Chapter 2
Arianna's POV
"What the hell, Jackson!"
Narinig ko ang bulalas ni Jamaica. Parang huminto ang mundo ko dahil sa sarili kong ginawa. Dahan-dahan akong humiwalay sa kaniya. Napahinga ako ng malalim nang hindi niya binitiwan ang baywang ko. Nagpilit ako ng ngiti kahit na ang totoo ay pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko. This is crazy! I'm too desperate now.
"What is this?"
Parang kumalambag ang puso ko nang marinig ko ang boses ni Lucifer. Tinig pa lang niya ay alam ko kaagad na seryoso siya, at hindi nagustuhan ang senaryo na naabutan niya.
Hinarap ko sila, pero dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko magawang tingnan nang direkta si Lucifer, kaya naman sa balikat ko siya tiningnan para hindi masyadong halata.
"I'm sorry for making a scene, ito kasing fiancée mo, paranoid na parang lagi kitang babawiin sa kaniya, kaya ipinakilala ko na lang ang boyfriend ko," kibit-balikat ko. Sana ay hindi nila natunugan ang kaba ko.
"Boyfriend, Jackson, is she really your girlfriend?"
Nagulat ako sa tanong ni Lucifer sa lalaking ginamit ko. Wala sa sariling nilingon ko ang lalaki na tinawag niyang Jackson. Wait! May mali.
"Magkakilala kayo?" tanong ko rito na ngayon ay nakababa ang tingin sa akin.
Umawang lang ang labi niya. Bago pa siya makapagsalita ay nauna na si Jamaica.
"Yes, of course! He's my cousin, duh!" anito. "Jackson, don't tell me siya iyong girlfriend mong ipapakilala mo sa amin? "
Bumagsak na ang balikat ko. I feel like I'm defeated. Bakit kasi itong lalaki pang ito ang nahatak ko? Kailangan ko na lang ihanda ang sarili ko sa pagkapahiya.
Tumikhim siya at ibinaba ang kaniyang aviator. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. Pipitlag sana ako pero ini-lock niya ang daliri niya sa akin.
"Yeah, I didn't know that you knew each other."
Umirap si Jamaica. "Seriously? She's the cheapest chef I've ever met, Jack."
"Wait, the cheapest chef? You mean Lucifer's ex?"
Naikagat ko ang labi ko. So, how many times did she bad mouthed me in front of others who absolutely know nothing about me at all? Cheapest Chef? f**k!
"Yes, so why her?"
Nag-iwas lang ako ng tingin. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtingin sa akin ni Jackson, kaya lalo kong iniwas na mapatingin sa kaniya. May mga tumatakbo sa isipan kong hindi ko maiwasan. Paano kung pinagtatawanan pala nila akong magpinsan? Edi ngayon sa ginawa ko ay lalo silang nakakita ng pagtatawanan?
Ayokong mapahiya kaya ko ito ginawa, pero pakiramdam ko ay lalo ko lang ipinahamak ang sarili ko.
"Why not her?"
Nagulat ako sa sinagot niya. Wala sa sariling napatingin na ako sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at muling pinisil ang kamay ko. Para bang may gusto siyang iparating sa akin na mensahe mula roon.
"Jack, siguradong magagalit sa 'yo sina Lolo kapag nalaman nila na nakikipag-date ka sa isang empleyado lang."
"Come on, Jam. She's not just an employee, marangal ang trabaho niya. Hindi naman siya nagluluto ng human meat. Isa pa, kapag natikman mo ang special recipe niya, magugustuhan mo, for sure."
"No, Jackson. I’m not gonna eat a garbage."
Naikuyom ko na ang kamao ko. E, kung isampal ko kaya sa kaniya lahat ng kinain niya kanina? I was about to step up but he pulled me and placed me at his back. Doon ko na-realised na hawak niya pa rin ang kamay ko, kaya kung ano man ang inis ko sa sinabi ni Jamaica ay alam kong naramdaman niya iyon.
Magrereklamo na sana ako dahil mukhang pinigilan niya lang ako para huwag kong masaktan ang pinsan niya, pero naunahan niya na ako.
"Jam, I told you, she’s my girlfriend. You have to stop insulting her especially in front of me. Kung alam ko lang na siya iyong cheapest chef na tinatawag mo, matagal na kitang sinita."
"Excuse me?"
"Arianna," tawag sa akin ni Lucifer. Napabuntong-hininga ako at tiningnan siya. "Sorry for disturbing you, bumalik ka na sa kitchen, may mga kailangan kaming pag-usapan."
Napairap ako dahil sa bossy tone niya. That's his usual tone, as if all I have to do is to follow his instructions.
Hinarap ako ni Jackson. "Go ahead, ako nang bahala rito."
Umiling ako. Binundol na naman ng kaba ang dibdib ko. Baka kung anong sabihin niya nang hindi ko alam.
"No! I-" natigilan ako nang yumuko siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi ko, kasabay ng isang bulong.
"I’m not gonna say anything stupid." Matapos ay ipinagtulakan niya na ako, kaya naman walang nagagawa na sumunod na lang ako. Naiwan pa ang mga mata ko sa kanila hanggang sa makapasok ako sa kusina.
Halos mapamura ako dahil hindi ako mapakali, kung hindi nagtilian ang mga naiwan na chef ay hindi mawawala ang atensyon ko sa table nila.
"Chef Ari, hindi mo naman sinabing may boyfriend ka pala. Parang ang yummy ng kiss."
Sumimangot lang ako. Sa katunayan ay wala ako sa mood makipagbiruan sa kanila ngayon, pero ayokong pag-initan sila dahil lang sa wala ako sa mood.
Hindi nila kilala si Lucifer. Never naman kasi akong binisita ni Lucifer dito sa resto. Takot din kasi siyang umabot sa media na ang anak ng one of the Billionaire's dito sa Pilipinas ay hamak na empleyado lang ang girlfriend. Yes, para sa kanila ay mababang uri lang ang mga empleyado na hindi nababagay sa kanilang mga negosyante. Aba, kasalanan ko bang hindi ako pinanganak para maging kalinya nila sa industriya?
Muli akong napatingin sa may bintana para tanawin ang table 15. Parehong hindi maipinta ang mga mukha ng magpinsan, habang si Lucifer ay walang emosyon na pinapanood lang sila na mukhang nagtatalo na.
Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Sa katunayan ay nagpapasalamat ako na pinagtanggol ako kanina ni Jackson sa pang-iinsulto ni Jamaica, pero may parte sa akin na napapatanong. Paano kung hindi niya ako ipinagtanggol? Ipagtatanggol kaya ako ni Lucifer?
Ang tanga ko, ang tanga tanga ko. Kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi lang ako napapatanong, umaasa rin ako. Bullshit!
"Chef Ari?"
Nawala ang iniisip ko at napalipat kay Carl. Alanganin ang mukha niya at base sa mga daliri niyang hindi mapakali ay alam kong kinakabahan siya.
"Problem?"
"Chef Ari, pinatatawag ka po sa table 15," aniya pero mabilis din na umiling. "Pero puwede ko naman pong sabihin na busy kayo."
Pinagmasdan ko siya. Mukhang narinig niya ang sagutan namin kanina ni Jamaica, kaya alam niyang na-trouble ako nang tinawag niya ako kanina.
Ngumiti ako at tinapik siya sa balikat. "Okay lang, Carl. Baka matawag pa ang manager kapag hindi ko pinuntahan."
Tumungo lang siya sa akin. Napailing na lang ako at lumabas na. Pagkakita sa akin ni Jackson ay tumayo kaagad siya para salubungin ako.
"You don't have to say yes."
Naguguluhan na tiningnan ko siya, ngunit hindi niya na kailangang sumagot dahil si Jamaica na ang nagsalita.
"We want you to cook for our engagement party, and please attend to our wedding. We gladly want to see you there with my cousin."
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. "Akala ko ba ayaw mo ng luto kong garbage?" Tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Ayoko nga, but Jackson is determined that he's not your rebound, so I want to see myself that you are not affected anymore. Don't worry, hindi naman ako mag-isang nagdesisyon, Lucifer agreed, right Hon?"
Nagdiin ang labi ko nang tanging pag-inom lang sa tsaa ang naisagot niya. Hinawakan ako sa may siko ni Jackson pero hindi ko siya pinansin.
"Gusto mo talaga akong magluto sa engagement party mo?" direkta ko kay Lucifer. Binalingan niya na ako pero hindi pa rin siya nagsalita. Wala pa ring emosyon ang mukha niya. Gusto kong basahin ang nasa isip niya pero hindi ko magawa.
"Fine," matigas kong sabi. "'Wag kang mag-alala, sasarapan ko nang sa ganoon ay sumaya ang pagsasama ninyo."