Lakas loob na nagsalita si Angen dahil hindi niya na kaya ang kaharutan nina Rodney at Cherry ngunit hindi siya aalis para hindi magmukhang nagseselos siya.
"Um, hey boss, I think you should go up. Mukhang hindi sanay si Miss Cherry na nandito ako." Ngumiti siya ng napakalaki upang asarin si Cherry. Alam niya naman kaya ito ginagawa ni Cherry upang pagselosin siya. Ngunit hindi siya pinansin ni Rodney bagkus sinuportahan pa ang kalandian ni Cherry.
"Oh, come on, darling, give me a kiss before we go up."
Ngumiti ng todo si Cherry at lumingkis na parang ahas kay Rodney. "Of course, honey."
"I need to focus, I need to focus." Bulong ni Angen sa kanyang isipan. Mabilis niyang dinampot ang kawali upang ibaling ang atensiyon.
"Ano ang gagawin mo sa kawali? Magluluto ka ba?" Kunot noo na tanong ni Rodney.
Pilit na ngumiti si Angen at matalim na tinitigan si Rodney. "No, ihahampas ko to sayo."Mahinang saad niya.
"W-What?" Gulat na tanong ni Rodney.
"Sir Rodney ano ba ang ginagawa sa kawali? Of course magluluto ako."
Rodney chuckling. " Oo nga naman noh! Eat well para may energy ka. Marami tayong trabaho bukas."
"Yeah! Sure, I will eat more." Sagot ni Angen habang busy sa paggigisa ng mga pansahog para sa kanyang pancit.
"Honey, let's go up. Hayaan mo na siya siguro naman hindi iyan inosente at marunong gumamit ng electric stove." Pang-iinsulto ni Cherry kay Angen.
"Um, Miss Cherry, mahirap lang ako pero marunong naman ako gumamit. At lalong marunong ako magbasa."
"Damn! Iniinsulto mo ba ako?" Asik ni Cherry sa kanya.
"No! Tikman mo nalang ang luto ko para naman mawala ang kapraningan mo."
"Enough! Halikana Cherry." Hinila na siya ni Rodney paakyat sa taas.
Pagkaalis ng dalawa mabilis na tinakpan ni Angen ang niluluto niya at pumasok sa banyo. Tinitigan niya ang sarili sabay hilamos.
"Ang yabang ng babae na iyon di hamak naman na mas maganda at malaki ang s**o ko."
Pagkatapos niya magmuni-muni lumabas na siya sa banyo. Pagbalik niya tamang-tama na luto na ang kanyang pancit. Inamoy amoy niya ito dahil sobrang bango.
"Ummm. Ngayon masasabi ko talagang gutom na ako." Saad niya sarili habang sinasalin sa plato. Inilabas niya ang lebanani bread. Tapos nagtimpla siya ng coffee.
Kalahati na ang naubos niyang pancit nang biglang nagsalita sa harap niya si Rodney. " Uubusin mo lahat at hindi mo man lang ako inalok?" Saad nito habang nakatayo sa harapan niya. Nakasuot nalang ito ng boxer at walang saplot ang pantaas niyang katawan.
"Sinabi mo bang tirahan kita? At saka bakit iniwan mo si Cherry baka mamaya bumaba iyon at magwala dito."
"Don't talk about her." Supladong saad nito sabay agaw ng tinidor at platong may laman ng pancit.
"A-Ano ang ginagawa mo? Akin iyan." Parang walang narinig si Rodney at patuloy lang ito sa pagkain.
"Thank you. Ang sarap ng pancit mo kasing sarap mo." Biglang namula ang pisngi ni Angen dahil sa sinabi ni Rodney. Ang buong akala ng dalaga ay magtatagal ito sa baba ngunit kumuha lang pala ito ng alak.
Pagkaalis ni Rodney naghugas na rin siya ng pinagkainan at pinaglutuan niya. Pagkatapos magligpit umakyat na siya sa kanyang silid. Habang papalapit siya sa silid ni Rodney rinig na rinig niya ang halinghing ni Cherry.
"Honey, kiss me more. Gosh I love it." Mga salitang dumadagondong sa kanyang pandinig. Tinakpan niya ang kanyang tainga at mabilis na lumakad papunta sa kanyang silid.
"Kainis sila. Kailangan talaga iparinig sa akin?" Inis na tanong niya sa sarili.
Para mawala ang inis sa sarili ay naglublob ito sa bathtub. Halos isang oras din siyang sa loob ng banyo. Pagkalabas niya sa banyo agad naman siyang nagbihis at pinatuyo ang kanyang buhok.
Pabagsak na humiga siya sa kanyang kama ngunit kahit anong pilit niyang pikit ay hindi parin siya makatulog at naririnig niya parin ang boses ni Cherry.
"Ano ba. Hayaan mo sila dahil ganun talaga ang amo mo. " Inis na sighal niya sarili. Naisipan niyang buksan ang kanyang social media. Nanood siya ng news nang biglang nag-flash sa kanyang cellphone ang tungkol sa global city. Noon niya pa naririnig ang tungkol sa global city sa Dubai. Mabilis siyang tumayo at sumilip sa bintana. Maraming sasakyan ang dumadaan sa mga highway.
Agad siyang nagbihis ng panlakad. Nagsuot siya ng makapal na jacket. Inilugay niya lang ang kanyang buhok. At kinuha ang kanyang Identity card.
Dahan-dahan siyang sumilip bago lumabas sa kanyang silid. Para masigurado na hindi siya maririnig ay binitbit niya ang kanyang sandals at mabilis na bumaba. Naglakad siya ng halos kalahating metro mula sa bahay ni Rodney bago nakahanap ng taxi.
Seryoso siya sa pagsakay ng taxi. Hindi siya ngumiti o tumingin sa taxi driver. Iyon ang mga tanging naalala niya nang nasa training siya sa Pinas. Umupo siya sa likuran ng driver ngunit inihanda niya ang ball pen upang gawin depensa kung sakaling may gawin ang driver.
Nakaramdam siya ng antok dahil sa sobrang layo ng naging biyahe niya ngunit pasalamat siya dahil mabait ang taxi driver na nasakyan niya. Pagkatapos niya magbayad sa entrance fee agad siyang pumasok sa loob. Namangha siya sobra nang makita ang loob ng global city. Agad siyang nagtanong-tanong para hanapin ang representa ng Pilipinas.
Ngumiti siya ng husto nang makita ang pangalang Pilipinas. Mabilis siyang tumakbo ngunit nabunggo siya sa isang lalaking nakatalikod. Nangamba siya ng husto kaya agad siyang humingi ng pasensiya ngunit napaawang ang kanyang labi nang makilala ang lalaking nakabangga niya.
"Angen?" Tuwang-tuwa na saad ni Chenley kasama si Titmothy— ang kaibigan ni Rodney.
Halong tuwa at kaba ang naramdaman niya. " Hi Chenley! M-Magandang gabi po Sir Timothy."
"Nasaan ang kaibigan ko. Kasama mo ba siya?" Tanong agad ni Timothy sa kanya.
Hindi niya alam ang sasabihin. Ipinikit niya ang kanyang mata at huminga ng malalim.
"Mag-isa lang po ako." Matipid niyang sagot.
"Let me guess, tumakas ka noh?" Nakangising saad ni Timothy. Tumango lang si Angen ngunit nanginginig sobra ang kanyang kamay.
"Don't worry hindi siya magsusumbong."
"Thank you." Nakahinga siya ng maayos nang marinig ang sinabi ni Chenley.
"Let's go. Maya na tayo pumunta sa Pilipinas. Manood muna tayo ng fountain. Sigurado mag-eenjoy ka oras makita mo ang sumasayaw na tubig." Masayang kuwento ni Chenley kay Angen. Excited rin siyang makita ito. Gusto niyang kunan ng video upang pag-uwi niya ay may maikuwento siya sa kanyang mga kapatid.