bc

STOLEN NIGHTS WITH UNCLE RODNEY (SPG)

book_age18+
1.6K
FOLLOW
22.1K
READ
billionaire
dark
one-night stand
HE
age gap
playboy
powerful
bxg
like
intro-logo
Blurb

‼️WARNING: MORE SPG ‼️

‼️READ AT YOUR OWN RISK‼️

RODNEY LACSON— Isang spoiled brat billionaire na hindi naniniwala sa pag-ibig at mas gustong gamitin ang kapangyarihan para makuha ang anumang gusto niya.

Nang tulungan niya si Angen Tacalan— isang struggling domestic helper, para asikasohin ang marangyang villa niya at maging personal assistant niya. Para sa kanya si Angen ay isa lang itong katulong na tutugon sa bawat kapritso niya sa buhay.

Ngunit sa araw-araw na nasisilayan niya ang magandang mukha at perpektong alindog ng dalaga. Nagsimulang gumuho ang kanyang pader para kay Angen. Hinamon nito ang kanyang pananaw at paninindigan.

Hahayaan niya ba na patuloy natitibagin ni Angen ang nag-aapoy niyang damdamin? O ikukulong niya ang dalaga sa bisig niya gabi-gabi?

chap-preview
Free preview
CHAP 1
Umiiyak habang tumatakbo si Angen. Hindi niya alam kung paano makauwi ng Pilipinas dahil wala siyang passport o kahit anong documents na hawak. "Tulungan niyo po ako." Umiiyak na saad niya sa mga kapwa ofw na masalubong niya. Ang iba ay takot madamay at ang iba naman ay nagbigay ng pera at pagkain. Anim na buwan palang siya sa kanyang amo ngunit naging impyerno ang kanyang buhay. Isang beses lang siya pinapakain sa isang araw ng kanyang among babae at minsan naman ay natutulog lang siya na walang kain. Dahil sa iniisip niya ang kanyang ama na may sakit, tiniis niya ang ganoong trato sa kanya. Wala na siyang pakialam sa kanyang sarili dahil ang mahalaga ay magkapera siya. Kailangan niya magkapera para mapagamot ang kanyang ama, iyan ang laging nakatatak sa isip niya . Ngunit isang araw, hindi niya nakayanan ang pagtangka ng kanyang among lalaki na gahasain siya. Nagsumbong siya sa kanyang among babae ngunit nagalit ito at hindi siya pinaniwalaan. Tumawag ng pulis ang kanyang amo ngunit bago siya mahuli ay tumakas na siya. "Stop the car!" Mariin na utos ni Rodney sa kanyang driver. Halos isang taon na siya sa bansang Middle East. Dito siya itinapon ng ama bilang parusa sa kabulastugan na ginawa niya. Sa araw ng kasal niya ay nakatulog siya dahil sa kalasingan. Paggising niya saka niya naalala na kasal niya sa araw na iyon, mabilis siyang nagbihis at pumunta ng simbahan ngunit pagdating niya doon ay halos nakauwi na ang lahat. Ang tanging natira nalang ay ang kanyang ama na galit na galit sa kanya. Hindi na siya kinausap ng ama at kinaumagahan ay pinalipad na siya patungo sa ibang bansa para pamahalaan ang kanilang negosyo. Ngunit sa loob ng isang taon ay naging malungkot ang kanyang gabi na wala siyang katabi. Noong una takot siyang makipagrekasyon dahil isang malaking kasalanan ang makipag-apid o makipagtalik sa hindi mo asawa. Ngunit isa siyang pangahas. Panakaw siyang tumitikim ng laman kahit ito ay pinagbabawal. "Sir Rodney sa tingin ko ay tumakas iyan. Tingnan mo marami siyang pasa sa buong katawan," saad ng driver ng binata. "That's why she needs our help. So, stop the car and help her." Nag-alalang utos niya sa kanyang driver. Hindi niya alam bakit biglang lumambot ang kanyang puso ng makita ang dalaga. Hininto ng driver ang sasakyan ng binata sa mismong harapan ni Angen. Nanginginig na umangat ang ulo niya at tiningnan ang sasakyan nasa harapan niya. Nanlamig ang kanyang katawan nang makita ang lalaking makapal ang balbas at mukhang arabo ang itsura. Biglang bumalik sa ala-ala niya ang mga among tinakasan niya. Gusto niyang tumakbo ngunit nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto at nagsalita 'to ng tagalog. "Miss, sakay na. Pakibilisan at baka makita tayo ng mga pulis." Ngunit biglang nainis si Rodney sa dalaga dahil hindi man lang ito gumalaw at patuloy na nakatulala lang.. "Miss, you don't hear what I'm said? Let me repeat, I said get in my car bago dumating ang mga police." Supladong saad niya sa dalaga. Hindi pa 'to kumilos kaya bumaba ang binata at hinila siya papasok sa loob ng kotse. Nakatulala parin ang dalaga kahit nasa loob na siya ng sasakyan. " What happen to you?" Ngunit ang tanging sagot nito ay isang iyak. Iyak ng hinagpis. " Kung hindi ka pa handa, okay fine. Nelson, bumalik muna tayo sa bahay para ihatid siya. Hindi naman importante ang pupuntahan ko." Pagdaan nila sa airport biglang umagos ulit ang kanyang luha. Sobrang miss na miss niya ang kanyang pamilya. Ayaw niya sana umalis ngunit hindi sapat ang sinasahod niya biglang kindergarten teacher. Nawala na kasi ang kanilang palayan gawa na binili ito ng gobyerno dahil nais nito magpatayo ng pabahay at nasa gitna ang kanilang palayan. Wala silang choice kundi ibenta ito. Naubos din ang pera dahil sa sakit ng ama. "Nandito na tayo. Huwag kang matakot dahil walang pulis o ibang lahi dito. Almost ng kapitbahay natin ay pilipino. Bumaba kana at magbihis. Nelson bilhan mo siya ng mga gamit." Tumango naman si Nelson at ang binata naman ay pumasok na ng bahay. Pagdating sa loob ng bahay, medyo makalat ang loob nito. " Makalat talaga ang bahay dahil linggohan lang ako nagpapalinis." Agaran na paliwanag ng binata kahit hindi naman nagtatanong ang dalaga. Umangat ang ulo ni Angen at nagtama ang kanilang paningin." Salamat ho, Uncle." Biglang kumunot ang noo ni Rodney dahil tinawag siyang Uncle nito. " Ilang taon na ba to? Ganun na ba ako ka tanda para tawagan niya na Uncle?" Kunot-noo niyang tanong sa sarili. "Patawad" sabay yumuko 'to. "No, it's fine. Kung comfortable ka na tawagin akong Uncle, sige walang problema." Inihatid na siya ng binata sa silid na tutuluyan niya. Habang naliligo ang dalaga sa silid nito. Nag-order muna ng pagkain ang binata para sa dalaga. Kring... Kring....Kring... " Hello, nasa labas na ako ng bahay mo," saad ng kaibigan niyang doktor. "S-Sino na naman ang nadali mong babae?" Pilyong tanong ni Ian sa kanya. "I saw her somewhere. Humahangos at tumatakbo. Humihingi ito ng tulong pero nag-aalangan tumulong ang ibang kapwa pinoy natin. Siguro takot sila na madamay." "Well expected naman iyon lalo na kung trabaho nila ang nakasalalay," dagdag pa ni Ian sa kanya. "Let's go, nasa taas siya." Umakyat sila at kinatok ang pinto ni Angen. Dahan-dahang binuksan ng dalaga ang pinto. Agad naman niyang binati ang dalawa nang makita 'to. Nang makapasok ang dalawa agad siya tinanong nito tungkol sa nangyari sa kanya. "Puwede bang ikuwento mo sa amin ang nangyari para matulungan ka namin. Para alam namin ang unang hakbang na gagawin namin sa'yo." Seryosong usisa ni Ian sa dalaga habang si Rodney ay nakatitig lang sa kanya. Medyo nailang siya ngunit mas okay na ito kay sa mga walang hiya niya na amo. Pagkatapos ikuwento ni Angen ang buong pangyayari, pinahubad ni Ian ang suot niyang Pajama upang gamutin ang mga pasa sa binti nito ngunit hinarang 'to ni Rodney. "Dude, hayaan mo na natin siya magpahinga. Ako na mamaya ang gagawa. Alam mo na ang gagawin. Ayusin mo ang kanyang papelis upang maging legal na siya dito." "Fuck... I know you, Rodney. May binabalak ka no?" Ngumisi lang si Rodney at pinalabas ang binata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The naive Secretary

read
69.9K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook