Chapter 22 Arianna's POV "Are you sure, you don't wanna dance?" Hindi ko alam kung nakakailang iling at tanggi na ako sa mga lalaking nag-aaya sa akin sa dance floor. I lost count. Hindi ko rin alam kung bakit nila ako nilalapitan, samantalang nakasuot lang naman ako ng V-neck shirt na hapit sa katawan ko, skinny jeans at black sandals. Simple lang ang suot ko at hindi naman revealing dahil galing pa ako sa restaurant, pero medyo marami na ang nagkakainteres sa akin na hindi ko naman pinapatulan. I don't have plans to flirt with anyone. "Sorry, pero maybe next time." Huling ngiti ang ibinigay ko sa foreigner na iyon. Tumango-tango siya habang nakatitig pa rin sa akin, pero hindi ko mahinuha kung sa mukha ko ba siya nakatingin o sa balikat ko. Naaasiwang napahawak tuloy ako sa may batok

