CHAPTER 3

1312 Words
Chapter 3 Arianna's POV Pagtapos ng insidente ay hindi na ako lumabas ulit ng kitchen. Pinilit kong iwaksi sa isipan ko ang mga nangyari, ang sama ng loob ko kay Lucifer, pero s**t! Bakit hindi ko magawa? Ang sakit at ang hirap tanggapin para sa akin na hinayaan niya at pumayag siya sa plano ng hilaw niyang fiancée. Alam niya na hindi maayos ang hiwalayan namin, hindi ba niya naisip na nasasaktan pa ako? 'Mahal kita, Ari, pero meron akong obligasyon sa pamilya ko, kailangan kitang iwan kahit na ayaw kitang saktan...' He was crying when he told me that, na parang mas nasasaktan pa siya sa pakikipaghiwalay niya sa akin. Pero nasaan na 'yon? Nasaan na ang sinasabi niyang mahal niya ako, na ayaw niya akong saktan? Padabog kong ibinagsak ang kutsilyo nang mahiwa ko ang daliri ko. Mag-isa na lang ako ngayon sa kitchen, at sa buong restaurant. Tanging ang security guard na lang ang naiwan sa akin, pero nasa labas ng resto. Kahapon ay naipangako ko sa owner ng restaurant na gagawa ako ng bagong recipe na puwedeng gawing trademark ng restaurant niya. Marami kaming recipe na rito lang matitikman, pero gusto sana ng owner ng bago. Hindi ko na tinanggihan dahil masaya rin naman ako kapag nakakagawa ako ng bagong recipe. Unfortunately, ngayon pa nagawang pestehin ng dalawang iyon ang utak ko. Lumapit kaagad ako sa sink para hugasan ang sugat ko. Maliit lang iyon pero mabilis na dinugo. Hindi ko na tuloy napigilan ang mapaiyak habang pinapanood na mahugasan ang dugo ng tubig. Pagod na pagod na ako, ang sakit sakit na ng nararamdaman ko, pero hindi ko magawang umiyak. Tanging ang maliit lang na sugat na ito ang kaya kong gawing excuse para hayaan kong umiyak ang sarili ko. Kahit ngayon lang. Napatingin ako sa countertop nang mag-ring ang cellphone ko roon. Pinunasan ko ang mga luha ko nang patayin ko na ang gripo at nilapitan ko ang cellphone ko para tingnan kung sino ang tumatawag. Namanhid ang puso ko nang makita kong si Lucifer iyon. Saglit na nagtalo ang puso at utak ko. Ang daming dahilan para hindi ko na sagutin ang tawag niya. Galit ako, nasasaktan ako, na-disappoint ako, pagod na ako. Pero may isang dahilan kung bakit hindi ko siya kayang tiisin. Ang tanga ko kasi mahal ko pa rin siya. Bumuntong-hininga ako nang sinagot ko ang tawag. Hindi ako nagsalita kahit para bumati manlang. Pakiramdam ko ay ano mang oras ay mabibiyak ang boses ko. "Totoo ba na kayo ni Jackson? " Naipikit ko ang mga mata ko bago tumitig sa kawalan. Patay na ang lahat ng ilaw sa restaurant, tanging sa kitchen na lang ang may ilaw kaya naman sa dilim na ako ngayon nakatitig. "Doesn't matter, ikaw lang ba ang puwedeng maging masaya?" malamig kong tugon, ngunit naroon ang kulot sa boses ko. Gusto ko pa rin maiyak lalo na ngayong kausap ko siya. "Alam mong hindi ako masaya sa kaniya, ikaw pa rin ang mahal ko. Ilan beses ko bang kailangan sabihin sa 'yo 'yan?" Napasandal na ako sa countertop. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Kailangan ko bang sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko, nang sa ganoon ay malaman niyang nagdududa ako? "Sinabi ko naman sa 'yo na ikaw lang, hayaan mo lang akong mahalin ka, Ari." Naipikit ko na naman ang mga mata ko. Nang makipaghiwalay siya sa akin para sundin ang utos ng magulang niyang pakasalan si Jamaica ay hindi niya talaga pinutol ang relasyon namin. He offered me a secret relationship, sa madaling salita ay gusto niya akong maging kabit niya. I didn't said yes, bullishit na offer naman 'yan. Ako ang nauna, ako ang mahal, pero ako rin ang kabit? Ayoko na sa ganitong setup, ayoko na. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako umo-oo sa setup na gusto niya. Pero unti-unti ay nauubusan na ako ng lakas para tumanggi. Mahal ko siya, at gusto ko pa siyang makasama. "Please, Arianna. Hindi mo na ba ako mahal?" "Sana madali kang kalimutan, Lucifer. Sana." Pinatay ko na ang tawag bago ko pa maiparinig sa kaniya ang hagulgol ko. Hindi ko na napigilan ang sarili na mapaiyak, na tanging alam ko na lang na paraan para mabawasan ang sakit sa dibdib ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak habang nasa ibaba ng countertop ng kitchen. Bandang huli ay sinukuan ko ang paggawa ng bagong recipe at nagpasyang lumabas na ng restaurant para makauwi. "Okay ka lang, Chef Ari?" Nginitian at tinanguhan ko lang ang guwardya nang habulin niya ako ng nag-aalalang tanong at tingin. Nakalimutan ko nang tingnan ang sarili ko sa salamin. Sana ay hindi masyadong mugto ang mga mata ko dahil sa pag-iyak ko. Naglakad na ako hanggang sa makarating sa tawiran. Hinihintay ko na lang na mag-red light ang stop light nang may humintong sasakyan sa harapan ko. Hindi ko na sana papansinin iyon at tutuloy sa pagtawid, ngunit bumaba ang driver ng sasakyan na siyang umagaw ng pansin ko. Natigilan ako nang makilala ko siya. Nasapo ko ang noo ko nang pagsisihan kong pinansin ko ang kaniyang sasakyan. "Ari!" Bagsak ang balikat na hinarap ko ulit siya at tiningnan. Malamang nakuha niya ang pangalan ko sa name tag ko kanina. Buti na lang ay nakuha ko rin ang pangalan niya, Jackson. Siya si Jackson. Hawak ang lace ng bag ko ay hinintay ko siyang makalapit sa akin. "Tungkol sa nangyari kanina-" Inilingan ko kaagad siya para putulin ang kung ano mang gusto niyang sabihin. "Salamat sa pagtatakip sa akin kanina, I really appreciate it. Pero sabihin mo na lang sa kanila na break na tayo." Maglalakad na sana ako para lagpasan siya pero hinarangan niya ako. Pasalamat siya't wala kami sa EDSA, kung hindi ay nasita na siya sa paghinto ng sasakyan niya kahit naka-green light na. "Woah! Wait a second! Ganiyan ka ba tumanaw ng utang na loob? Pagtapos kitang sakyan sa trip mo para hindi ka mapahiya, ako naman ang ipapahiya mo?" para bang hindi niya makapaniwalang sabi. Kinunutan ko siya ng noo ko. "Anong sinasabi mo?" "Alam mo bang halos isampal sa akin kanina ng pinsan ko na may gusto ka pa kay Lucifer, na ginagamit mo lang ako para maka-move on ka? Mukha akong tanga kanina." Pinanliitan ko siya ng mga mata ko. Narinig ko nga iyon kanina kay Jamaica mismo. "Oo, kaya nga napilitan ako na dumalo sa kasal at sa engagement party nila. Should I really thank you for that?" "Come on, Ari!" "Come on, Jackson!" panggagaya ko sa kaniya. "Thank you for helping me, bahala ka kung sasabihin mo sa kanila ang lahat, dadalo pa rin ako sa kasal. Kung gusto mong ako naman ang magpanggap para hindi ka mapahiya, okay! But we're done today, hindi natin kailangan mag-usap o magkita kung wala naman si Jamaica, use my name if you want, bahala ka na. Klaro tayo?" Madiin siyang umiling. "Hindi." Tinaasan ko lang siya ng kilay ko, ngunit nagulat ako nang hablutin niya ako sa pulsuhan ko. Hinila niya ako papunta sa may kotse niya. Mas malakas siya sa akin kaya hindi ko siya napigilan, pero hindi niya ako napapasok doon. "At saan mo ako dadalhin? Hoy, halik lang ang ibinigay ko sa 'yo, wala na akong ibibigay na iba!" Pinaningkitan niya ako ng mga mata niya. "Look, nagpunta kami sa restaurant para ipakilala sa kanila ang girlfriend ko, but you just came to me and kissed me, introduced me as your boyfriend. Hindi na nagpakita si Kylie, so I suspect that she saw us kaya hindi siya tumuloy," aniya at dinuro ako sa balikat ko. "So, you have to help to explain everything to her." Naihagod ko ang buhok ko pataas, hindi ko na ininda kung nagulo na ang tali ng buhok ko at kumawala ang maiigsi kong buhok sa tali. Leche, mukhang nakasira pa ako ng relasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD