CHAPTER 5

2103 Words
Chapter 5 Arianna's POV Tahimik lang akong nakasunod kay Jackson habang patungo kami sa parking lot kung saan namin iniwan ang kotse niya. Hindi siya umiimik habang malalaki at mabilis ang hakbang niya. Nahihirapan na akong humabol sa kaniya, pero hindi naman ako makapagreklamo dahil awra pa lang niya ay alam nang wala siya sa mood. Sino bang hindi kung ang girlfriend o boyfriend mo ay makita mong nakikipagtsuktsakan sa iba? Gets ko kung saan nanggagaling ang pagiging masungit niya ngayon, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kami nandito ngayon? Bakit hindi namin komprontahin si Kylie? Tanungin ko kaya? O kaya ay ayain ko siya, i-encourage ko siyang harapin ang girlfriend niya? They seems so good, being a part of Jamaica's family, nagawa niyang hindi ito itago, I guess he really love her, right? "Aw-" Napahawak ako sa pisngi ko nang nauntog ako sa balikat niya. Hindi ko namalayan na huminto na pala siya sa paglalakad habang ako ay tuloy-tuloy pa rin kaya bumangga ako sa kaniya. Humarap siya sa akin sabay bukas ng pinto sa passengers side. Tumikhim ako. Sa sobrang lutang ko na ay hindi ko na rin namalayan na nasa tapat na kami ng kotse niya. "Get in-" Winagayway ko kaagad ang kamay ko sabay iling. "Kukunin ko na lang 'yong gamit ko, hindi mo na ako kailangang ihatid." Kinagat ko ang ibabang labi ko. Arianna, akala ko ba sasamahan mo siyang komprontahin ang Kylie na iyon? Bakit ka biglang mang-iiwan? Maski ako ay hindi alam ang isasagot ko sa sarili ko. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko na ito business kaya hindi ko na rin kailangang makialam pa. Lumingon muna siya kung saan na parang may hinanap na kung ano bago muling ibalik ang tingin sa akin. "Gabi na, mahihirapan ka nang maghanap ng masasakyan, kaya tara na." Umawang ang labi ko pero bandang huli ay hindi na rin ako nakipagtalo at pumasok na lang sa pintong binuksan niya. Pakiramdam ko kasi ay hindi tamang oras para makipagtalo pa ako dahil alam ko namang wala siya sa mood. Isinara na niya ang pinto at dumaan sa harap ng sasakyan para lumipat sa driver's seat. Pagkapasok niya ay bumaling kaagad siya sa akin, checking my seat belt na nakakabit na while he's fixing his. "Just tell me where's your address, doon kita mismo ibaba sa tapat ng bahay mo." Pinanood ko siya kung paano niya isaksak ang susi. When the engine started ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Aalis na talaga tayo?" Binalingan niya ako sa may nakaangat na kilay. "Bakit?" Sumulyap ako sa bar as if nakikita ko si Kylie, saka nagkibit-balikat. "You're girlfriend is kissing with someone else, and you have no any plan to do about it?" "Do I look bother?" "Yes! Isn't?" Pinagmasdan niya muna ako saka walang laman na ngumiti. "Well, you missed understood me, because it's totally fine, I'm fine!" Hindi makapaniwala at naguguluhan na tiningnan ko siya. Tinuloy niya na ang pagmamaneho. "Paanong okay lang? Girlfriend mo 'yon at hindi lang siya nakikipaghalikan, konting galaw pa ay sa iba na tutulo-" hindi ko na itinuloy ang sinasabi ko dahil ayoko nang i-imagine pa iyon. "This isn't the first time that it happened." "What? At hinayaan mo? Tanga ka ba?" "I don't know if you're familiar with it, but we have an open relationships." Napatanga ako sa sinabi niya. Open relationship? Really? "Look," aniya na mukhang nakikita kung gaano ako hindi makapaniwala sa setup nila kahit pa hati ang atensyon niya sa akin at sa daan. "She's working at bar, maraming manunukso sa kaniya roon, bukod sa pangangailangan ay madalas din siyang nakakainom, she can't control it." Umirap ako. "I have few friends that working at bar, hindi sila ganiyan kapag may karelasyon sila. For sure she just making excuses." Ipinakita ko sa kaniya ang apat kong daliri. "Apat ang kaibigan ko sa bar, isang waitress, bouncer at dalawang bartender..." sinimulan kong isa-isahin ang mga karelasyon ng apat kong kaibigan. Their relationship is working in a right way, may magkaroon man ng kasalanan, hindi nila ginagawang excuse ang alak para ma-justify ang kasalanan nila. "At higit sa lahat ay hindi nila tinatanggalan ng karapatan ang isa't isa para magdamdam kung may nanggagago isa sa kanila. In short, nasa tamang wisyo sila." "At ako wala?" Kumamot lang ako sa may batok ko. Did I sounded like that? Well, can't help it, iyon naman talaga ang nasa isip ko. Huminto ang sasakyan dahil sa ilaw ng traffic light, doon ay itinuon niya sa akin ang tingin niya. "We're not into a serious relationship, we're started as a f**k mate and then decided to be in relationship. Somethings didn't changed after we got being official, is that we don't have feelings for each other, just needs." Wala sa sariling napatango ako. Hindi na naman alam ang magiging reaksyon ko. Akala ko pa naman matino ang setup nila, nainggit pa ako kanina dahil hindi kami ganoon ni Lucifer, e, mas nakakaloko pala ang setup nila. Feeling ko tuloy ay mukha akong tanga, s**t! "By the way," aniya at binitiwan ang manibela. Nag-alala pa ako, kaso naalala kong nasa Pilipinas kami kaya mahaba ang traffic. Nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko. "What happened to your fingers?" Halos mapatitig ako sa kaniya nang tingnan niya ang sugat kong kanina ko lang nakuha. Magkasalubong ang dark brown at may kakapalan na kilay niya, saka tumingin sa maliit na drawer sa harapan namin at may hinanap. "f**k! I don't have bandaid." "Ha? Okay lang, hindi naman na masakit." "Sariwa pa ito, hindi masakit?" matigas niyang sinabi. Binawi ko ang kamay ko pero hindi niya iyon binitiwan, nagkakalkal pa rin. "Sanay na ako kaya hindi na ako nasasaktan. Chef ako kaya madalas talaga akong may hawak na kutsilyo, kaya normal na sa akin ang magkasugat." Hindi ko alam kung dapat ko bang magpaliwanag, but he looks very concerned. Inilipat niya ang tingin niya sa akin kaya napakurap ako. Masyadong maganda ang foreigner niyang mga mata para matingnan ko ng diretso. "Then where's your bandaid?" "Ha?" "If this is usual then you should have extra pouch for first aid kit, or some bandaid, at least." Tumikhim ako at pilit binawi ang kamay ko. Mukha namang ngayon lang siya natauhan na hawak niya pa rin ito, at ngayon ay bigla niya na lang akong binitiwan at ibinalik ang kamay sa manibela. Tumikhim ako. "Nasa bahay, iniwan ko. Ang hirap din namang magdala niyon dahil marami na akong dala, dagdag abala." "That's just a pouch." "Bag lang ang dala ko, hindi bulsa ni Doraemond, masikip. Ikaw nga kotse na dala mo hindi mo pa naiisipan magdala no'n, pouch lang naman iyon." "I have papers and laptop for my job, not a knife, so hindi ko iyon kailangan." Pumikit ako ng mariin. "Jackson, pagtatalunan ba talaga natin ito?" "Just treat your wound at home." Gumalaw na rin ang daloy ng trapiko kaya muling natuon sa daan ang atensyon niya. "Can you please stop minding me? Isipin mo kaya iyang si Kylie, malamang nasa kama na sila ngayon." "It depends kung kumuha sila ng private room sa bar." "What do you mean? Puwedeng hindi natuloy?" Ngumisi siya. "What I mean is, kung saan natin sila dinatnan at iniwan ay baka doon na nila inabot ang pangangailangan nila. You know, s*x at the wa-" "Stop!" impit kong tili sabay taas ng dalawa kong palad na para akong sumu-surrender sa pulis. "Ayokong marinig, please!" Matipuno ang pinakawalan niyang tawa. "I don't believe that Lucifer never touched you, he's an ass." Umirap ako. "Sobra, he's an asshole, really, but not all the time. He respect me." "Respect you?" "Oo," determinado kong sinabi. "He never tried." "And that's respect for you? Are you saying that if two lovers decided to have s*x it means they don't respect each other?" saglit siyang bumaling sa akin nang nakaangat ang kilay. "No, but he knew from the start that he can't marry me, maybe the reason why he didn't took me. That's respect." Tumaas ang sulok ng labi niya. "So, you're a virgin, huh?" Nanggigil na pinalo ko siya sa hita niya. Talagang sa mga sinabi ko ay iyong point na iyon ang nakuha niya. Tumawa lang siya at maarteng nagsabi ng 'aw' kahit na parang hindi naman talaga siya nasaktan. Kahit na nag-iinit ang pisngi ko dahil sa pagkakabuko niya sa status ng s*x life ko ay natawa na lang din ako. Ewan ko ba, but I'm starting to be comfortable with him. Unfortunately, tapos na ang mga oras na kasama ko siya nang huminto ang sasakyan niya sa tapat ng apartment namin. Hindi ganoon kalaki ang bahay namin, naghahati ang limang pinto sa hindi kahabaang espasyo ng lupa. May second floor ngunit dalawang kuwarto lang iyon, maliit na kitchen, dining, living room at isang banyo sa first floor. May maliit din na garahe. "Dito ka nakatira?" Iningusan ko siya. "Oo alam kong maliit, pero please, hindi ako tumatanggap ng lait." "I didn't say anything." Tinaasan ko lang siya ng kilay ko. Sinimulan ko nang tanggalin ang seat belt ko nang magsalita uli siya. "Being chef isn't a cheap job, right? Especially you're not working at the fast food restaurant, or just somewhere, you are working at one of  the expensive restaurants here in BGC, so why aren't  you getting a bigger and more comfortable place?" Huminto ako. "Bago ko sagutin 'yan, gusto ko munang magpasalamat sa 'yo dahil hindi mo ako ipinahiya sa pinsan mo kanina at sinakyan ang kalokohan ko. Salamat din sa pagtatanggol sa akin kanina nang insultuhin ako ni Jamaica." Maliit lang ang pagtango niya bilang sagot sa akin at bahagyang ngumiti. "Tungkol sa tanong mo, siguro next time ko na sasagutin, kapag closed na tayo." Smug na napangiti siya sa sagot ko, tila hindi niya iyon inaasahan. Binuksan ko na ang pinto sa tapat ko. "Hindi na kita aayaing magkape sa loob, mukha naman nasa wisyo ka pa," sarkastiko kong sabi, na tinutukoy pa rin ang topic namin tungkol sa mga kaibigan kong nagtatrabaho sa bar na nasa katinuan pa. "Good night, Jackson. Nice to meet you." "Okay, goodnight, Ari." Inisip ko kung ibibigay ko nga ba sa kaniya ang buo kong pangalan na Arianna, pero naisip kong huwag na lang muna. Kung muling magtatagpo ang landas namin, pangako, ibibigay ko iyon. Huling kaway at ngiti bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan niya. Madali na akong pumasok sa loob ng gate. Sinara ko iyon pagkaalis ng sasakyan niya. Tahimik ko iyon na ni-lock. Mag-aala una na, kaya naman inisip kong tulog na si Mama, kaya tahimik ang naging kilos ko upang hindi ko siya magising. Ngunit nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay bigla siyang umimik habang nakaupo sa sofa at may hawak na baso. Kung hindi ko pa nakita ang bote ng white wine sa ibabaw ng mababa at maliit na mesa sa paggitan ng dalawang sofa ay iisipin kong tubig lang iyon. "Mayaman 'yong kasama mo, may kotse. Boyfriend mo?" Bagsak ang balikat na tiningnan ko siya. "Hindi, 'Ma." "Sayang naman, sabi ko naman sa 'yo mag-boyfriend ka na, mayaman." Sa halip na sagutin ay humalik ako sa kaniya. "Pagod na po ako. Goodnight." Umakyat na ako sa kuwarto ko. Pagkapasok ko ng kuwarto ay sumandal kaagad ako sa pinto. Ito ang dahilan kung bakit kahit malaki na ang kinikita ko sa trabaho ko ay hindi pa rin kami umaalis sa bahay na ito, dahil ayaw ni Mama. Madalas kabit si Mama ng mga mayayamang negosyante, kinalakihan ko na iyon. Ilan beses na rin siyang nahuli o naeskandalo ng mga totoong asawa ng mga nagiging boyfriend niya, at para hindi matawag na gold tiger ay madalas niyang ginagawang puweba ang bahay namin para patunayan na hindi pera lang ang habol niya. But the truth is, she is really a gold tiger. Ilan beses ko nang gustong pigilan na siya sa habits niyang kumabit sa mayaman, pero hindi ko siya kayang pigilan, lalo na't alam ko kung saan ito nagsimula. She fell in love with a guy which is forbidden. That man was my father, he's a wealthy man who's married with a wealthy woman. Bandang huli ay naging kabit niya na lang si Mama at naging sekreto na nagkaanak sila, ako iyon. Ngayon ay hiwalay na sila, at dahil sa pang-iiwan ni Papa sa kaniya matapos maanakan ay naging feeling niya ay less siya. Mula noon ay pinili niya nang maging kabit. Iyon ang dahilan kaya ayokong tanggapin ang offer ni Lucifer. Kahit gaano ko siya kamahal ay ayoko pa rin na magaya kay Mama, na hanggang doon na lang. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD