CHAPTER 7

2030 Words
Chapter 7 Arianna's POV "Jack-" Natigilan ako nang bigla siyang humalakhak habang humahakbang palayo sa akin. Para bang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo habang pinapanood siyang nakahawak sa tiyan niya habang humahalakhak. "Oh, Ari, you should've seen your face, you looks like tomatoes." Nagsalubong ang kilay ko at saka nanggigigil na binato sa kaniya ang notebook na una kong nahablot. "You, jerk! Deadass!" Humawak siya sa parte ng balikat niyang tinamaan ng notebook, hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. "Bakit? Gusto mo bang ituloy ko?" Inirapan ko siya. "Umalis ka nga kung mangbubwisit ka lang." Napipikon talaga ako, at hindi ko alam kung bakit. Unti-unti siyang kumalma ngunit nanatili ang ngisi sa labi niya. "Stop sulking, just tell me if you want me to kiss you for real." Naghanap ako ng isa pang ibabato sa kaniya, ngunit tanging baso lang ng tubig ang malapit sa akin. Hinablot ko iyon at tinangkang ibabato sa kaniya pero kaagad siyang nagtaas ng dalawang palad para awatin ako. "Hey, hey! Relax! Ang pikon mo." "Hindi ako pikon, mapang-inis ka lang." Ngumisi na naman siya. "Mapang-inis? Buti nga hindi ko itinuloy, e, ikaw nga talagang hinalikan ako, umangal ba ako?" Humalukipkip ako. "Paulit-ulit tayo? Kanina ka pa." "Of course, because I need to remind you that you're still my girlfriend, and you should not forget that because of this." May kinuha siya sa bulsa niya sa likod ng pants niya. Itinaas niya ang isang malinis at may kaliitan na papel. "Here, dahil dito talaga kaya kita pinuntahan." Inabot niya iyon sa akin na padarag ko namang tinanggap. Hindi ko pa nabubuksan ay nakita ko na ang nakalagay na pangalan kaya alam ko na kaagad kung para saan ito. "Invitation for engagement party? Garcia&De Luca love story." Binasa ko iyon sa may nandidiring tono at boses. "Seriously, nag-abala ka pa para dalhin sa akin ito?" "Not my intention, but Jam asked to give that to you since girlfriend naman daw kita." "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na puwede mong sabihin na break na tayo, nang hindi ka na mahirapan sa pagkukunwari." "Sinabi mo rin naman sa akin na puwede kong gamitin ang pangalan mo anytime para hindi ako mapahiya," angat ang kilay niyang sabi. "I chose that option because I don't want her to tell me 'I told you so." Hinablot niya mula sa kamay ko ang invitation at sinimulang basahin iyon. Nakalista pala roon ang ibang pangalan ng mga important attendees, well, hindi ko iyon nakita dahil hindi ko naman binuksan. "And the catering will be held by our personal chef, Chef Arianna Lopez. Hmm, now, name Ari made sense." Right, doon niya lang nalaman ang pangalan ko. Hindi ko siya sinagot at niligpit na lang ang mga gamit ko. Hinanap ko pa ang notebook, at kung hindi niya pa pinulot para sa akin iyon ay hindi ko maaalalang binato ko iyon sa kaniya kanina. "Dapat nga pati sa venue ng kasal ay ikaw ang iimbitahan nila, but I told her not, so I can bring as my date." "Ano-" "Relax! Sinabi ko lang iyon para may dahilan ka, but to be honest para lang iyon masabing puwedeng hindi ka dumalo. Kapag naging chef ka sa araw na iyon, no choice ka, pero kapag guest ka lang, puwede kang magdahilan na may sakit ka, right?" Pinaningkitan ko siya ng mga mata ko. "Kinokonsensya mo ba ako?" Nakaka-guilty kasi na habang sinusungitan ko siya ay may ginawa na naman pala siyang pabor para sa akin. Kunwari siyang nag-isip. "Guilt can hit you without anyone doing something, when you are very aware that you are at fault." Tinagiliran ko siya ng ulo ko. "Una, pumasok ka sa kitchen ko which is hindi allowed, pangalawa, you jerked me. Kung 'yong mga pabor na ginagawa mo sa akin ay may kapalit na kalokohan, 'wag ka na lang maging mabait sa akin." Lumapit na naman siya sa akin habang nasa likod ang mga kamay niya. Magrereklamo na sana ako pero tumigil na siya sa paghakbang bago pa kami magkadikit. "Be careful what you wish for, masama kapag hindi ako nagiging mabait sa babae, dumidiretso kami sa kama." "Isa pa, tatamaan ka na talaga sa akin." Nagtaas siya ng dalawang kamay na para bang sumusuko na. "Okay, sorry na po, magbe-behave na po ako," aniya. "So, anong ireregalo natin sa kasal? High class painting? A bottle of wine? Champagne? Ano ba?" Nagtaas ako ng kilay ko. Ako talaga ang tinanungan niya ng ireregalo huh? "Kapag bagong kasal dapat gamit sa bahay, like kutsilyo, puwede ring muriatic acid para panlinis ng banyo," sabi ko sa sarcastic na tono. Iningusan niya ako. Saka nilapitan ang refrigerator at nilabas ang pitcher ng iced tea. "Oy, bakit ka kumukuha? Nagbayad ka ba?" "Sabi mo kanina puwede, ipagtitimpla mo pa nga ako ng kape." Pinandilatan ko siya. "Ikaw ba 'yong gwardiya?" Pinandilatan niya rin ako. "Hindi pero bisita mo ako, you should treat me better, isa pa boyfriend mo ako." Inilingan ko siya. "Hindi ka ba natatakot na magalit sa 'yo si Kylie? Ganitong oras ibang babae pa ang kasama mo." "s*x nga hindi issue sa amin, e, chtchatting pa kaya? Or else may iba ka pang gustong gawin natin?" Inilingan ko na lang siya. Mukhang mahihirapan talaga akong kausapin siya ng matino. Pinanood ko na lang siyang kumuha ng baso at sinalinan ng iced tea. "So, bitter ka pa talaga kina Lucifer at Jamaica? Totoo ba 'yong mga pinaparatang niya sa 'yo?" Nagkibit-balikat ako. "Depende, ano bang sinasabi niya sa 'yo, bukod sa pagiging cheapest chef ko?" Hindi pa rin ako maka-moved on tungkol sa insultong iyon. Ang sarap niyang ingudngod sa mga niluluto kong kumukulo pa. "May gusto ka pa raw kay Lucifer? Balak mo raw silang guluhin?" Seryoso ang tingin niya sa akin ang nilalaro ang kaniyang baso na may lamang iced tea. Sumandal siya sa mahabang countertop, at dahil nakasandal ako sa sink na katapat nito ay ngayon magkaharap na kami. Bumuntong-hininga ako. "Jackson, weeks pa lang kaming magkahiwalay ni Lucifer, at ang relasyon namin noon ay hindi gawa lang ng ibang tao, it was us, it was real. Wala 'tong switch button para i-turned off o i-turned onn ang nararamdaman ko. But one thing is I for sure, hindi ko planong manggulo." Pinagmasdan niya lang ako na para bang masusi niya akong pinag-aaralan kung totoo ba ang sinabi ko. Umiling ako. "Alam mo, choice mo kung maniniwala ka o hindi. I have nothing to prove to you." Tatalikuran ko na sana uli siya ngunit bigla siyang nagsalita. "I believe you," aniya na nakapagpatigil sa akin. "I saw how you wanted to help me out with Kylie, kaya alam kong hindi mo intensyon na manggulo o makasira ng ibang relasyon." Nilapag niya ang baso sa countertop at lumapit sa akin. Hindi ako nakakilos, tanging paghinga lang ng malalim ang nagawa ko. "I just hope na makalimutan mo na si Lucifer. Ang katulad niyang sunod-sunuran lang sa tradisyon ng pamilya, hindi nila kayang piliin ang taong mahal nila kung ang mana ang kapalit. You deserved someone better." Hindi ako nakasagod. Diretso lang ang tingin ko sa mga mata niya. Muling bumaba ang tingin niya sa labi ko, his jaw showed as he staring at my lips. Papikit na ako nang akala ko ay payuko na siya para maabot ako, nang humakbang siya patalikod. "It's getting late, I still have my midnight meeting for my business partners abroad. Is it okay kung hindi na kita mahahatid?" "H-ha?" naipilig ko ang ulo ko nang nautal ako. "Oo naman, go ahead, kaya kong umuwing mag-isa." "Well then," nasabi niya lang. "See you at Tagaytay." Bago pa ako makasagot ay iniwanan niya na ako. Nang mawala na siya sa paningin ko ay binalingan ko ang countertop kung saan niya ipinatong ang invitation. Kinuha ko iyon at binasa. Doon ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Sa Tagaytay pala ang venue at mukhang iyon na ang muli naming pagkikita. After 2 weeks. *** "Venue sa Tagaytay? Ilang araw ka roon?" Nagkibit-balikat ako kay Miss Colleen. "Maybe 3 days? Kikilalanin ko pa kasi 'yong mga cook na makakasama ko roon, at ipapakilala sa kanila ang mga recipe ko. Paghahandaan ko pa ang mga pagkain na gusto nilang ilagay sa menu para sa gabing iyon." Nakabalik na galing sa Batangas si Miss Colleen, at good thing ay mukha naman positibo ang ipinunta niya roon, although wala pang eksaktong opisyal na agreement. Sinabi ko kaagad sa kaniya ang kailangan kong pagpunta sa Tagaytay para sa engagement party. Kung puwede lang ay hindi na ako dadalo, kaso pride ko ang nakasalalay roon. "Bakit kasi hindi na lang ang mga sous and station chef mo ang isama mo." "Hindi na kailangan, kailangan ko rin naman silang iwan dito para umasikaso sa kitchen." Bandang huli ay pumayag at hinayaan niya na rin ako. Pauwi na ako nang makatanggap ako ng text galing kay Lucifer. "Get in at my car." Napahinga akong malalim saka hinanap ng paningin ko ang kotse niya. Sanay na ako sa ganito naming setup. Dahil sa hindi puwedeng may makakita sa aming magkasama ay kapag sinusundo niya ako ay hindi na siya lumalabas ng sasakyan, ako na lang ang pumapasok sa sasakyan niya. Nang makita ko ang sasakyan na usual niyang ginagamit kapag sinusundo niya ako ay napabuntong-hininga na lang ako. Ayoko na sana siyang tugunan, pero ewan ko ba, natagpuan ko na lang ang sarili kong pumapasok sa sasakyan niya. He was about to kiss me but I avoid it. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, bababa rin ako kaagad," malamig kong tono, hindi manlang siya tiningnan. Kita ko sa peripheral vesion ko ang pagtitig niya sa akin, at buong lakas kong pinigilan ang sarili ko na suklian iyon. "Hindi mo ba ako na-missed? Let's go at my condo-" "Lucifer, may boyfriend na ako. Hindi niya magugustuhan kapag malalaman niyang sumama ako sa 'yo." I'm sorry, Jackson, pero kailangan uli kitang gamitin. "Please, Ari, alam kong wala ngayon sa Pilipinas si Jackson, hindi niya tayo makikitang magkasama, hindi rin niya kailangang malaman." Pinilit kong itago sa mukha ko ang gulat ko. Wala siya sa Pilipinas? Kaya ba sigurado siyang sa Tagayty na kami magkikita ulit dahil wala siya rito? So, that night, that's his goodbye for awhile? Muling napabalik kay Lucifer ang atensyon ko nang kunin niya ang kamay ko. Hinalikan niya iyon. "I missed you." Binawi ko iyon. Kahit gaano ko kagusto ang pakiramdam na hawak niya ang kamay ko, hindi ko pa rin iyon maatim. "Ikakasal ka na," matigas kong sinabi. "But you know that I love you, right?" Tiningnan ko ang magkapatong naming kamay. Mabigat ang paghinga ko, kasing bigat ng dibdib ko. Para bang ano mang oras ay sasabog ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. "Don't you think that I deserved someone better? Someone who can introduce me to his family? Someone who can choose me over and over again, someone who would never hurt me. Don't you think that?" Dahan-dahan niyang binitiwan ang kamay ko. Dumiretso siya ng upo at inilipat ang kamay sa ibabaw ng manibela. Marahan akong napapikit. Ang simpleng pagbitiw niya sa kamay ko ay nagdulot ng matinding kirot sa aking dibdib. "Are you saying that I don't deserve you? Ari, kahit gaano kaganda ang kayang ibigay at ipangako sa 'yo ni Jackaon, kung ako ang mahal mo, ako lang ang dapat mong piliin." Muli ko siyang tiningnan. Kitang-kita ko ang nagsusumamo niyang mga titig. "I'm not saying that you don't deserve me, I'm just stating what kind of a person I deserve, and if you think that you're not qualified, then I don't have to say it, you should be aware of it." Hindi na siya nakasagot. Marahil siya mismo ay alam ang kasagutan sa nga sinabi ko. Hindi na ako nagpatagal pa ng ilang segundo at bumaba na ako mula sa kaniyang sasakyan. "I just hope na makalimutan mo na si Lucifer. Ang katulad niyang sunod-sunuran lang sa tradisyon ng pamilya, hindi nila kayang piliin ang taong mahal nila kung ang mana ang kapalit. You deserve someone better." I don't know why I'm taking Jackson's advice... Maybe because I know that I deserved it. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD