CHAPTER 4

2134 Words
Chapter 4 Arianna's POV "Saan ba tayo papunta? Saka paano mo nalaman kung saan siya mahahanap kung hindi niya na sinasagot ang mga tawag mo?" Nakapatong ang may siko ko sa may bintana habang nakahawak sa may sentido ko at nakatingin sa daan. Ilang minuto nang nagmamaneho si Jackson habang ako ay nasa kaniyang passengers side. Sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang umuwi, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ngayong araw. Kung hindi lang ako tumatanaw ng utang na loob ay hindi ko siya sasamahan. Baka kasi tama nga siya, na ako ang dahilan kung bakit hindi nagpakita ang girlfriend niya. Ayoko namang makasira ng relasyon, hindi pa ako ganoon kawala sa wisyo 'no! "At her work." Nagsalubong ang kilay ko at napatingin sa wristwatch ko. "At this hour?" bulalas ko nang makita kong alas onse na ng gabi. Sinulyapan niya lang ako at kaagad din itinuon ang atensyon sa daan. "Why so surprised? Ikaw nga nasa kalsada pa nang abutan ko." Nasa tono niya ang in-a-matter-of-fact tone. Nagtaas ako ng kilay ko. "Pauwi na ako nang abutan mo, dapat nga nasa bahay na ako ngayon, e," tumigil ako sa pagsasalita, ayoko nang ipamukha sa kaniya na naiistorbo niya na ako dahil inistorbo ko rin naman siya kanina, ginamit, at mukhang nag-caused pa ng trouble sa totoo niyang karelasyon. "She's in her night shift job, okay?" "At guguluhin natin?" "Madaling makipag-usap sa kaniya sa work hour niya, she's a bartender so it's normal for her to talk to anyone, and in fact that's one of her job, to entertain her customers-" Hindi pa siya tapos magsalita ay hindi makapaniwalang napatawa na ako, at nang mapansin niya iyon ay natigilan na siya at kunot ang noo na tiningnan ako. Saktong nag-iba ang kulay ng traffic light kaya naituon niya sa akin ang atensyon niya. "What's funny?" "A bartender? Ang tigas din naman talaga ng mukha ni Jamaica na insulutuhin ako bilang chef, tapos iyong totoo mong girlfriend hindi rin naman pala pang mayaman ang trabaho?" Kinagat ko ang labi ko nang mapansin ko ang seryoso niyang tingin sa akin. Hindi manlang gumalaw ang labi niya. He didn't liked what I've said. Muling nag-iba ang kulay ng traffic light kaya muli niyang itinuon ang atensyon sa daan namin.  Akala ko ay hindi na siya iimik, ngunit nagulat ako nang bigla siyang nagsalita. "Today was supposed to be the first time she'll meet Kylie, at for sure kahit kay Kylie ay iyon din ang magiging reaksyon niya, kagaya ng reaksyon niya sa 'yo, except the act of hatred and jealousy." Umirap ako. "Hatred her face, siya pa may ganang magtanim ng sama ng loob ko kamuhian ako, e, siya nga itong nang-agaw," bulong ko habang nakabaling sa bintana, as if hindi niya iyon maririnig, e, katabi ko lang siya. "So, sinasabi mong nasa ugali na ni Jamaica na kumontra sa relasyon nang may relasyon?" Nagtaas pa ako ng kilay nang muli ko siyang balingan. "Nope, nasa pamilya lang talaga namin ang maging mapili sa taong gugustuhin naming pakasalan o mamahalin namin." "Malas naman ng mga mamahalin ninyo, ang hirap pumasok sa pamilya ninyo," komento ko na lang. Akala ko ay hindi niya na papansinin pa iyon, pero nagsalita pa rin siya. "Well, don't worry, hindi ako kagaya ni Lucifer. Hindi ako nang-iiwan para lang maging sunod-sunuran sa pakikialam ng pamilya ko sa buhay ko." Napailing ako. "Hindi ko alam kung mabait ka bang boyfriend o pasaway lang na anak?" Tumaas lang ang sulok ng labi niya. Well, it's good to know na hindi niya balak dagdagan ang babaeng kagaya ko na biktima ng anak na may bahag na buntot pagdating sa pamilya at pag-ibig, at least nabuhayan ako ng loob na tulungan siyang maibalik si Kylie. "Okay, ganito na lang, pag-usapan natin ang tungkol sa girlfriend mo. Let me talk to her to tell her myself what just happened. Babae kami pareho, kaya naman siguradong makikita niya ang sensiridad ko kapag nagpaliwanag ako." "I'm taking you not to explain on my behalf, I'm taking you with me just in case that she wouldn't believe me, okay?" Bago pa ako makapagsalita ay napansin ko nang bumagal ang pagmamaneho niya. Nang tingnan ko kung nasaan kami ay nakita