Warning for SPG-R-18 Chapter 17 Arianna's POV Tapos na ang party, pack up na. Halos lahat ng nasa party ay nasa kaniya-kaniya nang room o hindi kaya ay wala sa venue. Ang tanging nasa labas na lang ay ang mga regular guest ng resort at marahil walang kinalaman sa nangyaring engagement party kanina sa isang floor. Ilang oras na lang ay magliliwanag na, pero hindi ko pa rin makuhang matulog o magpahinga. Kaya ko namang pumasok sa kuwarto dahil may keys ako, ngunit hindi ako makaramdam ng antok. Gusto kong mapag-isa. "Ari." Napapikit ako. Nakaupo ako sa gilid ng pool at yakap ang tuhod ko. Kasasabi ko lang na gusto ko munang mapag-isa, bakit nandito na naman siya sa paligid ko? "Can we talk?" "Lucifer, 'wag ngayon, pagod ako." "Arianna, please." Muli kong iminulat ang mga mata

