Chapter 8 Arianna's POV "Are you sure, ayaw mo akong isama roon? Sigurado pa naman na maraming magkakandarapa sa akin sa lugar na iyon, alam mo namang mabenta ang Mama mo sa mga negosyante." Sinulyapan ko lang si Mama habang nagpapatuloy sa pagtutupi ng mga damit na dadalhin ko sa Tagaytay, habang siya ang maayos na naglalagay nito sa loob ng handbag na dadalhin ko. Konti lang naman ang kakailanganin kong damit dahil hindi ko naman kailangang lumabas ng kitchen o kung saan ko mang imi-meet ang ibang cook na makakasama ko, kaya naman good for 3days lang ang dadalhin ko. Bukas na ang alis ko pero ngayon lang ako nakapag-pack dahil abala ako sa trabaho. "'Wag na, 'Ma, baka mamaya may makakilala pa sa 'yo roon, ayoko ng gulo." Sinimangutan niya ako. Tama si Mama, mabenta talaga ang dating