kong nasa isa na kaming parking lot na mukhang kadugtong ng katabi nitong nagliliwanag na bar. Iba't iba ang kulay ng ilaw ng Logo nito na Casey Bar. Sa liwanag nito ay para bang hindi na kailangan ang ilaw mula sa poste para maliwanag ang daan o lugar. "She's working here, let's go," aniya habang tinatanggal ang seatbelt niya, saka siya nauna nang bumaba sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako at bumaba na rin. Hilaw na ngumiti lang ako nang saktong labas ko ay nasa tapat na siya ng pinto ko. "Iwan ko muna rito ang bag ko, okay lang?" Tumango lang siya at siya na ang nagsara ng pinto ko. Iginaya niya ako papasok ng bar. Nagbatian pa sila ng kalbong bouncer, mukhang magkakilala sila. "Bakit may kasama kang babae? Lagot ka kay Kylie." "She's just a friend, Henry. Hindi ko naman siya dadalhin dito kung takot akong mahuli kami ni Kylie." "Sabagay." Doon na naputol ang batian nila. Tumuloy na kami sa loob, at halos mahilo ako sa iba't ibang kulay ng ilaw na sumalubong sa amin sa loob. Kung gaano kalikot ang ilaw, ganoon din kalikot ang pagsayaw ng mga tao sa gitna. Ni hindi ko makita kung may madadaanan ba kami. Tinakpan ko ang ilong ko nang maamoy ko ang usok ng sigarilyo. Mukhang napansin niya iyon kaya inabutan niya ako ng puting panyo. Hindi ko sana tatanggapin kaso iniwan ko ang bag ko sa kotse niya, naroon ang dala kong panyo at tissue. "You're not used to this kind of place?" sigaw niya sa akin na para bang bulong lang dahil sa lakas ng tugtog. "I'm working at the private restaurant, not in a bar, of course it's not every day that I can experience this kind of place," sabi ko, nilaksan ko pa ang boses ko dahil maski ako ay hindi marinig ang sarili ko. Hinawakan niya ako sa pulsuhan ko. "Then let's go." Aalma sana ako pero hinila niya na ako para maka daan sa nagsisiksikan na mga taong nagsasayawan. Napatingin pa ako sa braso ko nang maramdaman ko ang lagkit ng isang katawan na nadikit sa akin. Napakapit tuloy ako sa braso niya sa takot na mawala niya ako at hindi ako makalabas doon. Sa dami ng tao at sa gulo nila ay hindi ko alam kung paano sila lalagpasan nang ako lang mag-isa. Para akong malalagutan ng hininga nang makalagpas kami sa dance floor, sa sobrang init sa gitna ng mga tao kaya kahit hindi ako tumakbo ay para akong hinihingal. "Hindi talaga ako para sa ganitong lugar," iling ko sabay hawi ng mga kumawalang buhok sa pagkakapusod ko papunta sa likod ng tainga ko. "Kaya mong dumikit sa 'yo ang amoy ng sibuyas pero hindi ang alak, huh?" Naningkit ako sa narinig kong bulong niya. Hindi ko alam kung paano ko iyon narinig sa gitna ng ingay ng speakers. "Chef ako, hindi ako bartender kaya pasenya na," sarkastiko kong sabi. Hindi siya sumagot at naglakad na lang patuloy sa bar counter na iilang hakbang na lang ang layo sa amin. Sumunod na lang ako sa kaniya. Gusto ko sanang isauli na ang panyo niya, pero nahiya na ako dahil pinamunas ko na iyon ng pawis ko at ng kung anong malagkit na dumikit sa akin kanina sa dance floor. Mabango pa naman iyon nang ipahiram niya. Halatang mamahaling pabango ang ini-spray rito. Kung sabagay, mabango rin naman siya, halos hindi ko na nga maamoy ang tapang ng alak dahil katabi ko siya. Amoy mayaman. "Jack! You're here!" bati ng may hitsurang bartender na lalaki. "Ah, oo. Nasaan si Kylie?" "Ewan ko, iniwan ako, e, gumamit lang yata ng banyo." "Kanina pa?" "Oo, ewan ko kung bakit wala pa." Tumango lang siya at humarap sa akin. "Hintayin na lang natin." Ngumuso ako nang mapansin kong sumusulyap sa akin ang bartender. "She's just a friend, Luke." Nagpamulsa ako. Mukhang lahat sila ay alam ang relasyon nilang dalawa ng Kylie na iyon. Ibig sabihin kahit siguradong magiging tutol ang pamilya niya ay hindi sekreto ang relasyon nila? Akala ko normal lang ang setup namin ni Lucifer dahil sa katayuan namin, ngayon ay hindi na ako sigurado. Sa restaurant ay kahit magpabalik-balik si Lucifer doon ay walang malisya sa mga katrabaho ko dahil hindi nila alam ang namamagitan sa amin, swerte rin siguro si Kylie sa lalaking 'to. Ito iyong relasyon na hindi ko puwedeng sirain. "Girls rest room, right?" bigla kong tanong sa bartender na tinawag niyang Luke, sa malakas na boses, siyempre. "Oo." "Ako na ang pupunta, tatawagin ko na siya." Nilahad ko ang palad ko kay Jackson. "Picture? Para hindi na ako maghanap doon." Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng pants niya. May pinindot siya roon at saka ibinigay sa akin. Tiningnan ko ang picture ni Kylie. Para siyang Snowhite, maputi, itim na itim ang buhok at ang kilay na sakto lang ang kapal at hugis, at may mapupulang labi. Mukha na sana itong prinsesa kung hindi lang bakas ang kurba ng katawan nito sa fitted niyang dress, in short revealing tingnan. Kung titingnan ang picture ay una mo kaagad maiisip ay nag-picture ito para ipakita ang dress niya. "Ganda at sexy, huh," puri ko pagkabalik ko ng cellphone niya. He smirked at me. "Of course, hindi naman ako pipili ng girlfriend na hindi maganda at sexy." Sarkastiko akong ngumiti. "Dead ass." "Ano?" "Wala, sabi ko good taste," sabi ko na lang para hindi na kami magtalo. Itinuro sa akin ng bartender kung nasaan ang banyo. Paalis na ako nang pigilan ako ni Jackson. "Samahan na kaya kita, tapos ikaw na lang ang pumasok sa loob? I know that you are not comfortable here." "I'm not comfortable at the dance floor, pero hindi akong mangmang sa ganitong lugar, 'wag kang mag-alala." "Hindi ko sinabing mangmang ka." "Hindi ko rin sinabing may sinabi ka, ang akin lang ay wala kang dapat ipag-alala, just wait for us here." Hindi ko na siya hinintay sumagot at baka hindi pa siya pumayag kaagad. Tumuloy na ako para magpunta sa restroom. Ilang mga nagme-makeout na tao ang nadaanan ko habang papunta sa restroom. Ano pa nga bang aasahan ko sa ganitong lugar? Napahinga ako nang malalin in relief nang makita kong walang pila sa restroom kaya nakapasok kaagad ako. Napangiwi pa ako nang makakita ako ng dalawang babaeng nagme-makeout. Lady's room nga naman, puwede sila pareho rito. Seeing them making out, reminds me that it was a long ago since the last time I had a makeout session with Lucifer. Dalawang lingggo pa lang kaming hiwalay, pero kasi nang magkaproblema kami sa pamilya niya nang ipakilala sa kaniya si Jamaica, I didn't let him touch me again. Ang gusto ko lang naman ay ma-miss niya ako, baka sakaling ma-realised niyang hindi niya pala ako kayang isuko. Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi ngayon ang tamang oras magdamdam ako. Nilibot ko ang paningin ko ngunit hindi ko makita si Kylie. Hindi ko naman puwedeng buksan ang magkakahilerang cubicles para tingnan kung siya ang nasa loob. Tumikhim ako. "Kylie?" tawag ko kahit hindi ako sigurado kung nandito siya. Napansin kong tumigil sa paghahalikan ang dalawang babae at bumaling sa akin kaya napatingin uli ako sa kanila. "Kylie? 'Yong bartender? Sinundo siya kanina rito ng isang lalaki," may landi sa boses na sabi ng isa sa kanila. Hilaw na ngumiti ako. At least kahit abala sila sa paghahalikan ay matulungin pa rin sila. "Salamat," nasabi ko na lang at muling lumabas ng restroom. Sinundo ng lalaki? Hindi ko kilala si Kylie kaya ayoko kaagad mag-akusa o judge, pero lalaki? Hindi ko napigilan ang madumi kong pag-uutak, kaya naman nang mapadaan uli ako sa mga nagme-makeout na tao ay tiningnan ko silang maigi, at nagulat ako nang makita ko ang isang babaeng nakapikit habang nakasandal sa pader, awang ang labi niya na para bang sarap na sarap sa paghalik ng isang lalaki sa balikat at dibdib niya. Hindi ako puwedeng magkamali, ito si Kylie. Umatras na ako para bumalik sa bar counter, kahit na hindi ko pa alam kung anong sasabihin ko kay Jackson. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakatingin sa kanilang dalawa habang paatras. Ngunit nagulat ako nang tumama ang likod ko sa isang malapad na katawan. Nakahawak sa dibdib na napaharap ako. "Ay sorr-" natigilan ako nang pagharap ko ay si Jackson pala iyon. Mula kina Kylie ay ibinaba niya ang tingin niya sa akin. "Let's go, I'll drive you home." Napatitig lang ako sa kaniya, hindi ko alam ang sasabihin ko kaya sumama na lang ako sa kaniya nang naglakad na siya palayo roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD