CHAPTER 6

1509 Words
Chapter 6 Arianna's POV Pasimple akong nagco-cross fingers habang pinapanood si Miss Colleen na tinitikman ang steak na niluto ko. This isn't the first time that I cook steak, of course, best selling sa mga mayayang negosyante na customer namin ang steak, pati na rin sa mga nakikipag-date. Steak and wine sounds romantic. Pero iba ang steak na ito. After a week of experimenting, nakagawa ako ng bagong version ko ng steak, at kagaya ng naipangako ko kay Miss Colleen na may-ari ng restaurant ay ito nga ang bagong recipe na maidadagdag sa aming menu. Ito ang first time na nai-serve ko sa kaniya ito, dahil ngayon lang din ako naging satisfied. Sana lang ay magustuhan niya. Uminom siya sa kaniyang white wine saka ako binalingan. "To be honest, Ari, Philippine Steak has nothing compare to American steak, not just the meat but everything. Even the steak house itself can't reach the standard. But this, I really like it." Napatakip ako ng bibig ko. Parang gusto kong tumili sa positibo niyang paunahing komento. "But had you check this safety for others stomach?" Kompyansa akong tumango. "Don't worry, Ma'am. I checked every ingredients that I used and talk to the nutritionist I know to make sure that this recipe won't cause any toxic to our bodies." "Well then," aniya sabay maingat na punas sa pulang-pula niyang labi at hinagod ang blonde brown niyang buhok. "I'll call our photographer to take some picture of it, so please prepare a very beautiful and bon appetite food dressing, okay. And fill up the details so, we can proceed our printing for our new menu." "Sure, Ma'am." Ngumiti siya at muling sumubo ng maliit na hiwa sa karne. "By the way, are you gonna served this to the engagement party?" "Po?" "Engagement party of Garcia and De Luca. Balita ko ikaw ang magluluto, umoo ka raw?" aniya sa may maliliit na nguya. Napanis ang ngiti ko at napahawak sa batok. The whole week na naging abala ako sa pag-eeksperimeto para sa bagong recipe namin ay halos nakalimutan ko na ang tungkol doon. Nakaoo na ako, pero puwede pa kayang mag-backout? Ni hindi ko nga alam kung ano nang sinabi ni Jackson na status namin sa pinsan niyang iyon. "Are you gonna bring your kitchen team?" may taas ng kilay na tanong pa niya, mukhang naiinip sa sagot ko. Umupo ako sa harapan niya. Nagsara muna ang restaurant para sa pagpapalit ng night shift staff at mga dinner menu. Karaniwang bukas ang restaurant ay mula alas otso ng umaga hanggang alas dos, magbubukas uli kami ng alas cinco hanggang alas onse. "Sa katunayan, napaoo lang po ako roon pero parang gusto ko rin pong mag-backout, Miss Colleen." Nagsalubong ang kilay niya. "Why? That's a huge event, you can't missed that. Puwede ka pang ma-discover ng ilang mga negosyante, kapag nagustuhan nila ang mga inihanda mo ay iimbitahan ka pa nila sa mas malalaking event. Don't you want that?" Bago pa ako makasagot ay may kumatok na sa pinto ng kaniyang opisina. Here in restaurant ay may maliit na space para sa kaniyang opisina. May isang couch, mini table, desk, swiveling chair, shelf, and a chair. "Come in," aniya at inayos ang sarili at pagkakaupo. Kung titingnang maigi ay parang hindi negosyante si Miss Colleen, mas mukha siyang celebrity. Elegante siya at dedicated sa trabaho niya. That's why I decided to stay here and accept the offer of from being an assistant chef, turn into a head chef. Nag-abroad kasi ang dating head chef namin, at ako ang na-promote na pumalit dito, that was 2 years ago. Gusto ko ang mindset ni Miss Colleen, pangako niya sa sarili niya na hindi siya mag-aasawa hangga't hindi siya satisfied sa success ng kaniyang negosyo. Ayaw niya raw kasi na kapag nag-asawa siya ay aasa na lang siyang inaabutan lang ng asawa. Pareho kami. Hindi ako kagaya ni Mama na sanay na sanay nang umaasa lang sa mga nagiging boyfriend niya. Ni sustento nga sa akin ni Papa noon ay hindi ko ginagalaw, kapag kailangan na lang talaga at hindi kaya ng sweldo ko sa part time job ko noon. Pumasok ang isang janitor na nakatoka sa paglilinis ngayon. Siyempre bago namin buksan ang Dine Around para sa dinner set nito ay dapat maayos at malinis na, 'yong tipong hindi halata na pangalawang opening na nito ngayong araw. "Miss Colleen, nandito na po ang driver ninyo." Ngumiti si Miss Colleen. "Okay, pakisabi na palabas na ako. Thanks!" Isang tango lang ang ibinigay ng janitor at tumuloy na palabas para sundin si Miss Colleen. Bumaling siya sa akin at kinuha ang kaniyang shoulder bag. "I'll be back in two days, sana pagbalik ko ay dala ko na ang magandang balita para sa Dine Around. Ikaw na munang bahala rito habang wala ako." Kaagad naman akong nangako na pagbubutihan ko. Papunta siyang Batangas para sa isang meeting sa potential investor ng Dine Around. Kapag nakuha niya iyon ay madadagdagan pa ang branch nito at sa Batangas iyon. Ngayon ay habang inaasikaso niya iyon ay ibinilin niya na sa akin ang restaurant pansamantala. Bilang head sa kusina ay para na kaming business partner, kaya normal na lang sa kaniya sa tuwing ipinagkakatiwala niya sa akin ang buong restaurant. Buong araw akong naging abala sa restaurant. Maraming naging customer kaya naman marami rin ang putaheng inihanda namin. Sarado na ang restaurant nang magpaiwan ako para sa mga impormasyon sa bago kong recipe na kailangan kong isulat para sa printing ng bagong menu. Bukod sa steak ay gumawa na rin ako ng bagong timpla ng ilang sauce, juice at dessert. As usual, ang security na lang ulit ang naiwan sa akin, kaya naman nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa kusina ay alam ko kaagad na siya iyon. Hindi siya usual na pumapasok dito kapag nagpapaiwan ako. Alam niya kasing hindi ako magpapaiwan kung wala akong aasikasuhin, so, para hindi makagulo ay nags-stay lang siya sa labas. Puwera na lang kung inuuhaw siya at maghahanap ng maiinom. Hindi ko ito nilingon habang hinihimas ang batok ko. Naka man bum ang buhok ko kaya naman madali para sa akin na hawakan ang batok ko. Sa ganito ako komportableng ayos ng buhok, kung hindi pusod ay man bun, ayokong nilaladlad ang buhok ko. Kusa kasi itong  tumitikwas kaya naman feeling ko kapag nakaladlad ay mukhang magulong tingnan. "Kuya, may iced tea pa diyan, puwede mong inumin kung gusto mo, o gusto mo ipagtimpla kita ng kape?" tanong ko habang nagpapatuloy sa pagsusulat sa notebook kung nasaan ang mga recipe. Nililista ko na rin kasi ang mga ingredients para sa mga menu na ilalabas bukas, para sa maggo-grocery. "Kape? Nasa wisyo pa naman ako." Natigilan ako sa may malakihang boses na umalingawngaw sa kusina. Nanlalaki ang mga mata na nilingon ko nang marahas ang pinangalingan niyon. "Jackson?" gulat kong bulalas. Nagngiting aso siya sa akin. Nakatupi ang sleeve ng puting polo niya hanggang siko at nakabukas ang unang dalawang butones sa itaas. He's wearing a slacks, making me think na galing siya sa opisina, necktie at blazer na lang ang kulang. "Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" gulat ko pa ring tanong. Ngumuso siya habang sinusuyod ang buong kusina ng mga mata niya. Nang mukhang makuntento ay saka niya ako muling tiningnan. "Well, nakilala ako ng security, alam niyang boyfriend mo ako kaya pinapasok niya ako." "Boyfriend!" "Oh, bakit? Nakalimutan mo na bang hinalikan mo ako sa harap ng maraming tao? No wonder kung isa siya roon." Umiling-iling siya. "Just a week, nakalimutan mo kaagad ako?" Umirap ako. Sa wakas ay nakabawi na ako sa pagkakagulat ko. "Nasarapan ka naman." "Sa halik?" tinulak ko siya sa dibdib niya. "Sa pagpapanggap!" "Ah!" Tumawa siya nang medyo malakas. I crossed my arms over my chest. "Bakit ka ba nandito? Huling beses na nagkita tayo ay napuyat lang ako, hindi mo naman kinausap 'yong girlfriend mo." Napailing siya. "Pagtatawanan niya lang ako kapag kinompronta ko siya tungkol doon." Naningkit ako. "Ang lakas makaloko ng setup ninyo," komento ko na lang. "E, bakit ka nga nandito?" "I just wanna give you something," mahina ang boses niyang sabi saka humakbang palapit sa akin. Akala ko ay hihinto siya, ngunit sobrang lapit na namin ay palapit pa rin siya sa akin. Nang halos dumikit na siya sa akin ay napaatras na ako. What is he trying to do? I need to calm myself, pero paano kung ang mga mata niya ay titig na titig sa labi ko. Napakagat na ako sa labi ko, para takpan sana iyon, ngunit nang tumaas ang sulok ng labi niya ay tuluyan nang parang may nagrarambulan sa loob ng dibdib ko. Ang bilis ng kabog. Napahinga na ako ng malalim nang napasandal na ako sa sink. Wala na akong maatrasan. Wala sa sariling napatitig na rin ako sa awang niyang labi, may kapulahan at parang ang lambot halikan. s**t! Ano ba itong nasa isip ko? Pero sino bang hindi mag-iisip ng ganito kung magkadikit na ang dibdib naming dalawa, at ang titig niya ay nagliliyab. "Jack-"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD