CRUSH at FIRST DAY?
CHAPTER 1
Cleigh's POV
ring~ ring~
Inaantok na kinapa ko ang alarm clock sa bedside table ko at pinatay ito. Minulat ko naman ang mga mata ko at kinuha ang cellphone ko.
5:40 AM | MONDAY
JUNE 03
'First day of school'
Bumangon na ako sa kama nang masiguro kong gising na ang diwa ko. Inayos ko muna ang kama ko bago nagtungo sa cr para magmumog at maghilamos.
Nang masigurong ayos na ako at 'di na mukang bagong gising ay bumaba na ko sa kusina.
"Morning Ma," bati ko kay Mama na naghahain sa mesa.
"Oh Cleigh, kumain kana. First day mo ngayon. Bawal malate, baka buong taon kang late kapag nalate ka."
Natawa naman ako ng mahina dahil sa sinabi nito habang naglalagay ng kanin at ulam sa plato ko.
"Ma, wala sa araw 'yon. Nasa tao 'yon kung mal'late o hindi."
"Basta nak, 'wag ka malate. 'Di kaba naniniwala sa kung ano ginawa mo sa unang araw, ganon narin mangyayare sa mga susunod pa."
"Oo na po. Eto na nga po nagmamadali na. Excited narin kasi ako sa new school ko. New classmate, new environment, new friends!"
Bago mag-six ay natapos narin kami ni Mama mag-breakfast.
"Ma, akyat na po ako. Maliligo na ako para makapasok na," paalam ko rito bago nagtungo sa kwarto at nag-ayos ng sarili.
"Ma, papasok na po ako." nginitian naman ako ni Mama at sinabi na mag-ingat ako.
Paglabas ng bahay ay nagpunta agad ako sa paradahan ng trycicle. Mabuti na lamang at marami akong kasabayan kaya 'di na ko nag-antay ng matagal.
Oo nga pala 'di pa ko nakapag pakilala. Ako si Cleigh Garzon, 18 yrs old. Gr 11. TVL cookery ang strand ko. First day ko ngayon sa Central High School, lumipat kasi kami ng bahay nila Mama dahil nalipat ng lugar ng work si Papa kaya lumipat kami sa mas malapit sa trabaho niya. Chef kasi si Papa sa isang sikat na Restaurant.
"Magkano po Manong?" tanong ko sa driver pagkababa sa trycicle.
"Sampu lang Ineng," naghanap naman ako ng barya sa pitaka ko at binigay ito. Barya lang kasi sa umaga sabi nga
Naglakad na ako papasok sa First Gate ng school namin. Andami kong nakikita na mga Junior High. Mas malapit kasi ang building nila dito sa First gate kesa sa Second gate.
Second gate naman ang mas malapit sa Senior High Building, pero dahil first day ngayon. Sa first gate muna ako dumaan dahil mas malapit 'to sa oval kung saan magf'flag raising lahat ng estudyante from Gr 7 to Gr 12 .
Hindi kasi kasya sa Gym lahat kaya sa oval muna. Next week nalang daw maghihiwalay, Senior sa gym then Juniors sa oval.
Nagtungo na ako sa bandang likod, andon kasi 'yung mga estudyanteng naka jeans at white shirt gaya ko. Habang naglalakad ay tinitignan ko bawat placards kung saan nakasulat bawat name ng section.
'Ayun! TVL-C'
Naglakad ako patungo sa pila na 'yon pero bago pa ako makarating doon ay may nakabangga sa'kin na tumatakbo.
"A-Aww.. Sorry! Nagmamadali kasi ako." yumuko pa ito habang nagsosorry.
"Ayos lang po," sagot ko.
Nag-angat ito ng ulo at nginitian ako. Para akong natulala nang makita ko ang mukha nito. Chinita, may dimples, maputi, mas matangkad ako konti sa kaniya siguro 5'4 'to kasi 5'6 ako eh, matangos at maliit ang ilong nito at ang labi niya ay mapula konti, nagliptint 'ata?
"Ah Miss, Una na ako ah. Sorry ulit!" nagising lang ako sa reyalidad nang magsalita ito at tumakbo na palayo.
Nakasunod parin ang paningin ko sa papalayong babae na 'yon habang naglalakad ako patungo sa line ng klase namin.
"Good Morning Central High!"
Napaayos naman ako ng tayo at tumingin na sa stage nang may magsalita mula roon.
Nakikinig lang ako sa nagsasalita na Principal pala ng Junior High nang mahagip nang paningin ko ang babaeng nakabangga sa akin kanina.
May nakasabit na camera sa leeg nito habang naglalakad patungo sa isang pila malapit sa pila namin. Mga tatlong pila bago samin. Nakikipagkwentuhan siya doon at may pinapakita sa camerang hawak niya. 'Ano kayang strand niya?'
Napatingin ako sa babaeng maliit na nasa harapan ko at kinalabit ito.
"Hi classmate," nakangiting bati ko dito. Ngumiti rin naman ito humarap sa akin.
"Hi din classmate, Princess nga pala," sabi nito at nilahad ang kamay na agad ko namang kinuha.
"Cleigh, uhm. May tatanong sana ako Cess," medyo nahihiyang sabi ko rito.
"Ano 'yon?"
"Anong strand 'yung doon sa pang-apat na line mula dito sa pila natin?"
"ABM 11-A 'yon. Bakit mo natanong?"
"A-Ah wala. Inaalam ko lang kung ano mga k-katabi nating strand hehe. Para di ako maligaw sa susunod d-diba?"
Ngumiti ito ng nakakaloko sa akin at tinignan ang line na tinutukoy ko.
"Siguro may crush ka doon noh?"
"H-Huh? W-Wala ah! Crush agad first day palang! Humarap kana nga do'n." sagot ko rito at hinarap na ito sa stage, buti nalang at 'di na ito nangulit.
Napatingin naman ako ulit kay Miss ABM at napapangiti na lamang bago tumingin sa stage.
'Crush sa first day, at sa babae pa. 'Di naman masama magka girl crush diba? Girl crush lang naman eh!"
---