dishes para sa kanila, at karamihan ay sariling recipe ko pa. Pero iba ngayon. Halos mapunit na ang mukha ng dalawang couple sa table 15 habang pinagsasaluhan ang mga hinanda ko. Kung alam ko lang na sila ang nag-order ay sana nilagyan ko na iyon ng lason. "Chef Ari, okay ka lang?" tanong at hawak ni Celine sa balikat ko, isa sa mga staff na nakatoka sa kusina. Nagpilit akong ngumiti. "Oo, 'wag mo akong intindihin," sabi ko na lang saka inayos ang hair net na suot ko, upang iwasan ang nag-aalala niyang mga tingin. Huling tingin ang ginawa ko bago pilit na hinakbang ang mabibigat kong mga paa palayo sa kuwadradong bintana. Napakamasokista ko talaga. Paano ko nagagawang tingnan ang dalawang iyon na ngayon ay nagkakasiyahan? Tumingala ako nang maramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Hinawakan ko ang sibuyas na nasa ibabaw ng countertop at nagsimulang maghiwa. Gusto ko iyon gawin dahilan para sa nagbabadyang kumawalang mga luha ko. Hindi ako makapaniwala na ganito siya kasaya, samantalang sabi niya sa akin ay mahal niya ako, iniyak-iyakan pa niya ako? Alin sa mga sinabi niya ang totoo? Ang luha ba niya ay totoo rin? "Chef Ari!" excited na tawag sa akin ni Carl, ang bago lang na staff dito sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Nakatoka siya sa pagse-served. Mabuti na rin dahil masipag siya at madaling utusan. Ngumiti ako nang umurong ang mga luha ko. Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa. "Yes?" "Natuwa po ang isang customer sa luto ninyo. Gusto niya raw po kayong makausap." Excited ito at hinawakan ako sa may pulsuhan. Bente anyos lang siya kaya mas matanda ako sa kaniya ng apat na taon, minsan tuloy iniisip ko kung ganito rin ba ako ka-excited sa mga bagay-bagay noong ganiyang edad ko, o talagang magkaiba lang kami ng ugali? "Sandali!" awat ko sa kaniya sabay bawi ng kamay ko. Tinanggal ko ang apron ko kaya naman nailabas ang puti kong uniporme bilang chef, kinuha ko pa ang tissue na nasa ibabaw ng mesa at pinunasan ang pawis ko. Dahil sa dami ng nakabukas na stove at sa singaw ng iba't ibang putahe na niluluto namin, kahit full-air-conditioned ang buong resto ay mainit pa rin sa kitchen. Ngumiti ako kay Carl at nag-pogi signed. "Okay na ba?" Itinaas niya ang thumbs niya habang manghang-mangha na nakatingin sa akin. "Approved!" Napailing na lang ako. Nagpunas lang naman ako ng pawis, pero ewan ko ba kay Carl, sobrang vocal niya na crush niya raw ako. Kung hindi lang little brother ang tingin ko sa kaniya ay baka ginawa ko na siyang rebound ko. Errrr, masama ba iyon? Binilin ko na lang ang mga niluluto sa mga kasamahan ko sa kusina. Bilang head chef ay sanay na rin naman akong iniiwan sila sa kitchen basta't naituro ko na ang mga dapat gawin. Pero siyempre panandalian lang, dahil bilang head chef ay kailangan kong siguruhin na maayos ang ang mga putahe bago i-served. Madali akong napasama ni Carl sa kaniya, dahil ang ipatawag ng customer ay normal na para sa akin. Sanay na akong tumanggap ng compliment at reklamo galing sa kanila. Nilibot ko ang paningin ko pagkalabas namin ng kitchen. Natigil pa ang mga mata ko sa table 15 nang mapansin kong isa na lang ang nakaupo roon. Pinilit kong alisin ang atensyon ko at utak sa kanila. "Saang table ba may naghahanap sa akin?" "Sa table 15 po." Natigilan ako. Halos hindi ako makahinga at parang nabingi sa sinabi niya. s**t! Nang ibalik ko ang paningin ko sa table na iyon ay nakita kong nakatingin na sa akin ang babaeng diretsong-diretso ang buhok. Kahit yata tinik ng rosas ay hindi kakapit dito. Napalunok ako. Nagtalo ang utak ko kung dadaluhan ko ba siya o babalik na lang sa kitchen. Pero bandang huli ay naisip ko rin ang pride ko. The way she's looking at me, alam kong nang-aasar siya, kaya naman hindi ko maaring pagbigyan siya. Taas noo akong lumapit sa table, at pekeng-peke na ngumiti. "Excuse me, looking for me, Ma'am?" Nag-flipp siya ng buhok niya. "Ohhhh, sorry, I didn't think na ikaw pala ang chef nila," aniya sa parang hindi naman nagulat na tono, taliwas sa sinabi niya. "Anyway, mago-offer sana ako ng trabaho para sa chef, para maging chef sa kasal namin ni Lucifer." "Hindi po ako sigurado kung available ako sa wedding day ninyo," magalang pero matigas kong tugon. Ngumisi siya, lalo tuloy akong naiinis. Ilang sentence pa lang naman ang nasasabi niya pero para nang gustong pumutok ng ugat ko dahil sa kaniya. "Don't worry, now that I know who's the chef, nagbago na ang isip ko. Don't get me wrong, pero alam ko namang bitter ka pa, Arianna." Nanliit na ang mga mata ko. "Hindi ako bitter, Jamaica." "Oh really? You just rejected my offer, what else proof I could have?" Humalukipkip ako. "Well, sorry if I hurt your ego for saying no, pero ang pangit naman kasi kung papayag akong dumalo sa kasal ng ex ko, seloso pa naman ang boyfriend ko." Tinaasan niya ako ng kilay. "May boyfriend ka?" Ngumiti ako nang malambing kahit na sa loob-loob ko ay kinakabahan ako. Of course, I lied! 2 weeks pa lang nang maghiwalay kami ni Lucifer, at hindi na sana ako apektado kung may bago na ako. But the heck! Ayokong mapahiya sa kaniya at pagtawanan niya. "Ikaw naman, Jamaica. Tingin mo ikaw lang ang maganda rito? May lalaki rin na patay na patay sa akin." Tinagiliran niya ako ng ulo. "I don't believe you; I saw you watching us earlier, you're still affected." Tinaasan ko siya ng kilay. Good, naging malinaw nga na talagang ipinatawag niya ako para inisin. Alam niyang ako ang chef dito. Nilibot ko ang paningin ko. Mabuti na lang ay may slow music na tumutugtog sa paligid namin, kaya hindi kapansin-pansin na nagsasagutan na kami. At kagaya ng inaasahan ko, abala nga ang ibang customer sa mga kasamahan nila at pagkain. "I'm just checking if Lucifer is happy like me, because you know. Ang relasyon namin ng boyfriend ko ay hindi gawa lang sa arranged marriage, unlike him." Tumayo na siya. Matigas ang tingin niya sa akin, as if she wants to grab my hair right now. "Show me your photo together." "Excuse me? What?" "I have to make sure that you won't do anything to get him back. Now, prove me or else I'll make a scene here." Napahinga akong malalim. Wala akong kayang ipakita sa kaniya dahil wala naman akong masyadong kaibigang lalaki. Meron man ay hindi naman kami ganoon ka-closed kaya hindi kami kumukuha ng letrato. Unfortunately, ano mang scene ang sinasabi niya ay hindi ko alam. Ayokong matanggalan ng trabaho dahil sa kaniya. Napatingin ako sa may pintong salamin nang pumasok ang isang pormadong lalaki. Wala siyang kasama at halos maitago ang mukha dahil sa kaniyang suot na aviator. Ganoon pa man ay kitang-kita ang kagwapuhan nito. Para siyang 'yong mga foreigner na nakikita sa magazine. I'm sorry, pero kailangan kong kumapit sa patalim. Ngayon lang naman. Ngumiti ako. "No need to see our photos, dahil nandito na siya para bisitahin ako," sabi ko na ikinakunot ng noo niya. Nilapitan ko ang lalaki na siyang ngumiti naman sa akin. "Ah, Mi-" "I missed you, too," sabi ko sabay yakap sa baywang niya. Light lang ang kulay ng aviator niya kaya naman ngayong malapit na ako sa kaniya ay kahit papaano kita ko ang mga mata niya. Alam kong naguguluhan siya. Bumuka ang bibig niya. He was about to say something that made me nervous. Baka ipahiya pa niya ako, 'wag dito, at lalo na sa harap ni Jamaica. Dahil sa panic ko ay basta na lang akong tumingkayad sa kaniya. I kissed him to shut him off. Doon ko na naramdaman ang kamay niya sa likod ng baywang ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.8K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook