ANGEN"
Biglang akong nagdalawang isip sa aking desisyon sa pagsama ko sa binata.
Knock.. Knock.. Bigla akong nataranta ng may kumatok sa pinto. Hindi ko alam kung bubuksan ko o hindi ang pinto. Nahihiya kasi ako sa suot ko. Naka-short at puting t-shirt lang ako at bakat na bakat ang dibdib ko dahil medyo kalakihan ang hinaharap ko.
"Angen, open this door. Gagamutin ko lang ang sugat mo." Dahan-dahan akong lumapit at binuksan ang pinto.
"Hi.. Nagdala ako ng gamot sa mga sugat mo."
"Ahhhh.. Thank you. Pero gasgas lang naman ang mga ito." Ngunit hindi ko siya napigilan dahil pumasok na ito sa silid at dumiretsong umupo sa kama.
"Halika dito. " Bigla niya akong pinaupo at nilinisan ang mga sugat ko. Nakaramdam ako ng pangilabot nang masagi ko ang nakaumbok na alaga niya.
"I-Im sorry." Nahihiyang saad ko.
"Pinapaayos ko na ang mga papers mo. You will work with me as my assistant."
"S-Sorry po sir. Pero wala akong perang pambayad sa'yo." Lumapit ito banda sa may leeg ko at bumulong habang nililinis ang sugat ko.
"Alam ko. Sa ngayon hindi pa naman kita sisingilin. " Napalunok ako ng laway dahil sa mainit niyang hininga.
"S-Salamat. Babayaran kita agad pagnagkasahod ako. Kailangan ko lang talaga ng trabaho sir. Ang tatay ko po ay may sakit at ako lang po ang inaasahan nila ngayon." Ngumiti lang ito sa akin.
"Magpahinga kana muna. Kung nagugutom ka, bumaba ka lang at kumain. Maraming pagkain sa baba o puwede ka din magluto. Ituring mo na rin bahay mo ang bahay ko." Pagkatapos niya akong gamutin agad ito lumabas ng silid.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Kahit gustuhin ko bumalik sa aking bayan hindi ako puwede umuwi ng Pilipinas dahil walang tutulong sa amin. Minsan na ako pinagtawanan ng mga tao dahil sa nangyari sa buhay ko. Lumipat kami ng ibang lugar ngunit mukhang sinusundan ako ng malas. Kailan pa kaya ako liligaya?
Pinagpapawisan na ako ng malagkit dahil tinitiis ko ang gutom. Hindi ko alam ang gagawin ko pagkaharap ko siya. "Bahala na gutom na talaga ako." Bulong ng isipan ko. Hinatak ko pababa ang t-shirt na suot ko. Hanggang gitna ng hita ko lang ito. At ang boxer niya ay maiksi din. Dahan-dahan ako bumaba sa hagdan. Napapanganga ako sa bawat madaanan ko na mga paintings. Sobrang laki ng bahay ngunit parang ang lungkot. Iba talaga pag mayaman baliwala sa kanila ang magwaldas ng pera ngunit ang lungkot ng buhay. Pipiliin ko parin ang maging mahirap basta kasama ko si tatay at ang mga kapatid ko. Kamusta na kaya si bunso, Melissa. I miss her so much.
Pagdating ko sa baba agad ako tumungo sa kusina. Kakain lang ako tapos aakyat ako ulit. Tiningnan ko ang rice cooker pero walang kanin. Paglingon ko sa mesa, may mga slice bread na nakapatong. Agad ko tinungo ang refrigerator. Pagbukas ko nakita kong maraming itlog kaya naisipan ko mag-fried egg nalang na ipapalaman ko sa tinapay. Nasa baba ito nakalagay kaya tumuwad ako bahagya. Hindi ko na tinakpan ang puwetan ko dahil wala namang tao. Ngunit nagulat ako nang biglang may tumusok sa likuran ko na kung anong matigas na bagay. Bigla ako tumayo pero mas lalo akong kinilabutan nang bumangga ako sa malapad at matigas na dibdib ni Uncle Rodney. Ang bango niya at ang hot.
"You're hungry? Bakit hindi mo ako tinawag, baby!" Mapang-akit ang pagbigkas niya ngunit mas kinilig ako ng tinawag niya akong baby.
"Ahhhh.. I'm sorry, po sir. Hindi ko po alam na nandito ka. A-Ang akala ko talaga umalis po kayo " Nauutal kong saad.
" Wala akong trabaho ngayon at ang totoo hinihintay kita." Mahinang saad niya ngunit rinig na rinig ko dahil halos halikan niya na ang leeg ko. Gusto ko tumakbo pero paano kung ipahuli niya ako sa pulis at makulong ako.
Umiwas ako kunti sa kanya at parang baliwala na tumuwad ulit. Kita-kita ko ang paglabasan ng mga ugat niya sa paa.
"S-Sir, gusto mo kumain ng itlog?" Nakayukong tanong ko sa kanya.
Lumapit siya sa akin at inangat ang baba ko. "Mas magandang tawagin mo akong Uncle Rodney dahil mas gusto ko na tinatawag mo ako sa ganyan."
"A-Ahhh sige po, Uncle Rodney. Uncle gusto mo kumain ng itlog?' Tanong ko ulit.
"Ang itlog ko ayaw mo kainin?" Nakangising tanong niya sa akin.
"Hu? Uncle mapagbiro ka pala." Nahihiyang saad ko. Sigurado namumula na ang pisngi ko.
"Hindi naman. Seryoso ako sa sinasabi ko. Kailangan ko ng babaeng magpapaligaya sa akin pagdating ng gabi."
"Aray," Tumalsik ang mantika dahil sa gulat ko.
"I'm sorry kong nabigla kita. Pero seryoso ako. Libre lahat ng pagtira mo dito, double ang sahod at sasagutin ko pa ang expenses ng tatay mo. Pumayag ka lang na angkinin kita gabi-gabi." Halos humiwalay ang dugo ko sa aking ugat dahil sa takot at kaba. Bumalik lahat ng ala-alala ko at takot sa nakaraan.
"Uncle Rodney, wala na bang ibang paraan? Kailangan ba katawan ko ang pangbayad?"
"Wala ka namang pera pangbayad sa akin. Be practical Angen. Kinausap ko ang dating amo at hindi sila papayag na pauwiin ka ng pilipinas dahil gusto ka ng anak nila pakasalan. Baliw ang anak nila sa'yo pero papayag ang amo kung babayaran ko sila ng 1 milyon dollars kapalit ng kalayaan mo. Aba, hindi naman ako susugal nang walang kapalit. Negosyante ako dapat may barter sa ilalabas ko na pera. " Seryosong saad nito.
Natutula ako at bigla nalang umagos ang luha sa mga mata ko. Ang saklap ng tadhana sa akin. Kailangan ko ba talaga magdusa para lang makaahon sa hirap?
"Ayaw ko ng pinaghihintay ako. Kailangan ko ng sagot mo ngayon dahil kung ayaw mo pagtiyagaan ko nalang si Candy. Huwag ka ng mag-alinlangan pa dahil I know may karanasan ka narin."
"Kung papayag ako hanggang kailan ako magiging alipin mo sa kama?" Tapang-tapangan ko na tanong habang ang puso ko at isipan ay sumisigaw na huwag pumayag.
"Hanggat gusto ko. Ako ang magsasabi kong kailan kita papalayain." Nilapitan niya ako at siniil ako ng halik. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ayaw ko gumanti sa halik niya. Mapusok ito at mabilis. Kinagat niya ang labi ko habang ang kamay niya ay malikot na nilalaro ang dalawang korona ko. Pigil na pigil ako ngunit ang mga luha ko ay patuloy na umaagos sa mga mata ko.
Kung hindi pa nasunog ang itlog na niluluto ko ay hindi niya pa binitawan ang labi ko.