Chapter 20 Arianna's POV Binalingan ko kaagad si Jackson pagkahinto ng kaniyang sasakyan sa tapat ng bahay ko. Pareho kaming nasa backseat at ang nagmamaneho ay ang isa sa kaniyang bodyguard, habang ang isa naman ay nasa passengers seat. "Salamat sa paghatid," sabi ko. "When can I see you again?" pang-iignora niya sa pagpapasalamat ko. Halos matawa ako habang tinatagiliran siya ng ulo. "Hindi pa nga tayo nagkakahiwalay, iniisip mo na kaagad kung kailan tayo magkikita?" Nagtaas siya ng kilay. "I cannot ask you when you're away," aniya at kinuha ang cellphone niya at iniabot sa akin. "Save your number so I can call you." "Is that a request or demand?" tanong ko pero kinuha na rin ang cellphone niya. Nasa contact na iyon nang ibigay niya. "Both?" Nagtaas ako ng kilay at sinulyapan

